Posted in Boredom

60 wpm


how fast r u?

Nakita ko lang po ito sa isang blog habang nagba-bloghop ako. Nakalimutan ko lang yung blogsite nya na dahil sa dami ng binuksan kong blog sa entrecard. Nainggit ako kaya nakai-gaya na lang, gusto ko lang masiguro kung ga’no kabilis ba ako mag-type.

Kung minsan diba kapag nag-aapply ka ng encoder or secretary tinatanong nila ang typing speed mo. At least ngayon alam ko na. Pero ang bilis ng pagtipa kasi nag-iba iba din naman depende sa mood ng tao. Kapag masaya at feeling masipag ka, parang ang bilis bilis mong magtype. Kapag naman kinakabahan ka, tensyonado or galit, kahit pa ang bilis mong magtype mali-mali naman ang maita-type mo. Kapag naman tinatamad ka at feeling pagod na pagod o inaantok, napakabagal mo namang tumipa ng keys.

Di tulad sa panahon noon, sa ngayon ang mga kabataan kahit na mismong mga batang hindi pa nag-uumpisang mag-aral ay marurunong ng gumamit ng computer. Nag-aral ako sa isang public school simula elementary hanggang hayskul. Nung hayskul kami ang mga may pribilehiyo lang na gumamit ng computer sa school ay ang mga 3rd at 4th year students na kabilang sa section 1 at 2. Hindi ko alam kung paano ba ang ginagawang sistema sa school namin noon dahil biglang napunta kaming mga babaeng nagmula sa mejo mataas na section sa pinakamababang section nung nag-3rd year kami. Muntik na kaming magsipag-transfer sa mataas-taas na section dahil nakakahiya na pangalawa kami sa pinakamababang section. Pinagpayuhan lang kami ng prof namin na hindi daw sa section nakikita ‘yun kundi sa grades at sa mga natutunan namin. Kaya nag-stay kami, nung 4th year na kami ang laki ng hinakbang pataas at napunta kami sa pinakagitnang section. Halimbawa, kung 30 ang section nasa 15 na kami. Mababa pa rin pero parang pare-pareho lang din siguro kami ng naisip na wala sa section iyon kundi nasa utak at matututunan namin.

In short, hindi kami nagkaroon ng pribililehiyong makagamit ng computer sa school. Daig tayo ng mga mga kabataan ngayon na elementary pa lang kabibilis na magsitype at alam na ang pasikot-sikot hindi lang sa paggamit ng computer kundi pati na rin sa pag-aassemble at pag-troubleshoot mapa-software o hardware ang problema.

Nagsimula lang akong makahawak ng computer nung nag-college na ako. Working student ako sa school at na-assign ako sa High School Guidance Office. Ako ang tatayong assistant ng Guidance Counselor at isa sa mga dapat kong matutunan ay ang pagta-type sa computer. Nakakahiya nung una pero dahil mababait naman ang mga kasama kong working students din sa guidance counselor, tinuruan nila ako at hinayaang magtype ng kung anu-ano. Tuldok system pa yun at hirap na hirap akong hanapin ang comma, apostrophe, at kung anu-ano pa. Imagine nyo Wordstar pa ang gamit ko nun para sa mga forms na pinapa-type sa akin kahit na may Word na, di ba mas mahirap dahil hindi mo ma-visualize kung ano ba ang hitsura ng tina-type ko. Pero nakaraos din naman at nakakatuwa dahil maraming nagsasabi na ang bilis ko naman daw magtype. Pero depende din sa gamay mong keyboard un kung minsan. Kapag matigas ang keys, parang gusto kong ibato yung keyboard heheh kasi bukod sa mali-mali na ang lumalabas eh tumatagal pa ang ginagawa.

That’s it for today… kung gusto niyo malaman kung gaano kabilis ang mga kamay ninyo subukan lang po ang link na iyan: Speedtest

5 thoughts on “60 wpm

  1. huwaw! ang galeng galeng mu pala! 36wpm ko lang eh😀

    Rhapsody: Practice makes perfect! That’s what my friend wrote sa sketch na ginawa niya for me heheh. Un kasi ung time na hirap na hirap pa ako magtype. Syang if I have my things with me, i’ll scan it, post it and blog about it.😀

  2. …puchak, ang bilis mo, ang hirap pala itest ang bilis ng typing skills ko, nakakarattle!hehehe! 31 lang ako!nyahahha! hindi ko kasi kaya ang magtype ng hindi nakatingin sa keyboards!;)

    Rhapsody: heheh sanayan lang yan.. ako gayan ng iba di ko din saulo ang lugar ng mga characters sa keyboard pero kapag magtatype na kusa ng napupuntahan ng daliri kung nasaan ung mga letra heheh… bakit nga pala di ko makita ang update sa blog mo? or di ka pa tlga naga-update?

  3. Pwede ka ng maging secretary! Hehe! Tae, 52 words per min lang ako!

    Rhapsody: mabilis na din kung maka 52wpm. Ung nakita kong isang blog 72wpm.. sobrang bilis dibah.

  4. …ganun? kaya mas gusto ko ang dictation para mas mabilis ako magtype e.
    …hay naku, ako din di ko makita updates ng blog ko…di ko naman marefresh buong setting, ewan ko ba. baka nakrungkrung na din ata..o baka lasing pa!hehehe!!

    Rhapsody: kaya minsan nakaka-frustrate sa blogger… minsan naman okei na okei… hmmm ano kayang problema nun.

  5. Eto result ko: 49 words per minute! hehehe! WIZ PEDE MAGING SEXYTARY! HAHAHAHA

    You reached 94 points, so you achieved position 759554 of 853392 on the ranking list

    You type 372 characters per minute
    You have 49 correct words and
    you have 21 wrong words

    Rhapsody: hahaha bonggacious sana kasi 372 characters per minutes kung puro tama sana hahaha… pasa ka na po maging SEXY na lang…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s