Posted in Foods, Health & Beauty, Random Tidbits

Yum!


Nami-miss ko na ang

burger

1. Burger sa Hardee’s, McDo at sa Eat & Drink Restaurant. True! kahit mumurahin lang sa E&D masarap naman saka hindi kasing laki ng burger sa Hardee’s.

shawarma

2. Chicken Shawarma sa mga cafeteria lalo na yung sa Eat & Drink (loyal ba dun lolz) kaso habang tumatagal pa-konti yata ng pa-konti ang chicken parang gulay na lang yata ang laman nito habang pa-mahal din ng mahal ang presyo.
baskin chocoshake

3. Chocolate Shake with cherries sa Baskin Robbins lalo na kapag summer.
cajun shrimp and chicken pasta

4. Pasta na mas masarap sa Friday’s kesa Pizza Hut at Steak (ka-tamad mag-search ng image!) na mas masarap sa Tony Roma’s kesa sa Chilli’s.
biryani

5. I swear masarap ang Chicken Biryani lalo na kapag mejo spicy. Kadiri lang tignan at tikman sa una pero kapag nakakain ka na masasarapan ka talaga.

6. Mainit-init pang cheese-flavored Manakish sa Al Reef Lebanese Bakery. Kaya lang wala akong manakaw na image sa web, mejo iba kasi ang nakita kong ‘tsura sa net eh, kaya next time na lang kapag bumili ako.

Pero iniiwasan ko ng kumain ng mga ‘yan lalo na sa gabi, bihirang bihira na lang. Kasi kagaya ni Mine, nagdidiyeta ako minsan. Di nga lang ako makapag-exercise, walking o gym kasi wala naman akong time sa mga ganyang bagay. Ang paraan ko lang para mabawasan ang taba o bilbil sa tyan ay ang uminom ng chai. Natuwa ako kasi pinadalhan ako last month ni mudra ng chai from Pinas. Di ko sure kung nakakatulong nga ito pero epektib siya talaga pampatunaw ng kinain. Kaya lang kokonti lang pala ang pinadala, good for 1 month lang. Lapit na nga maubos kaya matitigil na ang pag-inom ko. Wala naman epekto kapag isang buwan lang dibah. Kelan kaya ipapadala yung kasunod? Kung meron lang mabibili nun dito eh dito na lang ako bibili para malaman kung epektib nga kapag tuloy tuloy ang inom ng chai.

Fruit diet. Kung minsan ‘yan din ang ginagawa ko. Dinner sa gabi ay fruit(s). Nakakabusog din pala. Nung una hindi ko talaga kaya dahil sanay akong kumain ng kanin mula breakfast hanggang dinner. Pero after 3 or 4 days naka-adjust din ako. Kaya lang may nabasa ako sa isang website na hindi din daw maganda ang pagpu-fruit diet unless kailangan mo ito for some theraphy dahil ang fruit daw ay may natural sugar na pwede ring makapagpataba or worst magdevelop ng sakit. While in another website naman ang sabi dun maigi daw ang ganitong diet dahil ang resulta daw nito ay deeper detoxification sa ating katawan. Linis na ang lamang-loob natin, tanggal pa ang mga fats. Parang mas maganda basahin ang mga nakasulat sa ikalawang website na nakita ko kasi maraming sinasabing magagandang effects sa katawan at isip ng tao. Teka basahin ko muna…

9 thoughts on “Yum!

  1. hmmm.. buti ka pa na te-take mo na kumain ng biryani. ako di talaga. pero yung shawarma dito masarap din, paminsan minsan masarap tumayo sa daanan habang kumakain ng shawarma na kasama mo mga indiano, haha!

  2. ps. yung hardee’s fave ko rin ang whopper jr nila, kase sakto lang sa akin ang size, tapos apple pie sa desert. nagsawa ako last week jan, kase walking distance lang yan sa bahay namin. so, this week, lutong bahay naman pinagsasawaan namin. gaya ng halabos na hipon, pritong tilapya, nilagang baka.. etc…

    kakagutom!

    makapagluto ng longganisa.😆

    Rhapsody: una ko kasing natikman na biryani ay dun sa mejo sowsyal na bilihan, ganda ng presentation pati ng box na pinaglagyan ng biryani, at nung tinikman ko hmmm sarap pala, simula nun isa na yan sa paborito ko.

    sabay longganisa ang ulam ah, tinamad ba lolz

  3. tsk nakakagutom.. noong nasa pinas ako, ang sabi ko noon hinding hindi na ako kakain ng chicken biryan pagbalik dito. nakasanayan ko na kasi na yan ang lagi kainin kapag tinatamad magluto kaya nagsawa siguro ako.

    pero pagbalik dito yan ulit kinakain ko hahahahaha! yung hardees better than mcdo sa lasa..

    hmmmm.. hindi raw maganda ang fruit diet? kaya siguro lagi ako sinisikmura every morning. pag gabi kasi yan din ang kinakain ko eh. masama siguro sa mga tulad kong acidic.

    ok.. from now on… chicken biryani tayo 24/7!!!! nyahahaha!

    Rhapsody: balik chicken biryani ka rin pala heheh… mahirap siyang hindian talaga. Kung minsan nga ako kokonti lang kukunin ko kasi sabi ko plain rice kakainin ko, pero kapag naubos na ung konting kinuha ko, kuha na naman ako sarap kasi eh. Di ko sure kung sino ang nagsasabi ng tama tungkol sa pagkain ng prutas eh. kailangan ko pang magresearch kasi til now fruits pa rin ang dinner ko, magaan sa pakiramdam ang fruits.

  4. hehe… puro talga tayo diet, nako lalong nkakatakam yang post mo :-s , wish ko lang umepekto sakin …hayss… sarap kumain !!! …..tukso.. layuan mo kmi😀 LOLs😆

    Rhapsody: sarap talaga kumain kaya natutukso din ako hehehe

  5. ay ang sama..wla ako sa blogroll.>!!!hmmmp!!!!! —–>walk out.lols

    Rhapsody: hehe cge manguha ka na lang ng pagkain jan… ay sorry hehehe di pa kasi ako naga-update ng list, dami pang wala jan na madalas kong pinupuntahan. pramis sa susunod na visit mo anjan ka na at ung iba heheh.😉

  6. kakatakam naman yang mga pics, naglaway din ako bigla pero hindi! misyel pigilan mong di kumain! hirap magdiet waaahh! ang bilbil ko naglalakihan na sobra!

    Rhapsody: tumpak ang hirap mag-diet, di ko na pwedeng gamitin ang linya ko dati na: “madali lang para sa akin ang magpataba o magpapayat kapag ginusto ko” Ngayon kasi magpataba na lang ang madali pero magpapayat ulit… hmmmnn.. ewan ko ba!

  7. isang pagkakamali ang pagpunta ko dito…
    isang pagkakamaling hindi ko na kayang baguhin..
    pagkakamali talaga…
    …nang dahil sa post na ‘to…tumutunog na ang tyan ko at naghuhurumentado na ang mga alaga ko…huwaaaah!!! kakagutom…wala pa naman akong budget ngayun..

    ilang taon na akong hindi kumakain…huhuhuhu…

    ~chos! epeks lng yan~

    nakakagutom tlaga to..buti nma’t natapos mo ang post na to na hindi naghihilab ang tyan mo..lolz!

    Rhapsody: actually nagawa ko ang post na ito dahil sa matinding gutom. ngwawala na kasi un mga alaga ko sa tyan kaya puro pagkain laman ng utak ko – pero naiisip kong mali ang maging hayok sa pagkain kailangan kong panindigan na nagda-diet ako hehehe…

  8. …kagutom naman dito!he3!
    si jmj never natuwa sa biryani, ako lang daw nakita nyang nageenjoy sa biryani e, kaw din pala. hmmm, di ko pa nattry yang chocolate shake with cherries ah, masubukan nga next time.=)

    Rhapsody: cguro ang nauuna sa kanya ay pandidiring tikman ang biryani.. pikit mo mata niya tapos isubo mo sa knya malalasahan niya un, magugulat siya sa sarap nun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s