Posted in dubai adventures, Life, Rants

tubong lugaw umaapaw pati salamin


Iba’t-iba talaga ang ugali ng bawat tao. Hindi talaga natin maige-generalize ang personalidad o pag-uugali. Halimbawa ng mga :

Pakistani – karaniwan dito ang tingin sa lahi nila ay mga manyak, kuripot at masasama ang ugali, pero may iilan din naman sa kanila na may mabubuting puso din at galante. Gaya ng boss ng dalawang ka-roommate ko. Pwera ung boss ko.

Arabo – malalaki ang bahay kasi maraming asawang binabahay. Pero may iilan din namag kuntento na sa isa o siguro dalawa.

Indiano – sinasampay lang ang gamit ng damit na pinampasok sa opisina, kinabukasan paplantsahin para gamitin ulit kaya namamaho sila, tapos parang ibon pa kung magsalita. Pero hindi din naman lahat, meron kasing mga edukado na may twang ang pag-iingles at meron ding mga mababango at walang amoy.

Pilipino – karaniwang sinasabi natin na tayong mga Pinoy ay mababait, masisipag, magigiliw, maunawain at halos lahat na ng positibong pag-uugali.

Pero kahapon lang kakaiba na naman ang narinig ko tungkol sa dalawang Pilipina na siyang inuupahan nila kuya sa tinitirhan namin ngayon. Lilipat na kami ng ibang bahay sa katapusan ng buwang ito sa dahilang from AED 72,000 per annum rent ay tataas na ng 85k p.a. ang renta ng bahay bukod pa sa ilaw at tubig. Iyan ay ayon kay M, ang Pilipinang (nagpa-convert na ng Muslim nung nakapangasawa sa Dubai kaya siya ay naka-abaya na palagi) naka-deal nila Kuya nung kunin nila ang bahay. Nung December may kumontak at bumisitang isang babaeng naka-abaya din kagaya ni M na may kasamang mag-asawang Pilipino. Pamangkin niya daw ang lalaki at siya daw si F, ang totoong may hawak ng bahay na tinitirhan namin dahil sa kanya daw nakapangalan ang kontrata ng bahay na tinitirhan namin. May angas ang bawat salita ni F. Tingin ko nga ang daming hawak na paupahan nun dito sa Dubai – daming tumatawag nagtatanong kung may bakante siyang villa o apartment o flat. Kung hindi daw namin kaya ang masyadong mataas na tubo ni M na ayon sa kanya ay walang kinalamreceiving-areaan sa kontrata ng bahay na ito, ibibigay niya daw kina kuya ng 75k p.a. Grabe sa mahal ang rent dito noh. Kung iisipin maganda ang bahay 2 bedroom hall na maganda ang interiors. Pero parang ang liit pa din nun para sa presyong ganung ka-mahal. Ang binayaran daw namin ay hanggang pang-15th of March na lang, ang susunod daw na hahawak ng bahay na iyon ay real estate na kaya mas tataas ang presyo.

Ilang uhallwaymaga kaming nagkaroon ng problema sa kuryente. Namamatay ng kusa ang mga ilaw pero ang tv at washing machine nagagamit namin. Dahil sa mga pangyayaring iyan, napilitan si Kuya na tawagan yung number na pwedeng tawagan kapag nagka-problema sa bahay. Magrerequest sana siya ng maintenance para ayusin ang mga problema sa bahay pero galit na galit daw sa kanya yung tinawagan niya, mabuti nga daw at nangyayari na un sa bahay dahil hindi pa daw kami nagbabayad ng ilaw at kuryente for 12 months! Kagulat kasi advance every 3months ang bayad ng baha, kuryente at ilaw nila kuya. Yun nga ang sinabi niya, kaya ibinigay sa kanya ang agency na dapat niyang tawagan. May nakausap skitchiyang babae sa real estate, at sinabi niya pati ang napakataas na presyo, nakikiusap siya na babaan para makuha uli ni kuya ang kontrata. Nakiusap din siya na kung pwede dumirekta na lang siya at wala ng ahente para mas mababa ang bigay. Nagulat naman ang babaeng kausap niya na hindi daw ganung kalaki (72-85k dhs) ang mga presyong binibigay nila para umabot sa lagpas 50k ang pagpaparenta. Nalaman din ni Kuya na ang isang kapitbahay namin ay nagbabayad lang ng 35-40k dhs p.a. Napag-alaman niya din na si M lang ang contact ng agency at wala silang F na kakilala. Nagmamarunong lang pala si F, namumuhcupboardsunan gamit ang laway, cguro nangungumisyon din kay M. At sa ngayon si M ay di sumasagot ng tawag mula kina kuya (at ate na asawa niya). Isa pa, sinabi niyang 15-March lang ang kontrata namin sa bahay na iyon, pero nalaman ni kuya na hanggang 29-Feb na lang daw talaga ang kontrata namin sa bahay na iyon.

Ano kaya feeling ng mga ganyang tao na nagkakapera sa panloloko. Kung sa isip nila business lang ang ginagawa nila. Sana man lang hindi naman ganyang kalaking halaga ang pinapatong nila. Ano kaya feeling nila pag natanggap nila yung cheke na pinaghihirapang pagtrabahuhan ng mga nagbayad sa kanila ng ganung kalaki tapos sila pure lies lang ang ginabedswang puhunan? Tubong lugaw pa, nadaig pa nila ang kinita ng real estate. Bilib din ako sa kanila, di pa nga kami nakakaalis dun eh kung sino-sino na pinapapunta para ipatingin ang bahay, ayaw niya raw kasi na matengga ang bahay niyang iyon dahil malulugi daw siya – un pala eh di naman siya ang nakapangalan sa kontrata.

Kung sakaling makuha ulit nila kuya yung bahay… sayang naman kasi nakapagbayad na kami dun sa lilipatan naming bago. Type na type ko pa naman yang bahay namin ngayon kasi ang daming salamin kahit saan ka pumunta may salamin.

mirrors

Ma-mimiss ko talaga ‘yang bahay na ‘yan. Pero dapat ko ng tanggapin: hindi lahat ng bahay panghabambuhay! Lalo na sa Dubay!

Ang gulo ba ng title…? ‘Sensya walang maisip na matino!

6 thoughts on “tubong lugaw umaapaw pati salamin

  1. …sabi nga ng ibang nakilala ko na matagal na d2 sa dubai, grabe na daw ang ibang pinoy na nagpapaupa ng villa/flat d2, talagang tinataga na nila ang presyo para lang kumita, tapos ang dami pang aberya sa mga paupahan nila! buti ka nga ganda tinitirhan mo, ako sa lungga lang!bwahahah! wala pang salamin!penge naman ng isa!!;p
    ..nagawa ko na pala tag mo.tnx!;p

    Rhapsody: salamat sa paggawa ng tag!๐Ÿ˜€ cge tanggalin ko ung ibang salamin sa bahay hehehe… ngayon lilipat kami sa mas maliit pero mas malaki ang cr hehehe… okei na rin.

  2. Naku, sa lahat ng ayaw ko eh stereotyping. I really believe that people are different though they come from the same country or heritage. Dito, when they see a Pinoy, first question: nurse ka? Hello. Marami pang ibang trabaho na kayang gawin ng Pinoy.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    Rhapsody: huh ganun? dahil po ba for them eh common na na kapag may Pinay na nakapag-US ay dahil sa pagiging nurse nila?

  3. Hindi lang dyan sa Dubai maraming manloloko, kahit saan ka ata magpunta marami nyan.

    bloghopping from the viral linking meme. cheers!

    Rhapsody: iba na tlga mga tao ngayon lalo na pag pera ang pinag-uusapan!

  4. tsk! tsk nakakainis naman sila wala silang awa sa kapwa nila, di ba nila alam ang ibig sabihin ng salitang kababayan. Sino pa ba naman dapat ang magdadamayan kong di ang magkakababayan. Mga mapanamantala sila. NaisiP ko tulOy ang nanaY ko, siguro di nya alam ang gagawin mabalanse lang ang gastusin nya dyan sa riyadh plus yung ipapadala pa nya dito saken sa pilipinas.

    Promise babawasan ko na allowance na hinihingi ko sa kanya๐Ÿ™‚

    Rhapsody: naks ambait mo naman… ako din dun ko lang narealize na hindi din pala madali ang buhay ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa akala ko libo-libong pera ang naiipon, di rin pala hehehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s