Posted in Rants

Nanginginig ako sa inis


Hindi naman sa inaway ko ang ka-opismate naming lalaki na lahing Indian na si R. Dati siyang opisboy dito pero dahil umalis na ang PRO namin na siya ring taga-asikaso ng iba pang gawain tulad ng pagpunta sa bank, sa supplier, sa kliyente. Kumuha ng isa pang opisboy at siya ang ipinalit sa pwesto nun. Kumbaga, na-promote siya kaya lalong nagmamarunong at nagyayabang. Hindi gaya ng mga Pinoy na kapag na-promote humble pa rin.

Ilang beses ng napapansin ng kaopismate kong babae na galing siya sa cr naming mga babae. Ilang beses niya na ding pinagsabihan pero paulit ulit pa ring gumagamit ng cr namin. May cr naman ng lalaki. Tinatanong nga namin kung bading ba siya pero may anak naman siya sa India. Kung minsan ginagamit niya ang cr namin para dun siya maligo, kasi papasok pa siya minsan ng naka-pj’s lang or shorts at may dala-dalang pamalit. Di ko lang pinapansin kasi hindi ko naman nakikita, hinahayaan ko lang ang isang Pinay na sumita sa kanya since siya naman ang palaging nakakahuli na ginagamit ang cr namin.

Ngayon lang umaga pumasok ako sa cr para bumungad sa akin ang naninilaw na weewee. Oo hindi nag-flush kung sino man ang huling gumamit nito. Mas matindi kung minsan may sabit-sabit na jebs, lam mo un? Noon yung isa kong ka-opismate ang nakita niya ay ang jebs mismo hindi lang sabit-sabit. Hindi lang namin alam noon kung sino ba ang baboy na nakakalimot mag-flush. Palagi namang malinis ang cr namin kapag lang may mga nang-aabuso sa malinis na cr nagiging nakakadiri ito. Nainis ako kasi hindi ko na mapigilan ang tawag ng kalikasan, weeweeng weewee na ako. Basang basa ang bowl, naninilaw pa. Kaya no choice kundi i-flush, punasan ng tissue ang toilet seat at lagyan ng tissue para makaupo ako.

from http://donovantan.blogspot.com/Pagkatapos ko tinanong ko agad ang dalawang Pinay na kasama ko kung gumamit ba sila ng cr. Since kami pa lang tatlo ang babae sa opis, iisa lang sa kanila kung sakali ang makakalimot mag-flush. Pansin ko naman na hindi pa sila tumatayo para mag-cr. Kaya kumpirmado si R na nga. Kahit may bisita siyang kinakausap na sa tingin ko ay supplier, kinumpronta ko siya. Tinanong ko kung bakit siya gamit ng gamit ng ladies washroom at pagkatapos ay hindi nililinis. Tumanggi pa at sinabing naghugas lang daw siya ng kamay. Inamin naman na gumamit siya ng cr pero hindi daw siya ang nagwee at di nagflush. Sabi niya may dalawa daw na maaring gumawa nun, ang pinaparinggan niya ay ang dalawang Pinay kong ka-opismeyt. Kaya kinausap din siya ng dalawa at sinabi ang mali niya.

Parang napahiya lang siya sa bisita kaya tumanggi na di siya nagwee wee dun. Pero siya pa lang talaga ang pumasok dun at kaya basang basa siguro nagwisik wisik o naligo siya sabay nung nagwee wee nung nakaramdam. Nung wala na ang bisita kinausap ulit namin at sinabing itatak niya sa isip niya na kahit anong idahilan niya unang-una niyang isipin na hindi siya babae para pumasok na lang sa cr ng babae kung kelan gusto niya. Ang sabi niya nag-gel daw kasi siya. Ang sabi ko kung magge-gel ka at kinailangan niya ng salamin, lumabas siya at pumasok sa lift may malaking salamin dun na pwede niyang gamitin kung di niya kayang ayusin sarili niya pag labas ng bahay. Nanginginig talaga ako sa pagkainis nung kinumpronta ko siya – wala kasi siyang etiquette at dapat isaksak niya rin sa utak niya ang term na hygiene. Hindi namin kami magkakasama ng bahay para iisang cr ang gamitin namin, kaya nga may magkahiwalay na cr ng lalaki at babae.

Kadalasan pa sa kanya nakikipagtalo sa aming mga babae, hind nga namin alam baka bading talaga iyan, kasi mas pinapagalitan mo siya mas lalo siyang hindi tumitigil. Kaya minsan kahit na kausapin niya ako deadma lang ako heheh. Eh yung isang Pinay naha-highblood sa kanya kasi aawayin niya din at wala ding tigil ang bading na si R. Chismoso pa siya, saka ko na lang nga ikukwento ang mga bagay na ‘yan, masyado ng humahaba ang entry.

8 thoughts on “Nanginginig ako sa inis

  1. eeew… floaters! ibaon mo kaya sa toilet bowl ung mukha ni R, so he’ll know the feeling. kadiri!

    Rhapsody: kung pwede nga lang hehe. sabi nga ng ibang lalaking staff dito, kuyugin daw naming tatlong babae at gulpihin, sabi ko naman hindi na kailangan kasi ipa-flush ko na lang siya sa bowl.😀

  2. hmmnn. dapat jan dalain!!😀 (ay bad ako😀 )

    wak maxado inis, sayang ang byuti😀 brit in , brit awt😀

    kabad3p tlaga yung mga taong dedma sa ibang tao at sarili lang ang ini intindi at npka simpe ng cr courtesy..

    lalo sa mall, sarap minsan, gus2 q magsisigaw ng baboy! baboy! baboy! pag yung sinundan q eh inde nag flush at aq pa ang magpa flush kaso bk hulihin ako ng guard LD

    Rhapsody: nagbrit in, brit awt na ko salamat sa concern kundi inatake na ko sa puso sa sobrang inis hehehe… bakit nga kaya may mga tamang pig noh at hindi marunong mahiya.

    hehehe sumbong mo na lng sa guard at ipa-flush na rin tuloy sa knya😀

  3. nyayks kadiri naman sya! eww! ehehe.. bakit nga ba dun sya sa girls nagcCR? at nagkakalat pa talaga tsktsk.. buti nga yan at niconfront nyo na para inde na umulit😀 kung umulit pa ay sapakin nyo na! haha😛

    Rhapsody: ewan ko nga kung bakit, pero ang sabi ng mga kasama ko nagpapapansin daw tlga, at saka maliit daw cr ng lalaki, pero kahit na dibah. kung may matinong pag-iisip siya hindi siya maliligo sa opis, may bahay naman siya eh.

  4. hehe kadiri.

    kung ako sa inyo, pag may nakita ulit kayong palutang lutang dun, salukin nyo tapos ilagay nyo sa bag nya o kaya sa drawer ng table nya.

    Kadiri, pero lintik lang ang walang ganti.

    Rhapsody: ngak! ayoko ng suggestion mo. baka mabahiran pa ako ng mabaho niyang hehehe… wag na lang. ipa-flush ko na lang siya kasama nun.

  5. dapat sa mga taong ganyan eh nginungudngod sa toilet bowl na puno ng dumi. tapos inilalampaso sa sahig ng CR para madala. bolshet yan. kung dito nangyarin yan, malamang nagsusukat na yan ng pustiso at kumakain na lang ng lugaw.

    Rhapsody: ipa-bagahe ko kaya siya jan sa inyo at kapag inulit nya ang ginawa nya dito, gawin mo na ang gusto mong gawin sa kanya heheh

  6. oh kalama lng.. wag msyadong mainis mcra ang byuti mo nyan.. hayaan mo na lng cla.. dadami lng wrinkles mo.. may tag ka pla skin.. hehehe

    Rhapsody: hehehe kalmado na ko😉 cge tignan ko yan.

  7. eiiiiiiww kakainis naman yung ganun parang nanadya🙂 hay nakoo iba pa rin talaga minsan ang ugaling pinoy

    yuck kadiri naman yun di nagfluflush ampotahh ano sya may amo na may magflu- flush para sa kanya grrrr…

    may kilala nga ko ganyan bihira naman sya mag cr sa cr namin mga babae pero malalaman mo siya ang gumamit kasi patak patak doon sa uPuan ng bowl yung mga dilaw dilaw na kulay yuck talaga.

    Rhapsody: nakakairita tlga ang mga ganyang tao, pwede naman buhusan ng tubig ung patak patak na un o ung walang tubig, punasan ng wet tissue… mga taong pasaway na baboy tlga! lolz

  8. eh bakit di nyo isumbong sa management kaya ano? tsaka i-lock ang cr nyo at kayo lang mga babae ang may hawak ng susi. saka lang bubuksan kung may maglilinis. ang baboy naman nyan. tsaka bakit dyan naliligo? wala ba silang liguan dun sa boys na cr? at wala ba syang liguan sa bahay nya? bawal yan. baka mamaya, nagpaparaos yan ng kakaibang raos dyan sa cr nyo. ahhahahah!! baka type ang isa sa inyo. mwehehehe… wag na patagalin. isumbong na yan sa HR nyo or sa boss nya o sa boss nyo. hindi nyo maso-solve na 3 babae yan sa klase na pasaway na pana na yan. pati tuloy ako naiinis eh!

    Rhapsody: isusumbong na nga po eh kaya lang nakakalimutan nung isang ka-ofismate ko heheh… pero may araw din po iyan, dapat dun sa babaeng boss namin siya isumbong. naku parang bading na ewan yan eh papansin lang tlga kaya nakikigamit pa ng cr ng babae, gusto kasi niya lagi bida siya ung parang celebrity na kapag nasa opis siya eh pupunahin mo palagi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s