Posted in Boredom, dubai adventures, Life

Brownout sa Dubai


brownout

Akala ko sa Pinas lang ang brownout pero hindi pati pala sa Dubai. Well actually sa building lang yata namin o baka nga sa bahay lang namin. Ewan ko nga ba kung bakit. 6am pagbangon ko nakita ko ang roommate ko nagsisindi ng kandila. Nagising din si Ate. Akala ni Ate, ang landlady namin, naputulan na kami ng kuryente kasi nga ang contract namin ay hanggang sa March 15 na lang. Kaya nga nalulungkot na ako kasi ang ibig sabihin kailangan na naming maghanap na naman ng ibang bahay. Panibagong pakikisama na naman, sana mababait yung mga magiging kapitbahay naming kabayan. Walang intrigahan, walang inggitan, walang parinigan, gaya namin dito sa bahay.

Medyo nataranta nga si Ate pero naisip niya na meron naman kaming tubig. Kaya hindi kami naputulan. Tinawagan niya ang asawa niya na ng mga oras na iyon ay nasa trabaho na. Pinacheck ang switch, nakita nga namin na naka-off, kaya ni-click namin ang on. Lumiwanag na ulit ang bahay namin, pero hanggang 10minutes lang namamatay na ulit. Haaayy, ilang beses binuksan pero namamatay din talaga. Mabuti na lang may kandila kami, kaya dim light ang drama sa bahay ngayon.

Sana pag-uwi napaayos na kasi kung hindi malaki ang problema ko. Hindi ko alam kung papa’no ako magsasaing na hindi rice cooker ang gamit…

4 thoughts on “Brownout sa Dubai

  1. …ano kamo…pag ino -on ang switch ay nagkaka ilaw naman tapos nag-o-off ulit?…ingat..patingnan n’yo ng mabuti yan…mahirap ng masunogan……i(GOD forbids naman)….

    Rhapsody: oo nga po marami pa naman kaming importanteng gamit at may pera pang iniiwan sa bahay… sabi nga po ng asawa ni ate i-off nalang muna at huwag ng pilitin kasi nga baka sumabog na lang bigla. chineck namin kung alin sa mga outlet ang nagshort may nakita nga po kami sa may kitchen, pero tinanggal namin lahat ng mga nakasaksak na cord sa bahay. ngayon yata tumawag sila ng electrician para icheck.

  2. hay naku, mga 3 months ago problema namin yan as in everyday, every 10-15 mnutes interval! yun pala hindi kinakaya ng circuit breaker namin ang power ng mga appliances namin especially pag sabay sabay nakaopen ang a/c. kaya kusang nagooff ang switch nyo malamang hindi n din kaya ng breaker nyo. parusa talga yan, buti ipapayos na/ goodluck!!

    Rhapsody: naku nakakatakot nga eh masama pala yung ganun. na-experience ko na din yan sa daming haus, ung AC naman ang kusang namamatay. Pero ngayon as in ilaw ang wala mas mahirap, kasi ang dilim kapag umagang umaga. sa breaker nga daw ang problema nyan.

  3. la bang mumu jan?😀 Lols😆 nanakot pa q! nyahaha

    Rhapsody: patay! ako yata unang dadating sa bahay mamayang gabi. sana may ilaw na… di bale di naman pala ako takot sa mumu hehehe…😀

  4. huh nagbrown out pala diyan sa balay? buti nalang d nagka probs. madali talagang mataranta c ante pagganyan.. paguwi mo oki na may kuryente na kayo? hehehe

    Rhapsody: opo nagbrownout nga sa bahay natin. okei nga si ate eh kasi siya nagtingin sa switch… meron na pinatingin din nila sa iba

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s