Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Love & Relationship

Wala ng surprise


Napadaan ako sa bahay ni sis Banana, na-cute-an talaga ako sa gift ng fafa niya lalo na yung pulang teddy. Share ko naman ang suprys ni fafa na pilit kong inaalam bago mag-balentayms. Although binuking niya ang isang suprys na gagawin niya, yung isang sorpresa ay pilit nyang itinago. Pero dahil sa sobrang kutatera ko at nagpalingon lingon na ako sa likod ng kotse nung Feb13. Nakita ko ang paper bag ng Joy Alukkas. Pero nga nung aabutin ko na yung paper bag para kunin pinigilan niya naman ako at ibinigay lang ang bag na walang laman. Naalala ko pa kapag napapadaan kami sa isang road at naka-advertise ito:

bemine

Tinatanong niya ako sa tonong pagkukumpirma kung maganda ba yung pendant na nasa itaas. Sasagot lang ako ng “Oo” sabay tuloy pa rin ako sa pagkukwento ko. Kaya nung napansin kong nataranta siya nung kukunin ko yung bag… more or less nagkaroon ako ng  idea kung ano ang ibibigay niya pero di ako sure kasi sabi niya naiwan lang daw ng kasama niya sa work yung bag na iyon. Kaya naisip kong hintayin na nga lang kasi ayaw naman din niyang sabihin eh.

Nung balentayms day na syempre nalaman ko na. Pero before kami nagkita eh bumili muna ko ng gift ko sa kanya. Ayun nga dalawang long sleeves polo na magagamit niya pagpasok sa office. Pinaghintay nya nga langa ko ng 15minutes bago siya dumating. Kaya naman pala eh, nakipila pa dun sa bilihan ng bulaklak. Tatlong pulang rosas na may tubig tubig pa pati yung mga dahon. Maya-maya binigay na yung isa pang suprys niya daw. Ginaya ang style ko na ilang balot ang pupunitin mo bago mo makita kung ano’ng laman. So nakailang punit ako ng pulang gift wrapper na siya pa daw mismo ang nagbalot. Pagbukas ko… dyaran… tama nga yun nga ang binili niya.

rosered collection polo

Di ko lang akalain na yun nga, may doubt pa rin ako. Kasi nga mejo tight na naman ang budget namin kaya di kami dapat bumili ng bumili ng kung anu-ano lang. Anyway, happy din naman ako kasi nakukyutan ako sa pendant eh. Tapos nun nagtake out kami ng pinoy foods at nagdinner sa beach.

And I’m sorry kay kamahalang Reyna, wala kaming ginawang pagsisipsipang bagang. Wholesome image namin. Actually bawal baka makita kami ng mga ka-pulisan, deport agad kami hahahaha. Mabuti na yung maingat dibah.

Hayan wala ng surprise surprise, tapos na ang Pasko, New Year’s day, Bertdey ko, pati na ang Valentines. Pahinga na muna sa mga gift na ‘yan. Kakasawa na heheh😉

9 thoughts on “Wala ng surprise

  1. awww.. ang sweeet naman🙂 .. buti naman at naenjoy nyo ang inyong balentayms ahehe .. sayang lang at di pala kayo pede mag gums to gums dyan hahah😛

    Rhapsody: hahaha hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo…😀

  2. huwaw!! hayup naman sa gift giving! kainggit! buti pa kayo, kame ni jmj, kumain lang sa labas…tas after pangadults only na lang!!joke!!=)

    Rhapsody: self giving naman ang sa inyo hehehe😉

  3. ANAK NG 1,00AED NA YAN!!! HAHAHAHA!! KABOG TO DEATH AKOOO!! ang ganda ateng! beautifulness ever talaga! GRRRRRRRRRR!!!! sobra naman dyan? walang sipsipang bagang sa kalsada at anywhere in public? ganun ba yun? kung ganun eh di ako pwede dyan o kaya mapipilitan silang palitan ang kultura nila kapanalig! hahahaa SWIRTI mo ‘day! Hahaha

    Rhapsody: wala pero paminsan minsan ung mga puti smack na mejo matagal saka sa beach may nakita din kami nagsisipsipan hahaha pero pag nahuli ng pulis patay ka na, kung di punta ka ng police station para i-claim ulit ang labour card o hindi kaya deport ang byuti mo. heheh.

  4. we’d been to dubai a few years back on holiday. a friend of mine here in UK has a sister who works in dubai.

    May kaibigan siya na Pakistani, personal driver namin for 3 days. Lovely place actually. Not to mention, that there’s a lot of cheap stuff to buy. Pati arabo tawag sa akin ay kabayan🙂

    Rhapsody: oo nakakatuwa nga kasi marami sa mga ibang lahi marunong ng mga kaunting tagalog words… marami ngang mga murang bilihin dito lalo na sa panahon ngayon na may shopping festival, ang mga electronics mas mura din dito…

  5. huwawwww, balemtyms na balemtyms , namumula at namumuso ang paligid😀 sarap talaga pag pag ibig ang nasa paligid😀
    at anong nakakasawa ang gifts??? sawa ka na? akin na lang! Lols😆

    Rhapsody: syempre joke lang yun… pakipot lang ang nagsasawa sa gifts hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s