Posted in Boredom, E-mails & Quotes, Funny & Witty, Life, Work & Work Hard

Job hunting ako


Gusto ko na talagang umalis dito sa kumpanya namin. Wala naman kasing growth kung minsan nahuhuli pa ang salary. Oo nga’t paupo-upo lang kami. Kahit pa pukpukin na kami para magtawag nang makahanap ng kliyente, nasa sa amin pa rin kung gusto ba naming isuot ang headset at magdial ng mga numero. Masarap naman ang buhay sa company na ito. Pagdating sa opis, uupo ka lang maghapon, tititig sa kompyuter, magba-blog, magcha-chat, magda-dial-a-friend para makipagchikahan, bubukas ng chikka para mag-sms sa friends & family, magche-check ng friendster, ng kung anu-anong account, makipag-asaran sa bespren sa Pinas, iinom, kakain ng lunch, ng chicha, iinom ulit, magchichikahan sa opis, browse ng Pep para sa latest showbiz chika, browse ng kung anu-ano pa sa web, titigan ang files at iisipin kung aling kumpanya ang tatawagan, depende sa mood kung magta-trabaho o hindi. O diba ang saya sana at masarap ang buhay. Pero parang may kasama kaming mga devil sa opis, parang sinalo lahat nung fiance ng boss namin ang lahat ng sama ng ugali, iba ang atake. Parang yung napapanood nating kontrabida sa Marimar – si Angelica the devil. Para siyang ganun.

Kaya nga naisipan kong magpasa-pasa muna ng CV kahit pa ang balak ko pa naman ay after May or June ako aalis dito. Marami rin ang tumawag para mainterbyu ako. Sa ngayon nga nirereject ko na muna yung iba kasi nga mejo malayu-layo pa ang May at June.Nagsasawa na rin ako sa present career ko. Gusto ko naman sa ibang field. Ito nga ang mga pansamantagal na pinagpipilian kong career na tatargetin ko.

Kakayanin kaya ng powers ko ang maging PORTER? Ang advantage… makakapagexercise na ako regularly, unlike ngayon na buong hapon nakaupo kaya lumalaki ang tyan. May disadvantage nga lang… lalaki lalo ang muscles ko sa braso at makukuba ako. Ayoko nito!

pic1

How about… yan yung nasa baba? Sosyal sa airport ako nagta-trabaho mamimili ako ng country kung saan ako i-aasign, yun nga lang itutulak ko yang ganyang karaming bagahe. Sayang! Dream ko pa namang magtrabaho sa Airport!

pic2

Keri ko kayang bumaligtad at magkabit ng AC habang inaalalayan lang ako ng mga friendships ko? Pag-iisipan ko…

pic3

Siguro eto challenging na work. Trip ko kasing magbutingting eh. Pwedeng ako na lang mismo magtayo ng ganitong business. Dahil maguumpisa pa lang ako sa negosyo dapat tipid, kaya kahoy na lang ang gagamiting kong tungkod.

pic4

Maging lift ng fork lift kaya???

pic5

Mag-ayos ng mga sirang kable na ganyan ang tinutungtungan?

pic6

Parang like ko din ang mag-pinta. Pero sa ilalim daw ng basement eh…

pic7

Maging isang Aeronautical Engineer. Tama malaki ang suswelduhin ko nyan!

pic8

Electrician? Sana hindi ako mahulog nyan sa tubig.

pic9

Mag-volunteer na lang kaya akong mag-ayos ng mga ilaw sa kalye.

pic10

Ito na lang kaya? Sana yung mga asintado ang bumaril.

pic11

Ang hirap pa sa ngayon magdesisyon. Basta pag-iisipan ko ‘toh!

2 thoughts on “Job hunting ako

  1. Hay naku, punta ka na sa A Pinay In England at find out how you can work in the UK!

    Sali ka naman sa chikahan namin sa da one and onli Pinoy radio show sa UK, ang Usapang Pinoy. Bukas Saberday, 3pm UK time, o 10am sa East Coast, 7am sa West Coast, 11pm sa Manila. Punta ka sa Future Radio. Click on LISTEN ONLINE at ayun, makakarinig ka na ng Pinoy music at talakayan about issues affecting Pinoys in the Philippines, the UK, the US and elsewhere.

    At pwede ka pang makipag talakayan sa amin. Mag instant message ka using the INSTANT MESSENGER sa home page ng Future Radio.

    Kung na-miss mo ang first show, punta ka lang sa The Goddess In You – Maiden Voyage. At the end of that post is a link where I have uploaded the entire first show.

    And other shows have been uploaded on A Pinay In England. Just click on Podcast under Categories.

    Rhapsody: naku totoo po ba yan… cge punta ako… Di ako nakakapagkinig ng live sa Future Radio Show… wala kasing pasok tuwing Saturday… kaya malamang yung replay na lang ang mapapakinggan ko.. sayang naman, ang saya sana makigulo kahit man lang sa YM!

  2. …hehehe, hayup sa jobhunting ah!! grabe, parang ako nga din naeenganyo na humanap ibang work. maganda naman sa company namin kaya lang nakakabato na sobra. =( kaya lang wala ata akong matitipuhang trabaho sa mga mentioned above!!!hehehe!
    goodluck sa jobhunting.

    Rhapsody: oo nga eh kaso wala akong itulak kabigin sa mga natitipuhan kong yan heheheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s