Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Love & Relationship

Gusto ko ng surprise


Kaya naiinip na ako sa oras.

Gusto ko ng mag-uwian at since Thursday ngayon okay lang kahit gabihin ako ng uwi. Wala nga diba’ng pasok bukas at sa Sabado. Dapat ng i-celebrate ang balentayms. Dapat kapag balentayms i-consider na holiday. Eh pano kung nagkataong single ako ngayong taon? Eh di bitter-bitteran na naman ako. Mabuti na lang hindi dineklarang holiday ang valentines.

Gusto ko ng malaman kung ano ba ‘yung sorpresang sinasabi niya sa akin kahapon. Wala akong puso. Inaway ko siya kagabi. Kasi naman expecting naman ako masyado. Hahah. Akala ko kasi 13 namin iseselebreyt ang balentayms. Aba hindi pala. Hinatid ako sa bahay ng luhaan. Joke. Hindi naman ako umiyak. Naasar lang. Kasi sinadya nya pala akong asarin talaga para daw magalit ako. At nagalit nga ako. Kaya habang pauwi di ko na kinakausap. Tinext ko ng sama ng loob ko. At in-expect din pala ng loko at hinintay talaga niyang ma-receive ang text ko. Ang sama dibah. Eh cguro nasaktan siya sa tinext ko, pinagalitan ako. Actually hindi naman nagalit talaga, pinagsabihan lang ako. Tagal bago niya ako napaamo ulit. At siyempre sinabi niyang hindi naman daw na dahil wala siyang ginawa kagabi ang ibig sabihin ay wala siyang pina-plano. Ang plano niya daw ay talagang ngayong araw na ito. Sabi ko ayokong mag-dinner sa labas madaming tao. May ibang plano na daw siya dahil alam niyang hindi daw ako sasamang magdinner sa labas. Pinilit ko ng pinilit hanggang sa sinabi niya na kung ano ang plano niya. Kaya wala ng sorpresa hahaha. Pero may isa pa namang natitirang suprays, at ayaw niyang sabihin kahit na kunwari galit na ako at umiiyak, ayaw pa rin matigas na ang puso at kaya na ‘kong tiisin. Pero parang nahalata ko nga siyang may tinatago siya sa backseat. Dahil nung may napansin akong bagong paper bag sa likod ng kotse, sabi ko kukunin ko yun. Pinigilan ako at muntik pang masiko ang mukha ko sa pagpipigil niya sa akin. Inabot niya naman yung paper bag pero tinanggal niya yung laman at napansin kong dun niya nilagay sa may likuran ko. Para siguro hindi ko masilip. Ang sabi niya yung laman daw nun ay dun sa isang boss niya naiwan daw. Kaya di ko na inusisa. Pero obyus eh. Nung nakaraang taon kasi, nabuking ko din na may tinatago siya sa likod ng sasakyan. At wala na siyang nagawa kundi ibigay nung araw din na iyon. 13th din ang araw na iyon, cguro ibibigay niya sana sa mismong valentines day. Kaya tuloy ngayon naiinip ako at sobrang curious na kung ano ba talaga yun.

Bakit ba ala-una pa lang ngayon? At ako, ano’ng regalo ko sa kanya? Hindi ko na pwedeng bilihin yung bag para sa kanya. Sagot pala ng kumpanya nila yun, buti at natanong ko. Okay lang kayang ibigay ang long sleeves polo? Kasi kailangan nga yun sa pagpasok sa opis eh. Pag-iisipan ko muna ha.

Happy Valentines ulit sa inyo!

7 thoughts on “Gusto ko ng surprise

  1. huwaw! kahit papano exciting balentayms mo kahit may mga asaran blues. enjoy the rest of the day, mylenepie. happy valentines!πŸ˜€

    Rhapsody: i hope i will heheheh.. parang sigurado… happy valentines din!πŸ˜€

  2. hehehe! KAINIS KA! hahaha! VERDITAS ako at least me ini-eggspek ka noh? AKO? kahit kaskasin ko nang bunot yong ipen ko wala pa rin akong kasipsipang bagang mamya! GRRRRRR!!!

    Rhapsody: hahaha napagsasabihan tuloy akong hibang dito sa kakatawa sa mga sinasabi mo hehehe… sagutin mo na kaya si Malen just for today kaso pano kayo magsisipsipang bagang eh ang layo niyo sa isa’t isa hahahaa

  3. weee… selos tuloy ako..may matching asaran epek pa kau ha…gggrr gawain ko rin yan sis..hihihi–and pina-excite mo rin ako dun sa suprys nya…happy ako na happy ka this balentyms!

    happy valentines sis!

    Rhapsody: oo na-excite nga ako dun eh at nasuprys naman ako hehe… hapi balentyms din!πŸ˜€

  4. harang ka nmn haπŸ˜† bat binubuking mu agad, hayaan mo ng surpresahin ka nga, hirap mu cguro surpresahin talagaπŸ˜€

    Rhapsody: gusto ko talaga ng nasusurpresa pero dahil minsan di ako makapaghintay, nandadaya ako… inaalam ko o kaya nakikiramdam ako hanggang sa mabuking ko kung ano nga iyon hahaha… more or less may idea na ako kung ano yung matatanggap ko nitong valentines.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s