Posted in Events & Occasions, SoundTrip, Videos

Happy Puso na bukas


Bukas tuloy na tuloy na talaga ang balentayms. Madami na namang mga magsising-irog ang nagkalat sa lansangan. Magseselos na naman ang mga loveless sa mga mawi-witness nilang ka-switan ng mga may jowa. Noong singgol pa ako hindi naman sa super hate ko pero bitter lang siguro ako tuwing balentayms gaya ng sinabi ko dito wala akong natatanggap na bulaklak tuwing araw ng mga puso. Meron mang nagbiay pero ngayon na lang nangyayari yun. Kaya tuwing feb14 umaasa lang ako sa wala. Nakakainggit yung mga babaeng may dala dala kahit isang pirasong pulang rosas. Di lang natin masabi baka ipina-deliver lang nila sa sarili nila yun masabi lang na may nagbigay hahaha.

Hindi na nga pala ako matutuloy sa mga date ko with friends. Kasi nga hindi naman ako nakapagsabi until now kay fafa. At tiyak ko sasama ang mukha nun kapag nagpaalam ako ng ganun. Okey lang siguro kung normal na araw pero balentayms nga eh baka isipin niya naman as in ibang level na date na yung pupuntahan ko. Sa show ni Aiza, hindi na rin kasi may lakad pala kami ni fafa kasama ang mga roommates ko sa GV. Wala pa akong naiisip na ireregalo sa kanya. Pero meron siyang gustong bag na pwede nyang magamit kapag may meeting siya sa kliyente nila. Un na lang kaya? Bahala na.

Muli ay binabati ko ang lahat ng bumibisita at naliligaw dito ng Maligayangvalentine-love-ur-blog.jpg Araw ng mga Puso, wala man kayong jowa or maraming jowa sa buhay. Salamat pala kay dhez dito sa ipinasa nyang greetings. Para din ito sa mga ka-blog ko na makikita ang links sa sidebar ko.

Cge na po magta-trabaho na ako. Kinig kinig na lang muna kayo dito kay Mareng Martina.

11 thoughts on “Happy Puso na bukas

  1. ..hala, but pa kayo GV ulit! kame di na nakabalik para ituloy pictorial ko!hehehe!
    saan kayo date ni fafa? hay naku, kme jmj sa walang kamatayang tokyo on the rocks!hehehe! sashimi evah!!!hehehe
    happy valentines!!!

    Rhapsody: mamaya ang date namin para di sabay sa iba, pero baka di din matuloy, malamang road trip na naman. un lang. at sa vday kasama namin ang isa kong friendship, hahah parang may chaperon tuloy ako. Yep GV ulit kami kasi gusto nung mga karumeyt ko punta nung last month kasi iba ang kasama namin dun, kaya ayun tuloy ang pictorial heheh… pag napadaan ako jan sa tokyo na yan sisilipin ko kayo hahaha. happy valentines din!

  2. hapi balentayms din!!!

    honga!!! kakainggit yung mga ganun..bigayan ng mg bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pa!!! dahil sa inggit, nagiging bitter na..hhaha..
    pero at least ngayon, may instant date ka na!! di ka na magiging bitter…heheheh

    magdidate kayo ng fafa mo noh?? lolz!

    Rhapsody: hahaha kami ni fafa cguro pero di cgurado hehehe. parang tinatamad kasi ako lalo na kung matao ang paligid at kung sakali naman may date kami, mamaya na un dapat at hindi sa mismong balentayms! Hapi Hearty sa’yoh😉

  3. …roadtrip?basta ba me food galore noh! sarap ng date nyo!heheh! hay naku, katatawag jmj, sa 15 na lang daw kme date ng valentines sa tokyo kasi isasabay na sa 23rd monthsarychuva namin!! kuripot!!bwahahahha!!! sge silip k dun, pagnakilala kita treat kita!!heheheh!!!

    Rhapsody: uy tlga hehe… okei na un at least dobol selebreyshen heheh… dapat kasi sinagot mo siya mismong 14 hahaha..

  4. happy puso din sau😀 ka inis tlaga mag isip nf gift sa fafa, di tulad sating mga gurls, endless possibilities….

    Rhapsody: at sa iyo din😉 oo nga pag gurl tlga daling bilhan dami kasi tayong kalandian sa katawan na pwede nilang ibigay unlike sila… iilan lang ang choices.

  5. happy valentines sis!

    huhuhu…inggits ang byuti ko sau..at may ka-date ka sa araw ng mga fuso..hahahaha–ako? ma swerte kung may mag aalok ng date skn…hahaha– inalok nman ako ni fafa marko..hahaha pero chat lng kmi sa 14…huhuhu–so lungkot nnman ang vera…hahahayyyzzzz (hahanap na lng kaya ako ng proxy ni fafa…nyahahaha)

    enjoy the day sis! feel the LOVE!

    ingats! labsyu!

    Rhapsody: at least inalok ka ng date ni fafa marko mo dibah un nga lang online hehehe… kaya magbabad ka na lang sa pagcha-chat sa luvs mo. wag na hanap ng proxy ha.

  6. ahehe happy balentayms na!!😀 enjoy sis😉 wag mo na kami pansining mga bitter haha magmumukmok lang kami sa tabi lolz😛

    Rhapsody: hahaha sa pretty mong yan im sure madaming nag-alok ng date sayo un nga lang nirereject mo.

  7. sissy, happy hearts day!! miss you na chikahan natin kase tagal kong nawala. anyways, im back, sana… hehe..

    sino ka date mo bukas? lols..

    Rhapsody: oo nga at madalas kang busy sa work mo sis… okei lang yan. happy vday din sa iyo… san date niyo ni fafa?

  8. date? uso pa ba yan? hehe.. wag na uy, gastos lang yan, i gift na lang haha.

    Rhapsody: uso pa rin daw kasi yung boss namin magpa-book daw ba sa burj al arab ayun ndi natuloy, ewan kung saan sila nag-dinner date ng jowa niya😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s