Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Love & Relationship, Showbiz & Celebrities

friendship at v-dates


I missed my best friend Jing. Kasi naman bawal na daw gamitin pangpersonal ang PC nila o ang internet. ISP ang company nila, meaning may mga server dun at may nagmomonitor sa bawat puntahan nilang website. Malamang may mail server din sila kaya kahit outlook express bawal ang personal. Hindi na tuloy kami nakakapag-email sa isa’t isa. Sa email lang namin naa-update ang isa’t isa pero mukhang ayan nawala na naman. Pwede pa rin naman siguro pero paminsan-minsan na lang. Hindi kagaya ko dito kahit bawal daw eh, matitigas ang ulo naming mga Pinay dito sa kumpanya. Hindi naman sa inaabuso pero yun na lang ang iniisip naming benefits katumbas ng benefits na hindi namin nakukuha sa kumpanya. Kaya naman ng ma-google ko nung nakaraaang taon kung ano ba yung icon na palagi kong nakikita sa gilid. Nalaman ko na server pala iyon at pwedeng pwede niyang makita ang ginagawa ko ha. Mega-search agad ako – aba nalaman ko meron palang FREE edition yun. Naisip kong malamang free edition lang ang naka-install sa PC namin dito sa opis kasi ang anti-virus din namin ay nadiskubre kong free download lang din. Kaya ang ginawa ko in-uninstall ko sa PC ko. Kunwari na-reformat na ito kaya nawala na ang ibang naka-install dibah. Hah! Akala nila ha mauutak yata ang Pinoy! Nabasa ko kasi dati sa website ng free sever na iyon na dapat ay iinstall mo lang iyon sa network na gusto mong i-browse. Kaya naisipan kong burahin para hindi niya makita kung ano man ang mga illegal na ginagawa ko. Joke. Nagtatrabaho naman ako ng mahusay eh kaya nga bihira na lang akong nakakapag-blog at hop heheh.

I missed my best friend Jing talaga. Kasi malapit na din siyang mag-asawa. Tapos ni hindi man lang ako kasama sa special day niya dahil I’m here nga eh! Kapag nagmeet kami ulit na magfriendship hindi na siya kasing free kagaya ng dati. Paano na ang gala namin na kahit gabihin kami ay okey lang. Kapag nag-asawa na siya wala na akong kasamang kakulitan at magreminisce sa mga lugar na naging memorable. Bahala siya mag-asawa siya kung gusto niya, susunod ako heheh. Napakadami ng mga nangyari sa buhay namin na hindi na namin nakukuwento sa isa’t isa. Dalawang taon na rin kasi akong wala sa Pinas. (February 09 –10:30pm Dubai time ang ikalawang taon ko dito) Nabigla na lang nga ako nung sabihin niyang malapit na pala siyang mag-asawa. Noong mga nakaraang buwan kasi naguguluhan pa siya kung papayag na ba siya o hindi pa. Pero ngayon mukhang tuloy na tuloy na. Nakakalungkot naman pero I’m really happy for her.

Okay enough of my bestie. Tungkol naman ito sa mga date ngayong V-day!

Nagpi-feeling na naman ako. Nalilito ako kung papayag ba ako o hindi. Kung sakali naman anong excuse ang ibibigay ko kay fafa? Last Wednesday nakausap ko ang isang mejo close kong guy friend at pinakausap niya ang isa pa naming guy friend na hindi ko masyadong close pero friend ko na din. Nagmeet na kami dati pa nung bago pa lang ako dito, ahhmmm mga ilang beses na ba….once. Oo nga once lang pala kami nagmeet nung isang yan. Pero madalas kasi nila akong tawagan at kamustahin dati. So kausap ko na nga si hindi masyadong close friend. Nagpaparamdam siya at nagyaya na labas daw kami sa 13th tamang tama daw Wednesday, at hindi daw siya kasi lumalabas ng exactly 14th of Feb. Pinaramdam ko na mejo tagilid, sinabi ko na lang na bahala na. Pero crush ko yan dati eh. Kaso ang babagal kasi nila eh huli na. Alam naman nilang may fafa na ako. Naramdaman niya namang nagdadahilan ako dahil nung ikalawang yaya niya na pumasyal naman daw kami minsan sa jebel hafeet (yung madalas naming puntahan sa taas ng bundok tapos may hotspring sa baba). Apat daw kami – ang gf daw ni mejo close friend ko, tapos kaming dalawa. Pero guys hindi ko kasi kayang mangaliwa hahah. At kapag may date akong iba, alam ni fafa ever ko. Tiwala kasi yun sa akin na hindi lang ako makatanggi dahil nahihiya ako at may pinagsamahan naman kami nung nagyaya sa akin na friend. Anyway, yung isa ko namang naging solid friend, niyayaya akong manood ng show ni kagwapuhang Aiza Seguerra on 15th.

aizaAiza Seguerra concert
Filipino singing sensation Aiza Seguerra, who has featured in 30 movies and has released 8 music albums, will be in town soon. She has received a multi-platinum award (quintuple) for the outstanding sales of the album Pagdating Ng Panahon and a double platinum award for outstanding sales of the album Pinakamamahal.

    • Date: February 14 and 15
    • Venue: Ratsky Ramada Continental
    • Hotel Tickets: Dh100
    • Contact: 050 7158664

Nagtataka lang ako, akala ko sa Karama Hotel lang ang Ratsky meron din pala sa Ramada? Ang gulo ng venue ha. Pero lahat ng iyan di ko pa naipapalam kay fafa kaya hold muna, ang sagot ko lang sa mga boys ko ay ‘Cge bahala na. Sabihan na lang kita. Text-text na lang’ Hahahah. I’m sure hindi matutuloy ‘yang mga lakad na ‘yan. Dapat kasi at least a week before ipinaalam ko na kay fafa. Kaso baka ma-jelly na naman hehehe. Actually kung iisipin pwede naman dibah. Espesyal ang kay fafa kasi 14th ang sa kanya, valentines day talaga yun, except 13 and 15 para dun sa dalawang mokong sana. Gusto ko sanang pagbigyan kahit si solid friend lang kasi birthday niya sa 15th. Basta – aabangan ko na lang kung ano ang magiging desisyon ko. Happy Heart’s Day na lang muli sa inyong lahat! Mwaah!

3 thoughts on “friendship at v-dates

  1. happy hearts day =)
    hahaha nabasa ko ang comment mo kay malen, dapat sis di ka na nahiya… tingnan mo ko kapal muks hahaha nakabalandra lage ang makapal kong fez!!!

    Rhapsody: actually sis hindi na din ako nahihiyang ibalandra ang thick fez ko kasi nagkalat na din dito sa bahay ko hehehe… nahihiya lang akong manggaya gaya sa pagiging magazine cover mo hehehe… pero thanks sa encouraging words mo hehehe… bukas ipo-post ko ang pictorial ko nyahaha😉

  2. weeeeh haba ng hair ng maganda kong sis!! ahehe.. abot hair mo d2 sa pilipins😛 .. ok lang naman sumama sa friends basta may permission ni fafa at wala ka naman gagawin msama ahaha nakisali tlga ako noh😛 .. natawa ako sa “kagwapuhang” Aiza haha, dami siguro labirds nyan sa concert😀

    Rhapsody: kunsintidora ka ha hehehe… ay umabot ba sa pilipins basta wag lang tapakan ha😉 ang tanong, naga-gwapuhan ka ba kay Aiza?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s