Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Love & Relationship, Uncategorized

happy valentines


Uuuuyyyy lapit na ulit ang Valentines Day. Actually simula pa noon hindi naging espesyal ang v-day para sa akin. Unang-una dahil iilan lang ang naging boypren ko. Tapos iisa lang ang masasabi kong seryosong relasyon, yung ngayon lang. Nauubusan pa ako ng manliligaw at admirer tuwing January at February kaya sorry na lang ako. Noon din kasi parang batang isip pa ako kahit college na ako. Hindi ako nagseseryoso lalo na pagdating sa manliligaw o sa boypren. Sa dinami-dami ng nagka-crush at nanligaw sa akin (feeling byuti na naman ba heheh pagbigyan na po balentayms naman), tatlo lang ang naging boypren ko. Ang pinakauna, hindi man lang umabot ng isang buwan. Siguro mga dalawa o tatlong araw na lang aabot na sana ng isang buwan – hindi pa umabot. Ang nakakatawa dun, siya ang nakipag-break. O dibah kapal ng mukha… kahiya hiya sana man lang hinintay niya ako. Muntik ko ng batukan ang sarili ko sa pagkapahiya. Kasi ilang araw ko ng pinag-iisipan kung papano ako makikipag-kalas sa kanya. Aba hindi ko alam uunahan pa pala ako ng mokong. Dahil nga wala naman akong feelings sa kanya at sinubukan ko lang kung mai-inlove ako. Kasi naman, 2nd year college na hindi pa rin ako nagkaka-papa. Hindi naman ako kapangitan. Sabi nga ng iba masyado daw akong mapili pero sa totoo lang hindi naman. Kahit nga ikaw pa ang pinaka walang hitsura basta mabango ka, malinis sa katawan, mabait at syempre love ako, magkakagusto ako sa iyo. Nung time na sinabi niyang break na muna kami kasi mag-iisip isip muna daw siya. Syempre ano pa bang mararamdaman ko eh di matuwa – nakahinga kasi ako ng maluwag nung sinabi niya yun at least di ko na kailangan pang mag-isip ng paraan kung papano ko siya maiiwasan. Ang problema din kasi sa akin, nilihim ko ang pagiging mag-on namin. Kasi nahihiya akong tuksuhin kami ng mga friends namin. Ganun ako ka-mahiyain – kahit sa pagboboypren ayokong malaman agad ng iba. Pinakiusapan ko siya na huwag na muna naming ipaalam sa mga kakilala namin na kami na. Pumayag naman siya. Ilang beses niya akong kinulit na sabihin ko na pero sabi ko hayaan niya na lang akong maghanap ng tamang panahon. Ayun naguluhan siguro kaya mag-iisip-isip daw. Makalipas ang ilang buwan, tumawag siya at nakikipagbalikan. Sinabi ko may boyfriend na ako kahit wala pa talaga hehehehe…

Naka-graduate na ako ng college. Ilang lalaki din ang nabigo. Ilang beses din akong nabigo dahil bakit kung sino pa ang crush ko eh yun pa ang walang interes sa akin. Well anyway dahil hindi ako ang tipong aggressive na babae… na gagawa ng paraan para mapansin ng crush. Mahiyain nga eh kaya wala akong guts na magparamdam sa crush ko. Pinalampas ko na lang lahat yun sila. Nagsawa din ako sa mga mukha ng mga lalaking yun. Isang taon akong nabakante sa pagtatrabaho. Nang makakita na ulit ng trabaho, dun ko na na-meet ang ikalawang boypren. Di ko siya type nung una pero naku-cute-an ako sa mata niya, chinito kasi. Tinutukso tukso kami ng mga ka-department ko at siya naman ng mga ka-department niya. Pumupunta siya sa bahay at dinadalaw ako kahit pa late na late na at umuulan pa. Pagkatapos uuwi din agad. Ako sa Cavite City, siya naman sa Alfonso Cavite. O dibah ang layo. Nagttyaga siya kung minsan na bumiyahe para ihatid ako pauwi at tumambay lang ng isang oras sa bahay namin. Yung aso kong si Tisay – suplada yan sa ibang tao at basta na lang nangangagat ng di naman dinidiin pero siya lang ang hindi nito tinangkang kagatin. Tapos gusto din siya ng magulang ko dahil mukhang mabait at mahiyain daw kagaya ng tatay ko. Kaya sinagot ko siya.

Pero di rin nagtagal. Tumagal actually ng 6 months. Pero parang 2 months lang kami kasi nawala na ako sa kumpanyang iyon at simula nun dumalang na din ang dalaw niya. Iba rin ang feeling ko sa kanya parang lagi akong nagda-doubt sa pagkatao niya. Mas lalong hindi na posible kung madedebelop ba ang feelings ko sa kanya – kaya pagkatapos ng apat na buwang pag-iisip kung papano at ano ba ang magandang dahilan para i-break na siya, finally nai-text ko din sa kanya. At nakalaya ako. Kahit pa magpumilit siyang magkita kami dahil may kailangan din daw akong malaman, tumanggi na ako.

Andito na ako sa Dubai ng may nagkumpirma sa akin na may anak na nga siya. Iba talaga ang instinct ko, ng mga babae. Asawa? Hindi namin sure kung hiwalay o hindi. Pero ang pamantayan ko kasi sa buhay ay – huwag maiinlove sa isang lalaki na may anak na at may asawa o hiwalay sa asawa. Unang una kapag may anak na yan at may asawa – saan ka pa lulugar sa buhay niya. Pwedeng pampalipas ka lang ng oras, pwedeng naguguluhan lang yung lalaki sa relasyon nila ng asawa kaya naghanap muna ng iba. At saka nakakaawa din ang anak at asawa nung lalaki pati na rin ikaw kasi in the end malamang ikaw ang talunan. Pangalawa kung hiwalay sa asawa – may pag-asa pa rin silang magkabalikan unless divorce na sila baka sakaling may chance ka na sa iyo talaga mabuhos lahat ng panahon niya. Naalala ko tuloy nung tanungin niya ako kung halimbawa daw ba may anak na yung isang lalaki – magugustuhan ko pa ba. Eh ako naman biglang sagot ng ‘Hindi na noh! Siguro ikaw may anak ka na.’ Sabay tanggi naman siya. Mabuti na lang din at malakas ang kutob ko at mabuti rin hindi ako nagkagusto sa kanya ng totoo.

Itong pangatlo at mukhang last na talaga. Wala akong masabi kahit pa may misunderstanding kami, masaya pa rin naman. At siyempre ako lang ang nag-iisang reyna sa buhay niya. Pero hindi rin kami nakapagcelebrate ng Valentines last year kasi wala kaming pera that time. Binigyan niya lang ako ng isang red rose at isang maliit na heart-shaped stuff toy. Ang sweet lang ng isang friendship ko kasi parang siya ang boypren ko ha. Ang ginawa niya nagpadeliver sa office ko ng isang dosenang red roses tapos may malalaking balloons. Hiyang hiya nga ako nung pauwi na ako at hinihintay ang pagdating ng carlift ko. Pinagtitinginan na ako ng bawat kotseng dumadaan kasi kahit na itago ko sa likod ang mga dala ko – kitang kita pa rin ang mga pulang balloons sa likuran ko. Kaya kinabukasan tinawagan ko siya at nagpasalamat ako. Pero sabi ko next time huwag na siyang magpadala kasi nakakahiya, bukod sa tinutukso ako sa office eh pinagtitinginan pa ako. Pero ang saya pa rin kasi nakikita kong mas happy at kilig ang mga ka-officemates ko.

Ngayong Valentines ano naman kaya ang mangyayari? Hmmmn tingin ko lang ha… wala ulit kaming date kasi wala ulit kaming pera hehehehe…

HAPPY HEART’S DAY EVERYONE!!! V-day!

pink valentine

<—- ito nga pala yung wallpaper ko ngayong love month… la lang! naisip ko lang i-share kasi ang cute ng kulay…

7 thoughts on “happy valentines

  1. hey sis!

    kahit anong nangyari sa mga past boyprens mo, its not ur lost, it’s their lost dba? hinayaan nila ang isang magandang dilag na lumampas sa buhay nila…talo sila!–ang luck nman ito c mr.guy mo sau, for sure! hndi nman mahalaga kung nag-cecelebrate kau ng v-day as long as happy kau sa isat-isa at mahal nyu ang isat-isa thats the best thing! –ganun din kc kmi ni Mark, eventhough hndi xa ang pang una, pangalawa, pangatlo,pang-apat…hehehe dami ba? bsta hndi xa pang sampu…hahahaha nung nakilala ko xa…sabi ko eto na, and no regrets nga na i gave my love na hndi ko binigay sa mga naging ka-relasyun ko. wer not celebrating v-day too, same reason u have ala kming pera.nyahaha

    musta na sis? ingats palagi!

    Rhapsody: Hi sis! Musta ka na din! Tagal nating di nakapagkamustahan ha… busy ang byuti natin pareho😉 Hayaan na natin ang mga guys sa nakaraan, ibig sabihin lang nun ndi talaga sila ang ating destiny😉 Pang-siyam ba si papa Mark? heheheh… as long as happy tayo sa relationship yun ay isa ng magandang Valentines gift! naks!😀

  2. Hi… there’s nothing sweeter that getting gifts pag Valentine’s. Sarap talaga ng feeling pagnililigawan. Pero I agree with you in not settling with someone who has obligations. Based on experience, losing end talaga tayong mga girls sa ganung set-up. To think we have to assume the responsibility someday.

    Oh well, glad to find pinoy bloggers here in WordPress, I’m new here lang and I thought walang Pinoy. Hope you can link and visit my blog.

    http://daleberog.wordpress.com
    http://kleinchik0104.vox.com

    Rhapsody: Hi daleberog! Salamat sa pagdaan!😉 Kaya kung minsan tayong mga girls ay mag-iingat sa mga desisyon sa pag-ibig hehehe…

    I’ll link you up sis and check ur blog too😀

  3. Iba talaga ang feelings kapag nakatanggap ka gifts on Valentine’s day, may kilig factor kahit na ano pa yan dba? oh well, pareho tayo kapag may anak na or asawa hiwalay man ito di na kinakaya ng kunsensya ko. May naging bf na din ako na may anak at hiwalay sa asawa pero nung sinagot ko siya at naging kami ng mga ilang buwan di ko yun nalaman pero mabait pa din si God kasi bago pa man ako mahulog ng husto ke mokong pinaalam Niya na ayun niloloko pala ako at nung time na malaman ko nga hiniwalayan ko siya agad. Hay lalaki talaga…

  4. rhap:) youre not the loser of all those bitterness memories.

    let them show, you deserved something good of your love life now.

    Rhapsody: oo naman sis… im thanking GOD ng sobra kasi hindi ako agad naiinlove sa isang lalaki hahaha… pusong bato…😉

  5. uhmmm… first time magcocomment dito… it seems ako pa lang ang nagcomment ng lalaki… just want to greet you happy valentines day.

    Rhapsody: tingin ko nga kasi halos karamihan ng ka-blog ko ay girls hehe.. happy valentines din sa iyo! teka ano nga pala ang site mo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s