Posted in Uncategorized

Teach me how to be patient.


kit

Ayos din tong kit na ito ha. Lalo lang sasakit ulo ko dito eh. Kayo kaya try nyo yan!

Truth is kung baliw ako baka na-try ko yan hehe kasi naman ilang araw o linggo na akong confused/depressd/worn out/super tense at marami pang ibang emosyon; at may pinaplano akong pinakamabigat na hakbang na gagawin. Hindi ko alam kung bakit din masyadong nagiging impatient ako at mainit ang ulo ko sa problema. Minsan out of pagka-inis, kung anu-ano ng nasasabi ko. Gusto kong pag-aralang maging calm. Bakit dati hindi naman ako ganito? Cguro dahil nakakainis din ang mga pangyayari o ibang tao sa paligid ko. Patience Rhapsody patience. Kaya nga patience ang codename ko dati eh (kuha ko sa name ni catwoman na Patience Philips) kasi mapagpasensya ako kahit na sobrang kainis-inis na at may nang-aapi sa akin na datihang empleyado sa dati kong pinagtrabahuhan sa Pinas noong bago pa lang ako sa kumpanya. Patience at pakikisama ang ginawa ko hanggang sa naging close at magakasundo kami. Pero kung minsan o gaya ngayon, bakit ang hirap na kontrolin o hindi na ma-control?

May nasasabi akong kung anu-ano like questioning someone but not directly confronting that person pero naririnig niya siguro. Kasi nga naging useless din nung kinausap ko siya kaya ayoko ng kausapin ulit siya. May ibang taong kumausap sa kanya at nagtanong, hindi rin naging maganda ang sagot na narinig sa kanya. Kaya habang patuloy silang nagkukuwento tungkol sa pinag-usapan nila ng taong nakakainis na un, parang nag-sisink in lahat sa utak ko. Hanggang sa kung anu-anong comments ang nasasabi ko habang kausap ko ang mga kasama ko. Hanggang sa na-feel ko na lang na ang init init ng mukha ko. Til i decided to shut my mouth. Heheh. Yumuko, di na naki-join sa usapan ng mga kasama at bumulong-bulong na lang ng ‘Patience. Patience. Calm down rhapsody, calm down. just try to calm down.’ Pagkatapos ay kinuwento ko sa aking BFF na ka-chat ko kanina sa YM ang story at conversation and what i’m feeling. Ang BFF ko namang baliw ayun kinakalma din ako, take a deep breath daw, then inhale – count to 3. exhale – count to 4. hehehehe. Hindi pa rin nakatulong, pansamantala lang iyon.

Maya-maya magkukwento na naman ang kasama ko tungkol sa hinaing niya. Ako naman parang nahihigop ko lahat ng sama ng loob niya at nire-release ko through commenting para marinig nung taong nakakainis. Then mare-realize ko na dapat kalmahin ko ulit sarili ko. Parang baliw lang noh? Paulit-ulit lang. Hanggang sa dumating ang isa pang taong concern at kinausap kami. Nagpaliwanag siya, nagpaumanhin, at gagagawin na ang dapat niyang gawin. Kahit papano gumaan na ang pakiramdam ko. Nawala ang tension at stress. May in-advice siya sa amin na naisip kong imposible kaya kumontra ako, sinuportahan naman ako ng isa. Naisip niya namang may katwiran kami. Kaya nagpayo siya ng isang magandang payo na dapat naming gawin. Maganda ang payo na yun pero may kalabuan din sa palagay ko.

Masaya akong uuwi ngayong araw dahil may sagot na sa araw-araw naming kwestyon sa kanila. Although hindi ko man gusto pero mako-cross out na sa to-do list ko ang pinaplano kong pinakamabigat na hakbang na gagawin.

For the meantime, habang naghihintay ng tamang panahon, i need to cheer up and…

be happy

13 thoughts on “Teach me how to be patient.

  1. tama ka rin dun, kapag sobrang pag iisip, you need a break din di ba? so habang inaantay mo yung desisyon mo kung ano man yon, have fun!

    Rhapsody: oo nga po un na lang cguro ang gagawin ko, enjoy muna at magrelax relax…🙂

  2. karamihan sa mga babaeng kakilala ko eh walang virtue of patience. yung tipong napaghintay mo lang ng isang minuto eh umuusok na ang ilong sa galit. paano ba magkaroon ng patience? sa tingin ko kailangan ko din yan kahit na hindi ako nagkaka-monthly period.

    Rhapsody: huh???!! mmm mejo guilty talaga ko jan hahaha… ewan ko nga kung papano ba magkakaron ng patience…

  3. ako din pag naha hi blood na sa inis, kinaka usap ko sarili ko at pina pakalma, usually nagbibilang ako 1-100 sa isip ko taz bina blangko ko tenga ko lalo na pag may dakdak ng dakdak ..

    taz iisipin ko, papangit ka pag nakunsumi ka, gus2 mo bang pumanget? sayang yung katakot takot na clearasil na pinagbibibili mo😀 hehe

    Rhapsody: hahaha pati clearasil nire-remind mo sa sarili mo hehehehe…. ang mga babae tlga… nakakadala nga kasi kapag may mga kwento pa na naririnig pero sabi nga sa akin wag na daw intindihin at papangit nga tayo hihihi

  4. Hello!! Ang tagal kong hindi nakadaan. Ayos yang kit na yan, irerekomenda ko sa mga kaibigan ko. haha.

    Rhapsody: oo nga na-miss tuloy kita hehehe… o sige para matanggal ang stress ng mga friendship mo ha.

  5. I’ll just learn to read visuals/pictures on your blog (and hopefully will get a glimpse of what you are blogging about).🙂

    I’m adding you in my blogroll as well. Happy blogging!

    Rhapsody: really hard for you to understand my blog especially if i won’t put any images.. i’ll try to put images now… thanks for adding me up as well…

  6. The restricted classify of remedial sensationless- off monitoring in cancer chemotherapy results from the regularly complex biochemical mechanisms that existing to antineoplastic vim and cabbalistic the relationships central paralyse serum offs and useful benefits. what is more, new agents for cancer chemotherapy are being introduced at a more brisk amount than for the treatment of other diseases, although the good fondness of remedial sensationless-flat monitoring may cause for a sprinkling years of broad estimate of the connotation of serum stupefy offs.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s