Posted in E-mails & Quotes

Scammer Alert


Wala talagang kadala-dala ang mga manloloko. Six months na yata ang nakakalipas nung makatanggap ng email si M. Sa friendster nagsimula pero binigay nung babae, na ang pangalan ay Nancy Vivian Fred, ang email address niya sa yahoo. Gusto niyang makipag-kaibigan. Wala naman sama sa ganun dibah, ang problema ‘not existing’ na ang friendster account ni Nancy. Dahil ako ang tumatayong secretary ni M pagdating sa pagche-check ng emails at friendster niya, ako ang nagreply kay Nancy. Siyempre friendship lang ang dating ng reply ko na kunwari nga ako si M.

Ang mga sumunod na email niya aba nanghihingi na ng tulong na makaalis siya sa bansa nila at magagawa lang daw ni M un kung magpapadala ng pera sa kanya. At bilib ako, may pa-love love, at sweet pa siyang nalalaman eh pangalawang email pa lang niya yun. Obviously scammer toh.. un ang sabi ko kay M. Nagresearch ako tungkol sa ganyang klase ng email. At iyon pala ang tinatawag na penpal scam or sweetheart scam. Sinasabi niyang siya ay isang refugee girl sa Senegal. Madami pang ibang klase ng dahilan kung bakit gusto nilang magpadala ng pera ang lalaking gusto nilang biktimahin. Hanggang sa naipa-block ko na ang email address na ginagamit ng scammer na iyon. Kaya hindi na siya nakapag-reply pa sa akin o kay M.

Madami pa akong ibang mga fraud emails na natatanggap pati ang paghahatian namin ng kayamanan ng kung sinomang hindi ko kakilala. I’m sure ang dami niyo ring natatanggap na mga ganyan. May isa nga akong kakilala, ung kaibigan niya nagpapaloko. Nanalo daw ng kotse at ishi-ship na ang kotse sa kanya. Nagpadala naman ng pera ang kaibigan niya at tinatawagan pa ang mga manloloko. Hanggang ngayon wala siyang kotse.

Kanina nakatanggap ako ng email, ayan paki-click na lang po:

email1
Matagal ko na ring nababasa ito. Kadalasan nga pare-pareho pa ng Serial No. or winning no. Nagkakamali sila ng niloloko, kasi makikipaglokohan at asaran ako sa kanila.

Nakatuwaan ko lang na magreply ng sobrang igsi: “thanks but no thanks scammers!!!

Di bah sobrang igsi lang naman pwede na nga nilang deadmahin at humanap sila ng ibang subject na walang ka-ide-ideya sa mga scam na iyan. Pero nag-reply agad, wala pa ngang 30 minutes. Ito ung reply:

email2
Sino ba naman ang maniniwala jan dibah.

Kung gusto nyong pag-aksayahang alamin ang tungkol sa 419 scam at siguraduhin kung fraud nga o hindi try nyong i-check dito:

9 thoughts on “Scammer Alert

  1. yeah there’s a lot of these emails circulating since i dunno when. If anyone would get victimized sa panahon na to ewan ko na lang.

    Rhapsody: it’s been there since everyone got hooked on the internet… at ang masaklap dun marami pa rin ang naniniwala… at ilan na rin dito ang naririnig kong nagpadala nga ng pera.

  2. haha.. ganyan na ganyan din mga pinapadala sa e-add ko..

    haha.. nakakaloko kasi pare-pareho sila ng mga sinasabi. hehe. ^_^ parang mga timang lang din kasi aanga-anga lang yun papatol sa ganun. tsk tsk tsk..

    mga walang magawa nga naman oh, para lang magkapera, gagawin kahit anong klaseng panloloko. tsk tsk tsk.

    Rhapsody: oo nga pare-pareho lang iba-iba lang ang pangalan at contact number na ginagamit.. di ko nga alam kung bakit may pumapatol pa rin sa ganyan.. kadalasan ay ung ndi exposed at baguhan palang sa internet.

  3. hala..kakatakot..hahaha.wala akng paki if ever ako ang papadalhan..wala naman kasi akong pera eh..hahaa…bobo na cguro ang magpapa uto diyan sa bhelat na yan..lols..

    Rhapsody: hahaha ako din wala silang mapapala sa akin…

  4. me nakilala din akong guy na ganyan taga US naman. sweetheart kagad tawag sa kin tapos assistant daw sya sa isang church, tapos ayaw nya daw umuwi sa kanila kasi kaaway nya yung uncle nya dahil may interes sa minana nya sa mga magulang nya..tapos eto na nanghihingi ng pera pamasahe papunta daw sa sg para makasama ako kasi gustong gusto nya daw ako hehehehe ayos din ano? daming tarantado talaga sa mundo lol! mga kapalmuks buti na lang di ko ineentertain ayun nagsawa din ka eemail.

    Rhapsody: gusto agad makasama ka pero sagot mo hihihi….ang tibay noh! dami ng naloko yang mga yan buti nalang matatalino tayo di agad nagpapa-uto heheheh…

  5. ay meron din akong experience na ganyan kaso sa text, nanalo daw ako ng crosswind at 500K, may cellphone number na binigay pero mag send daw ako ng 300 na load at address pa ng opisina nila sa olongapo hehehe too bad for them at may opisina ang father ko sa olongapo kaya na check agad ang address at isa pala itong night club. kaya buking agad. hehe sayang sana totoo.

    Rhapsody: ay oo nauso din pala sa text ang lokohan jan naman sa Pinas.. baliw noh. kung nanalo ka bakit kailangan mo pang padalhan sila ng pera dibah.. heehee…

  6. pag nakatanggap ako sa email ng hindi ko kilala ang sender mega delete agad siya. chori na lang sa mga scammer na yan! Thanks sa info😉

    Rhapsody: uy ako din… kasi ang una naiisip ko ung mga nagsesend about viagra heheheh…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s