Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks

Jing-goy


Mabibilang ko lang hanggang sampu o baka nga hindi pa umabot jan ang bilang ng mga closest and trusted friends ko simula nung bata pa ako hanggang ngayong bata pa rin ako.😉

Ang ilan kasi sa kanila ay biglang dumadating at bigla ring nawawala. Minsan pangit pa ang ending ng friendship. O hindi nga nagkaroon ng ending ang friendship basta na lang nasira. Minsan nasisira naman kapag hinahaluan ng malisya. Lam nyo un.. kapag babae – minsan may naninira; at kapag naman lalaki – minsan ang isa ay nagkakagusto, ang isa naman hindi. At dahil ayaw nung isa, ung isa ay naglalaho o nagkakaron ng gap sa isa’t isa.

Anyway, mabuti na lang at maswerte pa rin ako kahit papa’no. Dahil may mga bagong dumadating pa rin naman na masasabi kong totoong kaibigan. Yung nandiyan pa rin sila kung masaya ka man o hindi, may problema o wala. Isa diyan ang pinakamatagal ko na ring kaibigan… ang ever dearest bestfriend ko na si Jing. Siyempre wala ng papalit sa pwesto niyan sa puso ko. Labs ko yang bruhang yan. Kahit pa madalas mang-asar at mamilosopo, lab ko pa rin yan. Imagine ha 13 years na kaming nagpa-plastikan ni Jing heheh.. joke lang!

Jing

Kung lalaki nga lang iyan baka siya na ang naging boyfriend ko. Yuck! Nung school days pa namin, palagi nga nilang tinatanong kung sino ba talaga sa aming dalawa ang tibo. Siyempre sino pa ba ang mapagkakamalan eh di siya. Boyish masyado eh. Mabuti nga nung naka-graduate ng college natuto ng mag-ayos ayos kaya kahit na short hair na lagi ang look niya ngayon hindi na napagkakamalang tibo. Pretty na ang loka kaya lalong mas dumami ang admirers.

We’re classmates since our first year in high school. Pero naging close lang kami nung 2nd year namin. Madami kaming kalokohan at ka-jologan. Madalas nga kaming mag-reminisce ng mga kalokohan namin.

  • Ang pagka-cutting classes at pagtatago sa lola dear ko nung minsang muntik na kaming makita.
  • Ang pag-aaabang namin ng jeep sa tapat ng Mercury Drug sa Cavite City ng lagpas isang oras kaya niloloko ako ng mga pinsan kong nakakakita na model daw kami ng drugstore na ‘yun.
  • Ang pagbibilang namin ng mga natutulog na pasahero sa bawat bus na dumadaan habang naghihintay ng jeep papasok.
  • Ang paglilista ng mga plate number ng mga cute guys (na siya ang pasimuno – ang weird noh) habang naghihintay pa rin ng jeep papasok.
  • Ang pagkaka-siko niya sa mukha ng mataray na teacher na naging teacher namin nung sumunod na taon.
  • Ang pag-silip silip namin sa classroom ng mga crush namin.
  • Ang pakunwaring pagbunggo sa mga crush (kalandian bah) para lang makatinginan sila.
  • Ang pakikipag-phonepal at telebabad pati nga pakikipag-penpal ginawa namin(jologs naman).
  • Ang pagsusulat sa mga DJs na crush namin ang boses.
  • Ang one time na pag-umit ng songbook na ang front page ay Introvoys – remember them? (in fairness binayaran namin ung isang copy)

Isa pang naaalala kong kalokohan na nagawa namin ay ang fake loveletter na para kay C na kunwari ay nanggaling kay T. Kinopya ko ang penmanship ng brother ni Jing para hindi ako mahalata. At hanggang ngayon na hindi na namin nakikita si C ay wala pa rin siyang alam na fake ang loveletter na kunwari ay pinaaabot sa amin ni T. Pero kahit na sobrang saya namin na magkasama, madalas din kaming mag-away ng bruhang yan. Magaling siyang mang-asar, ako naman si pikon. Pa-easy easy lang siya, ako naman ung tipong tense na tense at seryoso sa buhay. Di importante sa kanya kung mababa ang makuha niyang grades kaya hindi mag-aaral, ako naman ung magsusunog ng kilay at nagpapapakapuyat kasi ayaw bumagsak sa exam. Maraming opposite pero pagdating sa kalokohan nagkakasundo kami. Hindi naman totally kitang kita ang kalokohan namin. Kung minsan nga maraming nagugulat na ganun pala kami. Ang akala kasi nila sobrang tahimik na tao kami. Pero dun sila nagkakamali.

 

Noong highschool kami madalas pumupunta kami sa SM City Southmall sa Las Piñas, yan palang kasi ang pinakamalapit na mall sa Cavite noon. Wala kaming pang-shopping basta lang patingin tingin, lakad, upo. Masaya na kami nun kahit ang dala lang naming pera ay pamasahe at pambili ng maraming snacks na kakainin namin sa bus habang pauwi kami o kaya paghahatian namin pagdating sa bahay.

 

Marami na kaming away na pinagdaanan. Dumating pa sa point na may kanya-kanyang bagong friends na kami at nagkaroon na din kami ng gap but still in the end parang mag-jowa na nagkakabalikan din. Naging close ulit kami at nawala na ang pagka-ilang sa isa’t isa. Ganun yata talaga kapag totoo ang friendship kahit na madami ng away at tampuhan magkakabati at magkakabati din. Maswerte lang talaga siguro ako dahil sobrang pasensiyosa ang naging best friend ko kahit na awayin ko pa siya ng sobra dahil palagi siyang late sa lakad lalo na kapag may pupuntahan kaming job interview tumatahimik na lang siya. o siguro kasi guilty lang? heheh

 

Next week na ang birthday niya. Malapit na namang tumanda ang ate ko. I hope na maging masaya ang birthday mo kahit wala ako (hmpfff may chico ka naman kaya ok lang na wala ako dibah!). Just remember bestfriend na kahit ang akala mo wala akong pakialam sayo minsan at hindi kita nami-miss – nagkakakamali ka. Alam mo naman na ayoko ng masyadong corny kaya hindi ako nagpapaka-sweet. Wish ko na maging happy ka palagi at matupad lahat ng dreams mo. Love you bestfriend! Miss you!


HaPpy BirtHday JiNg!

At dahil nami-miss mo na rin ang pretty friend mo, pag-uwi ko gagala na tayo… sagot mo ha?😀

6 thoughts on “Jing-goy

  1. hmm…grabe intersting…
    10 stars k s ken h ang ganda ng pagkakadescribe mo s mga katuwaan ntin hmm…reminiscn…

    Rhapsody: heheheh… syempre kaw nga ung subject kaya naging interesting para sayoh noh hmpfffffff!!! Hapi Butday.. yan unang una talaga ko nag-greet ha😉

  2. congratulations on your friendship, ma frend! bihira ang mga ganyang nagtatagal na kaibigan. meron ding isang lasting na friendhsip na alam ko.. yung inang ko tsaka yung kasama nya sa trabaho nung dalaga pa, 19-kopong-kopong pa yun. ngayon, nasa mid-’70s na sila, sila pa rin ang magkaibigan.

    sana ay magtagal pa ang inyong prenship! tsaka haberdey na rin kay bespren! nyahahahahaha… naki-bespren na rin, eh ano?

    Rhapsody: naks kakabilib naman yan.. i’m sure na aabot din kami sa ganyan ni prenship ko…

  3. ay sweet, sumagot yung subject mo, hehehe.. happy birthday dear jing. masarap talaga mag share ng memorie sa mga kaibigang totoo😀

    Rhapsody: oo nga biglang sinilip ang blog ko kasi siya ang subject…🙂

  4. mahirap paghiwalayin ang totoong magkaibigan, kahit di kayo madalas magkita.😀

    i’ve tagged you again, girl. please see my post.

    Rhapsody: Yup that’s true sister… iba na nman yan? okei I’ll check your post.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s