Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Love & Relationship, Music & Lyrics, SoundTrip

crush


Bakit ngayon ka lang… Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y… mayron nang laman…

 

Senti mode? hindi noh!

Almost two years ago meron akong nakilala. He’s simple, tall and neat. Mabait din siya. Mga gusto ko sa isang lalaki. Naging crush ko siya. Nakakahiya mang i-post kasi para naman akong highschool nito pero ito na-post ko na.

Hindi naman ako ung tipong kapag may crush ay obvious at talagang iniisip ko pa. Hindi. Simple lang ako. Hindi mo mahahalata. Kasi hindi kita titignan. Iisipin mo bang gusto kita kung hindi kita titignan? Hindi din ako ang magsisimulang magtext o tumawag para mangumusta. As in deadma lang. At kinakalimutan ko lang din.

Sarili ko lang pinagsabihan kong crush ko siya. Wala lang naman sa akin pag crush lang. Dahil nga siguro mabait siya kaya ko nagustuhan. Kung nanligaw siya sa akin that time may chance siya. Pero hindi naman eh. Instead, ung kaibigan niya ang nagparamdam. Dahil hindi ko naman type ung kaibigan niya syempre sinabi kong ayoko. At ang crush ko may girlfriend na pala. Well I’m happy naman for him kasi nai-kwento niya sa akin na matagal na daw sila ng gf niya. Hanggang sa naging busy na pare-pareho. Bibihira na lang ang kamustahan. Minsan… umaabot ng 3 months, 2 months. Ilang beses ko ba siyang nakita, mga dalawa or tatlong beses lang yata. Nung nagbakasyon siya tinawagan niya ako at sinabing uuwi daw muna siya sa Pinas. Pagbalik niya di naman nakatawag. Inabot ng 2 months bago tumawag ulit. Sabagay di naman kami talaga close eh. tawagan lang, kamustahan kung ano ng bago. Kaya hindi din ako seryoso. Ako pa. Hindi ako ganung kadaling ma-inlove dibah. Madaling nagkaka-crush pero hindi madaling naiinlove. Saka kung may mahal na bakit naman ako sisingit, ang daming lalaki jan.

Ayun tuloy hanggang sa may nakilala na ako na siya na ngang present and future(?) ko.

Naulit ang pangungumustahan last month lang. Hanggang sa nitong month na toh, just 3 days ago parang sunud-sunod na ang kamustahan namin ni crush ah. Ayoko na sana syang kausapin kasi baka mainlove ako hahaha. Pero hindi rin siguro, one man woman ako eh. Saka bakit ba nagiging malisyosa ako. Eh di naman nga nanliligaw. Pero sanay na ako sa ganyan kunwari nangangamusta ng araw-araw, kunwari walang magawa at makausap pero may iba na palang misyon. Malay mo naman assuming lang ako. Feeling ko naman ang haba ng hair ko? Baka naman isa lang itong maling akala. Ang kapal ng mukha ko. Eh kasi naman bakit nung last month every time na kinakamusta ko ung gf niya iniiba nya ang topic. At un nga 3 days ago sinabi niyang matagal na silang wala. Sobra na silang magkalayo. Malayo na noon lalo pang lumayo ang gf niya kaya pinalaya na nila ang isa’t isa, ang drama naman. Sa totoo lang nanghihinayang ako sa kanila. Kasi nga nagsimula sila nung highschool pa lang yata, tapos hindi rin pala sila magkakatuluyan. Nakakaawa naman siya.

Kahapon kung anu-anong kanta ang pinaparinig niya sa akin at minsan kinakanta niya habang nagkakamustahan kami. Mas matagal na ang kamustahan namin ngayon hindi na gaya ng dati. Eto na naman siya. Kani-kanina lang habang inuumpisahan kong gawin ito tumatawag na naman siya. Kinausap ko na naman. Friends kami eh. Pero sana hanggang dito na lang ito. At sana hindi sila magyaya na magkita kita kami. Ayoko siyang makita. Ayokong maging mas close kami. Sana hindi na rin siya tumawag araw-araw o ng madalas. Ako kasi ung tipong kahit ayoko ng kausapin ang isang tao at wala namang masamang ginagawa sa akin, hindi ko pa rin maiiwasan kasi ayokong sumama ang loob sa akin. Sana may iba na siyang pagka-abalahan. Tama man o mali ang akala ko…

7 thoughts on “crush

  1. sabagay kung mas okay na hindi na kayo magkita hindi ba? mas kilala mo ang iyong sarili, sundin mo ang palagay na tama sayo sis. uy sa dubai din pala ikaw? link kita ha? thanks!😉

    Rhapsody: tlga andito ka rin.. hehehe cge i’ll link u up din. di naman ako nagpapadala sa mga crush crush na yan… hahahaha

  2. ay ganun….

    oo nga, bakit ngaun lng xa.. haba ng hair mo sis! its up to you, kung papadala ka sa mga kamustahan talks nyu evryday… who knows dba?.. hndi ntn hawak ang takbo ng utak ni “crush”… hala! alam ba ni Mr. Loverboy mo ito?… hihihi

    ayan, para hndi kna senti senti mode jan.. I have something for you in my site!

    take care!

    Rhapsody: naku di ako senti hahaha.. kunwari lang un. at tumawag na naman nga ulit nung bandang hapon while checking my pics in friendster. pero wala naman toh.. di ko na siya crush, kasalanan nya eh hahahahah…

  3. Naku, naka si crush eh crush kana din? Hmmm, hintay ka lang ng ilang araw at magsasabi na yan🙂

    Rhapsody: Siya ung tipong puro paramdam lang eh.. pero sana nagkakakamali lang tlga ako hahahah

  4. pwedeng pang movie ito ha😉

    sis alam nya bang taken ka na ngayon?

    baka naman inlove na din siya sayo tapos ikaw naman ang taken na..

    Rhapsody: waaaaaaaaah ***kiligzzz*** pero wag naman sana… oo alam nya ng taken ako kasi natanong niya minsan pero magulo kasi ako kausap minsan kaya akala nya cguro di ako seryoso.. tapos sa friendster ko pa til now single pa rin ang status.. anubayan! heehee😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s