Posted in Foods, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Language & Culture, Places

once upon a time in chinatown


Hindi ko alam kung bakit kapag nakakita ako ng Chinese Restaurant, parang hinihila akong pumasok at kumain. Wag ng isali ang ChowKing, common na yan, basta ung mga restong tipong Chinese talaga ang theme kung makikita mo from outside. Sinamahan ko siya the other night sa paghahanap ng wholesaler na pwede nyang makuhanan ng green pens para sa isang client niya. Gutom na talaga ako pagkalabas pa lang ng office. Pero sinabi ko ayokong kumain… “coz I’m on a diet!”… arte! minsan lang. heheh.

 

Hala nung napadaan kami sa Little Lamb or Xiao wei yang Hotpot aXiao Wei Yang Hotpott nakita ko ung mga usok sa loob, parang naiisip ko ang noodles. Gusto kong kumain ng noodles! Kaso naman abah baka mahal daw dun. Kabibili lang din kasi namin ng coat at pants niya sa isang shop sa twin towers shopping mall na puro private naman ang toilet kaya di kami makapasok. Tampu-tampuhan ang drama ko. Walang imik habang pabalik sa parking. Hanggang sa nahalata. At nalaman na dahil lang pala dun sa resto na un. Pagbalik ng sasakyan, nag-drive siya pabalik sa tapat nun kung san pwede syang magpark. Kumuha ng menu at pinatingin sa akin para ite-take out na lang since late na kung dun pa kami kakain. Kailangan niya pa akong ihatid pauwi. Pero ma-pride nga ako… sabi ko nawalan na ko ng gana.

Kinabukasan lang ng gabi nagkabati matapos ang katakot takot na paliwanagan at diskusyunan tungkol din sa iba pang bagay. Babaw naman kung dahil lang sa resto na un. Bumalik kami sa Twin Towers para i-claim na ang pants na binili niya dahil nga ang haba kaya pinaputulan pa. Tatawid na sana ako papuntang parking ng sinabi niyang may pupuntahan lang kami saglit. Halos katabi lang ng Twin Towers ang Chinese Resto na un kaya na-sense ko na kung san niya ko dadalhin. Pa-kunwari pa ako na ayoko pero sumunod naman ako. Hinanap ko muna ang cr. Kaya lang kahit makailang beses ko ng sabihin ang toilet, cr, washroom, loo… hindi naman nila ako ma-getz. Kaya nagkusa na kong maglibot libot at hanapin ang cr. Natagpuan ko din naman.

Dumating na ang waitress. Di siya marunong mag-english. Di naman ako familiar sa food. Nahilo ako sa pag-figure out kung ano ba talaga ang dapat na i-order namin. Buti nalang dumating ang isa pang crew na mejo nakakapag-english naman. First time kong kumain dun. Ang akala ko meron silang luto na. Un pala kaya pala may lutuan sa mesa, kami pala mag-oorder ng kung anong gusto namin para ibabad dun at lutuin. Sabi ko noodles lang. Ano pa daw? Sa kakatanong ng sobrang tagal. Nagkaintindihan din. Konti. Pinaka-simple yata ang na-order namin. Nung sinerve na… naisip namin na buti nalang umorder kami ng hotpot kung hindi kakain kami ng noodles na hilaw. Masarap sana ang beef hotdog nila kaya lang sobrang anghang. Dahil hindi kami nakuntento, kinulit namin ulit ang staff. Tinanong ko kung anong lasa ng chicken wings. ‘Same same like beef hotdog?’ galing ko mag-english noh. May friend yata akong Chinese dati ganyan dapat.. same same ang gamit nila, same na like pa hahah. Sabi nya oo daw. Kaya sabi ko wag nalang sobrang spicy na naman.

Nabusog din naman kami sa noodles at hotdog na sobrang anghang. Ang bait nung waitress kasi siya pa kumuha ng spices na dapat naming ilagay. Naawa yata kasi napaka-plain ng soup namin nung nakita niya. Tinuruan niya na kami pero mali pa rin pala ang ginawa namin. Nagmix siya ng kung anu-anong spices at un daw ang ihalo. Pwedeng sa soup or walang soup, ihalo lang sa noodles. Hah! wala kaming pakialam kahit ung isang grupo ng Intsik dun sa harap ng table namin, patingin tingin sa amin. Mukha na nga kaming stupid eh. Sila ang daming order pati potato, lettuce, cabbage, shrimp, squid balls, fish balls, meat at kung anu-ano pang mga hilaw na pagkain. Sabi nga namin kapag bumalik kami dun, di na kami mukhang tanga. Oorder na rin kami ng mga hilaw na pagkaing un na hindi palinga linga sa ibang table kung anong gagawin, kung anong ihahalo at kung pano malalaman kung pwede ng kainin o hindi pa.

Hindi lang naman puro Chinese ang kumakain dun. Meron ding mga puti, pero may kasama pa ring Intsik. Nung patapos na kami, napansin ko ung dalawang Arabo nalilito kung anong spices ang kukunin. Natatawa nalang ako. Naisip ko na at least hindi lang kami ang parang stranger sa lugar na un. Maya-maya may dumating ding couple, ung isa Pinay. Mukhang di rin yata alam ang i-oorder. HiHiH.

Basta next time mejo alam ko na ang ioorder at gagawin…

i took a snap of the menu pero di ko pa naililipat dumating kasi ang boss…

4 thoughts on “once upon a time in chinatown

  1. …shabu-shabu ba inorder nyo?…sarap naman nun!:p
    …ang hirap pala kung sakaling magkasama tayo tapos me magkatabing chinese at japanese resto…hiwalay tayo ng papasukan!hehehehe…makachinese ka, die hard fan naman ko sashimi. natakam tuloy ako!!:)

    Rhapsody: HaHaH.. may shabu-shabu dun sa Satwa. Di naman sa maka-Chinese food.. noodles lang talaga at mga fishballs ang gusto ko…

  2. mahilig din ako sa chinese food. it’s always an adventure for me to dry a new dish in a new place. parang the dish tells something about the culture kung saan sya nagmula, di ba?

    Rhapsody: yup.. intriguing din kasi, parang sarap tikman ng foods nila, especially ng iba;t ibang country..😀

  3. nakakatuwa naman yun… naaalala ko tuloy nung first time ko naman sa Mexican resto… parang hindi ko alam kung paano ko kakainin yung food… haha… try thai foods, anghang… hehe…

    Rhapsody: i like Thai foods…! especially kuwey teo goreng!😀

  4. ang sarap ng kwento mo, ako fave ko thai at indian aside from chinese and pinoy food. yum! kapag nakarating ka ng thailand, mas masarap kumain sa mga street vendors, heheeh

    Rhapsody: Hi ate! sana nga makapunta ako dun. sarap kasi ng food tlga nila. Indian.. naku po ang dami ko na nga natikman na foods nila pero meron lang akong ayaw sa gawa nila ung paglalagay ng mint flavor especially sa snacks.. pero ung iba masarap din.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s