Posted in Videos, Work & Work Hard

Absent ulit…???


Hindi siguro… 

Hindi ko na talaga alam kung ano’ng nangyayari sa akin. Late na naman ako nagising.

Dahil masyadong hyper ang alarm ko kahapon, na-press ko ang snooze. Kaya ang ginawa ko nalang para hindi na ulit mag-alarm habang naliligo ako at para hindi naman ako makaistorbo sa iba, ni-turn off ko na lang.

Pero nakalimutan ko palang i-on ulit ang alarm, kaya tuloy kanina sobrang nagulat ako ng ginising ako ni An at sinabing tanghali na bakit tulog pa rin ako. Nawala agad ang antok ko sabay labas, may tao pa sa cr. Pero natapos din agad. Usapan na pala nila na kapag hindi pa rin ako nagising habang naliligo si Yen ay gigisingin na ako ni An. Kaya pagkatapos ni Yen ako na ang sumunod. Ayoko ng umabsent baka ma-obvious na ako na nagsasakit sakitan lang ako. Kaya ang magic towel na pinang-wrap ko sa buhok ko para ma-absorb at matuyo agad, hindi ko maibalot ng maayos. Pagbaba ko mejo napipiga ko pa ang buhok ko. Pero maaga pa rin akong nakapasok, twenty minutes nga lang akong hinintay pero hindi pa naman ako na-late. Kaya ko rin palang maging mabilis kapag talagang kailangan. Noon kasi ang allowance ko dalawang oras. Kung aalis ako ng bahay ng 8am dapat 6am pa lang gising na ako. Nabawasan na un dahil ang alarm ko ngayon ay 6:45 kahit 8-8:10 ang alis ko. Pero kanina 7:46am ako nagising at 8am dapat umalis na ako. Mabuti nalang at hinintay pa ako.

Parang ganito kasi yung sasakyan na naghatid sa akin.

6 thoughts on “Absent ulit…???

  1. are you slipping, kiddo?
    maybe it’s time to get a live alarm clock? that’ll halt your slide.

    Rhapsody: ah it won’t help either! back home my mom used to wake me up..

  2. is that insomnia still persistent?

    Rhapsody: i started having insomnia in college when i got addicted to chatting until i started working.. nawala for amost 2 years now.. but i guess it started again just 5 days ago when i went to bed at 2:00am; the next day 2:30am; then 3:30am… i guess i need to go to bed at 9pm.. will try😉

  3. i keep 2 alarm clocks on my night table. i usually set the alarm in which one goes off 15 minutes after the the other. haha…. gusto ko rin ‘yong sasakyan na naghahatid sa ‘yo. lumilipad din ba yan? lol🙂

    Rhapsody: hi trish!😀 i’m actually keeping my fone beside me in the bed, or sometimes near my ear hehehe, pero wala talaga.. di bale bukas im sure magigising na ko ng maaga. ung sasakyan di pa namin nata-try kung lumilipad cguro kung sobrang traffic na hehehe!

  4. Naku pareho tayo, dapat may 2 hours na allowance sa time ng pag-alis bagalya kasi ako talaga eh. Dami pa ek-ek sa katawan. Bilib ako sa sasakyan na nagamit mo, pahiram naman nyan minsan! hehe…

    Thanks sa dalaw, I’ll add you in my blogroll ha?🙂

    Rhapsody: hehehe.. bibihira lang sa babae ang walang ka-ek-ekan sa katawan.. kahit di ka nagme-make up mabagal pa rin dibah.. type mo wheels ko cge pahiram ko sayoh😉 cge add na din kita..

  5. ay ganun… late nang nagising ang sis ko.. nyahahaha–🙂 ganyan na ganyan ako sau sis… 2 hrs ang allowance ko evrytime may lakad or may appointment na pupuntahan.. at minsan muntikan nrin ma-late..hihihi

    im back na sis from long break, nawalan kc kmi ng net connection but now, im finally back!

    got new post!

    “143v” ako ito sis VERA… na iba ang username ko!🙂

    Rhapsody: ay ikaw pala! Haluuuuuuuuuuu musta na? tagal mong nawala sis… am gonna check ur new post… naku ang mga babae kasi dibah maraming arte kaya matagal heheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s