Posted in Animals, Funny & Witty, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Music & Lyrics, Pets

My Adorable Beast


Warning: Mejotalagang mahaba ang post na ito.

Dahil Araw ng mga Patay.. usapang patay ito… Patay na aso!

Na-mimiss ko na naman ang mga asong naiwan ko sa Pinas. Pero kahit na magbabakasyon na rin naman ako next year, wala na rin akong maabutan – dedo na sila. Ang masakit dun sunud-sunod daw silang namatay. Pangarap ko pa namang may sasalubong sa akin at tuwang tuwa akong kakagat-kagatin ng mga aso naming makukulit sa pag-uwi ko.

Mizz u Diego…Kami ang pamilyang mahilig sa aso. Hindi kami mapili sa aso. Kahit anong breed yan ayos lang, madalas nga lang askal ang alaga namin. Nung minsan binigyan kami ng mixed breed na aso un nga lang hindi na siya lumaki. Namatay agad. Elementary pa ako nun at tuwing maisipang ibenta ng lola ko ang aso namin o kaya ay namatay ang inaalagaan namin, iniiyakan ko talaga ng sobra. Dumating pa nga sa punto na kahit ilang linggo na ang nakalipas napapanaginipan ko pang bumalik daw sa amin si Dimple. Siya yata ang pinakaunang asong iniyakan ko. Binenta siya ng lola ko kaya siguro umaasa pa kong babalik pa siya. Pero nung nakakita ako sa kapitbahay ng kinakatay na aso. Naisip ko na ganun pala ang ginagawa sa mga asong binebenta. Ayun, natanggap ko na malamang kahit nakatakas si Dimple, may makakapulot pa rin sa kanya, tapos ibebenta din, tapos magiging Asosena na din. Kawawa naman siya.

Nagkaron din kami ng asong epileptic. Nagugulat na lang kami, nangingisay siya at naiihi na lang. Nung minsang nagpunta ko sa likod-bahay nakita ko siyang nakahiga at nakababad sa isang malaking palanggana na pinunuan namin ng tubig. Galing nga eh ginawa niyang bath tub, siguro gumagaan ang pakiramdam niya kapag ganon. Hindi ko nga akalain na pati pala aso pwedeng magkaroon ng epilepsy at ilusyonado pang magbabad sa bath tub.😀 Siya ung pinagdadasal namin na kunin na lang ni Lord kasi nga kawawa naman tuwing inaatake ng epilepsy pero lumaki siya sa amin at ibinenta din, haay ang lola ko talaga! Di kasi siya masyadong mahilig sa aso. Napansin din namin na sa tuwing pinagdadasal namin na kunin na lang ni Lord ang puppy namin na may sakit, siya pa ung natitira, at ung gustong gusto namin dahil super cute, siya ung di nakaka-survive. Isa din si Robin sa mga favorites at love na love naming aso, naalala kong dinala namin siya ni Mudra sa vet kahit pa bumabagyo noon at bahang baha. Makulit din iyun, past time niya ang panghuhuli ng ibon at paghabol sa mga alaga naming itik or pato(?). Ung mag-asawang pato naman mautak din. Habang hinahabol ni Robin ang babaeng pato, tinutuka ng lalaking pato ang pwetsing ni Robin. Sabay tatalon ang mag-asawa sa hinukay naming balon para magtago. Madamot din siya. Kapag di niya feel ang food niya tinataob niya at nilalagyan ng lupa, para wala na nga namang makinabang.

Nagkaroon ng panahon na kahit ilang puppy na ang alagaan namin namamatay sila. Simula nun, naging bato na ang puso namin. Hindi na namin iniiyakan. Kadalasan naman kami lang ni mudra ang umiiyak eh. Ung mga kapatid kong lalaki manghihinayang at malulungkot lang. Dumating din naman ang time na sinuswerte na ulit kami. Si Barbie na ibinenta din ni Lola ay laging namamatayan ng anak, pero nabuhay si Tisay. Ako ang favorite ni Tisay feeling niya kasi magkamukha kami kasi pareho kaming maputi at dahil na rin bine-baby ko siya. Kahit puro kalmot niya na akodahil lagi siyang nakadikit at nakikipaglaro sa akin love ko pa din un. Para siyang anino ko na laging nakabuntot saan man ako magpunta. Minsan niloloko namin magtatago ako, sabay si Mudra sasabihin sa kanya na: ‘Tisay nasan na si Ate mo? Kawawa naman iniwan ni Ate. Hanapin mo si Ate mo.’ Sabay hanap naman siya at iiyak kapag hindi ako makita. Ay Miss Tisay. Sayang nasa Pinas ang album namin ni Tisay, di ko man lang maipost dito.

Nagka-anak si Tisay, tinawag namin siyang Shadow. Makulit. Di namin siya sobrang favorite pero mahal ko din. Dahil nga lang sa pagmamalupit ni Diego sa kanya, na-lumpo siya at di lumaki. Hindi tuwid ang dalawang front legs nya. Kasi lagi siyang inaaway ni Diego kahit maliit pa lang siya. Dun nag-umpisang maasar si Diego sa akin dahil pinagagalitan ko siya sa mga nagagawa niya. Nakakaawa kasi si Shadow ilang beses ng muntik na mamatay dahil kay Diego. Minsan nga punong puno na siya ng dugo. Buti na lang na-revive ni Pudra. Makulit nga kasi si Shadow at si Diego ay sobrang pikon na aso.

Si Diego. Siya ang pinaka-favorite sa pamilya namin kahit bayolente siya kay Shadow. Sobrang seloso kasi si Diego, ayaw ng may kahati sa atensyon. Simula sa lola ko na hindi masyadong mahilig sa aso pero na-win yata ni Diego ang heart ni lola, pudra at mudra, mga bros ko at ako. Kahit ako yata ang pinaka-ayaw ni Diego, love na love ko pa rin siya. Ako ang madalas ka-pikunan at kagatin ni Diego. Pero kapag bagong dating ako sa bahay, kakagatin niya ang braso ko para hilahin ako papuntang terrace, lulundagin at happyng-happy hanggang mag-sawa siya. Ahhhh.. I miss that! Pero maya-maya supladito na ulit sa akin. HmppFF.. topak na aso! Madalas akong kagatin ng lekat na asong yan kapag di nya ko feel kausapin at naiirita siya sa kakulitan ko. Ang drama ko iiyak ako kunwari sobrang nasaktan ako, pero masakit talaga kagat niya. Ang gagawin niya didilaan ako at aamuhin. Minsan kunwari umiiyak akong nagsusumbong kay Mudra, si Mudra pagagalitan siya. Ang Diego naman, nakayuko, halos pikit na ang mata, tapos lalapit kay Mudra at didilaan siya. Kapag sinabi ni Mudra: ‘Magsorry ka sa Ate mo!!!’ Ayun lalapit na sa akin at didila-dilaan ako.

Hi! I just had a refreshing shower!

Pero nabalitaan ko na lang na magkakasunod na namatay ang tatlo. Nauna si Shadow, sumunod si Tisay at panghuli si Diego. Kaya pala matagal na di nag-email si Mudra sa akin, nalungkot sa mga pangyayari. Umiyak daw siya ng sobra at nalungkot lalong lalo na ng namatay si Diego. Nung tumawag ako hindi pa nga mai-chicka ni Mudra kung ano’ng nangyari dahil hindi siya makapgsalita kasi naiiyak siya. Hahaha.. corny man pero I’m sure maraming ganyan dito.. Ako din nalungkot ng sobra. Lalo na ng naisip kong wala ng mga makukulit na asong matutuwa kapag nagbakasyon ako sa Pinas.

Photo of Bugs! Sorry ayaw ma-upload ng pic ni DJ

Good news naman, may dalawang kapalit na aso na silang inaalagaan. Ang isa ay mixed breed na ang pangalan ay Bugs at ang isa ay askal. Mas favorite daw nila ‘yung askal kasi malambing at makulit na pinangalanan nilang DJ, short for Diego Junior.😀 Sana maging close din kami ni DJ at Bugs pag nagbakasyon ako dun.

I like the lyrics of this song from Bobby Bare Jr. I think it was used as a soundtrack for 101 Dalmatian. This is for our doggies…

 

I look cute at the end of your leash-your adorable beast
As I salivate on your shoes

Obedient and true-loyal through and through
A fuzzy reflection of you

If you are hurt I will lick it
If you feed me I won’t forget it
If I mess up just rub my nose in it

You let me out to sniff around
Do my business and streatch out
And I always come running for you

I look cute at the end of your leash-your adorable beast
Ha ha ha ha ha ha ha

I was lost when you found me-half crazy and mangy
But you cleaned me up and I am here for good

But if I run away will you miss me
Search through the streets for me
Because I will be looking for you

And if I growl well I don’t mean it
And if I bark just give me a kick
And when I whine-pay no mind
I’m just missin’ you

I’ll chase your enamies away
Lick your momma on the face
I’ll only wag my tail when I’m with you

I will follow you around to every part of town
You can show me off like a brand new tatoo

 

9 thoughts on “My Adorable Beast

  1. awww cute naman ng mga wentong aso mo litaw na litaw ang hilig mo sa aso eh even in the words you choose and how you say it. di ako masyado mahilig sa mga pets although lumaki ako sa pamilyang di nawawalan ng aso o pusa lalo na sa mga bahay namin sa probinsya. ang alam ko ay nagsimula akong may pet na manok kaya kang simula nung katayin yung manok kong tandang para gawing ulam sa bday ko ay di na ako nahilig sa pets. pero yung anak ko nahilig sa pets mula sa isda, rabbits at mga aso. kaso nga lang lagi ding namamatayan. i do hope na di sya maging tulad ko na nawalan ng amor sa pets dahil sa masaklap ng experience.

    Rhapsody: na-halata po ba heheheh na-miss ko lang kasi bigla nung nakita ang pic ni Diego sa fone ko.. ay ang tragic naman ng sinapit ng pet mo, sa bday pa ng amo nya siya ginawang ulam.. sad naman heheheh😦 di bale mabubuhayan din siya ng pet, mas marami lang tlaga ang namamatay kesa nabubuhay.

  2. lol! Wonderful lyrics and a fun post. I miss my dog from my childhood.🙂

    Jon

    Rhapsody: thanks.. i miss all my dogs, i wish i can have one here also, but it’s not possible now..😉

  3. mahilig din ako sa aso. i once had a dog named ‘queenie’.. lagi ko katabi matulog yung spitz na yun. naging partner ko sa lahat ng kalokohan. when i went here to work, at naiwan ko na sya sa pinas, one week hindi sya kumain hanggang sa namatay. huhuhuhu. nalungkot ako talaga noon. she can never be replaced.. haaaaay..

    teka lang out of topic.. TAG kita ha? nyahahahaha!

    http://azrael666.wordpress.com/2007/11/02/7/
    😀

    Rhapsody: same tag kay Kiko! gawin ko po yan this week pagiisipan muna ng sobrang lalim ang ilalagay hahahaha…

    hay ako din feeling ko nga nalungkot sila sa pagkawala ko sa Pinas kaya lahat sila namatay ng sunud-sunod hehehehe.. sayang babalik pa naman na ako, di man nila ko nahintay!

  4. ayan.. naalala ko na naman aso ko. kaya nga rin gusto kong makauwi sana para maabutan ko pang buhay si trixie. nakakalungkot din ang sinapit nya sa gulong ng kotse. wawa!

    Rhapsody: Huh? Naipit sa gulong ng kotse?!? Wawa naman…😦

  5. …awwww, ang dami mo baby dogs!..pero sorry to hear about your loss.:(
    …pareho tayo mahilig sa aso, pati “muning” na pangalan binigay ko na sa aso. pero mga favorite ko (at me breed) lang ang pede sa loob ng bahay na katabi ko magsleep at kasabay maligo.;p

    Rhapsody: Heheh muning pangalan ng aso? baka pag may mapadaang pusa akalain siya ung tinatawag mo😉

  6. Pingback: Roxy « RhaPsoDy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s