Posted in Events & Occasions, Religions & Beliefs

Fasting Month na


Panahon na para makisabay ang mga gustong mag-diet. Kung kaya ko lang, magfa-fasting din ako, para naman lumiit liit ng konti ang tyan ko. Pero ayoko namang manlambot at marinig na kumukulo kulo ang tyan ko. Hindi ko talaga kaya ang hindi kumain ng lunch. Tapos mula umaga as in walang kainan kahit tubig. Feeling ko hihimatayin na lang ako anytime. Mabuti na lang sa company namin hindi naman bawal ang kumain basta lang nasa pantry ka. Sa iba daw kasi talagang bawal, kaya tinitiis na lang nila, pag-uwi na lang kakain. Hay! ang hirap nun.

Yahoooo! Thursday na naman, ang bilis talaga ng araw. Pahinga na naman ako ng two days. Sobrang enjoy ako kasi nga dahil Ramadan, hanggang 3pm lang ang office namin. Tapos nun bahala ka na kung gusto mong gumala or umuwi na. Pero ako syempre kailangan ko munang gumala, kailangan lang talaga. Nakakauwi pa rin naman ako ng maaga. Kung dati ay 8 or 9pm ako nakakauwi, ngayon 6pm na. Pero pagkatapos ng Ramadan, balik na naman sa dati. Hahaba na naman ang oras.

Napapansin ko lang kapag Ramadan marami pa ring pasaway. Siguro ung mga Christian kung makalimot man na Ramadan, maiintindihan mo pa. Pero kung mismong Muslim na dapat ay mag-fasting, abah hindi din. Ang ibang Arabo daw ay bumibili pa sa mga petrol station ng hotdog sandwich. Imposibleng after 6:30 pa nila kainin un. Binili nila ng mga 2pm eh di ang pangit na ng lasa nun kung kakainin nila ng 6:30pm. Ang sabi nila sa mga Christian dapat daw ay respetuhin ang pagpa-fasting nila during Ramadan, un nga lang meron din palang ilan sa kanila ang pasaway. Hmmmnn….

9 thoughts on “Fasting Month na

  1. ang pasaway ay di naman monopolyo ng mga Kristiyano hehehe wala nga ata sa relihiyon yun kahit anong lahi kahit anong relihiyon ay sadayang may pasaway… it only means like many other things being pasaway is universal… pero magandang idea yan… sabayan ng diet ang ramadan hehehe

  2. nasa middle east ka rin pala mylene hehe.

    meron talagang mga arabo na pasaway. dito sa muscat. may mga nakikita ako na nagyoyosi pa, patago nga lang. pero kahit na. dami nila dakdak wen it comes to us christians respecting their ramadan practice, eh sila di naman nila kayang gawin haha.

  3. @selvo – LoLz.. naisip ko lang po pero di ko kayang magdiet baka ung iba kaya nila..

    @azrael – ayy saya nasa muscat ka pala.. jan po ba ung pwedeng mag-exit din?

    @jojie – ahhh sa jeddah pala..

  4. hi mylene🙂 cguro pag andyan ako sa middle east during ramadan, i wake up before sunrise para kainin ko na yong food ko for breakfast and part of my lunch. then pag sundown na ulit kakainin ko na the rest of my lunch and dinner . i’ll probably end up gaining weight than losing it haha🙂

    Rhapsody: ahihi yan nga po ang ginagawa ng mga Arabo kaya hindi sila pumapayat.

  5. Naalala ko nung nasa UAE pa ako, lagi ako nakikisalo sa kainan ng mga kasamahan kong egyptian pag kumakain na sila, andami kasing pagkain eh! Para makalibre ako ng meal paminsan-minsan.🙂

    Rhapsody: ay tlga nasa UAE kaw dati? kasama po namin before sa accomodation Egyptian na mag-ama.. naku dami ngang foods kapag nagluluto sila..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s