Posted in Boredom, Movies & TV Shows, Random Thoughts, Showbiz & Celebrities, Work & Work Hard

Early bird catches the key?


Hawak ko ang susi. Ako ang sagot. Hehehe. Ako nga ang sagot.. sagot para makapasok kaming lahat ng 9am sa loob ng opis.

OO nakakainis. Sa akin na binigay ang isang susi. Ibig sabihin isa na ako sa taga-bukas ng office. Kasi daw pasaway si OB. Hindi na sumusunod. Palaging late na pumapasok kaya ang mga empleyado ay laging hintay sa labas. Nung isang araw lagpas 9:30 na kami nakapasok sa office.

Dahil kapansin pansin ang kaagahan kong pumasok araw-araw. Well, hindi naman sobrang aga minsan hindi naman ako ang nauuna, ayun sa akin ibinigay ang isang extra key. Ayun nga kaninang umaga ako nga ang taga-bukas. Naalala ko noong elementary at highschool ako. Kapag maaga akong nagigising at umaalis, tinatanong ako ng lola ko. Bakit daw ang aga ko. Ako daw ba ang taga-bukas ng school. Etoh na nga po ako nga ang taga-bukas ng opisina.

Noong mga past months, lagi akong late pumapasok dito sa office. Minsan 9:30 at umaabot pa ng 10am. Napagsabihan pa nga ako na uumpisahan ng magkaltas ng sweldo sa bawat late namin. Syempre natakot akech na mabawasan ang maliit ko na ngang sweldo. Kaya ayun ke-aga ko ng pumasok. HInding hinding hindi na lumalampas sa 9:15. Dahil kapag 9:15 ka daw dumating late ka na. Kaya dapat before 9:15 at ngayon huh! Early bird na ko hehehe..

 

 

******************************

Kinda bored. Gusto ko magtawag at maghanap ng lead kaya lang etong mga kasama ko wala yatang gana magtawag. Kakantyawan lang nila ako niyan. Ang mahirap pa iisa lang ang pwedeng um-attend ng meeting just in case makakuha kami ng appointment. Ang hirap ng schedule kung nag-iisa lang siya. Malamang kapag nag-set kami ng sked irere-sked lang.. gaya ng nabigay kong appointment last week & yesterday. Hmmmnn.. Wala akong magawa eh, si Jing busy din sa Pinas kaya ayun wala akong ka-chat at ka-email. Ayun teka si Kuya Wil nagparamdam. Ay sabay nag-logout! Ano ba un? Hmmmnn..

Kaninang umaga habang naghihintay matapos maligo ang roommate ko nanood muna ko ng TV. SiS ang palabas kaninang umaga. Dun ko narinig ang tungkol sa naging hatol kay Erap. Grabeh noh 40 years. It’s like a lifetime imprisonment na rin kasi ilang taon na ba siya. Sa palagay mo matatapos nya ang 40 years na un. Nakakaawa din pero deserve niya pa rin pagbayaran ang pananamantalang nagawa niya noon.

Napanood ko din na guest ang isang bading na impersonator yata ni Zsa Zsa. Nakakatuwa nakadamit pambabae ang vaklush, tapos ang kinakanta It Wasn’t Me ni Shaggy. Ang tarush kapal ng boses. Guest din si Harry Santos na nakilala dahil sa Pinoy Pop Superstar. Siya ang kauna-unahang Pinoy Pop Superstar (year 2) grand finalist na nanalo for 7 consecutive weeks. Crush nga namin siya that time ng nanay ko heheh. Sa totoo lang, gusto ko talaga yan si Harry, kasi nasubaybayan ko noon ang PInoy Pop Superstar noong nasa Pinas pa ko. Siya ang sinasabi nilang Josh Groban ng Pinas. Pero kahit gusto ko siya parang hindi ako agree na i-level siya kay Josh Groban. Kasi naman sumasablay si Harry paminsan eh. Si Jonalyn Viray na nagmula din sa PPS ay guest din. Nagulat ako ng nakita ko siya. Ang laki na pala ng improvement niya physically. Guest din si Kyla na ngayon ko lang ulit napanood magperform sa tv, kasi nga 1 ½ year din akong nabuhay ng walang Pinoy channel, mapa-TFC or Orbit. Puro lang DVD movies. Pumasok na ‘ko after manood nood at mag-ayos ayos.

 

2 thoughts on “Early bird catches the key?

  1. hahaha. saya mo naman. eniweiz – sarap pa rin ng feeling ng maaga – ako nga palageng late waaaahhhhhh! so san ka naman sa ibang bansa? i mean sang basa ka ngayon???

    yoko si Harry – lalo na pag sinasabing ka-level niya si Josh Groban… YUCK! hahaha. eniweiz mas gusto ko yung makapal ang kilay na cute.

    nalulungkot ako para kay Erap – kung ganun pala ang batas… IKULONG ANG LAHAT NG MGA PUNYETANG POLITICIANS na yan. kamustahin naman natin ngayon ang “Hello Garci” wala na – anlakas talaga ni Manay Gloria.

  2. ako po.. nasa Dubai..

    di ko na din gusto si Harry..noon lang un nung nasusundan ko pa ang panonood ng tv araw-araw.. iba na ngayon..

    madumi talaga ang politics.. kahit sino cgurong maging Presidente o posisyon gumagawa ng ganyang kabulastugan.. mga nagmamalinis lang..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s