Posted in Events & Occasions, Life, RoadTrip & Gimix, Work & Work Hard

it’s GITEX week!!!


I had fun yet tiring day yesterday. It’s Gitex ’07 kaya marami ang nangangati ang paa para bumisita sa DWTC Exhibition Hall at sa Airport Expo. GITEX is an Information Technology Exhibition held annually in Dubai. Sa Trade Center ka dapat bumisita kung gusto mong makita ang mga latest & upcoming gadgets and electronics like mobile phones, PDA, MP4, Plasma TV, Digicam, pati na rin ang mga computerized time clocks at mga surveillance camera. At kung gusto mo namang magshopping at a lower price, pupunta lang sa Airport Expo, un nga lang parehong may bayad ang Entrance. Kaya pwede na rin bumisita na lang sa mga showrooms ng participating companies kung hindi naman ganung kadami ang bibilhin mo.

Kapag Gitex kasi dito, syempre excited ang mga shopping addicts. The other day pumunta kami sa showroom ng isang Exhibitor sa Gitex at dun na lang kami bumili para naman wala ng entrance fee. Ganun din naman iisang piraso lang ang bibilhin namin. Nakabili nga kami ng Sony Digicam. Mura na sa 899dhs na presyo nito ngayon compared sa 1200+ nitong price before Gitex at may free hair dryer pa. Happy talaga ko kasi last Gitex ko pa planong bumili ng digicam na hindi ko nabili dahil I’m broke at that time. Teka magkano na nga ba ang ganitong digicam sa Pinas. Saan kaya mas mura?

Anyway, yesterday naghalfday ako. Kasi sabi niya ‘yung kakilala niya daw may visitor’s pass. Sinuot ko ang ID ng friend nya at pagpasok sa loob, hinubad ko na din para maibalik niya ang ID. Pagpasok ko pinasuot na lang sa kin ang ID lace na walang ID. Mabuti na lang pala may blazer ako kahit papa’no naitago ko na talagang walang ID ang lace ko.

Syempre I took pictures of the stand. Kaso lang ang daming tao kaya ndi ko makuhanan ng perfect ang mga Stand. Nilibot namin ang buong Exhibition Hall. Nakakapagod, ung talampakan ko parang may sugat na. Pero nakakatuwa kasi ang daming freebies, ang dami kong ballpens from different companies, ang cute. Pati stress balls ang dami pinamigay ko nga sa room mates ko. At meron pa kong isang t-shirt after namin panoorin ang presentation ng isang company. Binigay ko na nga kay papuch eh. Tapos nagkaron pa ko ng free subscription ng 2 magazines ng ITP. May pakulo pa ang ITP na wheel of fortune. Pag-ikot ko ng roleta ng kapalaran – Pasok ako sa may chance manalo ng HP Printer dahil ‘yan sa pag-sign up ko sa free magazine subscription.

Kaso lang talagang di nakikisama ang mala-amazonang di-tali kong sandals. Mabuti na lang at naka-slacks ako. Pero tawa ako ng tawa, kasi habang patawid kami at naglalakad papuntang TradeCenter. Bigla na lang, tanggal na ung tali. Hindi na maitago ng slacks dahil nakalatag na sa kalye ang tali ng sandals ko. Para akong may dalawang buntot na lumawit sa dulo ng slacks ko. Kakahiya. Tawa nga ko ng tawa, nawala ang poise ko. At ang init pa naman. Kaya pawisan ako dahil sa kakatawa. Naitali ko lang ulit siya nung tumigil kami sa gilid pagkatawid namin. Sa loob naman ng Trade Center panay ang upo ko para magtali ng sandals kong pasaway.

White lie isn’t that bad right? Kasi ang dahilan ko sa paghalfday ay imi-meet ko ang pinsan ko na ang day-off lang ay every Monday at kukunin ko kunwari ang padala ng nanay ko sa kanya. Pero sa totoo lang pupunta kmi sa Gitex. Ang masama nahuli ako ng isang ka-officemate ko na inutusan palang pumunta dun para icheck ang mga Stand ng kliyente namin. Mabuti na lang walang boss na nakakita sa akin. At mabuti na lang nakuntsaba ko nga ang Indian na graphic designer namin na huwag nyang ipapaalam na nandun ako at nakita niya ako sa Exhibition. Kaya kanina pagpasok niya, nakangiti sa akin. Panay ang kantyaw. Pero hindi naman niya ko binubuking. Mabuti na lang minsan may crush sa ‘kin ang damuhong un. Hahahah.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s