Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, RoadTrip & Gimix

Weekend gala


Balik office na naman after two days na pahinga. Parang laging kulang ang two days na off.. haayy.. pero maswerte pa rin ako dahil ang mga ka-roommates ko ay isang araw lang ang pahinga. Ung isa naman halfday ng Thursday, tapos Friday off nya. Lamang pa rin ako sa pahinga. Un nga lang lagi din naman kasi akong umaalis ng hapon kapag off ko. Nakakabaliw din na nasa bahay lang maghapon, lalong lalo na kung Saturday, dahil ako lang maiiwan mag-isa.

Nung Friday nagpunta kami ng IBN Battuta Mall. Parang first time ko nakapunta dun, sabagay first time nga. Kasi nung pinaka-first time eh nag-cr lang ako sa China Court at hinintay ang asawa ng pinsan ko para kunin ang padala ng mudra ko. Tapos sibat na din ako. Hindi talaga ako naglakad-lakad o nagwindow shopping man lang. Pero last Friday, dun kami nagpunta. Lakad lakad lang muna, tingin tingin, pero ang target ko dun makabili ng mga tig-10dhs na blouse sa Terranova. Pero malas talaga ako, kasi wala akong nakitang tig-10dhs puro mga 35 pataas. Kaya hindi na ko bumili kasi naman bakit ‘yung mga ka-officemate ko at ka-roommate ko. Happyng happy sila tapos talagang ang dami nilang biniling blouse sa ganung presyo lang, samantalang ako ni isa walang nakita. Kakainis. Dismayado tuloy ako. Kaya ikot ikot muna ko. Sinuwerte din kahit papano kasi pagpunta ko sa River Island, may nakita kong tig-12dhs lang. Sinukat ko muna ok na din, since mainit talaga masarap syang isuot, kaya binayaran ko na. Pagdating ko ng counter naglabas ako ng 100dhs. HInihingi sa kin syempre ung mas mababa lang. Sabi ng cashier, 10dhs daw. Nagulat ako un pala 9dhs lang ang sisingilin nya. Aus. Mangunguha pa sana ‘ko ng iba pa kaso lang ang lalaki ng size eh. Size 6 lang ako samantalang ang mga natitira dun ay size 8 hanggang 20. Parang daster na ang dating sa ‘kin nun.

Next stop, sa Max, kahit na 30dhs binili ko na rin. Wala lang na-cute-an na ‘ko eh. Siya binili ko na lang ng Hang Ten t-shirt, kaso ang laki pala, kasi XXL ang meron. Okey naman kahit malaki kapag lalaki ang magsusuot dibah. At dahil napagod at nauhaw at gusto na ding umuwi na agad, nagtake out nalang kami sa London Fish & Chips. Ang sarap. Heheh.

The next day, bumisita si Grasya sa bahay. At sinama ko sa Emirates Mall dahil maggo-grocery pa ‘ko, wala na kasi akong kakainin kung hindi pa ‘ko mamimili. Tuwang tuwa ang babaita, dahil first time nya daw makakapunta dun. Kaya before maggrocery ay namasyal at nagtingin muna kami at pinicture-an ko sya sa Ski Dubai – sa labas lang hihihi, para daw may remembrance siya. Nakakapagod pagkatapos ng grocery. At nakauwi na kami ng 9:30pm. Pag-uwi sa bahay nood nood lang ng Eat Bulaga at Bubble Gang.

Tapos ang bakasyon. Pasok na ulit ngayon.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s