Posted in Events & Occasions, Life, News & Issues, Random Tidbits

Pavarotti & the Bachelor


Huh? Patay na daw si Luciano Pavarotti..? Hmmmnnn.. pag nakakarinig ako ng mga namamatay – naawa talaga ko. Naiisip ko ung mga routines nila tapos mami-miss na nila un. Hindi na nila magagawa. At ang mga unfinished tasks nila, wala na maatetengga na. Pero ganun naman talaga ang buhay.

Wala lang. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga opera-opera. Wala lang syempre kilala siya. Naalala ko lang natatawa kami at ginagaya siya. Dibah meron din tayong pinoy version ni Pavarotti – si Noel Cabangon ba un?

Kapag nababanggit ang pangalan ni Pavarotti ang naiisip ko ay ang kantang —

“Hopyang di mabili.. may amag sa tabi…”

Pero kahanga-hanga siya kasi mukhang sa lahat ng mga opera singer, siya lang yata ang nakilala sa buong mundo.

*********

Lechugas naman dito sa Dubai, nabasa namin kahapon na hindi na maaprubahan ang mga ina-apply ng employment visa ng kanilang employer kung dumating sila ng Dubai holding a visit visa. Ang mga papayagan lang nila ay ung may temporary work visa or working visa. Ewan ko lang kung mapatupad nga nila ito. Kung hindi bagsak ang ekonomiya nila. Wala ng pupunta dito, iilan na lang, walang kita. Wala ng araw-araw lalabas ng Dubai para mag-renew ng visa. Maraming travel agency ang magsasara.

Ang isa pa, nagche-checking na ang mga mga ka-pulisan sa mga bahay-bahay at mga opisina. Kung visit visa ka at nag-tatrabaho ka. Patay ka deport ka. Swerte nga ng kaibigan ng kaibigan ng opismeyt ko. Mabuti na lang daw at nautusan siyang bumili sa labas ng amo niya, kung hindi — deport ang beauty niya. Ang ka-opismeyt naman naming Indian – hindi siya nakapasok kahapon dahil may nagpunta daw mga Baladiya sa villa nila. Dahil bawal na daw ang magkakasamang bachelors sa iisang villa, ayun pinutulan sila ng kuryente at koneksyon sa tubig. Kailangan na din nilang maghanap ng ibang matitirhan.

Napag-usapan namin kahapon ng mga opismeyt ko. Ang bachelor ba ang tinutukoy ba nun lalaki lang? Kasi kung pati babae eh di pati kami hindi malayong mawawlan ng bahay. Pero sabagay may kasama naman kaming pamilya at mga kapitbahay namin ay puro magpapamilya din. Kumabaga ngayon kasi ang gusto nila ay mga pamilya lang ang magkakasama sa iisang bubong at iisang compound. Ewan kung saan nila gustong palipatin ang mga singleness na kagaya ko. Anyway, back to bachelor’s definition, nalito kasi kami kasi dibah may reality show na Bachelor at meron din Bachelorette.

Ayon sa mga definitions:

 

  • a man who has never been married
  • knight bachelor: a knight of the lowest order; could display only a pennon
  • lead a bachelor’s existence
    wordnet.princeton.edu/perl/webwn

A bachelor is an unmarried but marriageable man; some restrict the usage to men who have never been married. The female equivalent term is spinster. In literature during the Victorian era, the term was sometimes used as a euphemism for a homosexual man.
en.wikipedia.org/wiki/Bachelor

Kaya tingin ko kung wala akong kasamang pamilya… mapaparanoid na ko pag makarinig ako ng katok sa pinto or may mag-doorbell ng madaling-araw.

Kaloka na talaga sa Dubai. Sana makarating naman ako ng Canada or New Zealand. Basta ‘wag lang sa Middle East country.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s