Posted in Life, Rants, Work & Work Hard

Kwentong Opisgel


Grabe na dito sa office. Noong andito pa si MS sinabi nya na balak na ng big boss namin na palitan lahat kami, lalo na kaming mga Pinay dito sa office. Lahat daw papalitan gusto nya ng bagong staff. Sa amin naman kung ano man ang mangyayari, we’re thankful kasi kahit papa’no di na kami mahihirapang magresign sa kanya. Nakakalungkot din kasi pa’no kung hindi pa kami ready kasi wala pa kaming lilipatan. Pero tignan nalang ang mga mangyayari. Hindi ganun kadali un para sa kanya.

 

Sa ngayon may hiring sa ‘min. Kung anu-ano. Senior receptionist (as if kalakihan ang company noh), Communications ek-ek, Assistant ek-ek at isa pang Assistant ek-ek. Pansin ko lang ang daming Assistant. Isa lang ang sagot jan mahilig kasi mag-utos ung babaeng A (na amo na rin namin kasi siya ang fiancée ng big boss namin). Ultimo nga pagkuha ng na-print nyang kung ano nautusan pa ‘ko. Imagine mga limang hakbang lang nasa printer na siya. Nakita niya lang akong nasa printer – kasi nagphotocopy ako ng floorplan ko. At kung anu-ano pang maliliit na bagay na kayang kayang gawin ng kahit lumpo o walang kamay. Prinsesa nga eh – bakit ba kami reklamo ng reklamo. Etong ugok na amo namin ewan ba kung bakit sa dinami daming magagandang babae kung bakit sa kalahi nya pa nagkagusto (sabagay may tradisyon sa kanila kahit pa moderno na silang dalawa at hindi mo masasabing sumusunod sila, ni hindi nga sila nagsa-sala – ung samba ng mga Muslim).

 

 

Si A (ang babaeng amo na fiancee ng big boss namin), mag-iisang taon palang siya sa kumpanya namin. We have a doubt na hindi sila talaga magkamag-anak. Pero possible ding magkamag-anak dahil sa mga Muslim, natural lang un. Pumasok siya dito acting sooo childish. Pa-cutee. Laging nakangiti at pupunta sa pwesto namin. Magpapacute-pacute lang, kamusta kamusta ganun. At sinabihan pa nya akong “sweetest” sa aming apat na Pinay na staff. Kasi lagi din akong naka-smile sa kanya syempre smile siya ng smile. After ilang buwan, mistulang nasa The Buzz kami. Revelation na itoh. Umaamin si big boss. Meeting kami nun lahat kami. Tapos bigla syang umamin na sila daw ni A. Fiancee nya daw si A. Parang naging spy nya daw ang A para tignan ang mga ginagawa namin, kung papa’no kami magtrabaho. O dibah ang sagwa, walang tiwala sa tao nya.

 

Of course I tried to observe the reaction on my colleagues faces. Merong parang di na nagulat, like kaming mga Pinay. Dahil matagal na namin silang pinaghihinalaang may relasyon o nililigawan ni big boss dahil lagi silang magkasama kapag lalabas or may appointment sa kliyente ang A sinasamahan ni big boss para daw ite-train nya, at madalas nasa ofis sila ni big boss nakakulong. Ano kaya ginagawa nila hehe. At ung iba rin di na nagulat. Merong ngumiti at nagcongratulate. Merong nadismaya kasi mapakla ang ngiti eh. Kasi we should expect na magiging acting boss na din ang A.

 

At un na nga ang nangyari, ng mawala na ang mahusay naming SMM, si A ay nanatili pa ring ganun ang posisyon pero acting SMM. Nag-iba ang outfit. From pa-rockstar, simple office attire, pa-cutee. Bigla araw-araw super corporate attire ang drama ng lola.

 

Hay naku! Ang haba na pala continue ko na nga lang next time…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s