Posted in Movies & TV Shows, Random Tidbits, Showbiz & Celebrities

Movie Addict Me


I got to watch Matt Damon’s Bourne Ultimatum, and like the first two Bourne movies, xempre ang ganda ganda pa rin, at kaka-inlove si Matty, ang galing nya kasi dun eh. Finally, he can remember everything. I heard may kasunod pa daw yan. That was actually a novel which was written by Robert Ludlum.

Ludlum wrote the first 3 novels na napanood na nga po natin. After his death, Eric Van Lustbader continued the story of Jason Bourne. I wonder kung gagawin ding movie un. Cguro dahil sabi ko nga I heard may kasunod pa ang Bourne Ultimatum.

Jason Bourne
Robert Ludlum novels: The Bourne Identity (1980) | The Bourne Supremacy (1986) | The Bourne Ultimatum (1990)
Eric Van Lustbader novels: The Bourne Legacy (2004) | The Bourne Betrayal (2007)
20th century films: The Bourne Identity (1988)
21st century films: The Bourne Identity (2002) | The Bourne Supremacy (2004) | The Bourne Ultimatum (2007)
Video Games: The Bourne Conspiracy (2008)

Last Friday, pinanood ko ang Premonition. It’s a Sandra Bullock’s movie. Masasabi ko lang.. ang ganda! Panoorin ninyo. Although mejo tragic ang ending pero may lesson talagang matututunan. Ayoko lang na mangyari sa ‘kin un kasi kahit papa’no masakit. May magagawa ka pero minsan hindi lahat ng mangyayari kaya mong pigilan.

Pero ewan ko ba kung bakit ang pangit ng review ng Rotten Tomatoes sa movie na ito. Cguro they are just expecting too much since she is Sandra Bullock?

Sa bahay naman mejo maka-bayan ang drama ko. Xempre pinoy tayo. Kung dati-rati hate na hate kong manood ng pelikulang pinoy kasi parang tingin ko ang cheap huh? Duh! I wanna watch HOLLYWOOD FILMS only! Pero ngayon since isang taon, anim na buwan at labing-isang araw na akong wala sa Pinas at walang TFC na napapanood man lang. Abah nung Saturday at kagabi Pinoy movies ang pinanood ko.

Eto ang mga pinanood kong movies:

1. Zsa Zsa Zaturnnah.

I’ve read the comic book I think 3 years ago. Nakakatawa naman. Pero grabeh nagulat ako ang ganda ni Rustom Padilla akala ko si Carmina hahah. In fairness, ang gwapo gwapo pa naman ni Rustom noon, especially nung sila pa ni Carmina Villaroel. Ewan ko ba kung ano’ng nangyari at biglang naging magkabaro na sila ni Carmina. Would you believe na super fan ako ng love team na ‘yan (corny hahah). High school pa kasi ako nun kaya mahilig sa mga artista. At feeling ko kasi twin sister ko si Mina – magkamukha kasi kami eh heheh. Napanood ko pa ang movie nilang Hindi Magbabago. Ginugupit ko ang mga pictures nila na nakikita ko sa mga magazines, newspapers at tabloids. Ang dami ko ngang collections, ang plano ko kasi gumawa ng scrapbook na punumpuno ng info about them, like articles, interviews & movies at xempre pictures nila. Kaso lang hindi ko naman naumpisahan puro lang ako gupit ng gupit. Naunahan pa ‘ko ng classmate ko na gumawa ng scrapbook na ang idol naman ay si Vina Morales. Nakakatawa talaga kapag bata pa noh lahat ng ka-corny-han naiisipang gawin. Isipin mo ang macho na ni Vina ngayon, tapos si Rustom sexy na. Baligtad na mundo.

2. Ligalig.

Ligalig

Movie ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Dizon. Umpisa pa lang alam ko na ang tatakbuhin ng story. Alam kong si Cesar Montano ang killer. Sa mga ganyang tipo kasi ng movie ni Cesar parang ang dali ng malaman ng istorya. Nakakainis lang kasi talon ng talon ung VCD. ‘Yan ang problema kapag pirated ang movie heheh.

3. Kasal, Kasali, Kasalo.

Nagulat ako ng makita ko si Juday. Ang sexy. At ang braso lumiit na din. In fairness, lalong gumanda si Juday ah. Ang hirap naman kasi wala pa kaming TFC sa bahay kaya ayun mistulang taga-bundok ako kaya walang kamalay-malay kung sino na ba ang mga bagong artista, kung sino ang mga nagtransform na — pumayat or lumobo dahil nabuntis, kung sino ang mga teens noon na nagpapaka-daring na, kung sino ang jowa nino, kung sino ang mga pumanaw na.

Parang ang tagal na rin ng mahigit isang taon na walang balita tungkol sa mga local artist natin kaya kulelats na talaga ko, hindi na ‘ko updated sa showbiz. Minsan search na lang ako ng search sa Internet or pinapanood na lang sa You Tube ang mga interviews.

In fairness talaga, ang cute ni Juday at Ryan, hindi naman ako maka-Juday, hindi rin ako asar sa kanya. Pero type ko kasi si Ryan eh parang mas bagay nga yata kami eh heheh. Ang Shake, Rattle & Roll nakapila na din sa panonoorin ko. Meron pa dung Mano Po, Pinoy Superhero ba ung isa. Pero hindi ko naman gusto ang Mano Po. So I’ll see if I’ll watch that film. Nung mga nakaraang linggo napanood ko na din ang iba’t iba pang pinoy movies, I think I’m enjoying it. .

Rush Hour 3

Next week I’m off to watch Rush Hour 3. I’m sure it’s gonna be a good movie. Xempre Jackie Chan ‘yan isama mo pa si Chris Tucker. Wow! I’m sooo excited!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s