Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Random Thoughts, Rants

Ewan ko ba


La lang.. Walang magawa ngayon sa office. Kaka-antok sarap matulog. Got a letter from them. T’was quite sad. Kakalungkot mga nangyayari. Sana ‘wag ganun. He was a good provider, a good dad & hubby. Sana ndi nman sya pinagsasalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita. Ikaw ba kaya mo bang tanggapin un, if you’ve done everything for your family, kahit pa masakit na katawan mo pinipilit mo pa ring mag-abroad even when you know na mabigat ang trabahong naghihintay sayoh. Lahat un dibah kakayanin mo for your family’s sake. Pero papano kung meron kang extended family or relatives na sasabihin pang isa kang bastos, walang respeto, at kung anu-ano pa. Ano bang mararamdaman mo?

Bakit nga ba may mga taong hindi nakaka-appreciate ng mga ginagawa mo para sa kanila. Kahit na ga’no pang kataas ang respeto mo sa kanila. Kapag wala kang mai-contribute dahil nagpapahinga ka sa matagal na pagtatrabaho sumasama ang tingin sayo. Wala ka na bang karapatang magpahinga? Magtatrabaho ka naman uli ah. Kahit pa nga pilit na kinakaya mo na lang. Ganu’n ba talaga dapat. Sana may mga taong maisip man lang na ang laki ng tulong mo. Sa loob ng 28 years na nagpapakahirap ka para sa kanila at para na rin sa kanya, pero hindi mo pa rin mahuli ang loob ng taong wala ka namang ibang ginawa sa kanya kundi irespeto pa rin at intindihin siya. At ngayon masama ka na rin sa paningin ng iba. Bastos ka talaga, walang respeto. Sana maisip naman nila kung pa’no ka naghirap para lang matustusan ang mga kailangan nila pati na rin ang bisyo niya. Masakit mang isipin pero nangyayari eh. Ano pa bang magagawa natin. Kung hindi ka ba kilalaning kamag-anak ng kamag-anak mo dahil bastos ka daw at walang respeto. Ano’ng gagawin mo. Eh di tanggapin. Marami ka pa namang ibang kamag-anak eh. At may pamilya ka naman na alam kung ano ang totoo.

Hindi na kailangang itanong kung sino ang dapat kong paniwalaan. Syempre ung bastos at walang respeto. Dahil higit sa kanila, mas kilala ko siya. Kami lang ang nakakakilala sa kanya. Hindi ikaw at hindi rin ikaw. Hindi kayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s