Yum!

Nami-miss ko na ang

burger

1. Burger sa Hardee’s, McDo at sa Eat & Drink Restaurant. True! kahit mumurahin lang sa E&D masarap naman saka hindi kasing laki ng burger sa Hardee’s.

shawarma

2. Chicken Shawarma sa mga cafeteria lalo na yung sa Eat & Drink (loyal ba dun lolz) kaso habang tumatagal pa-konti yata ng pa-konti ang chicken parang gulay na lang yata ang laman nito habang pa-mahal din ng mahal ang presyo.
baskin chocoshake

3. Chocolate Shake with cherries sa Baskin Robbins lalo na kapag summer.
cajun shrimp and chicken pasta

4. Pasta na mas masarap sa Friday’s kesa Pizza Hut at Steak (ka-tamad mag-search ng image!) na mas masarap sa Tony Roma’s kesa sa Chilli’s.
biryani

5. I swear masarap ang Chicken Biryani lalo na kapag mejo spicy. Kadiri lang tignan at tikman sa una pero kapag nakakain ka na masasarapan ka talaga.

6. Mainit-init pang cheese-flavored Manakish sa Al Reef Lebanese Bakery. Kaya lang wala akong manakaw na image sa web, mejo iba kasi ang nakita kong ‘tsura sa net eh, kaya next time na lang kapag bumili ako.

Pero iniiwasan ko ng kumain ng mga ‘yan lalo na sa gabi, bihirang bihira na lang. Kasi kagaya ni Mine, nagdidiyeta ako minsan. Di nga lang ako makapag-exercise, walking o gym kasi wala naman akong time sa mga ganyang bagay. Ang paraan ko lang para mabawasan ang taba o bilbil sa tyan ay ang uminom ng chai. Natuwa ako kasi pinadalhan ako last month ni mudra ng chai from Pinas. Di ko sure kung nakakatulong nga ito pero epektib siya talaga pampatunaw ng kinain. Kaya lang kokonti lang pala ang pinadala, good for 1 month lang. Lapit na nga maubos kaya matitigil na ang pag-inom ko. Wala naman epekto kapag isang buwan lang dibah. Kelan kaya ipapadala yung kasunod? Kung meron lang mabibili nun dito eh dito na lang ako bibili para malaman kung epektib nga kapag tuloy tuloy ang inom ng chai.

Fruit diet. Kung minsan ‘yan din ang ginagawa ko. Dinner sa gabi ay fruit(s). Nakakabusog din pala. Nung una hindi ko talaga kaya dahil sanay akong kumain ng kanin mula breakfast hanggang dinner. Pero after 3 or 4 days naka-adjust din ako. Kaya lang may nabasa ako sa isang website na hindi din daw maganda ang pagpu-fruit diet unless kailangan mo ito for some theraphy dahil ang fruit daw ay may natural sugar na pwede ring makapagpataba or worst magdevelop ng sakit. While in another website naman ang sabi dun maigi daw ang ganitong diet dahil ang resulta daw nito ay deeper detoxification sa ating katawan. Linis na ang lamang-loob natin, tanggal pa ang mga fats. Parang mas maganda basahin ang mga nakasulat sa ikalawang website na nakita ko kasi maraming sinasabing magagandang effects sa katawan at isip ng tao. Teka basahin ko muna…