RhaPsoDy











{Tuesday, June 30, 2009}   kamusta ang blog ko

gosh! tagal kong nawala. kamusta naman ang blog na ito? mabuti naman at hindi tuluyang nadelete. actually gusto ko na talagang maglahong parang bula. Ayoko kasi ng drama’ng pamamaalam. pero alam ko naman kahit iwan ko ito ng isang taon babalik pa rin ako for sure. hindi ko na nga lang kayang magkwento yata. just now bigla ko nalang naisipang buksan ito. so since i feeeeeel so bored today dahil

1. wala na ang mga ka-chat kong sina:
a. bespwen – kasi uwian na daw.
b. pugak – kasi laging laglag ang koneksyon.
c. madam a – kasi absent today, may date ang lola ko.
d. papuch – nangakong mag-oonline wla pala, kainis.
e. grasya – na wlang ibang sinasabi kundi “kamusta na? ano ng balita. Ay wait lang.” Sabay logout. Lukaret talaga.
f. x-opismate – dahil may bago na siya trabaho at ndi na pwedeng babad ang mukha sa YM.

2. Dami kong iniisip na kung anu-ano hindi ko alam kung anong uunahin kong isipin.

3. Inip na ako sa paghihintay kay papuch kung kelan siya babalik.

4. Inip na rin ako sa paghihintay sa wala namang patutunguhan.

5. Hindi pa tumatawag si papuch. Gusto kong malaman ang updates eh.

6. Gusto ko ng mag-6PM ng makauwi na.

Ito ang dahilan kung bakit biglang nagkaron ng update ang blog na ito na wlang kwenta ang update. pasensya na tao lang.

see you after one year :D



{Thursday, March 26, 2009}   ano ba ‘yan!

Naiinis ako! Grrrrr! Bakit hindi na-save ang ginawa kong entry??? Nasa’n na! Hay nawalan na ako ng gana na ulitin pa un! Kaya wag na lang… next time na lang.

Hmmm… 1:36 AM na kaya ayoko na talaga. Tutulog na ako kasi ako na lang ang gising dito. Kung anuman ang iba-blog ko sana na bigla na lang naputol putol eh andito na un sa puso at isip ko. Wag na lang i-share kasi kailangan ko na matulog!



{Friday, January 16, 2009}   Hay Naku!

Sawang sawa na ‘ko sa hitsura ng blog ko. Magdadalawang taon na itong blog na ito sa August pero same old same old pa rin hehehe. Ang theme ganun pa rin. Nasisilaw na yata ako sa kulay. Nauuta na rin ako sa mukha kong naka-shades at shawl. Wala naman kasing bagong theme ang WordPress. Tamad din akong maghanap kung ano kapalit ng mukha ko. Gusto ko na ring ilipat ang mga links sa isang page dahil super haba na ng listahan hindi na tlaga maayos tignan!

Haay buhay blogger (naks kinarir!).

Actually testing ko lang ang QuickPress kung ok lang. Mukhang ok naman ah.

Hay 1:46AM na buhay na buhay pa rin ang mata ko. Naghihilik na un isang ka-roommate ko pero ako eto gising pa rin. Bakit ba hindi pa ko antukin. Hindi ko na nga alam kung ano pa iba-browse ko.

Actually, kinakabahan pa ako. Next week kasi may interview ako sa isang company na gusto kong mapuntahan. Sana hindi ako pumalpak sa interview. Kung minsan kasi kung ano pa un gusto kong kumpanya dun pa ko sumasablay. Wag naman po sana bespren above. Pagbigyan mo ko sa isang toh heheheh. Kasi ayaw ko na talaga pa-renew sa company namin kesa naman po umuwi ako sa Pinas ng walang kasunod na work, feel ko mas ayos yata ung uuwi ako ng Pinas tapos may babalikan akong work sa ibang kumpanya. Ayos un! HeheheH.

O cge na nga, ayoko na lang umasa at isipin masyado ung interview. Basta kung ano’ng maging result – yun na yun!



{Sunday, July 13, 2008}   box

Nakakatuwa! Hindi ko inakalang mapupuno ko kaagad ung medium box na inorder ko para makapagpa-cargo ako sa Pinas. Kelan nga ba yung unang nagpa-cargo ako? April yata un at May nga nakarating. Dahil sea cargo lang po iyon eh kaya isang buwan din bago makarating hehehe. Natatakot ako magpa-air cargo baka naman gaanong kabigat na ung ipapadala ko hindi ko naman mabayaran ang charge hehehe. Unang beses akong nagpa-cargo sa loob ng dalawang taon ko sa Dubai. Ano ba yan hehehe… Pero nasundan ko din naman agad. Samantalang yung iba after four or six months nagpapa-cargo na. Parang napaka-walang kwenta ko nga eh hehehe. Pero si mudra ko naman, sabi niya huwag na daw ako magpadala ng mga kung anu-ano, tama na daw yung nagpapadala ako ng pera sa kanila. Yung mga friendlyfriends ko naman dito sabi nila, nasasabi lang daw un ng parents. Pero once na matanggap daw nila un matutuwa sila. Kaya un nga after ng ikalawang taon sa Dubai nagtry akong magpadala. Small box lang. Halos karamihan ng laman pa lumang damit ko na di na magkasya sa akin. Pero meron ding mga pasalubong sa kanila. Pero majority talaga ng padala ko nun lumang damit hehehe.. Abah naman nung natanggap nila, tuwang tuwa nga. Di rin nila inexpect kasi di ako nag-abiso, nasurprise nalang sila na may package na dumating para sa kanila.

Ngayon sila mas magugulat kasi mejo lumaki ung box. At lahat ng laman nun ay para lang talaga sa kanila.  Ngayon ilo-load yun kaya sana matanggap after exactly one month. Masusurprise na naman un sila malamang. Ang nakakatuwa pa, namumroblema ako nung Wednesday kasi ndi ko pa rin napupuno ung box, tapos biglang bigla napuno ko agad nung Friday. Kaya ung ilang hindi na kinayang isama sa box ipapadala ko nalang sa kaibigan kong magbabakasyon this month sa Pinas. Buti na lang! Kung hindi matatambak lang un kasi baka matagalan na ulit akong makapagpa cargo heheheh.

Sino jan gusto magpa-cargo? Ung dalawang friend ko kasi na kasama ko din sa haus sa isang cargo company sila nagta-trabaho. Mababait un mga un tapos smooth na smooth pa ang dating ng bagahe ninyo sa inyong pamilya back home!

Nung Friday namasyal-masyal kami at napadpad sa Festival City. Syempre pa dumaan kami sa IKEA at hindi na naman naiwasang magpicture picture… Ayan ang ibang pix kasama ng mga friends ko at ni modhesh na ang favorite color ay yellow…

nagmukha akong ghost dahil sa ilaw na yan!



{Friday, June 20, 2008}   creepy but sad

Di ba pahapyaw kong nakwento yung tungkol sa opismeyt ko na umuwi ng Pinas dahil namatay ang tatay niya. Na-feel talaga namin yung lungkot at panghihinayang niya na di siya nakauwi habang buhay pa ang tatay niya. Sobra yung iyak niya pagkatapos niyang ibaba ang fone para kumustahin sana ang pamilya niya.

Nung umaga ng araw na yun bago niya malamang patay na ang father niya. Ang daming blankong messages sa kanya galing sa number ng tatay niya. Tawa nga kami ng tawa kasi yung anak nya palaging pinakikialaman ang celfone ng tatay niya. Madalas walang nakalagay, blankong text lang sa tinetext nila sa Chikka Account ni opismeyt. Kung minsan naman ang laman lang ng message ay 12345678910. Aksayo sa load pero natatawa na lang kami. Ngayon nalaman niya naman na nung araw na iyon na namatay ang tatay niya. Lahat pati mga anak ni opismeyt ay nasa hospital dahil nga inatake na at namatay ang tatay niya. Halos mangiyak ngiyak ako dahil nangingilabot din ako na parang ayokong marinig nung nalaman namin na yung celfone ng tatay niya nasa bahay lang nila at naiwan. Kakakilabot talaga kasi ang dami niyang messages na nareceive sa chikka. Kaya nga siya napilitang bumili ng card at tumawag sa Pinas kasi kinabahan siya sa dami ng blank messages na nareceive niya. Ako naman tinawanan ko lang siya nun dahil ang nasa isip ko nga anak niya lang un.

Gumawa ng paraan ang tatay niya na ma-inform sa kanya yung nangyari. Sa kanilang tatlong magkakapatid na nandito sa Dubai, siya ang kauna-unahang nakaalam. Siya ang pilit na pinapauwi muna ng tatay niya dahil mahigit dalawang taon na siyang di nakakauwi sa Pinas dahil nga ayaw siyang payagan dito sa company kasi siya nga ang inaasahan sa halos lahat ng work. Kaya sobrang iyak at guilty siya dahil hindi niya man lang nakita na buhay pa ang tatay niya. Haayy kakaiyak talaga.



{Thursday, June 12, 2008}   Katrina

A friend forwarded a mail just this morning. Akala ko naman isa na namang spam at mga panloloko na kailangang i-forward mo lang para ma-spread. Iko-close ko na sana at ide-delete. Pero umiral ang pagka-usyusera ko kaya binasa ko muna ang mga email conversation sa baba. Hanggang sa naging interesado na rin akong buksan ang naka-attach. Nakita ko din ang link papunta sa website. This is my way of helping the kid, spread ko na lang dito sa blogosphere. Kung interesado kayong tumulong sa mga batang nangangailangan pakibasa na lang po sa baba o paki-open ang link:

http://www.katrina.heavenmind.com/

Pasensya na friends kung magiging magulo ang font face & size kasi nga po nika-copy & paste ko lang. Tamad na mag-edit baka bigla dumating big boss maha-hang na naman ang pagba-blog ko…

Dear Friends and Relatives,

As you all know that our daughter Katrina Rambongga badly needs a Cochlear Implant as soon as possible, the unit alone is very expensive and this does not include the doctor and the hospital fees. As parents we have to do what ever it takes for her to have this implant and for her to hear and speak…. as they say ” HEAR KATRINA AND KATRINA HEARS “….We have started a fund raising program for our daughter, we know that this will take time and lots of effort, specially for my wife who is now taking care all of these alone…..

What we have here are TEDDY BEARS which we are selling for….Php 150.00 for the small ones and Php 300.00 for the big ones. The funds that will be generated from this will be added to the cost for our daughters Cochlear Implant….

(Sorry I can’t paste the image of the teddies here, ayaw lumabas eh..LOLZ)

You may also forward this message to your friends so that they may “HEAR KATRINA “.

If interested you may contact:

my wife Karen Rambongga at cp 09295416625 or email her at karen_rambongga@yahoo.com

or me John Rambongga at cp 09285020316 or email me at john_rambongga@yahoo.com

Again thank for all your help and God Bless….

Ito naman po ang nabasa ko sa email. Galing sa mom ni Katrina:

Katrina is 2 years old turning 3 on Friday June 13. She also have congenital heart disease , pulmonic stenosis, kasi I had a german Measles nung 2 months akong pregnant sa kanya, kaya, yan ang effect sa kanya, blessing pa rin kasi hindi siya blind. usually blind din. for the first year , iyong heart niya ang concern, supposedly ioopen surgery siya when she reach 1 year old , pero by God’s miracle hindi na severe ang situation niya so no need for operation, when she reach  2 years old hindi ko na puwede i ignore ang situation niya for being deaf and mute, nagkaroon ako ng denial stage, na baka delayed speech lang siya but my greatest fear was confirmed Oct 2007 , nag lumabas result ng hearing test, then I thought kaya ng hearing aid but then again, another 2 hearing test occurs, Ctscan and MRI showed may defect sa ears niya. i had 5 to 6 doctors consolted 2 specialist, cochlear implant talaga advised nila, so go for the gold, to hook or by crooked

anything just to hear her say MAMA, and para Malaman niya man lang Katrina name niya, that’s it. kung makakapag open lang sana ako ng website http://havenmind.com everything is there , tapos may video pa siya sa YOU TUBE, connected dun, Yan ang story namin. sa Saturday nga lalabas kami sa kapwa ko, mahal ko  channel 7 6:00 am dito.

MAY GOD BLESS EVERYONE. MAY KATRINA HEAR THE WORLD.



{Wednesday, May 14, 2008}   20 USD

fake friend: musta?
fake friend: dyan ka ba?
BUZZ!!!
rhap: yup
fake friend: musta na?
rhap: ok lang naiinis na naman hehe
rhap: ala naman bago eh
fake friend: ah ok
fake friend: favor namn?
rhap: ano po un?
fake friend: k lng ba papabili sana me sayo ng prepaid cards?
(oops not the usual conversation… at nagtataka na ako nyan)
fake friend: pay ko na lng sayo ng 20 usd ang isa
(lalo ng nabuo ang doubt ko na isa siyang peke! Paluging negosyo?)
fake friend: may sideline kc me ngyun d2 eh
BUZZ!!!
rhap: ok
rhap: ano nga ulit un hehehe
rhap: bibili ako ng prepaid card?
(uma-acting heheh)
fake friend: k lng ba papabili sana me sayo ng prepaid cards?
fake friend: pay ko na lng sayo ng 20 usd ang isa
(hmmmn… paulit ulit na dialogue as in ni-copy & paste lang yata kasi parehong pareho eh)
fake friend: yup
fake friend: ok lng ba?
rhap: cge ok lang pano ba gagawin?
(uy playing safe kung true man yan – at least pagbibigayn ko si friendship sa favor nya)
fake friend: bili u lng me tpos ung mga pin no ng cards lng kaialangan ko
(Aha! Tumpak hindi siya si friendship – in the first place di ganyan humingi ng pabor ‘yan. Ang naalala ko lang na pabor na hiningi nyan eh ihanap ko siya ng mga engineer na Pinoy, minsan secretary, minsan naman driver na Pinoy para sa kumpanya nila)
fake friend: ok lng ba ngyun sana eh
(tapos demanding pa…)
rhap: ngek ngayon?
rhap: bakit ngayon agad
fake friend: dmi kc orders eh tpos wla pa ung supplier ko
fake friend: cge na pls
fake friend: pay din namn kita agad eh
(Ang akala niya magpapadala ako sa ganyang salitang magbabayad naman da agad siya; at ano’ng paki ko kung wala supplier niya dapat siya maghanap ng maoorderan business nya un eh)
rhap: gnun ba
rhap: ok lang
(drama ko kunwari okei lang lolz)
fake friend: send ko sayo ung payment bukas din
rhap: ay uwian na tawagan mo nalang ako mamaya ha
rhap: bye

Imbyerna cguro ang mokong na ‘yan dahil bigla akong nagpaalam. Tapos kahit pa ichat niya ako ng ichat at i-buzz ng i-buzz ay paalam naman ako ng paalam. Ang malas niya uwian na nung nakipag-chat siya sa akin eh.

May pahabol pa yan di ko na lang nakopya. Pinagpilitan ko kasing tawagan ko nalang siya later. Gusto niya itext ko na lang daw siya. Tapos hinihingi ang number ko lolz. That time tinatawagan ko na ang friend ko na andito din naman sa disyerto pero di naman sumasagot. Wala na yata ako sa opis nung nag-callback ang totoong friend ko at nikwento ko nga ung naka-chat kong siya pero ndi naman pala siya. Inis na inis si friendship dapat daw ipinamukha ko na alam kong hacker at scammer ang ka-chat ko.



{Monday, May 12, 2008}   happy person

Last week pino-problema ko na talaga yung pagbabakasyon ni friendship ko. Kasi ang ibig sabihin nun kapag nagbakasyon na siya wala na maghahatid at sundo sa akin sa work. Ang iniisip ko talaga eh super init na kasi ngayon hindi ko kakayanin dahil mahirap na nga maghintay ng bus hindi kagaya noon na kahit super lamig o super init kahit papano pag may dumating na bus makakasakay agad ako. Kaya pray ako ng pray kay God. Hindi ko naman pinagpe-pray na sana wag matuloy bakasyon ni friendship noh. Pray ko na sana mabigay na ung car kay papuch.

Hindi nagtagal sinagot agad prayers ko weee nung Thursday may kotse na uli si papuch. Yipeee! I’m so happy hehehe babaw ko noh! Pero happy talaga ako kasi hindi na ako matutusta sa araw at tatayo sa bus stop ng isang oras o lagpas pa. Tapos once makasakay na ng bus nakatayo o kalahting pwet ko lang ang nakaupo da whole trip. Kaya lang nalungkot yata si friendship syempre mami-miss niya daw ako kasi hindi na ulit siya ang magda-drive para sa akin. Bilib ako jan kay friendship sobrang bait na tao kaya nga mabait din ako sa kanya.

At isa pang nakakatuwa improving na ang dollars ngayon kahit papano tumataas naman. Mejo may eksena pa nga dun sa money exchange eh. May tatlong Pinoy kasi na napaka-ingay sa loob ng exchange. Parang mga nagpapapansin tapos pinagkakatuwaan nila yung Manager na ibang lahi. Ang tapang nilang magbiro ng magbiro kasi hindi naman sila maiintidihan. Hindi na nga lang kumikibo yung tatlong Pinay na staff sa shop na iyon. Pero halata mo sa mukha nila na naiirita na sila dun sa isang Pinoy na papansin talaga. Ang sama sama ng tingin nung Manager dun sa isang Pinoy na dakdak ng dakdak. Nakaramadam din yata ng hiya o takot sa tingin nung Manager lumabas ang mokong. Maya-maya lumabas din yung Manager at kinausap yung Pinoy. Naririnig ko lang na nagdadahilan yung Pinoy at sinasabing “I’m just a happy person!” Happy din siya? Hmmmppf lumulusot lang siya LoLz.

Ang ibang mga Pinoy naman sa loob naiinis na din pala dun sa maingay na iyon pati na yung mga staff. Kasi nga nambabastos na daw. Minsan kasi mejo wala sa hulog mga tao. Akala nakakatuwa pa rin sila hindi nila alam OA na sila at nakakairita na. Mabuti nalang nga tumaas ang exchange rate kung hindi nairita na rin ako.



{Wednesday, May 7, 2008}   soaps

Napakahilig ko talaga noon sumubaybay sa mga soaps. Corny na kung corny pero yun lang naman ang libangan noon sa araw-araw eh. Kahit pa galit na galit ka na sa takbo ng istorya, sa katangahan ng bida at sa kaimposiblehan ng mga pangyayari. Di pa rin maiiwasang silipin kung ano nga ba ang mangyayari kinabukasan. Kapag naman Friday na at nabitin ka sa istorya, asar na asar ka dahil dalawang araw ka ding maghihintay para mapanood ang karugtong.

Sa sobrang daming napanood kong soap opera ni hindi ko na maalala kung ano bang mga pamagat at istorya nung mga napanood ko. Basta ang alam ko madami talaga akong napanood. Hindi lang mga pinoy soap, pati na din yang mga koreanovela at kung anu-ano pa. Ngayon na lang nabawasan kasi wala kaming cable sa bahay. Mabuti na rin yun dahil nung andun pa ako sa dating bahay halos mapuyat ako kaka-panood ng mga tele-serye.

Sobra ang pagsubaybay ko sa Dawson’s Creek kasi type na type ko talaga si Pacey Wither (fafa Joshua) at feeling ko kamukha ko si Katie Holmes na fresh na fresh pa ang byuti nung mga panahon na yun. Kung may naka-chat kayo noon sa YM or mIRC na ang nick ay Josephine Potter, ako un pramis! Yung Popular nina Leslie Bibb or Brooke McQueen at Carly Pope or Sam McPherson sa series pinapanood ko din yan. Nakalimutan ko na kung ano bang naging ending ng series na ito. Isa din sa favorite kong panoorin ang Time of Your Life ni Jennifer Love Hewitt. Kasama niya si Jennifer Garner sa TV series na iyan, pero para sa akin hindi pa gano’ng ka-attractive si Jennifer Garner noon, kasi ang payat payat pa niya. Ibang-iba na siya sa Alias. Hindi ko na rin nakita ang ending ng Time of your life, bigla na lang kasing nawala sa ere bukod pa sa inaagawan ako ng lola ko sa panonood. Mas pinipili niya ang manood ng tagalog soaps. Ako naman pupunta sa room ng parents ko para duon manood kaso ang labo ng reception dun. Hanggang sa isang araw wala na ni hindi man lang tinapos ang series na iyon ni JLH sa studio 23. Read the rest of this entry »



{Tuesday, May 6, 2008}   latest option sa WP

Napansin ko ang bagong announcement dito sa WP. Pwede na nating lagyan ng Avatar ang mga commenters na walang gamit na avatar. Cute.

Pasensya na sa ibang commenter kasi hindi Identicon ang napili ko. Yun pa naman ang inire-rekomenda ni Matt. Mas gusto ko kasi yung Wavatar o kaya ung MonsterID. Pero baka maasar naman ung iba at ginawa ko silang Monster, kaya Wavatar na lang. Sabi ni Matt makikita ang option na yan sa Settings > Discussion. Then pwede mo ng piliin kung anong default avatar ang gusto mo para sa kanila.

Yey! Ang cute nga! Ayun tignan mo yang nasa sidebar ko yang mga magaganda at gwapong commenters under ‘Recent Comments‘, may mga cute na Avatar na sila samantalang dati ang avatar nila yung kagaya ng Mystery Man lang. :D



{Tuesday, April 15, 2008}   prayer for my boss

Love na love ko ang trabaho ko at love na love ko din ang boss ko (???) kaya tuwing umaga bago ako pumasok ng opisina ito ang palagi kong pinagdadasal kay God…

Read the rest of this entry »



{Tuesday, February 12, 2008}   Strike a pose and be on the cover!

Type na type ko ang tag na ito ni Malen na dinekwat niya lang kay Pusa. Paminsan-minsan kailangan naman nating tuparin ang pangarap natin agree man o hindi ang ibang tao. Sabi nga nila wala namang pinanganak na pangit, lahat tayo ay mga magaganda at gwapo in our mom’s eyes kaya we have every right to pose in popular magz kahit pa ipagtabuyan tayo ng mga lintek na photographer na ‘yan palayo. Huwag papaapekto, ibida pa rin ang sarili hanggang sa sumuko sila at finally tanggapin tayo sa front cover of these fabulous magazines. See the result of my pictorials below. Basta wala lang pintasan huh. Hindi ito gaya ng mga niretokeng kuha ni Angelica Panganiban kaya kung may makita kayong fats sa picture ko ‘yan ang tinatawag na natural byuti sa katawan hehehe.

Ayan sorry dito ha! Kasi hindi na nagkasya yung isang mata.

Ito yung banner ko eh heheheh

Tight Abs? Uhmmm… kahiya buti na lang hindi kita yung tyan.

Parang masyadong na-shrink ang picture kaya nawala yung mata ko. Pasensya na naka-tsinelas lang pagod na kasi sa matataas na sandals at shoes.

At kung gusto nyo din gawin, click mo ito



{Wednesday, February 6, 2008}   happy valentines

Uuuuyyyy lapit na ulit ang Valentines Day. Actually simula pa noon hindi naging espesyal ang v-day para sa akin. Unang-una dahil iilan lang ang naging boypren ko. Tapos iisa lang ang masasabi kong seryosong relasyon, yung ngayon lang. Nauubusan pa ako ng manliligaw at admirer tuwing January at February kaya sorry na lang ako. Noon din kasi parang batang isip pa ako kahit college na ako. Hindi ako nagseseryoso lalo na pagdating sa manliligaw o sa boypren. Sa dinami-dami ng nagka-crush at nanligaw sa akin (feeling byuti na naman ba heheh pagbigyan na po balentayms naman), tatlo lang ang naging boypren ko. Ang pinakauna, hindi man lang umabot ng isang buwan. Siguro mga dalawa o tatlong araw na lang aabot na sana ng isang buwan – hindi pa umabot. Ang nakakatawa dun, siya ang nakipag-break. O dibah kapal ng mukha… kahiya hiya sana man lang hinintay niya ako. Muntik ko ng batukan ang sarili ko sa pagkapahiya. Kasi ilang araw ko ng pinag-iisipan kung papano ako makikipag-kalas sa kanya. Aba hindi ko alam uunahan pa pala ako ng mokong. Dahil nga wala naman akong feelings sa kanya at sinubukan ko lang kung mai-inlove ako. Kasi naman, 2nd year college na hindi pa rin ako nagkaka-papa. Hindi naman ako kapangitan. Sabi nga ng iba masyado daw akong mapili pero sa totoo lang hindi naman. Kahit nga ikaw pa ang pinaka walang hitsura basta mabango ka, malinis sa katawan, mabait at syempre love ako, magkakagusto ako sa iyo. Nung time na sinabi niyang break na muna kami kasi mag-iisip isip muna daw siya. Syempre ano pa bang mararamdaman ko eh di matuwa – nakahinga kasi ako ng maluwag nung sinabi niya yun at least di ko na kailangan pang mag-isip ng paraan kung papano ko siya maiiwasan. Ang problema din kasi sa akin, nilihim ko ang pagiging mag-on namin. Kasi nahihiya akong tuksuhin kami ng mga friends namin. Ganun ako ka-mahiyain – kahit sa pagboboypren ayokong malaman agad ng iba. Pinakiusapan ko siya na huwag na muna naming ipaalam sa mga kakilala namin na kami na. Pumayag naman siya. Ilang beses niya akong kinulit na sabihin ko na pero sabi ko hayaan niya na lang akong maghanap ng tamang panahon. Ayun naguluhan siguro kaya mag-iisip-isip daw. Makalipas ang ilang buwan, tumawag siya at nakikipagbalikan. Sinabi ko may boyfriend na ako kahit wala pa talaga hehehehe…

Naka-graduate na ako ng college. Ilang lalaki din ang nabigo. Ilang beses din akong nabigo dahil bakit kung sino pa ang crush ko eh yun pa ang walang interes sa akin. Well anyway dahil hindi ako ang tipong aggressive na babae… na gagawa ng paraan para mapansin ng crush. Mahiyain nga eh kaya wala akong guts na magparamdam sa crush ko. Pinalampas ko na lang lahat yun sila. Nagsawa din ako sa mga mukha ng mga lalaking yun. Isang taon akong nabakante sa pagtatrabaho. Nang makakita na ulit ng trabaho, dun ko na na-meet ang ikalawang boypren. Di ko siya type nung una pero naku-cute-an ako sa mata niya, chinito kasi. Tinutukso tukso kami ng mga ka-department ko at siya naman ng mga ka-department niya. Pumupunta siya sa bahay at dinadalaw ako kahit pa late na late na at umuulan pa. Pagkatapos uuwi din agad. Ako sa Cavite City, siya naman sa Alfonso Cavite. O dibah ang layo. Nagttyaga siya kung minsan na bumiyahe para ihatid ako pauwi at tumambay lang ng isang oras sa bahay namin. Yung aso kong si Tisay – suplada yan sa ibang tao at basta na lang nangangagat ng di naman dinidiin pero siya lang ang hindi nito tinangkang kagatin. Tapos gusto din siya ng magulang ko dahil mukhang mabait at mahiyain daw kagaya ng tatay ko. Kaya sinagot ko siya.

Pero di rin nagtagal. Tumagal actually ng 6 months. Pero parang 2 months lang kami kasi nawala na ako sa kumpanyang iyon at simula nun dumalang na din ang dalaw niya. Iba rin ang feeling ko sa kanya parang lagi akong nagda-doubt sa pagkatao niya. Mas lalong hindi na posible kung madedebelop ba ang feelings ko sa kanya – kaya pagkatapos ng apat na buwang pag-iisip kung papano at ano ba ang magandang dahilan para i-break na siya, finally nai-text ko din sa kanya. At nakalaya ako. Kahit pa magpumilit siyang magkita kami dahil may kailangan din daw akong malaman, tumanggi na ako.

Andito na ako sa Dubai ng may nagkumpirma sa akin na may anak na nga siya. Iba talaga ang instinct ko, ng mga babae. Asawa? Hindi namin sure kung hiwalay o hindi. Pero ang pamantayan ko kasi sa buhay ay – huwag maiinlove sa isang lalaki na may anak na at may asawa o hiwalay sa asawa. Unang una kapag may anak na yan at may asawa – saan ka pa lulugar sa buhay niya. Pwedeng pampalipas ka lang ng oras, pwedeng naguguluhan lang yung lalaki sa relasyon nila ng asawa kaya naghanap muna ng iba. At saka nakakaawa din ang anak at asawa nung lalaki pati na rin ikaw kasi in the end malamang ikaw ang talunan. Pangalawa kung hiwalay sa asawa – may pag-asa pa rin silang magkabalikan unless divorce na sila baka sakaling may chance ka na sa iyo talaga mabuhos lahat ng panahon niya. Naalala ko tuloy nung tanungin niya ako kung halimbawa daw ba may anak na yung isang lalaki – magugustuhan ko pa ba. Eh ako naman biglang sagot ng ‘Hindi na noh! Siguro ikaw may anak ka na.’ Sabay tanggi naman siya. Mabuti na lang din at malakas ang kutob ko at mabuti rin hindi ako nagkagusto sa kanya ng totoo.

Itong pangatlo at mukhang last na talaga. Wala akong masabi kahit pa may misunderstanding kami, masaya pa rin naman. At siyempre ako lang ang nag-iisang reyna sa buhay niya. Pero hindi rin kami nakapagcelebrate ng Valentines last year kasi wala kaming pera that time. Binigyan niya lang ako ng isang red rose at isang maliit na heart-shaped stuff toy. Ang sweet lang ng isang friendship ko kasi parang siya ang boypren ko ha. Ang ginawa niya nagpadeliver sa office ko ng isang dosenang red roses tapos may malalaking balloons. Hiyang hiya nga ako nung pauwi na ako at hinihintay ang pagdating ng carlift ko. Pinagtitinginan na ako ng bawat kotseng dumadaan kasi kahit na itago ko sa likod ang mga dala ko – kitang kita pa rin ang mga pulang balloons sa likuran ko. Kaya kinabukasan tinawagan ko siya at nagpasalamat ako. Pero sabi ko next time huwag na siyang magpadala kasi nakakahiya, bukod sa tinutukso ako sa office eh pinagtitinginan pa ako. Pero ang saya pa rin kasi nakikita kong mas happy at kilig ang mga ka-officemates ko.

Ngayong Valentines ano naman kaya ang mangyayari? Hmmmn tingin ko lang ha… wala ulit kaming date kasi wala ulit kaming pera hehehehe…

HAPPY HEART’S DAY EVERYONE!!! V-day!

pink valentine

<—- ito nga pala yung wallpaper ko ngayong love month… la lang! naisip ko lang i-share kasi ang cute ng kulay…



{Tuesday, January 29, 2008}   Top Ten Trivia Tips about Rhapsody!

Nakita ko ito sa aking new blogfriend Daze – lol can i just call you Daze? Inggit lang ako so I tried to see what are the trivia behind my lovely name. LoLz :p

 

  • The international dialing code for Me***** is 672!

Hmmm.. meron pala akong code? So what are u waiting for? give me a ring at this number 672 xxxxx xxxxxxx!

  • Me***** is only six percent water.

Does it mean na sobrang dry ako? Do I need to apply more lotion or drink more water?

  • On average, women blink nearly twice as much as Me*****!

Don’t worry I’ll blink even more!

  • Me***** will always turn right when leaving a cave.

Okei ah! Teka isipin ko nga.. nag right ba ko nun!

  • Long ago, the people of Nicaragua believed that if they threw Me***** into a volcano it would stop erupting.

Kaya ayokong mapagawi bandang Nicaragua!

  • In Chinese, the sound ‘ Me***** ‘ means ‘bite the wax tadpole’!

All this time akala ko iisa lang ang meaning ng Me***** – kulay dilim kasi ang meaning ng binubura kong pangalan pero may sarili pa lang name dictionary ang mga Intsik!

  • Only one person in two billion will live to be Me*****!

Yeah right! I’m a legend! No one can even imitate me – so… that one person in two billion is just me and me alone! LoLz

  • Tradition allows women to propose to Me***** only during leap years!

Waaaahhhh di ako tomboy! Pero leap year this year so ano ba women lang ba talaga? pwede na rin kayo guys.. kaya propose na! LoLz!

  • Olympic badminton rules say that Me***** must have exactly fourteen feathers!

Oh yeah? I think I have more than fourteen of it!

  • A cluster of bananas is called a hand and consists of 10 to 20 bananas, which are individually known as Me*****!

Huh?!??? FYI I’m neither a hand nor a banana! LoLz!

Kung bored na ikaw at wala magawa sa office o bahay, baka gusto mo lang tignan kung ano ba meron sa pangalan mo. Dito mo pwede gawin.



{Thursday, January 17, 2008}   Teach me how to be patient.
kit

Ayos din tong kit na ito ha. Lalo lang sasakit ulo ko dito eh. Kayo kaya try nyo yan!

Truth is kung baliw ako baka na-try ko yan hehe kasi naman ilang araw o linggo na akong confused/depressd/worn out/super tense at marami pang ibang emosyon; at may pinaplano akong pinakamabigat na hakbang na gagawin. Hindi ko alam kung bakit din masyadong nagiging impatient ako at mainit ang ulo ko sa problema. Minsan out of pagka-inis, kung anu-ano ng nasasabi ko. Gusto kong pag-aralang maging calm. Bakit dati hindi naman ako ganito? Cguro dahil nakakainis din ang mga pangyayari o ibang tao sa paligid ko. Patience Rhapsody patience. Kaya nga patience ang codename ko dati eh (kuha ko sa name ni catwoman na Patience Philips) kasi mapagpasensya ako kahit na sobrang kainis-inis na at may nang-aapi sa akin na datihang empleyado sa dati kong pinagtrabahuhan sa Pinas noong bago pa lang ako sa kumpanya. Patience at pakikisama ang ginawa ko hanggang sa naging close at magakasundo kami. Pero kung minsan o gaya ngayon, bakit ang hirap na kontrolin o hindi na ma-control?

May nasasabi akong kung anu-ano like questioning someone but not directly confronting that person pero naririnig niya siguro. Kasi nga naging useless din nung kinausap ko siya kaya ayoko ng kausapin ulit siya. May ibang taong kumausap sa kanya at nagtanong, hindi rin naging maganda ang sagot na narinig sa kanya. Kaya habang patuloy silang nagkukuwento tungkol sa pinag-usapan nila ng taong nakakainis na un, parang nag-sisink in lahat sa utak ko. Hanggang sa kung anu-anong comments ang nasasabi ko habang kausap ko ang mga kasama ko. Hanggang sa na-feel ko na lang na ang init init ng mukha ko. Til i decided to shut my mouth. Heheh. Yumuko, di na naki-join sa usapan ng mga kasama at bumulong-bulong na lang ng ‘Patience. Patience. Calm down rhapsody, calm down. just try to calm down.’ Pagkatapos ay kinuwento ko sa aking BFF na ka-chat ko kanina sa YM ang story at conversation and what i’m feeling. Ang BFF ko namang baliw ayun kinakalma din ako, take a deep breath daw, then inhale – count to 3. exhale – count to 4. hehehehe. Hindi pa rin nakatulong, pansamantala lang iyon.

Maya-maya magkukwento na naman ang kasama ko tungkol sa hinaing niya. Ako naman parang nahihigop ko lahat ng sama ng loob niya at nire-release ko through commenting para marinig nung taong nakakainis. Then mare-realize ko na dapat kalmahin ko ulit sarili ko. Parang baliw lang noh? Paulit-ulit lang. Hanggang sa dumating ang isa pang taong concern at kinausap kami. Nagpaliwanag siya, nagpaumanhin, at gagagawin na ang dapat niyang gawin. Kahit papano gumaan na ang pakiramdam ko. Nawala ang tension at stress. May in-advice siya sa amin na naisip kong imposible kaya kumontra ako, sinuportahan naman ako ng isa. Naisip niya namang may katwiran kami. Kaya nagpayo siya ng isang magandang payo na dapat naming gawin. Maganda ang payo na yun pero may kalabuan din sa palagay ko.

Masaya akong uuwi ngayong araw dahil may sagot na sa araw-araw naming kwestyon sa kanila. Although hindi ko man gusto pero mako-cross out na sa to-do list ko ang pinaplano kong pinakamabigat na hakbang na gagawin.

For the meantime, habang naghihintay ng tamang panahon, i need to cheer up and…

be happy


et cetera