I don’t wanna talk
About things we’ve gone through
Though it’s hurting me
Now it’s history
I’ve played all my cards
And that’s what you’ve done too
Nothing more to say
No more ace to play
Haaayy.. The winner takes it all…
Yes nanalo kasi ako ng movie pass for two to see Mama Mia at ng isang Mama Mia beach (kasi ang laki
) bag.
Ganito talaga ako kapag nanonood ng movie, ung mga kanta kadalasan naiiwan pa sa isip ko. Nanghihinayang pa ako kung bakit ba hindi ako binigyan ng talent kumanta. Well, nakakakanta naman ako. In fact, naging part pa ako ng choir nung college ako. Eh kasi naman po choir un eh.
Choir. n. An organized company of singers, especially one performing church music or singing in a church.
Opo nga po. Grupo dibah. Hindi kasi ako mahilig sa spotlight. Ako ung mas gustong hindi napapansin. Low profile. Yes. Kaya kung pakakantahin ako mag-isa, well sorry na lang. Kasi biglang mawawala ang boses ko, o kaya naman manginginig, o kaya naman pipiyok na lang hahaha. Kawawa naman ako. Mahilig kumanta pero yung kanta kusang umiiwas sa akin. Hanggang cr na lang ba talaga ako? What a sad sad life!
Naiinggit nga ako nung napanood ko kahapon ang Mama Mia. Kasi ang ganda ng mga boses nila. Sobra pa akong nag-enjoy kasi nakakatuwa ang mga oldies daig pa kami ng friend ko sa kagaslawan. Watch ninyo talaga kasi super maeenjoy ninyo. Yun nga lang si papuch parang inantok. Ganun yata talaga ang ibang lalaki nako-corny-han sa mga ganung klaseng movie. Pero kami ng friend ko sobrang sobrang nag-enjoy. Kulang na nga lang mapasayaw din yung friend ko kasabay nila Meryl Streep. Ako naman sumasabay sabay pa sa pagkanta. May isa pang kanta dun na maganda at mejo nakakaiyak din, para sa mga moms na iiwan na ng anak nila dahil mag-aasawa na… Slipping through my fingers… awww! Nakakaiyak! The best pala talaga ang mga kanta ng ABBA.
g nakakita ako ng dibidi o makapag-download ako sa internet nun papanoorin ko rin. Gusto ko kasi mapanood si T.V. Carpio. Alam nyo na ba ang background niya sa mundo ng hollywood? I’m sure alam nyo na ako na lang yata ang nahuhuli sa balita. Pero sa mga hindi pa nakakaalam, si T.V. o Teresa Victoria Carpio ay isang Chinese/Filipina na ipinanganak sa Oklahoma City. Isa siyang singer, songwriter at actress.
















