RhaPsoDy











{Monday, February 16, 2009}   VdaY

dsc040251Date ever kami ni papuch! Feeling Dudong at Inday na nakawala sa mga amo’ng mapang-alipin. lol! May kabaduyan man na mag-date sa mismong balentayms day, kung minsan ndi pa rin maiiwasang icelebrate. Actually kahit naman ndi araw ng mga puso eh nagde-date ang mga magsing-irog davah! So I really don’t know kung bakit kami nag-date at bakit niya ako binigyan ng mmmmmbangong bulaklaks nung mismong araw na iyon. Siguro para lang ma-feel lalo namin ahihihi!

Pero ‘empre naman kikiligin ka na rin kapag may flowers ka sa mismong araw na iyon. Kapag naman tinanong ka ng mga friendship mo, “How’s your vDay?”, “Sino’ng date mo?” at kung ano-ano pa… may masasagot ka sa mga katanungan nila. Kung wala naman wala lang deadma na lang.

Salamat kay papuch sa dinner and flowers! Mwaaah!

Read the rest of this entry »



{Saturday, January 3, 2009}   New Year, New Home

Tumpak! Naglipat na naman kami ng aking mga ka-berks!  Mas konti na ang tropa dahil may isang umalis na para mapalapit siya sa work niya at meron naman umuwi ng Pinas at meron pang uuwi na sa Pinas this month. At ang isa naman ay magbabakasyon sa Pinas. Kakalungkot kasi paunti kami ng paunti.

Sa bagong studio flat okies naman. lipat building lang kami kaya ndi na kami naghanap pa ng truck para sa paglilipat. At Bukod pa sa mas mura ang sharing namin per head, mas malaki ang space ng flat at ang pinakaimportante sa lahat, may internet at may orbit. la naman akong paki kesyo orbit or tfc, basta may mapapanood akong news at shows sa Pinas, ok na sa akin un. Unang araw ko pa lang sa bahay, nakakahiya na ung nangyari hehehe… pa’no ba naman nakulong ako sa cr. May defect na rin kasi ung lock ng pinto sa cr. Hanggang sa ako pa ang natyempuhan nung nagloose na at ndi na makuha kahit sa screw. Haysss! From 8:30pm na nagsimula akong naligo, nakalabas lang ako ng cr ng 9:50PM. Naabala patuloysila sa pag-aassemble ng bagong biling tv rack pati na ung paglalatag ng bago ring carpet na binili pa ng mag-asawa’ng landlord namin. Inasikaso kasi muna nilang baklasin ang door knob at pinalitan na lang nila ng bago. Heheh buti naman! Pagkatapos kong makalabas ng cr at mapalitan nila ng bago ang doorknob saka pa lang nila ulit pinagpatuloy ang naiwang gagawin. Nang dahil dun, 1:30AM na ako nakatulog.

Bago kami naglipat sa bagong bahay, nilubos lubos na namin ang pageenjoy sa inalisang flat. Ang celebration na dapat ay iisa na lang ang christmas at birthday ko, ndi natupad. Although naghanda din ako ng kahit isang putahe nung christmas, si papuch ndi rin natiis na ipaghanda ako. Pizza party lang naman kami para lang maicelebrate daw ang kaarawan ko. Naks! Kinabukasan, New Year naman! Ang saya tlga nun sunud sunod na inuman (nila – patago lang ako nakikihigop ng whisky hehehe) at kantahan at sayawan.

 

HAPPY NEW YEAR sa lahat!

 



{Thursday, December 18, 2008}   happy holidays sa lahat



Christmas is fast approaching. Super lamig na rin dito sa disyerto. Dahil din yata ito sa pag-ulan daw ng yelo sa may parteng Bur Dubai kahapon. Mabuti pa sila nakakita ng snow, ako hindi. Di ko naman mapapansin kasi nasa loob kami ng office unlike ang office nila ate konting lakad lang nila nasa labasan na sila. Epekto yata ng pagsnow ng saglit na sandali ang sobrang lamig ng temperature ngyon dito. Kagabi may bibilhin lang kami sa supermarket na malapit lang sa bahay. Syempre nakakatamad na pumorma pa kasi sa pangatlong block lang naman ang bilihan. Nagblouse lang ako na mejo sleeveless at short na mejo manipis pero hanggang tuhod. Paglabas ng building waaaaaaaaaaaaahhh ang lamig. Akyat kami agad ng bahay at kumuha ng jacket pero kahit naka-jacket na nangangatal pa rin ako sa ginaw. Brrrrrrrrrrrr!!!

Di ko man gaanong feel na parating na ang Christmas unlike last year, masaya pa rin dahil unang-una it’s Christmas! next week na un! Pangalawa, masayang may konting lungkot kasi magbe-birthday na naman ako before the year ends. Masaya kasi I have reached nth year in this fabulous world. Malungkot dahil madadagdagan na naman ang edad ko. Anyway, paano naman tayo magma-mature nyan if forever young na lang tayo dibah. Well hopefully nga I’ll be mature enough to understand and deal with complicated things. Wish ko for myself na sana maging strong ako palagi and to not easily give up sa mga bagay bagay na un nga komplikado. Mga bagay na kayang kaya namang takasan kung magiging selfish lang ako pero dahil iniisip din ang kapakanan ng iba, pinipilit baguhin ang sarili para andun lang ako sa tabi-tabi amidst all troubles we’re facing. Pinagdadasal ko talaga na maging maayos at malagpasan ang lahat para makapag-move on din kami at makasimula na sa mga bagong plano.



Anyways, maaga akong magcecelebrate ng aking kaarawan. Imbes na sa katapusan ay sa Pasko na lang ise-celebrate. Hays! 3 years of celebrating my birhtday away from home, away from my family. Ang galing dahil kahit papano nakayanan ko naman kahit nakakalungkot. 25th and 26th ang celebration ng birthday. Actually dalawa kaming pag-iisahin lang ang celebration isinabay lang namin sa Pasko para makapunta rin naman ang ibang friends. 26th naman ang birthday treat sa akin ng isa kong friend sa comedy junction (nga ba? Basta comedy bar daw eh!).

Anyways, hindi ko masabi kung kelan na naman ako sisipaging magblog. Kung saka-sakaling di na naman makapagupdate.. greet na ‘ko ng mas maaga sa lahat.





{Wednesday, December 10, 2008}   eid bakasyon

Huh? May pasok na naman ba? Hay oo nga. Tapos na ang mahabang bakasyon! Tatlong araw kaming walang pasok na nagsimula nung Linggo, pero dahil Friday at Saturday ay off na rin namin nagtuloy-tuloy ang bakasyon na umabot ng limang araw. Ngayon dalawang araw ang bubunuin sa pagpasok sa opis pagkatapos dalawang araw na off na naman yipeee!!!

Limang araw din akong nakapagpahinga. Hindi ko alam kung pahinga nga bang matatawag un, kasi puro puyat naman ang nangyari. But at least, nakapagrelax relax din naman. Tulog-kain-inuman-movies-videoke. YEeeeeeeezzz! As in trying hard singer hahahah! Gusto nyo ba pakinggan ang mga birit namin? Gusto ko sana ilagay kaso di ko alam pano mag-upload dito eh soweee! Lolz!

Unang gabing inuman. Ayoko talaga sanang uminom pero dahil wala silang humpay kakasabing madaya ako, actually ‘yan talaga ang pagkakakilala nila sa akin. Kahit pagdating sa hatian ng pagkain, tumatakas ako kapag busog na ako dahil ayokong dagdagan pa nila ang pagkain ko kaya sila ang umuubos ng food para walang tira-tirang maiiwan sa lamesa. So ayun nga dahil ayokong masabihang madaya, uminom ako. Feeling ko ang dami ko ng nainom, saka ko lang narealize di ko pala naubos ung isang tin ng red horse. Halos maubos ko na actually kasi konti na lang un natira na naubos na lang ng iba. Kasalukuyang sumusuka (eshusme sa mga kumakain!) si papuch nun dahil sa dami yata ng nainom at inaaalalayan ko. Napayuko lang ako ng konti, pag-angat ng ulo ko… eto na naman, nangyari na dati ung ganung eksena eh. Shetness unti-unti akong nabubulag! Di na ako makapagsalita nun para sabihin pa kung ano nangyayari sa akin. Basta hawak ako sa pinto para makalabas ng cr. Napansin ni papuch kaya sa isang iglap naiba ang eksena, ang umaalalay siya ngayon ang inaalalayan. Unti unti ung pandinig ko naman ang nawawala, naririnig ko mga boses ng mga kaibigan ko pero parang galing sa ilalim ng lupa, parang nasa malayong lugar. Pakiramdam ko naman nun lambot na lambot at parang dinuduyan lang. Maya maya narinig ko si papuch sinabihan ang isa kong kasama, “A, nagpass-out si Rhap!”

Naririnig ko si A habang ginigising ako. Mejo lasing na rin si A at natatawa pa nga kasi bakit daw ako sa sahig natutulog. My goodness dun ko lang na-realize nakahiga pala ako sa sahig. Pero nanlalambot pa rin ako kaya di ako makangiti man lang kay A. Si papuch naman pala inaalis pa mga nakatambak na gamit sa bed ko kaya inihiga ako sa sahig. Saka pa lang nila ako binuhat pahiga sa kama nung naalis na mga nagkalat kong gamit. Ilang minuto lang ng nakapagpahinga na ako, nabuhay na ulit ako. Tanungan na sila ng tanungan kung bakit ako humiga sa sahig, ang akala kasi nila sa sobrang antok ko sa sahig ako humiga. Anyways, later naman si papuch na naman inalalayan ko kasi continuous pa rin ang pagsusuka niya – sinabihan ko nga na wag na uli iinom.

Kinabukasan ng gabi, may mediacom na uwi sila Ate. Kaya mega kantahan kami. Hindi nga lang masyado lumabas mga natural naming kagaslawan kasi may bitbit na bisitang lalaki ang isa naming friend. SanMig Light na ang alak para daw hindi na masyadong malakas. Hindi na ako uminom hinayaan ko na lang silang mag-inuman basta ako paminsan minsan kumakanta lang. Ayaw ko na kasing mabulag, mabingi at mapahiga na naman sa sahig. Si papuch absent iwas din sa alak.

Sumunod na gabi, kami kami lang minus ang dalawa naming bisitang friend. Si papuch dumating din may dala dalang mga bacardi breezer (watermelon favorite ko kaya puro ganun dala niya hehehe) at wine. Meron pa rin sanmig light na inubos na ni Papa AJ. Naka-isang bote lang ako ng bacardi, blushing na agad ako. Mahina talaga ako kakainis! Imagine 4% lang ang alcohol content nun pero rosy cheeks na agad ako. Si papuch may sariling mundo habang kami nagkakatuwaan sa pagkanta, siya naman nood ng movie – iwas pa rin kasi sa alak. Pinagbigyan namin nung una, pinatay muna mediacom then nanood kami isang movie. After ng movie, kantahan na naman siya na lang naiwan manood ng movie sa lappy, gumamit na lang ng headset. At ang bagong trip namin, recording. Hehehehe! Mga feeling singer nga kami eh kahit ang papangit ng boses record pa rin.

Hmmm.. ano kaya kakantahin ko sa Friday & Saturday???



{Sunday, October 26, 2008}   old friend

Bumilang ng ilang linggo pagkatapos kong makatapos ng college, natanggap ako sa isang Singaporean company na halos Hapon ang superior. Sobra akong natensyon dahil hindi ko inakalang malalagay ako sa posisyon na wala naman akong experience. Ilang beses akong nakiusap na ilipat ako sa ibang department o aalis na lang ako sa kumpanya, pero sabi mo kakayanin ko un. Dahil ayaw din akong pakawalan ng amo nating Hapon napilitan akong makinig na rin sa iyo. Matyaga ka ngang tinuruan ako na alamin kung ano’ng silbi ng mga bagay na ginagamit natin sa trabaho. Bilib ako sa tyaga mong parang professor na ipapakita sa akin kung ano ang hitsura ng processor, lancard, hard disk, DDRAM, SDRAM, cmos battery, power supply at isa-isahin kung ano’ng silbi ng mga iyon. Sa trabahong iyan ko natutunan kung paanong buksan ang mouse para irepair, kung paanong i-recover ang address book sa Outlook ng computer na nag-crash, kung paano’ng magtrouble shoot kahit man lang basic ng kung anu-ano sa ibang departamento kung wala ang ibang technician, kung paano’ng mag-install ng Operating System at mga Software Applications na Japanese version. Hindi ako isang technician, coordinator ako nun pero masaya palang matutunan ang lahat ng yan. Ang dami, sobrang dami kong natutunan sa first job ko. Na ngayon ay hindi ko na yata masyadong matandaan. Too bad…

Hindi lang naman ikaw ang nagturo ng lahat ng iyan pero ikaw ang pinakamatyaga. Kahit pa nga tuksuhin na tayong dalawa hindi naman tayo nagpapa-apekto. Bukod sa matindi kasi ang tama ng ka-opisina natin sa iyo. Gwapo mo daw kasi matalino pa.

Maganda naman ang samahan nating lahat sa departamento hanggang sa unti-unting nagkaroon ng problema. Malaking problema. Pati nga ako naapektuhan dun, hindi ko alam kung ako ba ang gusto’ng i-setup o ako ang gagawing daan para mapunta lahat ng blame dun sa isang babaeng ma-epal. Ang gulo. Magulo ang utak ko nun at panalo ang plano ng kung sino mang gustong man-setup o kung anuman ang gustong gawin ng misteryosong taong iyon. Pinaghinalaan ng halos lahat na ang gumawa sa akin ng bagay na iyon ay ang babaeng masyadong ma-epal. Sobra akong nagalit sa kanya, at ang tsanyang makita ang salarin sa ating surveillance camera ay lumabo ng tuluyan. Matalino ang misteryosong tao tinanggal ang kable kaya walang nai-record. Ilan lang naman silang may access sa control room kaya iilan lang din ang paghihinalaan. Pero hindi na na-trace.

2003 pa nung huli kitang makita. 2003 din ng namaalam na ko ng tuluyan sa kumpanya. Inunahan mo ako. Bigla ka na lang nawala. Nag-AWOL ka na. Nalungkot talaga ako nun kasi ikaw ang naging mentor ko. Na-miss talaga kita. Kasalukuyan pa namang nagkakagulo sa department natin. Katagalan, nagsimula ang hinala kong malamang may kinalaman ka sa kaguluhan. Maaring ikaw ang misteryosong taong gumawa, pwedeng may ibang tumulong sa iyo, pwede rin namang ikaw lang mag-isa. Naisip kong kaya nagawa sa akin ang bagay na iyon ay para hindi kita pag-isipan ng masama, para magalit ako sa babaeng ma-epal, para paghinalaan ng lahat ang babaeng ma-epal. Mahusay kung ikaw nga ang misteryosong taong gumawa ng lahat ng iyon. Dibah isa ka rin sa may hawak ng susi sa control room? Isa ka sa mga nakakaalam ng lahat ng kable, kaya alam mo rin kung saan ia-unplug ang cable ng camera.

Sinubukan kong hanapin ka sa friendster pero mahirap ka talagang hanapin. Sa dami ng number na pinagpapalit palit mo noon ni isa hindi macontact. Magaling ka talagang magtago. Ni anino mo hindi na namin nakita simula ng mawala ka sa kumpanya. Nalaman ko na lang sa iba napadpad ka na daw sa UAE.

Fast forward 2007, nakalimutan ko’ng nasa UAE ka nga pala. Nung naalala ko, di ko rin naman sigurado kung tumagal ka sa UAE o nag-AWOL na naman. O tumalon na ulit sa ibang bansa. 2008, ilang linggo na ring may nag-iiwan ng message sa friendster ko, kapangalan mo. Bibihira kasi ang nagmamay-ari ng ganung pangalan kaya hindi ko ina-add. Naka-private pa at image ng isang lugar ang naka-front hindi mukha ng isang tao.

Friday habang gulo ang utak ko sa gitna ng maraming tao sa Gitex Airport Expo. Lito ako kung ano bang laptop ang bibilhin. Pagkatapos kong makausap ang kuya ko sa phone, si papuch naman ang kausap ko. Habang nagsasalita at patingin tingin sa mga tao at sa laptop sa paligid nakita kita. Napatitig ka ng may katagalan. Napatiningin din ako. Nawala talaga ako sa concentration hindi ko akalaing buhay ka pa pala. Pero ako na ang unang bumawi ng tingin.

Alam kong nagtago ka ng matagal kaya hindi na kita nginitian. Sana iniisip mong kamukha ko lang iyon. Wala na ang pimples ko sa mukha, mas humaba na ang buhok ko, hindi na ako patpatin at nakasuot ako ng eyeglass. Kaya sana hindi mo maisip na ako ang nakita mo. Ayoko na rin kasing magkaro’n pa ng communication sa iyo. Tumaba ka rin pero namukhaan pa rin kita, at sigurado akong ikaw nga un. Hinahanap ng mata ko kung nasaan ka na pero wala na. Nakahinga na ako ng maluwag pero paglingon ko sa kanan andun ka pala at nakatingin na naman. Pakiramdam ko minumukhaan mo talaga kung tama ang hinala mong kakilala mo ako o kamukha lang. Ako na naman ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko talaga gustong ngitian at kamustahin ka. Lumayo na lang ako sa lugar na iyon, ayoko na talaga makita ka.



{Thursday, October 2, 2008}   eid mubarak

Eid kum Mubarak! Eid Mubarak to everyone! Mejo nakakabitin din ang naging holiday. Inimbitahan ko muna sana si ate Glo para ndi na-sandwich ang Huwebes at idineklarang holiday na rin ngayong araw na ito. Eh di sana nakapag-set ng schedule ng larga today. Ngayong Eid lang yata ako ndi nakapag-out of town. Hehehe…

Ahmmm para pala sa mga hindi nakakaalam… Eto pinakiusapan ko si wiki-friend para ipaalam sa inyo kung bakit ba ako naggigreet greet pa ng Eid Mubarak at ano nga ba ang ibig sabihin nyan.

Eid mubarak (Persian/Urdu: عید مبارک) (Arabic: عيد مبارك‎) is a traditional Muslim greeting reserved for use on the festivals of Eid ul-Adha and Eid ul-Fitr. The phrase translates into English as “blessed festival”, and can be paraphrased as “may you enjoy a blessed festival”. Muslims wish each other Eid Mubarak after performing the Eid prayer.

Eid refers to the occasion itself, and Mubarak is ‘may it become good for you’.

Read the rest of this entry »



{Tuesday, August 12, 2008}   02 August 2007

… the day i started blogging in WordPress.

…11 days has passed and i completely forgot.

…buti na lang pinauso ito… ‘better late than never.’

so…

Happy 1st Anniversary



{Monday, August 11, 2008}   agaw eksena

Dahil si babaita na ang may hawak ng kaban ng yaman ng kumpanya at hindi na si MJ na dati naming Accountant, naging bonggacious ang selebrayson ng anniversary ng company. Oh well…

Unang taon ko sa company, nagcelebrate lang kami sa office. Nagpadeliver lang kami ng foods from Chilli’s. At least masaya at super busog kami. Sumunod na taon mejo nag-improve. Lumabas kaming lahat at nagcelebrate sa Hard Rock. Nagrent ng isang conference room para mejo solemn sa umpisa. Dun sa room na un ginawa ang hatian at subuan ng cake. Pagkatapos nun bumaba na kami sa nakareserbang long table sa harap ng stage habang kumakain at nakikinig sa guest band.

Ngayong taon…. Bonggacious talaga! Nagkuripot lang naman po si babaita. Dito lang kami sa opis at isang cake lang ang pinagsaluhan. Wala man lang ka-effort effort. Actually hindi ko na nga nasilayan pa ang cake kasi naghalfday lang ako dahil nga maglilipat kami ng araw na yun. Anyway at least may celebration pa rin naman anoh. Wag na kasi magreklamo heheheh.

Kahapon naman birthday ni babaita at ng opisboy namin. Syempre bumili ng mga kung anu-anong pa-epek for her birthday. Gusto kasi nun espesyal noh. Kaya may isang malaking card (para kay babaita lang), may dalawang klase ng cake (ung isa para kay opisboy) at bumili na rin ng dalawang confetti party popper.

Pagkatapos naming magsulat ng mga messages namin sa birthday card niya, nakita ko ang party popper. Dahil kung minsan pakialamera din ako, ayun pinakialaman ko. Tinitignan kasi namin kung papano ba pinapasabog ung confetti na un. Tig-isa kami ni opismeyt ko ng hawak hawak na party popper habang nagkukuwentuhan kami na palingon lingon lang sa isa’t isa dahil mejo magkatalikuran ang upuan namin. Tinitignan ko ung arrow kung papano ba siya bubukas at sasabog…… ng biglang sumabog!

Sobrang napahiya ako. Para kay babaita pa naman un tapos inunahan ko pa siya sa party popper na para sa kanya. Mejo na-shock lang talaga ako kaya hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa tumawa na rin ako na mejo nasashock pa rin. Nagulat kasi ako kasi malakas din pala un kapag sumabog. Ang nakakainis pa dun na nakakatawa, nagkalat ang confetti sa table ko, sa upuan at sa sahig. Pati un tubig na iinumin ko pa sana nalagyan din ng mga papel papel. Pumunta ang isang designer at tawa din ng tawa pagkakita sa makalat kong pwesto. Pagdating ng boss na lalaki, nagpa-shy effect ako at ndi ako tumitingin. Siya naman panay ang sabi na ok lang daw. Hahahaha. Nakakahiya talaga at nakakainis kasi nung magkakainan na kami ng cake syempre hindi ako mapakali sa pwesto ko. Nilinis ko muna at binasura ang mga papel na nagkalat sa table ko lang at upuan bago ako kumain ng cake. Syempre pinabayaan ko na si opisboy na maglinis ng mga kinalat ko sa sahig heheheh.

wow mali!!! i thought it’s also my birthday…



{Sunday, June 22, 2008}   2 Years & 2 Berkdays

Kahapon ang 2nd year Anniversary namin ni papuch. Happy 2nd Year kahit di mo naman toh mababasa grit pa rin kita. Wala naman kaming naging celebration. Pagkatapos lang niyang pumasok sa office ng ilang oras dumiretso na siya sa bahay namin. Tamang tama nakapagluto na ako ng lunch. Nothing special, just a regular lunch at home kasama ng aking isang ka-roommate. Yung dalawang roommate kasi may pasok sila ng Sat. Sa amin nakitulog si papuch for 2 nights. Mabuti na lang at bakante yung isang kwarto kundi san siya matutulog. 3 days din kasing walang kuryente sa Villa nila – at isa na sa idedemolish next month ang Villa’ng tinitirhan niya, kaya by next month dapat wala na sila dun. Kami nag-iisip isip na rin na maghanap ng lilipatan kasi naman 1 block away lang ang distance ng bahay niya sa bahay namin. As in nung nagtampu-tampuhan nga ako kagabi kasi masama loob ko sa kanya. Ni-drop niya ako sa bahay namin, siya pumasok siya sa loob ng haus namin para kunin yung naiwan niyang gamit. Ako naman di umuwi, iikutin ko ung isang block. Ayaw ko kasi umuwi sa bahay ng may bakas pa ng lungkot sa mukha. Tapos nakita niya ako sa kalsada naglalakad pabalik ng bahay. Naks dramaqueen ako paminsan minsan heheh. Pero siyempre nagkaayos din kami. Sobra lang akong nainis at sumama ang loob, kailangan lang ng matagal na paglalambing para mapaamo ako :D At ng BigMac – natuwa ako kasi tagal ko ng di nakakain ng McDo burgers hehehe. Isang BigMac for our 2nd anniversary. Hehehe. Simple lang walang dating. Gusto niya manood sana ng Indiana Jones kaso tinatamad ako manood ng sine eh. Pagod pa ako kasi naglaba na namalantsa pa. Kaya nga nagkaron ng mini-drama/away.

Last Thursday & Friday naman sobrang saya ng celebration. Birthday kasi today ng dating kasama sa haus at bukas ng isa pang karoommate. Pero early ang naging celebration. Ginawa na nga nung Thursday night para sa mga bisita nila at ang continuation nung Friday morning kami-kami lang un. Mahirap na kasi mag-imbita daw ng bisita kapag ngayon o bukas ang party kasi nga may mga pasok kinabukasan at for sure iilan lang ang makakapunta – or worst, walang makapunta kundi kami lang magkakasambahay.

Galing ni papuch sa pagslice ng onion hindi man lang nagluha. Samantalang kapag ako ke maliit o malaki, marami o konti para na akong may iniiyakan. Kaya nga iniwasan ko talaga ang sibuyas, kamatis ang chinop chop ko. Ano nga ba mga handa nun… dinuguan at puto, hipon, squid at bangus stuff with tomatoes, onions, spam, garlic, grated cheese at di ko na maalala kung anu-ano pinaglalagay. Rellenong Bangus ba ang tawag jan? Ewan ko… di kasi pwedeng inihaw ng bangus kasi di naman namin inihaw eh. Syempre merong cake, ice cream, mga pulutang orange, cucumber, carrots at mga alak. Dahil di naman ako inomera, akala ko ang mga pinupulutan lang noon ay ung mga sisig o kung anu-anong pagkain pero pwede din pala ung mga carrots, cabbage at gaya nung mga nasabi ko kanina. Dun kami pumwesto sa isang bakanteng kwarto na tinutulugan pansamtantala ni papuch. Kami-kaming mga hindi na masasabing bisita ng mga celebrant, dun kami nag-iinuman at kumain, nanonood kami ng movie kahit di namin maintindihan kasi ang lakas ng sounds sa kabilang room nga kasi nagvivideoke na ang mga bisita. Di ako masyado makainom kasi may bantay, pasaway na bantay siya naman ang umiinom kahit pinagbawalan. Sabagay di naman nakarami ng inom si papuch, naihatid nya pa ang tatlong babaeng bisita na nakatira sa malapit lapit lang sa lugar namin.

Kahit ganado pa sa pagkanta ang mga bisita pina-pack up na ng isang kasama namin. Mahirap din kasi may isa kaming kasambahay na di naman talaga namin originally kasama nung naglipat. Taga-kabilang bahay siya dati at dahil nasisikipan na siya sa kabila lumipat sa amin. Imbes na walang tulugan, nabitin tuloy ang bisita. Nung nagluluto pa lang kami, sabi ko sa kanya birthday kasi nila Ate. Ang sabi niya agad sa akin – Pa’no daw un may pasok siya ng maaga bukas. Ayun natameme tuloy ako, di ko kasi alam kung anong isasagot sa kanya. Sinabi ko sa dalawang celebrant, ang sabi nila sa akin, hindi ba pwedeng duon muna siya sa kabilang bahay matulog, ngayon lang naman daw ito at saka birthday lang naman daw nila. Tulala na naman ako, di ko kasi alam papano sasabihin eh. Nung nagkalakas loob na ako sabihin pero syempre di ko sinabi talaga kung ano’ng sagot sa akin. Pinaalam ko lang sa kanya na sinabi ko na may pasok pala siya kinabukasan. Bakit ko daw sinabi na parang nahihiya pa siya na parang ang gusto niyang sabihin eh nakakahiya naman sana di ko na lang sinabi. Pero pano naman ang gagawin ko nun dibah parang un sinabi niya sa akin kasi na may pasok siya, understood na ang ibig niyang sabihin ipaalam ko sa kanila na gusto niyang matulog ng maaga. Di ko naman bisita yung mga dumating, hindi ako ang pwedeng magpauwi sa kanila. Nung nakausap niya ang isa sa celebrant na humihingi ng pasensya, ang sabi niya nga walang problema dun siya sa kabila matutulog kasama ng mga kaibigan at dati niyang kasambahay. Pero nung bandang mag-aalas onse na ng gabi lumabas ang isang friend na bisita namin nagtatanong sya kung pwede na daw ba siyang matulog sa room. Ang labo akala pa naman namin todo todong celebration na un. Anyway ok lang at least nakatulog ako ng maaga hehehe. Kasi kung hindi wala akong kamang matutulugan dahil nakaharang ung table sa harap ng bed ko.

Kaya yun kahit humihirit pa ang isang bisita hindi na napagbigyan ng mga celebrant. Sabi ng isang bisita, titigil na daw sila pagkanta magiinuman nalang. Kaso nga di na pwede kasi naghihintay na si kasambahay. So ayun 12:30midnight nagsitulugan na agad kami. Ang aga pa noh. Mahirap pala kapag ang kasambahay mo ay ndi talagang ka-tropa na pwedeng mag-adjust paminsan-minsan kapag may importanteng okasyon lang. Mahirap din kapag ang kasambahay mo ay may pasok ng Friday. Kasi kung wala eh di every Thursday night sana walang problema, kasi un na lang ang araw namin para mag-enjoy at magpakapuyat sana pero ndi naman pwede. Bilib kami talaga sa isang karoommate/tropa kasi wala siyang pakialam kahit maingay at madaming tao natutulog siya sa higaan niya. Antukin kasi siya matutulog siya kahit maingay o bukas pa ang ilaw. Pero gumigising gising pa din siya babalik lang ulit sa tulog. Pero kung iisipin kami ang nagmamanage ng isang room na iyon lumipat lang nga siya dahil nasisikipan na daw siya sa kabilang bahay. At kung iisipin kami ang nagbayad ng mas malaki sa upa kahit na ipinaliwanag ko naman sa kanya ang hatian sa bayad na isang room at hindi bedspace. Pero nagulat lang kami na iba daw ang terms na pagbabayad niya. Wala siyang advance kaya nung tinaasan ang renta hindi pa daw sakop nung buwan na lumipat siya. Anyway, hinayaan na lang namin mayayaman naman kami. Charing!

Bumawi kami kinabukasan since wala naman si kasambahay pwede naming ipagpatuloy ang saya. Alas-sais pa lang daw ng umaga un nung nagising na ang mga friends. Bumangon ako nung 7:30am gusto ko pa sanang matulog pero nanggigising na sila. Pagkakain ng almusal aba sinetup na ang mediacom, gusto ng magkantahan kasi ndi kami nakapagvideoke kagabi syempre para sa bisita muna un. At ang nakakagulat nag-order na rin at binuksan pa ang tinabing alak kagabi. Grabe talaga ang agang inuman un. Si papuch naman ang takaw sa tulog kaya aun pinainom ako ng pinainom ng mga friends habang tulog daw si papuch. Patigil tigil naman ako sa paginom lalo na’t kapag namumula na ako. Ayun tuloy at nawala ang hiya nakikanta na rin. First time! First time talaga na kumanta ako kasama ng iba. Di kasi ako napipilit kumanta kahit saan, sa bahay lang at kapag kami lang pamilya.

Next Thursday beach naman daw! Sasamantalahin na namin ang summer. Post celebration ng birthday heheh. Pero di naman pwedeng mag-inuman dun kasi nga dibah bawal ang alak sa labas, ang corny noh. Pero kung minsan may nakakalusot naman, makikita mo na lang minsan may nakabaong bote ng alak sa buhangin. This coming Thursday di na maiistorbo si kasambahay. Sabi ko dibah nun lang araw na un kami nagkaron ng party’ng pangmagdamagan sana pero naunsiyami. Heheh.



{Sunday, May 11, 2008}   MoM’s DaY

Para sa lahat ng mami, happy mudra’s day!

My lola and mom. Parehong pretty noh! :D

Ayan ang napala ko sa paghahanap ng picure na ito. Na-miss ko na naman ang Pinas, ang bahay namin, ang mga asong pumanaw na, ang tatlong klaseng puno ng mangga sa bakuran, yung posong binobomba ko habang naglalaba si Mudra kaya lumaki ang maskels ko at higit sa lahat sila – syempre family ko. Sana makapagbakasyon na talaga ako.



{Monday, April 14, 2008}   hapi beachday

1st celebrationMalayo pa lang ang birthday ni An nagsabi na siya na magse-celebrate daw sa beach. Kaya tingin ko mejo na-surprise naman siya kasi pag-uwi niya last Monday uber busy kami sa paghahanda ng konting foods sa araw mismo ng birthday niya.

Napa-doble pa ang chocolate cake pero parehong yummy naman. Ang plano dapat maaga kaming makauwi lahat para pagdating niya prepared na, kaya lang hindi nakisama ang mga bus at taxi. Walang dumating na bus 7:30 na naghihintay pa rin ako ng bus, walang dumadaang taxi nung nagdecide ako na magtataxi na lang ako. Parang nananadya ang pagkakataon. Nababad ako sa kalye, nalalanghap ko ang mga buhangin un yata ang epekto kaya ganito nangyayari sa ilong ko. Buti may dumating na carlift kung hindi alas-otso na nasa bus stop pa rin ako. Ang mga kasama ko ganun din kaya may tinawagan silang kakilala para maihatid sila pauwi. Di naman strike nung araw na iyon, di naman uso dito un eh!

Read the rest of this entry »



{Sunday, February 17, 2008}   Wala ng surprise

Napadaan ako sa bahay ni sis Banana, na-cute-an talaga ako sa gift ng fafa niya lalo na yung pulang teddy. Share ko naman ang suprys ni fafa na pilit kong inaalam bago mag-balentayms. Although binuking niya ang isang suprys na gagawin niya, yung isang sorpresa ay pilit nyang itinago. Pero dahil sa sobrang kutatera ko at nagpalingon lingon na ako sa likod ng kotse nung Feb13. Nakita ko ang paper bag ng Joy Alukkas. Pero nga nung aabutin ko na yung paper bag para kunin pinigilan niya naman ako at ibinigay lang ang bag na walang laman. Naalala ko pa kapag napapadaan kami sa isang road at naka-advertise ito:

bemine

Tinatanong niya ako sa tonong pagkukumpirma kung maganda ba yung pendant na nasa itaas. Sasagot lang ako ng “Oo” sabay tuloy pa rin ako sa pagkukwento ko. Kaya nung napansin kong nataranta siya nung kukunin ko yung bag… more or less nagkaroon ako ng  idea kung ano ang ibibigay niya pero di ako sure kasi sabi niya naiwan lang daw ng kasama niya sa work yung bag na iyon. Kaya naisip kong hintayin na nga lang kasi ayaw naman din niyang sabihin eh.

Nung balentayms day na syempre nalaman ko na. Pero before kami nagkita eh bumili muna ko ng gift ko sa kanya. Ayun nga dalawang long sleeves polo na magagamit niya pagpasok sa office. Pinaghintay nya nga langa ko ng 15minutes bago siya dumating. Kaya naman pala eh, nakipila pa dun sa bilihan ng bulaklak. Tatlong pulang rosas na may tubig tubig pa pati yung mga dahon. Maya-maya binigay na yung isa pang suprys niya daw. Ginaya ang style ko na ilang balot ang pupunitin mo bago mo makita kung ano’ng laman. So nakailang punit ako ng pulang gift wrapper na siya pa daw mismo ang nagbalot. Pagbukas ko… dyaran… tama nga yun nga ang binili niya.

rosered collection polo

Di ko lang akalain na yun nga, may doubt pa rin ako. Kasi nga mejo tight na naman ang budget namin kaya di kami dapat bumili ng bumili ng kung anu-ano lang. Anyway, happy din naman ako kasi nakukyutan ako sa pendant eh. Tapos nun nagtake out kami ng pinoy foods at nagdinner sa beach.

And I’m sorry kay kamahalang Reyna, wala kaming ginawang pagsisipsipang bagang. Wholesome image namin. Actually bawal baka makita kami ng mga ka-pulisan, deport agad kami hahahaha. Mabuti na yung maingat dibah.

Hayan wala ng surprise surprise, tapos na ang Pasko, New Year’s day, Bertdey ko, pati na ang Valentines. Pahinga na muna sa mga gift na ‘yan. Kakasawa na heheh ;)



{Thursday, February 14, 2008}   Gusto ko ng surprise

Kaya naiinip na ako sa oras.

Gusto ko ng mag-uwian at since Thursday ngayon okay lang kahit gabihin ako ng uwi. Wala nga diba’ng pasok bukas at sa Sabado. Dapat ng i-celebrate ang balentayms. Dapat kapag balentayms i-consider na holiday. Eh pano kung nagkataong single ako ngayong taon? Eh di bitter-bitteran na naman ako. Mabuti na lang hindi dineklarang holiday ang valentines.

Gusto ko ng malaman kung ano ba ‘yung sorpresang sinasabi niya sa akin kahapon. Wala akong puso. Inaway ko siya kagabi. Kasi naman expecting naman ako masyado. Hahah. Akala ko kasi 13 namin iseselebreyt ang balentayms. Aba hindi pala. Hinatid ako sa bahay ng luhaan. Joke. Hindi naman ako umiyak. Naasar lang. Kasi sinadya nya pala akong asarin talaga para daw magalit ako. At nagalit nga ako. Kaya habang pauwi di ko na kinakausap. Tinext ko ng sama ng loob ko. At in-expect din pala ng loko at hinintay talaga niyang ma-receive ang text ko. Ang sama dibah. Eh cguro nasaktan siya sa tinext ko, pinagalitan ako. Actually hindi naman nagalit talaga, pinagsabihan lang ako. Tagal bago niya ako napaamo ulit. At siyempre sinabi niyang hindi naman daw na dahil wala siyang ginawa kagabi ang ibig sabihin ay wala siyang pina-plano. Ang plano niya daw ay talagang ngayong araw na ito. Sabi ko ayokong mag-dinner sa labas madaming tao. May ibang plano na daw siya dahil alam niyang hindi daw ako sasamang magdinner sa labas. Pinilit ko ng pinilit hanggang sa sinabi niya na kung ano ang plano niya. Kaya wala ng sorpresa hahaha. Pero may isa pa namang natitirang suprays, at ayaw niyang sabihin kahit na kunwari galit na ako at umiiyak, ayaw pa rin matigas na ang puso at kaya na ‘kong tiisin. Pero parang nahalata ko nga siyang may tinatago siya sa backseat. Dahil nung may napansin akong bagong paper bag sa likod ng kotse, sabi ko kukunin ko yun. Pinigilan ako at muntik pang masiko ang mukha ko sa pagpipigil niya sa akin. Inabot niya naman yung paper bag pero tinanggal niya yung laman at napansin kong dun niya nilagay sa may likuran ko. Para siguro hindi ko masilip. Ang sabi niya yung laman daw nun ay dun sa isang boss niya naiwan daw. Kaya di ko na inusisa. Pero obyus eh. Nung nakaraang taon kasi, nabuking ko din na may tinatago siya sa likod ng sasakyan. At wala na siyang nagawa kundi ibigay nung araw din na iyon. 13th din ang araw na iyon, cguro ibibigay niya sana sa mismong valentines day. Kaya tuloy ngayon naiinip ako at sobrang curious na kung ano ba talaga yun.

Bakit ba ala-una pa lang ngayon? At ako, ano’ng regalo ko sa kanya? Hindi ko na pwedeng bilihin yung bag para sa kanya. Sagot pala ng kumpanya nila yun, buti at natanong ko. Okay lang kayang ibigay ang long sleeves polo? Kasi kailangan nga yun sa pagpasok sa opis eh. Pag-iisipan ko muna ha.

Happy Valentines ulit sa inyo!



{Wednesday, February 13, 2008}   Happy Puso na bukas

Bukas tuloy na tuloy na talaga ang balentayms. Madami na namang mga magsising-irog ang nagkalat sa lansangan. Magseselos na naman ang mga loveless sa mga mawi-witness nilang ka-switan ng mga may jowa. Noong singgol pa ako hindi naman sa super hate ko pero bitter lang siguro ako tuwing balentayms gaya ng sinabi ko dito wala akong natatanggap na bulaklak tuwing araw ng mga puso. Meron mang nagbiay pero ngayon na lang nangyayari yun. Kaya tuwing feb14 umaasa lang ako sa wala. Nakakainggit yung mga babaeng may dala dala kahit isang pirasong pulang rosas. Di lang natin masabi baka ipina-deliver lang nila sa sarili nila yun masabi lang na may nagbigay hahaha.

Hindi na nga pala ako matutuloy sa mga date ko with friends. Kasi nga hindi naman ako nakapagsabi until now kay fafa. At tiyak ko sasama ang mukha nun kapag nagpaalam ako ng ganun. Okey lang siguro kung normal na araw pero balentayms nga eh baka isipin niya naman as in ibang level na date na yung pupuntahan ko. Sa show ni Aiza, hindi na rin kasi may lakad pala kami ni fafa kasama ang mga roommates ko sa GV. Wala pa akong naiisip na ireregalo sa kanya. Pero meron siyang gustong bag na pwede nyang magamit kapag may meeting siya sa kliyente nila. Un na lang kaya? Bahala na.

Muli ay binabati ko ang lahat ng bumibisita at naliligaw dito ng Maligayangvalentine-love-ur-blog.jpg Araw ng mga Puso, wala man kayong jowa or maraming jowa sa buhay. Salamat pala kay dhez dito sa ipinasa nyang greetings. Para din ito sa mga ka-blog ko na makikita ang links sa sidebar ko.

Cge na po magta-trabaho na ako. Kinig kinig na lang muna kayo dito kay Mareng Martina.



{Monday, February 11, 2008}   friendship at v-dates

I missed my best friend Jing. Kasi naman bawal na daw gamitin pangpersonal ang PC nila o ang internet. ISP ang company nila, meaning may mga server dun at may nagmomonitor sa bawat puntahan nilang website. Malamang may mail server din sila kaya kahit outlook express bawal ang personal. Hindi na tuloy kami nakakapag-email sa isa’t isa. Sa email lang namin naa-update ang isa’t isa pero mukhang ayan nawala na naman. Pwede pa rin naman siguro pero paminsan-minsan na lang. Hindi kagaya ko dito kahit bawal daw eh, matitigas ang ulo naming mga Pinay dito sa kumpanya. Hindi naman sa inaabuso pero yun na lang ang iniisip naming benefits katumbas ng benefits na hindi namin nakukuha sa kumpanya. Kaya naman ng ma-google ko nung nakaraaang taon kung ano ba yung icon na palagi kong nakikita sa gilid. Nalaman ko na server pala iyon at pwedeng pwede niyang makita ang ginagawa ko ha. Mega-search agad ako – aba nalaman ko meron palang FREE edition yun. Naisip kong malamang free edition lang ang naka-install sa PC namin dito sa opis kasi ang anti-virus din namin ay nadiskubre kong free download lang din. Kaya ang ginawa ko in-uninstall ko sa PC ko. Kunwari na-reformat na ito kaya nawala na ang ibang naka-install dibah. Hah! Akala nila ha mauutak yata ang Pinoy! Nabasa ko kasi dati sa website ng free sever na iyon na dapat ay iinstall mo lang iyon sa network na gusto mong i-browse. Kaya naisipan kong burahin para hindi niya makita kung ano man ang mga illegal na ginagawa ko. Joke. Nagtatrabaho naman ako ng mahusay eh kaya nga bihira na lang akong nakakapag-blog at hop heheh.

I missed my best friend Jing talaga. Kasi malapit na din siyang mag-asawa. Tapos ni hindi man lang ako kasama sa special day niya dahil I’m here nga eh! Kapag nagmeet kami ulit na magfriendship hindi na siya kasing free kagaya ng dati. Paano na ang gala namin na kahit gabihin kami ay okey lang. Kapag nag-asawa na siya wala na akong kasamang kakulitan at magreminisce sa mga lugar na naging memorable. Bahala siya mag-asawa siya kung gusto niya, susunod ako heheh. Napakadami ng mga nangyari sa buhay namin na hindi na namin nakukuwento sa isa’t isa. Dalawang taon na rin kasi akong wala sa Pinas. (February 09 –10:30pm Dubai time ang ikalawang taon ko dito) Nabigla na lang nga ako nung sabihin niyang malapit na pala siyang mag-asawa. Noong mga nakaraang buwan kasi naguguluhan pa siya kung papayag na ba siya o hindi pa. Pero ngayon mukhang tuloy na tuloy na. Nakakalungkot naman pero I’m really happy for her.

Okay enough of my bestie. Tungkol naman ito sa mga date ngayong V-day!

Nagpi-feeling na naman ako. Nalilito ako kung papayag ba ako o hindi. Kung sakali naman anong excuse ang ibibigay ko kay fafa? Last Wednesday nakausap ko ang isang mejo close kong guy friend at pinakausap niya ang isa pa naming guy friend na hindi ko masyadong close pero friend ko na din. Nagmeet na kami dati pa nung bago pa lang ako dito, ahhmmm mga ilang beses na ba….once. Oo nga once lang pala kami nagmeet nung isang yan. Pero madalas kasi nila akong tawagan at kamustahin dati. So kausap ko na nga si hindi masyadong close friend. Nagpaparamdam siya at nagyaya na labas daw kami sa 13th tamang tama daw Wednesday, at hindi daw siya kasi lumalabas ng exactly 14th of Feb. Pinaramdam ko na mejo tagilid, sinabi ko na lang na bahala na. Pero crush ko yan dati eh. Kaso ang babagal kasi nila eh huli na. Alam naman nilang may fafa na ako. Naramdaman niya namang nagdadahilan ako dahil nung ikalawang yaya niya na pumasyal naman daw kami minsan sa jebel hafeet (yung madalas naming puntahan sa taas ng bundok tapos may hotspring sa baba). Apat daw kami – ang gf daw ni mejo close friend ko, tapos kaming dalawa. Pero guys hindi ko kasi kayang mangaliwa hahah. At kapag may date akong iba, alam ni fafa ever ko. Tiwala kasi yun sa akin na hindi lang ako makatanggi dahil nahihiya ako at may pinagsamahan naman kami nung nagyaya sa akin na friend. Anyway, yung isa ko namang naging solid friend, niyayaya akong manood ng show ni kagwapuhang Aiza Seguerra on 15th.

aizaAiza Seguerra concert
Filipino singing sensation Aiza Seguerra, who has featured in 30 movies and has released 8 music albums, will be in town soon. She has received a multi-platinum award (quintuple) for the outstanding sales of the album Pagdating Ng Panahon and a double platinum award for outstanding sales of the album Pinakamamahal.

    • Date: February 14 and 15
    • Venue: Ratsky Ramada Continental
    • Hotel Tickets: Dh100
    • Contact: 050 7158664

Nagtataka lang ako, akala ko sa Karama Hotel lang ang Ratsky meron din pala sa Ramada? Ang gulo ng venue ha. Pero lahat ng iyan di ko pa naipapalam kay fafa kaya hold muna, ang sagot ko lang sa mga boys ko ay ‘Cge bahala na. Sabihan na lang kita. Text-text na lang’ Hahahah. I’m sure hindi matutuloy ‘yang mga lakad na ‘yan. Dapat kasi at least a week before ipinaalam ko na kay fafa. Kaso baka ma-jelly na naman hehehe. Actually kung iisipin pwede naman dibah. Espesyal ang kay fafa kasi 14th ang sa kanya, valentines day talaga yun, except 13 and 15 para dun sa dalawang mokong sana. Gusto ko sanang pagbigyan kahit si solid friend lang kasi birthday niya sa 15th. Basta – aabangan ko na lang kung ano ang magiging desisyon ko. Happy Heart’s Day na lang muli sa inyong lahat! Mwaah!



et cetera