RhaPsoDy











{Thursday, October 2, 2008}   eid mubarak

Eid kum Mubarak! Eid Mubarak to everyone! Mejo nakakabitin din ang naging holiday. Inimbitahan ko muna sana si ate Glo para ndi na-sandwich ang Huwebes at idineklarang holiday na rin ngayong araw na ito. Eh di sana nakapag-set ng schedule ng larga today. Ngayong Eid lang yata ako ndi nakapag-out of town. Hehehe…

Ahmmm para pala sa mga hindi nakakaalam… Eto pinakiusapan ko si wiki-friend para ipaalam sa inyo kung bakit ba ako naggigreet greet pa ng Eid Mubarak at ano nga ba ang ibig sabihin nyan.

Eid mubarak (Persian/Urdu: عید مبارک) (Arabic: عيد مبارك‎) is a traditional Muslim greeting reserved for use on the festivals of Eid ul-Adha and Eid ul-Fitr. The phrase translates into English as “blessed festival”, and can be paraphrased as “may you enjoy a blessed festival”. Muslims wish each other Eid Mubarak after performing the Eid prayer.

Eid refers to the occasion itself, and Mubarak is ‘may it become good for you’.

Read the rest of this entry »



{Thursday, July 24, 2008}   mama mia

I don’t wanna talk
About things we’ve gone through
Though it’s hurting me
Now it’s history
I’ve played all my cards
And that’s what you’ve done too
Nothing more to say
No more ace to play

Haaayy.. The winner takes it all

Yes nanalo kasi ako ng movie pass for two to see Mama Mia at ng isang Mama Mia beach (kasi ang laki :( ) bag.

Ganito talaga ako kapag nanonood ng movie, ung mga kanta kadalasan naiiwan pa sa isip ko. Nanghihinayang pa ako kung bakit ba hindi ako binigyan ng talent kumanta. Well, nakakakanta naman ako. In fact, naging part pa ako ng choir nung college ako. Eh kasi naman po choir un eh.

Choir. n. An organized company of singers, especially one performing church music or singing in a church.

Opo nga po. Grupo dibah. Hindi kasi ako mahilig sa spotlight. Ako ung mas gustong hindi napapansin. Low profile. Yes. Kaya kung pakakantahin ako mag-isa, well sorry na lang. Kasi biglang mawawala ang boses ko, o kaya naman manginginig, o kaya naman pipiyok na lang hahaha. Kawawa naman ako. Mahilig kumanta pero yung kanta kusang umiiwas sa akin. Hanggang cr na lang ba talaga ako? What a sad sad life!

Naiinggit nga ako nung napanood ko kahapon ang Mama Mia. Kasi ang ganda ng mga boses nila. Sobra pa akong nag-enjoy kasi nakakatuwa ang mga oldies daig pa kami ng friend ko sa kagaslawan. Watch ninyo talaga kasi super maeenjoy ninyo. Yun nga lang si papuch parang inantok. Ganun yata talaga ang ibang lalaki nako-corny-han sa mga ganung klaseng movie. Pero kami ng friend ko sobrang sobrang nag-enjoy. Kulang na nga lang mapasayaw din yung friend ko kasabay nila Meryl Streep. Ako naman sumasabay sabay pa sa pagkanta. May isa pang kanta dun na maganda at mejo nakakaiyak din, para sa mga moms na iiwan na ng anak nila dahil mag-aasawa na… Slipping through my fingers… awww! Nakakaiyak! The best pala talaga ang mga kanta ng ABBA.



{Wednesday, June 11, 2008}   movie addict tag

I swear I really can’t find time to blog these days. Super duper daming work. Eh kaso di pa bumabalik ang big boss, tapos kahapon tinapos ko na ung ibang work na dapat kong gawin. Nakapending pa un kasi may input pa akong hinihintay na di pa naibibigay sa akin ang details. Yun na lang ang kulang tapos submit na kay big boss. Yung ibang pasingit-singit na pinagagawa nila, nagagawa ko naman din agad. Ngayong araw na ito wala naman masyadong pinagawa sa akin kaya binalikan ko ang dati kong trabaho out of boredom. Nakakatuwa kasi nakakuha naman ako ng lead when I least expect it. Kaya ngayon nakagawa tuloy ako ng entry and I decided to make this tag from sis Salve.

1. One movie that made you laugh. Jim Carrey’s and Adam Sandler’s funny movies. Love them both.

2. One movie that made you cry. Not one, actually madami eh sa ngayon ang natatandaan ko lang ayang The Notebook and Click. Yes Click nga ni Adam Sandler, funny but sad. Good thing is nakita niya ang future thru his dreams.

3. One movie you loved when you were a child. Di ako matatakutin kaya even I’m still young at that time, love kong panoorin ang Child’s Play.

4. One movie you’ve seen more than once. The Wedding Singer. Ilang beses ko na yatang nabanggit dito na love ko talaga si Rob and Julia.

5. One movie you loved, but were embarrassed to admit it. Hmmmn.. wala naman…

6. One movie you hated. Xenoa – Since I am in the desert I’m not sure if you’ve ever heard about this flick. Or I’m the only who don’t know about this film. I just saw it in my friend’s external drive and copied it in my papuch’s laptop. It’s a low-budgeted Tagalog movie, Paolo Ballesteros is the lead actor. Sadly, I got so bored, got pissed off then decided not to continue watching the film.

7. One movie that scared you. Same with sis Salve – it’s The Ring.

8. One movie that bored you. Again, same na naman with sis Salve. Although there’s no denying that the songs and the voices are really great, I felt bored watching Across the Universe. Richard Gere’s movie The Hoax is a nice movie but I don’t know why I got bored watching it.

9. One movie that made you happy. The Heartbreak Kid. It’s really a nice movie. We are just laughing while watching the movie, even his dad is so cool and funny.

10. One movie that made you miserable. It would be 30 Days of Night. Maganda yung movie actually but I don’t like the ending. It’s as if totoong nangyari na kahit na tapos na yung movie naiinis ako kasi bakit hindi niya na lang hinintay na mag-umaga. Sana nilito na lang nila ung mga moomoo na un. Hay na-depress talaga ako. Ang gwapo pa naman ni fafa Josh tapos magiging uling lang… haaaaayzz!

11. One movie you weren’t brave enough to see. It’s Joe’s Apartment. ‘Lam mo naman takot ako sa jupis eh!

12. One movie character you’ve fallen in love with. Hmmm… wala akong maisip eh…

13. The last movie you saw. Street Kings ni Keanu Reeves. Gwapo niya pa rin sa movie na ‘yan.

14. The next movie you hope to see. Nothing in particular, I actually want to see all new movies. Download lang ng download :D



{Wednesday, May 7, 2008}   soaps

Napakahilig ko talaga noon sumubaybay sa mga soaps. Corny na kung corny pero yun lang naman ang libangan noon sa araw-araw eh. Kahit pa galit na galit ka na sa takbo ng istorya, sa katangahan ng bida at sa kaimposiblehan ng mga pangyayari. Di pa rin maiiwasang silipin kung ano nga ba ang mangyayari kinabukasan. Kapag naman Friday na at nabitin ka sa istorya, asar na asar ka dahil dalawang araw ka ding maghihintay para mapanood ang karugtong.

Sa sobrang daming napanood kong soap opera ni hindi ko na maalala kung ano bang mga pamagat at istorya nung mga napanood ko. Basta ang alam ko madami talaga akong napanood. Hindi lang mga pinoy soap, pati na din yang mga koreanovela at kung anu-ano pa. Ngayon na lang nabawasan kasi wala kaming cable sa bahay. Mabuti na rin yun dahil nung andun pa ako sa dating bahay halos mapuyat ako kaka-panood ng mga tele-serye.

Sobra ang pagsubaybay ko sa Dawson’s Creek kasi type na type ko talaga si Pacey Wither (fafa Joshua) at feeling ko kamukha ko si Katie Holmes na fresh na fresh pa ang byuti nung mga panahon na yun. Kung may naka-chat kayo noon sa YM or mIRC na ang nick ay Josephine Potter, ako un pramis! Yung Popular nina Leslie Bibb or Brooke McQueen at Carly Pope or Sam McPherson sa series pinapanood ko din yan. Nakalimutan ko na kung ano bang naging ending ng series na ito. Isa din sa favorite kong panoorin ang Time of Your Life ni Jennifer Love Hewitt. Kasama niya si Jennifer Garner sa TV series na iyan, pero para sa akin hindi pa gano’ng ka-attractive si Jennifer Garner noon, kasi ang payat payat pa niya. Ibang-iba na siya sa Alias. Hindi ko na rin nakita ang ending ng Time of your life, bigla na lang kasing nawala sa ere bukod pa sa inaagawan ako ng lola ko sa panonood. Mas pinipili niya ang manood ng tagalog soaps. Ako naman pupunta sa room ng parents ko para duon manood kaso ang labo ng reception dun. Hanggang sa isang araw wala na ni hindi man lang tinapos ang series na iyon ni JLH sa studio 23. Read the rest of this entry »



{Monday, October 22, 2007}   What a day!

Bakit biglang nasira ang zipper ko? Bakit ngayon pa kung kailan manonood kami ng movie mamaya? No choice but to go back home and change my attire. Feel na feel ko pa naman ung japorms ko today. Actually office attire naman toh at hindi talaga japorms, pero feel ko lang na pormal-pormalan ako pag pumunta ng mall dibah.

just zip it up!!!

Nilagyan ko na ng pin pero nag-oopen pa rin kaya I look sooo stupid kasi hinihila ko pababa ang blouse ko pag naglalakad ako papuntang pantry at wash room. Mabuti na lang walang napapatiningin, si boss MJ lang. Di ko na lang siya tinitignan para wala ng tanung-tanong pa kung bakit pinapahaba ko ang blouse ko. Ang pahirap pa, madalas akong magpunta sa CR kasi lagi akong nawi-weewee kasi ang lamig. At dahil dyan, nauubos ang lakas ko sa pagpi-pin ulit para lang maisara ko, pero hindi pa rin naman totally sarado. Nangyari na rin ito sa isang pants ko before, ngayon eto na naman. Ilan na lang ang pants kong natitira. Am I still gaining weight? Hmmnn.. panahon na nga talaga yata para magbawas ng timbang.

Mabuti na lang din nasira siya dito sa office dahil kung nagkataong nasa galaan na ako. Hmmm wonder how i will deal with it. Wala pa naman akong dalang blazer. Paano naman kaya kung makakita ka ng isang taong bukas ang zipper? Papano kaya sasabihin un ng hindi nakaka-offend. Naisip ko lang. Kasi ako deadma lang tapos sasabihin ko lang sa kasama ko. Kaya siguro nasira ang zipper ko.



{Wednesday, October 3, 2007}   What a desperate thing to say

Watching this scene from the hit American television series ‘Desperate Housewives’ gets in to my nerves. It was a slap in the face for every Filipino medical practitioners all over the world & medical schools in the Philippines.

How come we have lots of nurses and doctors in every part of the world especially in the US? Perhaps it was because of the diploma mills from Recto they are referring to. Either way, it is still unacceptable coz a medical diploma from the Philippines doesn’t mean inefficient medical practitioners. Every scriptwriter should carefully study his facts & fictions before creating his own theories. It was maybe he believes from the news he have seen about the fake diploma thing in the Philippines but the fact should still be considered. He put at stake the reputation of medical schools and professionals. One important thing he should learn is not to generalize people.

Does the producers & scriptwriter of the show ever know that Lily Maniquiz-Lara, a Filipina has been named one of the Best Nurse Leaders of the United States by winning the 2006 Advance for Nurses Journal’s Best Nurse Leader award?



{Wednesday, September 12, 2007}   Early bird catches the key?

Hawak ko ang susi. Ako ang sagot. Hehehe. Ako nga ang sagot.. sagot para makapasok kaming lahat ng 9am sa loob ng opis.

OO nakakainis. Sa akin na binigay ang isang susi. Ibig sabihin isa na ako sa taga-bukas ng office. Kasi daw pasaway si OB. Hindi na sumusunod. Palaging late na pumapasok kaya ang mga empleyado ay laging hintay sa labas. Nung isang araw lagpas 9:30 na kami nakapasok sa office.

Dahil kapansin pansin ang kaagahan kong pumasok araw-araw. Well, hindi naman sobrang aga minsan hindi naman ako ang nauuna, ayun sa akin ibinigay ang isang extra key. Ayun nga kaninang umaga ako nga ang taga-bukas. Naalala ko noong elementary at highschool ako. Kapag maaga akong nagigising at umaalis, tinatanong ako ng lola ko. Bakit daw ang aga ko. Ako daw ba ang taga-bukas ng school. Etoh na nga po ako nga ang taga-bukas ng opisina.

Noong mga past months, lagi akong late pumapasok dito sa office. Minsan 9:30 at umaabot pa ng 10am. Napagsabihan pa nga ako na uumpisahan ng magkaltas ng sweldo sa bawat late namin. Syempre natakot akech na mabawasan ang maliit ko na ngang sweldo. Kaya ayun ke-aga ko ng pumasok. HInding hinding hindi na lumalampas sa 9:15. Dahil kapag 9:15 ka daw dumating late ka na. Kaya dapat before 9:15 at ngayon huh! Early bird na ko hehehe..

 

******************************

Kinda bored. Gusto ko magtawag at maghanap ng lead kaya lang etong mga kasama ko wala yatang gana magtawag. Kakantyawan lang nila ako niyan. Ang mahirap pa iisa lang ang pwedeng um-attend ng meeting just in case makakuha kami ng appointment. Ang hirap ng schedule kung nag-iisa lang siya. Malamang kapag nag-set kami ng sked irere-sked lang.. gaya ng nabigay kong appointment last week & yesterday. Hmmmnn.. Wala akong magawa eh, si Jing busy din sa Pinas kaya ayun wala akong ka-chat at ka-email. Ayun teka si Kuya Wil nagparamdam. Ay sabay nag-logout! Ano ba un? Hmmmnn..

Kaninang umaga habang naghihintay matapos maligo ang roommate ko nanood muna ko ng TV. SiS ang palabas kaninang umaga. Dun ko narinig ang tungkol sa naging hatol kay Erap. Grabeh noh 40 years. It’s like a lifetime imprisonment na rin kasi ilang taon na ba siya. Sa palagay mo matatapos nya ang 40 years na un. Nakakaawa din pero deserve niya pa rin pagbayaran ang pananamantalang nagawa niya noon.

Read the rest of this entry »



{Thursday, August 30, 2007}   Dayaan ever!!!

Scam or honest mistake?

Asus! obyus ba? Kitang kita ebidensiya eh.



{Monday, August 20, 2007}   Movie Addict Me

I got to watch Matt Damon’s Bourne Ultimatum, and like the first two Bourne movies, xempre ang ganda ganda pa rin, at kaka-inlove si Matty, ang galing nya kasi dun eh. Finally, he can remember everything. I heard may kasunod pa daw yan. That was actually a novel which was written by Robert Ludlum.

Ludlum wrote the first 3 novels na napanood na nga po natin. After his death, Eric Van Lustbader continued the story of Jason Bourne. I wonder kung gagawin ding movie un. Cguro dahil sabi ko nga I heard may kasunod pa ang Bourne Ultimatum.

Jason Bourne
Robert Ludlum novels: The Bourne Identity (1980) | The Bourne Supremacy (1986) | The Bourne Ultimatum (1990)
Eric Van Lustbader novels: The Bourne Legacy (2004) | The Bourne Betrayal (2007)
20th century films: The Bourne Identity (1988)
21st century films: The Bourne Identity (2002) | The Bourne Supremacy (2004) | The Bourne Ultimatum (2007)
Video Games: The Bourne Conspiracy (2008)

Last Friday, pinanood ko ang Premonition. It’s a Sandra Bullock’s movie. Masasabi ko lang.. ang ganda! Panoorin ninyo. Although mejo tragic ang ending pero may lesson talagang matututunan. Ayoko lang na mangyari sa ‘kin un kasi kahit papa’no masakit. May magagawa ka pero minsan hindi lahat ng mangyayari kaya mong pigilan.

Pero ewan ko ba kung bakit ang pangit ng review ng Rotten Tomatoes sa movie na ito. Cguro they are just expecting too much since she is Sandra Bullock?

Sa bahay naman mejo maka-bayan ang drama ko. Xempre pinoy tayo. Kung dati-rati hate na hate kong manood ng pelikulang pinoy kasi parang tingin ko ang cheap huh? Duh! I wanna watch HOLLYWOOD FILMS only! Pero ngayon since isang taon, anim na buwan at labing-isang araw na akong wala sa Pinas at walang TFC na napapanood man lang. Abah nung Saturday at kagabi Pinoy movies ang pinanood ko.

Eto ang mga pinanood kong movies:

1. Zsa Zsa Zaturnnah.

I’ve read the comic book I think 3 years ago. Nakakatawa naman. Pero grabeh nagulat ako ang ganda ni Rustom Padilla akala ko si Carmina hahah. In fairness, ang gwapo gwapo pa naman ni Rustom noon, especially nung sila pa ni Carmina Villaroel. Ewan ko ba kung ano’ng nangyari at biglang naging magkabaro na sila ni Carmina. Would you believe na super fan ako ng love team na ‘yan (corny hahah). High school pa kasi ako nun kaya mahilig sa mga artista. At feeling ko kasi twin sister ko si Mina – magkamukha kasi kami eh heheh. Napanood ko pa ang movie nilang Hindi Magbabago. Ginugupit ko ang mga pictures nila na nakikita ko sa mga magazines, newspapers at tabloids. Ang dami ko ngang collections, ang plano ko kasi gumawa ng scrapbook na punumpuno ng info about them, like articles, interviews & movies at xempre pictures nila. Kaso lang hindi ko naman naumpisahan puro lang ako gupit ng gupit. Naunahan pa ‘ko ng classmate ko na gumawa ng scrapbook na ang idol naman ay si Vina Morales. Nakakatawa talaga kapag bata pa noh lahat ng ka-corny-han naiisipang gawin. Isipin mo ang macho na ni Vina ngayon, tapos si Rustom sexy na. Baligtad na mundo.

2. Ligalig.

Ligalig

Movie ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Dizon. Umpisa pa lang alam ko na ang tatakbuhin ng story. Alam kong si Cesar Montano ang killer. Sa mga ganyang tipo kasi ng movie ni Cesar parang ang dali ng malaman ng istorya. Nakakainis lang kasi talon ng talon ung VCD. ‘Yan ang problema kapag pirated ang movie heheh.

3. Kasal, Kasali, Kasalo.

Nagulat ako ng makita ko si Juday. Ang sexy. At ang braso lumiit na din. In fairness, lalong gumanda si Juday ah. Ang hirap naman kasi wala pa kaming TFC sa bahay kaya ayun mistulang taga-bundok ako kaya walang kamalay-malay kung sino na ba ang mga bagong artista, kung sino ang mga nagtransform na — pumayat or lumobo dahil nabuntis, kung sino ang mga teens noon na nagpapaka-daring na, kung sino ang jowa nino, kung sino ang mga pumanaw na.

Parang ang tagal na rin ng mahigit isang taon na walang balita tungkol sa mga local artist natin kaya kulelats na talaga ko, hindi na ‘ko updated sa showbiz. Minsan search na lang ako ng search sa Internet or pinapanood na lang sa You Tube ang mga interviews.

In fairness talaga, ang cute ni Juday at Ryan, hindi naman ako maka-Juday, hindi rin ako asar sa kanya. Pero type ko kasi si Ryan eh parang mas bagay nga yata kami eh heheh. Ang Shake, Rattle & Roll nakapila na din sa panonoorin ko. Meron pa dung Mano Po, Pinoy Superhero ba ung isa. Pero hindi ko naman gusto ang Mano Po. So I’ll see if I’ll watch that film. Nung mga nakaraang linggo napanood ko na din ang iba’t iba pang pinoy movies, I think I’m enjoying it. .

Rush Hour 3

Next week I’m off to watch Rush Hour 3. I’m sure it’s gonna be a good movie. Xempre Jackie Chan ‘yan isama mo pa si Chris Tucker. Wow! I’m sooo excited!



{Thursday, August 2, 2007}   Hello WordPress!!! Goodbye Blogspot…

I think it’s better to start blogging here at least i can have a better template.. but still needs to study wordpress though. Can I have a shoutbox here or.. not? Well, that is for me to find out. I think pwede naman coz I’ve seen some blogs using wordpress na merong shoutbox. Though they have a different host. Lam mo un..? Kaya experiment na naman. Cguro kapag walang masyadong ginagawa sa office (lagi nman eh!) ta-try ko or when I’m in the mood to experiment..Gu-gudbye na muna ko sa blogspot. As if naman may audience ako dun. Wala nman talaga. And I don’t advertise & invite my friends to view that one. Kasi alam mo na para sa kin lang un at sa mga ndi ko kilala personally pwede na rin. Care ba nila sa buhay ko dibah. They will just read blogs of strangers and just forget it. Unlike if you personally know them..

Now.. in this blog, I’m not gonna be sooo open, sooo sensitive and overly dramatic. Just in case I decided to put a link in stuff like friendster, myspace (wala na ko nyan), multiply (block na dito yan eh), hi5, at kung anu-ano pa.. at least di mo makikita ang pagiging vulnerable ko at times.Ano pa bah?

Actually I’m thinking of transferring my entries in blogspot before but since I guess I can’t edit the date.. and as I’ve said I don’t want you to see the vulnerable me, mas maigi na ung wag nalang cguro.

Basta… Goodbye na Blogger!  Read the rest of this entry »



et cetera