RhaPsoDy











{Thursday, April 23, 2009}   daily routine

Ikaw na naman ang kaharap ko. Lagi na lang ganito. Nauubos ang oras ko sa maghapon na pyuter ang kaharap at internet na lang ang laging pinagkakaabalahan. Pero nababagot na ako kasi wala na akong ibang magawa bukod pa sa mga nasabi ko. Mag-oonline sa plurk ng ilang minuto, magla-logout. Check ng FS, tingin ng updates, logout. Tingin ng ibang accounts ko sa kung saan saang social networking sites, konting reply sa mga pwends, logout. Check ng lahat ng emails ko… ang dami kong email id eh lol. Pero lagi naman may error ang YM bakit ganun lalogout na nga lang, error pa ang aabutin. Check ng wordpress, magbura ng bwisit na Spam, isipin kung paano ko ba maaayos ang engoticon na masyadong mataas kesa sa text. Ang sagwa kasi tignan eh!

Tapos makikita ko na lang 5:46 PM na? Gabi na naman ng hindi ko namamalayan! Magpupunta na naman ako ng kusina at magiisip kung anong iluluto, naks! Sa mga dati ko ng kakilala, wag nyo akong pagtawanan dahil marunong na akong magluto. Hahaha! Wag nyo lang akong titignan pag nagluto ako kasi mako-conscious ako panigurado palpak ang kalalabasan nun. :mrgreen:

Pagkatapos ng dinner, internet na naman pero di na alam kung ano’ng ise-search. Kahit mga hindi ko sinusubaybayang tele-serye na malapit ng matapos, bigla ko na lang maiisipang panoorin. Wala lang pampalipas oras. Tapos pag tinamad na matutulog na pero hindi naman makatulog. Nung isang beses 8AM patulog pa lang ako. Buti nagimprove naman kagabi kaya siguro 2:30AM ako nakatulog pero kinailangan ko pang uminom ng gatas. Mabuti naman at umeepek na uli ang gatas sa insomnia ko.

Bukas ganito na naman, tapos walang tulugan na naman.



{Sunday, April 19, 2009}   Protected: and the winner is ME

This post is password protected. To view it please enter your password below:




{Saturday, April 11, 2009}   Prayers can beat anything…

BAD DREAMS. Lately ‘yan ang madalas na napapanood ko sa tuwing tulog ako. Mga pangyayaring masama at pangit. Tipong magbibigay sa akin ng malaking problema na mahihirapan akong lusutan at matatagalan bago ko malagpasan. Kaya naman ang lakas lagi ng kaba ko. Madalas nga akong maagang magising. Hindi kagaya dati na kapag rest day tanghali na ako kung magising. Gabi na matulog maaga pa magising. Hay!

PRAYERS. Sabi nila ‘yan daw ang huwag na huwag kong kakalimutam. Ang humingi palagi ng tulong sa Kanya at taimtim na magdasal. Maliit man o malaki ang problema. Gusto ko na sanang maging panatag ang isip ko dahil masakit pala sa dibdib kapag araw-araw hindi ka makahinga ng maayos dahil parang  may nakabarang hangin sa tuwing hihinga ka. Pray pray pray…



{Thursday, April 2, 2009}   sa wakas

Sampung araw na lang iiwan ko na ang kumpanyang pinagsilbihan ko ng tatlong taon.

Parang kailan lang nung tinawagan ako ng kumpanyang pinapasukan ko. Akay ko pa ang pren ko dahil sa takot na maligaw sa bansang bago pa lang sa paningin ko. Parang kailan lang nung paikot ikot ako sa Karama. Naliligaw at masuka suka sa mga pagkaing bago lang sa pang-amoy ko. Parang kailan lang nung bumalik ako sa Sheikh Zayed para sa final interview sa kumpanyang ito at takot na takot sa bastos na Ehipto’ng ayaw lumubay sa akin.

Parang kailan lang lumalaki at lumiliit ang pamilya ng kumpanyang ito. May mga nakakasundo at meron ding hindi. May katrabahong pasaway, merong tahimik. May mukhang model, merong parang taga-Zuhoor (cafeteria un!). Parang kailang lang ng natanggap si babaita sa aming kumpanya. Kalaunan naging gelpren ni boss. Kalaunan pa umiiyak na ako ng dahil sa kamalditahan niya. ( Prenship kuno na kami ngayon :D )

Parang kailan lang nung nangarap akong layasan na ang kumpanyang ito. Inip na inip na ako at gusto ng umuwi ng Pinas. Maraming nagsasabing magtiis nalang daw muna ako na sinunod ko naman. Parang kailan lang nung nagdesisyon akong huwag na lang magbakasyon dahil alam ko namang hindi ganung kadali kung sa kumpanyang ito ka nagtatrabaho. Parang kailan lang ng marealize kong madali lang naman pala tumakbo ang oras at kinabukasan paggising ko tapos na ang kontrata ko kaya magtiis-tiis lang.

Parang kailan lang din nung palipat lipat kami ng bahay. Umalis sa tinitirhan dahil nagmahal ang bayad, o di kaya naman maraming surot, o kaya may kabayan na iba ang pag-uugali, o kaya naman ay na-baladiya. Ang daming pangyayari. Ibang-iba nung nasa Pinas ako na stress-free at mala-prinsesa kung asikasuhin ng magulang.

Napagod ako sa tatlong taong ni hindi man lang ako nakapagbakasyon. Gusto ko munang magpahinga. Hindi ibig sabihin na gusto ko’ng magbuhay prinsesa. Gusto ko lang muna talagang umuwi ng Pinas at magrelax relax. May plano naman pero ayaw ko munang pag-usapan dahil hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Que sera sera.

Malungkot ako dahil nasanay na ako sa routine ng aking Buhay Dubai. Pero mas lamang ang SAYA dahil malapit ko na ulit makita ang pamilya at prens ko lalong lalo na ang Pinas! WooHoo!!!



{Tuesday, March 17, 2009}   Ubo

ubo-ubo-uboAng pinaka-hate na hate ko sa lahat bukod sa constipation ay ang magkaroon ng UBO. Dyahe mare! Lalo na kung sobrang tahimik ng opisina tapos andun ang bossing, panay guys pa ka-opismeyt (landitay! buti na lang puro itutulak at walang kong kakabigin sa kanila), tapos ganito ako nag-iisang… ubo ng ubo. Simula nung bata pa ako kapag inubo ako may katagalan bago mawala aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo. Ilang banig ng tuseran man ang inumin ko wa epek pa rin. Kailangan ko pang tumungga ng cough syrup pagkatapos na walang mangyari sa capsules. Actually kung minsan nakakatatlong bote ako ng cough syrup bago tuluyang gumaling. Pero ndi naman nauubos ang ikatlo noh.

Kung bakit ba naman kasi ako naapektuhan nitong pagbabago ng klima! Akala ko ba strong ako. Ang throat tuwing gabi parang lumulunok lang ako ng bato, buti kung magiging darna ako at makakalipad muna saglit pauwi ng Pinas. Eh my golly pinapahirapan lang ako ng bato sa lalamunan ko (oi ndi goiter un ah!). Imagine mo na lang kung gasgas na ang lalamunan ko, papa’no naman ang boses? Syempre affected ang golden voice ko lolz! Paano na ang singing career ko? Bwahahaha!

Naalala ko tuloy nung nasa 2nd year highschool pa ako. Namalat din ako nun, at magkasabay pa kami ng bespren ko’ng malat ang boses. Kapag magbabayad ako sa jeep ine-extend ko na lang ang braso ko syempre iaabot na nung ibang pasahero un. Kung ayaw eh di magsasalita ako saka nila malalaman na wala palang boses na lumalabas sa akin. O di kaya naman mangangalabit ako ng pasahero para maibaot lang ang bayad. Si bespren naman ganun din, inaasar pa nga siya nung classmate namin at tinatawag siyang Inday Garutay bwahahahahah… Alala mo pa ba un?

Ngayon ang problema ko ay… Paano na toh eh may interview ako dun sa paliparan bukas? May boses namang lumalabas sa akin ngayon. Sa katunayan nga eh hindi masyadong masakit ang throat ko sa umaga hanggang 7:30PM (o dibah night shift kasi ung bato sa lalamunan ko eh!), pero naman may dear mejo semplang pa rin ang boses ko sa tuwing nagsasalita eh. Bedroom voice na sintunado pa, nai-imagine mo ba un? Pagkatapos may oras pa na bigla na lang mangangati ang lalamunan ko at hirap na hirap na ako sa pagkahol hanggang sa mag-init at mamula na face ko, ndi sa hiya kundi sa hirap sa pag-ubo. Hay kapagod! Paano ako mageemote ng boses kung hindi naman makikipagcoordinate ang boses ko? Sana bumalik na sa dati toh!



{Tuesday, January 20, 2009}   Kris’

Kakalungkot situation ng iba dito sa disyerto. Dami ng nawalang ng work. Ang frend na kasabay ko ng pag-aayos noon ng papers papunta dito na halos sabayan din kaming nagkaron ng work at visa dito, ika-cancel na daw siya next month. Next month is just like few weeks. Ang bilis pa naman ng takbo ng oras. The next day you wake up you’ll just realized na last day mo na pala sa work. It could happen to everyone pero syempre we all should be positive. And pray na hindi sana mangyari un sa atin. Pero mangyayari din sa akin na mawalan ng work kasi nga noh di na ko papa-renew sa company namin.

December is really one of the toughest month for me. Magulo utak ko nun. Kasi nga dibah bakasyong grande ba naman ako na hindi sigurado kung mababawasan ba ang sweldo namin o hindi. Kasabay pa niyan si papuch magtatalong buwan na nung hindi napapasweldo. At sinabihan pa silang magsasara na daw ang kumpanya. Mygosh! Isang buhos un na parang gusto ko nalang pauwiin si papuch sa kanila. Tapos ako din uuwi na rin tatapusin ko lang contract ko.

Si bespren above gumawa ng paraan. Sobrang lungkot at gulo ng isip ko nung December. Na-overjoy naman ako nung January. Hindi naman oa na saya pero thankful talaga ko kay bespren above kasi ginawan nya ng paraan lahat. Nakuha ko nga dibah ng ayos ang sweldo ko with matching increment. Si papuch naman, tinawagan daw sila ng bossing nila at binigay na kahit ang dalawang buwang sweldo. At least isang buwan nalang ang utang sa kanya hehehehe. Tapos hindi na daw muna isasara ang kumpanya. Pababangunin muna. Wish ko lang maging ayos ang business nila para hindi rin naman maapektuhan si papuch at syempre ang mga katrabaho nya.

Wish ko din na sana matapos na ang global crisis na ito!

grabe na tlga ito! Kaninang umaga ko lang ginawa itong post na ito. Nung tanghali eto na meron na naman bad news. Ang karoommate ko naman ang isa na namang naapektuhan ng krisis na toh! Hanggang isang buwan na lang sila sa company pati daw ang amo niyang super tagal na sa company, wala na rin. Di niya alam kung nagresign o natanggal. Hay naku! Tama na sobra na, nakaka-upset na eh!



{Thursday, January 8, 2009}   tumaas na

Although may konting doubt, panatag ang loob kong tutuparin ng boss ko ang sinabing salary increment. Habang sinasabi niya sa aming dalawang Pinay ang tungkol sa bagay na ‘yan 4 days ago, unang pumasok sa isip ko ang pagte-thank you ng ilang ulit kay bespren above.

Kung sakali mang ibigay ang increment ine-expect na rin naming dalawa ni opismeyt na malamang after ilang buwan pa bago maibigay ang dagdag sahod o di kaya naman ay tapos na ang kontrata baka hindi pa rin naibigay. Dun kami nagkakamali dahil kanina pagka-abot ng sweldo may isang libong dirham ng dagdag sa sweldo naming dalawa. Thanks tlga kay bespren above!

Kaya pala magaan ang loob ko pagkasabi ni big boss nun. Hindi dahil asang-asa ako pero dahil malakas ang feeling ko na tototohanin niya. Ang nakakatuwa dun ibinigay kaagad, expected kasi naming kung may increase nga pasok pa iyon sa salary ng January.

Happy naman ako dahil mejo nabawasan ung mga isipin ko nung nakaraang mga linggo. Nagkaro’n pa nga ng kasagutan. :D Isang bagay na lang ang wini-wish kong sana sagutin ni bespren above at bigyan din ng magandang kasagutan.

 

Mukhang napasobra ang pagkalimot-limot ko lately. Binigay nga pala ito ni sis Ana nung November pa. Pasensiya na sis kung ngayon ko lang idi-display sa aking bahay… ‘ika nga nila “better late than never”

bbaward

Salamat ng marami… Sa tagal kong pagpost nito malamang lahat na kayo ay nabigyan ng award na ito.



{Tuesday, January 6, 2009}   dalawang linggong pahinga

Mabuti sana kung pagbabakasyon din sa Pinas gaya ng ibang blogger ang naging dahilan ng pagkawala ko sa blogosphere ng dalawang linggo. (Kungsabagay madalas naman akong mawala sa sirkulasyon lolz) Kaso hindi eh! Bigla na lang kaming sinabihan na dalawang araw daw munang walang pasok. Sumabay pa dun ang mga araw na wala talagang pasok gaya ng Christmas, New Year ng lahat at Muslim New Year. Kada matatapos na ang ikalawang araw sasabihan na naman kaming dalawang araw daw uli na walang pasok dahil daw sa maintenance na ginagawa sa opisina. Hanggang sa umabot na nga ng dalawang linggo.

Wala akong magawa nun sa bahay mag-isa dahil lahat ng ka-roommate ko may pasok, si papuch may pasok din. Feeling ko mababaliw na ako. Mag-isa nga akong nagvivideoke sa bahay, sumunod na araw naglilinis, maagang nagluluto, nagtry magluto ng pagkaing hindi ko pa nasusubukang iluto at mapraning kakaisip kung magsasara na nga ba ang kumpanya namin. Gusto ko ng matapos ang kontrata ko sa kumpanya at makapagtrabaho naman sa iba, pero hindi ko yata naisip na paano kung biglang magsara ang company at takbuhan kami ng mga boss ko. Nakakawindang dahil nga sa global crisis na iyan kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip namin. Kung nagpa-abiso sana sila hindi kami mag-iisip ng mga posibilidad kung bakit matagal kaming walang pasok. Marami kasing nagsasarang kumpanya na. Madami rin akong nababalitaang nangyayaring recession sa mga malalaking kumpanya dito sa Dubai. Akala ko sinamantala na ng mga amo namin ang nangyayaring crisis everywhere at nagdesisyong isara na ang kumpanya. Mabuti sana kung nai-settle na lahat bago kami mapauwi ng Pinas o mawalan ng trabaho. Dami kong iniisip nun isa na ang pag-iisip na baka mapaaga ang uwi ko sa Pinas. Masaya talaga ako kung mapapauwi ako ng Pinas pero half of me nagrereact ng “Oh no! Paano na ung mga listahan ng mga gusto kong bilhin pampasalubong sa kanila? Waaaahh! Uuwi yata akong gamit ko lang ang dala!

Read the rest of this entry »



{Thursday, December 18, 2008}   happy holidays sa lahat



Christmas is fast approaching. Super lamig na rin dito sa disyerto. Dahil din yata ito sa pag-ulan daw ng yelo sa may parteng Bur Dubai kahapon. Mabuti pa sila nakakita ng snow, ako hindi. Di ko naman mapapansin kasi nasa loob kami ng office unlike ang office nila ate konting lakad lang nila nasa labasan na sila. Epekto yata ng pagsnow ng saglit na sandali ang sobrang lamig ng temperature ngyon dito. Kagabi may bibilhin lang kami sa supermarket na malapit lang sa bahay. Syempre nakakatamad na pumorma pa kasi sa pangatlong block lang naman ang bilihan. Nagblouse lang ako na mejo sleeveless at short na mejo manipis pero hanggang tuhod. Paglabas ng building waaaaaaaaaaaaahhh ang lamig. Akyat kami agad ng bahay at kumuha ng jacket pero kahit naka-jacket na nangangatal pa rin ako sa ginaw. Brrrrrrrrrrrr!!!

Di ko man gaanong feel na parating na ang Christmas unlike last year, masaya pa rin dahil unang-una it’s Christmas! next week na un! Pangalawa, masayang may konting lungkot kasi magbe-birthday na naman ako before the year ends. Masaya kasi I have reached nth year in this fabulous world. Malungkot dahil madadagdagan na naman ang edad ko. Anyway, paano naman tayo magma-mature nyan if forever young na lang tayo dibah. Well hopefully nga I’ll be mature enough to understand and deal with complicated things. Wish ko for myself na sana maging strong ako palagi and to not easily give up sa mga bagay bagay na un nga komplikado. Mga bagay na kayang kaya namang takasan kung magiging selfish lang ako pero dahil iniisip din ang kapakanan ng iba, pinipilit baguhin ang sarili para andun lang ako sa tabi-tabi amidst all troubles we’re facing. Pinagdadasal ko talaga na maging maayos at malagpasan ang lahat para makapag-move on din kami at makasimula na sa mga bagong plano.



Anyways, maaga akong magcecelebrate ng aking kaarawan. Imbes na sa katapusan ay sa Pasko na lang ise-celebrate. Hays! 3 years of celebrating my birhtday away from home, away from my family. Ang galing dahil kahit papano nakayanan ko naman kahit nakakalungkot. 25th and 26th ang celebration ng birthday. Actually dalawa kaming pag-iisahin lang ang celebration isinabay lang namin sa Pasko para makapunta rin naman ang ibang friends. 26th naman ang birthday treat sa akin ng isa kong friend sa comedy junction (nga ba? Basta comedy bar daw eh!).

Anyways, hindi ko masabi kung kelan na naman ako sisipaging magblog. Kung saka-sakaling di na naman makapagupdate.. greet na ‘ko ng mas maaga sa lahat.





{Thursday, November 27, 2008}   I’m a classic

Wala ng mai-blog kaya kung ano-ano na lang ang naiisip ko. Nasubukan ko din tuloy sagutan ang personality test na iyan. Amazing ang result, swak na swak kasi ang description sa pagkatao.

classic

Malabo ba? Eto ulit…

Your Personality Type is Classic

To you, there is nothing bad about tradition and you are in no hurry to catch up with the fast-paced world. You prize elegance and well-established ideals. Having a small group of close friends is more important to you than a wide social circle, which is why you enjoy quiet gatherings and meaningful conversations. Classic personalities often have a sweet but aloof air, and are resistant to change.



{Tuesday, November 18, 2008}   atlantis & dubai mall escapade

Dalawang sunod na week na paggala sa dalawang magkaibang attraction/destination sa Dubai. Ganito lang naman kasi buhay sa ibang bansa o kahit pa nga sa sariling bansa. Gala ever at picture taking ang libangan. Lalo na’t kung may bagong bukas na pasyalan. Gaya na lang nitong dalawang ito:

Gala #1: ATLANTIS , the Palm

Sa Official Grand Opening nito this coming Thursday maraming sikat na celebrities daw ang pupunta. Sarap sanang makipagbunuang braso este makipagbungguang siko sa kanila. Di naman ako patay na patay sa mga celebrities pero parang ang sarap makiusyoso at manood kung hindi lang sobrang mahal eh I’m sure present ako jan. May world’s largest fireworks display daw na mangyayari. Tapos may private concern pa ang tita kong si Kylie Minogue. Invited lang lang din naman sina Lindsay Lohan, Oprah Winfrey, Michael Jordan, Gerald Butler, Lily Allen, model na si Petra Nemcova, Janet Jackson and Jermaine Dupri at syempre hindi mawawala si Robert de Niro kasi nga may resto siya dun eh. Marami pang ibang nakalimutan ko na nga lang, itinapon ko na kasi ung newspaper matapos kong tignan ang mga pictures nila. OO sa sobrang sayted ko di ko na binasa tinignan ko lang pictures. Naiinggit tuloy ako dun sa mga nananalo sa radio station ng tickets to Kylie concert, plus Aquaventure pass at kung anu-ano pa. Ang kaso naman di naman ako nagjo-join na kinakabahan kasi ako baka matalo lang ako heheheh.

ang liit lang noh

ang liit lang noh

Hindi naman talaga yan ang topic kasi hindi naman ako makakagala sa mismong araw na iyan, of course kailangang magbayad kasi para maki-join sa kanila. Ang iwewento ko lang eh gumala nga kami jan sa labas lang nyan at pumasok dun lang sa lobby. Tapos nagtingin tingin ng mga fishy fishy sa aquarium. La lang nakikigulo lang sa mga namamasyal lang din at nagkukuhanan ng pictures.

Read the rest of this entry »



{Monday, November 10, 2008}   may card ka na?

BAGONG PAKULO…

eid-logo image courtesy of emiratesid.ae

What is the Identity Card?

The ID card is an electronic means of identification that EIDA undertakes to issue for all the population of U.A.E. It is mandatory for each national or expatriate person above 15 years old. Coupled with sophisticated technological features, ID card is a safe and fine means for identification of persons and verification of their identities. It contains an ID number that links every individual to his/her own personal and biological lifetime data. The number in question serves as a reference for the respective individual in his/her identity-proved transactions with government bodies and some private organisations. It is expected that the ID card would, later, replace all currently applicable other identification means such as labor permit, health card, driving license, etc.

Kailangan ba talaga yan? Ang dami namang kung anik anik na naiisipan ng mga Arabo. Meron na akong forwarded application form pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gagawin ko pagkatapos kong ma-fill-up. December 31 ang deadline, ano’ng petsa na hindi pa rin ako nakakapagpa-register. Nalilito kasi ako dahil ilang buwan na lang naman ang ilalagi ko sa Dubai kaya hindi ko sigurado kung uubra kaya kung hindi ko na asikasuhin ito. O totohanin nilang pwede kang ma-deport dahil magiging invalid na ang labour card, credit cards, health cards at kung anu-ano pang cards na galing sa UAE.

What are the penalties for not obtaining the ID Card by 31st December 2008?

Emiratis, who have been able to register since 2006, face Dh1,000 fines if they do not obtain ID cards by Jan 1.

Expatriate professionals, including most residents with university degrees, without cards will not be fined until 2010, but have been told that they will not be able to access most government services, including health care, bank transactions and other government and semi-government services, after Dec 31 this year.

Additionally, employers will be also penalized for employing staff without the ID card.

Baka sa hindi ko pag-apply eh ma-charge ako ng sobrang laki. Minsan naman kasi ang balita kesyo tatapusin pa daw muna magsipag-rehistro mga nationals bago ang expat. Ngayon naman parang biglang may deadline na. OO nga’t 2010 pa deadline ng expats pero pa’no mo nga magagamit ang mga importanteng cards na un. Ayos din sa extension un ah meron namang kondisyones!

Eto pa ang matindi, may charges for enrollment? Di ko masyadong maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito:

What are the charges for enrolment?

-  UAE Nationals: AED 100.
National under social security: free of charge

-  Residents:

  • AED 100 for a year’s residence.
  • AED 200 for two-year residence.
  • AED 300 for three-year residence.

-  GCC residents: AED 100 per year depending on the chosen period. However 5 years is the maximum validity time for the ID Card.


-  For children below 15 years: the registration in the population register is mandatory, but issuing the card is optional.  In case the parents wish to issue a card for a child below 15, the fees shall be: AED 50.

ID card Delivery fees: AED 15

Ang sabi kasi the card is valid for 5 years. So ibig sabihin kahit local ka magbabayad ka para sa card na ito kasi nga it would later replace cards such as driving license, labour permits, credit cards and health cards. Actually ang bali-balita hindi na daw later – kundi right after the given deadline eh un na ang magiging card mo replacing all those cards.

Nalilito na rin ako kung magkano ba talaga. Sabi ng iba 40dhs lang, dyan naman sa information pack na ni-paste ko dito aun nga 100 dhs for a year’s residence and so on and so on. Pataas ng pataas kung gaano ka katagal. My gulay! Since five months nal ang naman ang ilalagi ko sa makasaysayang Dubaisana singilin lang ako ng kalahating presyo. Anyways, hindi pa naman ako nakakapag-apply. Meron na kayang mga UAE bloggers ang nag-asikaso ng kanilang eID?

O baka naman 40 dhs + the no. of years of residency + 15 dhs delivery fee. Mga mukhang pera! LoLz! Naglagay at nagdagdag ng Salik, iniba ang proseso ng pagvivisa, pamahal ng pamahal renta ng tirahan, pati pagkain at kung anu-ano pang bills, one villa one family campaign ek-ek – pero may bali-balitang tigil daw muna ang project na pagdedemolish dahil naubusan ng budget ang gobyerno… well, kaya siguro biglang nagka-deadline itong eID na toh kasi dito sila kukuha budget hehehe!


Sa Saudi, Oman, Kuwait, Qatar, Bahrain at kung saan-saang parte ng Middle East, ganito rin ba? May Identity Card din kaya?



{Sunday, October 26, 2008}   old friend

Bumilang ng ilang linggo pagkatapos kong makatapos ng college, natanggap ako sa isang Singaporean company na halos Hapon ang superior. Sobra akong natensyon dahil hindi ko inakalang malalagay ako sa posisyon na wala naman akong experience. Ilang beses akong nakiusap na ilipat ako sa ibang department o aalis na lang ako sa kumpanya, pero sabi mo kakayanin ko un. Dahil ayaw din akong pakawalan ng amo nating Hapon napilitan akong makinig na rin sa iyo. Matyaga ka ngang tinuruan ako na alamin kung ano’ng silbi ng mga bagay na ginagamit natin sa trabaho. Bilib ako sa tyaga mong parang professor na ipapakita sa akin kung ano ang hitsura ng processor, lancard, hard disk, DDRAM, SDRAM, cmos battery, power supply at isa-isahin kung ano’ng silbi ng mga iyon. Sa trabahong iyan ko natutunan kung paanong buksan ang mouse para irepair, kung paanong i-recover ang address book sa Outlook ng computer na nag-crash, kung paano’ng magtrouble shoot kahit man lang basic ng kung anu-ano sa ibang departamento kung wala ang ibang technician, kung paano’ng mag-install ng Operating System at mga Software Applications na Japanese version. Hindi ako isang technician, coordinator ako nun pero masaya palang matutunan ang lahat ng yan. Ang dami, sobrang dami kong natutunan sa first job ko. Na ngayon ay hindi ko na yata masyadong matandaan. Too bad…

Hindi lang naman ikaw ang nagturo ng lahat ng iyan pero ikaw ang pinakamatyaga. Kahit pa nga tuksuhin na tayong dalawa hindi naman tayo nagpapa-apekto. Bukod sa matindi kasi ang tama ng ka-opisina natin sa iyo. Gwapo mo daw kasi matalino pa.

Maganda naman ang samahan nating lahat sa departamento hanggang sa unti-unting nagkaroon ng problema. Malaking problema. Pati nga ako naapektuhan dun, hindi ko alam kung ako ba ang gusto’ng i-setup o ako ang gagawing daan para mapunta lahat ng blame dun sa isang babaeng ma-epal. Ang gulo. Magulo ang utak ko nun at panalo ang plano ng kung sino mang gustong man-setup o kung anuman ang gustong gawin ng misteryosong taong iyon. Pinaghinalaan ng halos lahat na ang gumawa sa akin ng bagay na iyon ay ang babaeng masyadong ma-epal. Sobra akong nagalit sa kanya, at ang tsanyang makita ang salarin sa ating surveillance camera ay lumabo ng tuluyan. Matalino ang misteryosong tao tinanggal ang kable kaya walang nai-record. Ilan lang naman silang may access sa control room kaya iilan lang din ang paghihinalaan. Pero hindi na na-trace.

2003 pa nung huli kitang makita. 2003 din ng namaalam na ko ng tuluyan sa kumpanya. Inunahan mo ako. Bigla ka na lang nawala. Nag-AWOL ka na. Nalungkot talaga ako nun kasi ikaw ang naging mentor ko. Na-miss talaga kita. Kasalukuyan pa namang nagkakagulo sa department natin. Katagalan, nagsimula ang hinala kong malamang may kinalaman ka sa kaguluhan. Maaring ikaw ang misteryosong taong gumawa, pwedeng may ibang tumulong sa iyo, pwede rin namang ikaw lang mag-isa. Naisip kong kaya nagawa sa akin ang bagay na iyon ay para hindi kita pag-isipan ng masama, para magalit ako sa babaeng ma-epal, para paghinalaan ng lahat ang babaeng ma-epal. Mahusay kung ikaw nga ang misteryosong taong gumawa ng lahat ng iyon. Dibah isa ka rin sa may hawak ng susi sa control room? Isa ka sa mga nakakaalam ng lahat ng kable, kaya alam mo rin kung saan ia-unplug ang cable ng camera.

Sinubukan kong hanapin ka sa friendster pero mahirap ka talagang hanapin. Sa dami ng number na pinagpapalit palit mo noon ni isa hindi macontact. Magaling ka talagang magtago. Ni anino mo hindi na namin nakita simula ng mawala ka sa kumpanya. Nalaman ko na lang sa iba napadpad ka na daw sa UAE.

Fast forward 2007, nakalimutan ko’ng nasa UAE ka nga pala. Nung naalala ko, di ko rin naman sigurado kung tumagal ka sa UAE o nag-AWOL na naman. O tumalon na ulit sa ibang bansa. 2008, ilang linggo na ring may nag-iiwan ng message sa friendster ko, kapangalan mo. Bibihira kasi ang nagmamay-ari ng ganung pangalan kaya hindi ko ina-add. Naka-private pa at image ng isang lugar ang naka-front hindi mukha ng isang tao.

Friday habang gulo ang utak ko sa gitna ng maraming tao sa Gitex Airport Expo. Lito ako kung ano bang laptop ang bibilhin. Pagkatapos kong makausap ang kuya ko sa phone, si papuch naman ang kausap ko. Habang nagsasalita at patingin tingin sa mga tao at sa laptop sa paligid nakita kita. Napatitig ka ng may katagalan. Napatiningin din ako. Nawala talaga ako sa concentration hindi ko akalaing buhay ka pa pala. Pero ako na ang unang bumawi ng tingin.

Alam kong nagtago ka ng matagal kaya hindi na kita nginitian. Sana iniisip mong kamukha ko lang iyon. Wala na ang pimples ko sa mukha, mas humaba na ang buhok ko, hindi na ako patpatin at nakasuot ako ng eyeglass. Kaya sana hindi mo maisip na ako ang nakita mo. Ayoko na rin kasing magkaro’n pa ng communication sa iyo. Tumaba ka rin pero namukhaan pa rin kita, at sigurado akong ikaw nga un. Hinahanap ng mata ko kung nasaan ka na pero wala na. Nakahinga na ako ng maluwag pero paglingon ko sa kanan andun ka pala at nakatingin na naman. Pakiramdam ko minumukhaan mo talaga kung tama ang hinala mong kakilala mo ako o kamukha lang. Ako na naman ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko talaga gustong ngitian at kamustahin ka. Lumayo na lang ako sa lugar na iyon, ayoko na talaga makita ka.



{Sunday, October 19, 2008}   The week that was…

I had my hair cut the other week. Sumasakit na kasi ulo eh. Tapos parang hate ko na ang sobrang haba na buhok. Feeling ko para na akong bruha at super init pa. Isang taon ring walang gupit un kaya humaba. Mejo mabagal pa nga ang paghaba ng buhok ko. Sa isang taong walang gupit kahit man lang konting trim eh hindi man lang umabot hanggang tuhod buhok ko, o kahit sa pwet. Hays. Noon pa naman gusto ko talaga ng super habang hair. Mahirap lang i-maintain kapag super haba ng hair lalo na’t nagiging pasaway na kung minsan ang buhok. Pero parang lately kasi biglang naisipan kong paigsiin buhok ko. Gusto ko sana ung maikling hindi lalagpas ng balikat. Pero wag na takot ako kasi baka mag-fly away.

Lagpas balikat pa rin naman ang buhok ko. Pero kapansin-pansin pa rin na umigsi. Dalawang boss ko ang nakapuna. Ang among lalaki na nagsisimula ng magkwento ng pangyayari para sa ipagagawa niyang sulat para sa akin, biglang natigilan at napatingin sa akin. Maya maya nagtanong kung binago ko daw ba ang buhok ko. Tumango ako at nag-smile. Maganda daw at nagmukha akong prospesyonal. Toinkzzzzz! Kung pwede lang mambatok ng boss ginawa ko na talaga. Walang wenta kasi eh namuri pero pang-asar. Sana ang sinabi niya, lalong na-enhance ang byuti ko at mas naging super duper professional looking lalo ako, kamukha ng isang Manager ng isang kumpanya.

V’s birthday celebration Thursday night. She’s my bestie’s cousin and a good friend of mine. Naging close lang yata kami dito sa Dubai – kahit tatlong beses pa lang kami nagkikita dito. One – when we took her out on a road trip at magpapicture picture siya. Second – when we scheduled spending time out together, eat out at magchikahan. Third – that night, nung birthday niya. Sabi ko ayokong uminom pero pinainom nila ako, bakit sila ganun? Mabuti na lang patikim tikim lang ako ng pulang kabayo, Nung tinatamaan na ako ng sipa tanggi na talaga ako ng tanggi. Hanggang sa humupa na ang namumula kong mukha at buong katawan.

Palpak na naman ang proyekto nila! Di na ako magkkwento ng mahaba tungkol dito. Isa kasi itong kasiraan para sa kanila na taon taon nilang sinasadya. Wonder why di sila marunong mahiya? Anyways…



{Tuesday, October 14, 2008}   Avez-vous jamais eu un cauchemar?

Paglingon ko sa bandang kanan ng bahay na iyon, nakita ko na ang unti-unting paglaki ng baga kasunod ang pag-aapoy ng isang parte ng bahay malapit sa kinatatayuan ko. Senyales na magkakaroon na ng sunog kung hindi agad maapula ang apoy. May nakita akong hose. Kinuha ko agad iyon, binuksan ang gripo at itunutok sa apoy hanggang sa maubos ang apoy. Buti na lang maagap ako. Hindi na tuluyang lumaki ang sunog.

Dumami ng dumami ang tao sa paligid ko. Lahat nagkalat sa isang malaking bulwagan na may mga escalator. Ang iba pababa, ang iba naman paakyat sa mas mataas na palapag. Maya’t maya may naririnig akong boses ng lalaki. Parang nasa Airport o Mall na nagpe-page ng mga pangalan ng mga taong nandun. Paisa-isang nagbabanggit ng mga pangalan. Napansin ko na lang na nagmamadaling tumakbo ang babaeng tinawag. Kilala ko siya pero hindi ko na matandaan kung sino siya. May tinawag na namang pangalan ang mahiwagang boses ng lalaking iyon. Read the rest of this entry »



et cetera