RhaPsoDy











{Sunday, August 17, 2008}   Dubai-wenyo ka? Pang-ilan mo na?

Konti na lang magagamit ko na rin yata pati mga daliri ko sa paa sa pagbibilang. Sa susunod na taon ng Pebrero magtatatlong taon na ako sa Dubai. Sa loob na mahigit dalawang taon na yan nakailang lipat bahay na rin ako. Marami ring kasing dahilan kung bakit nagpapalitapat-lipat kami ng bahay dito. Unang-una gustong makatipid kaya naghahanap ng mas mura. Pangalawang rason dahil hindi nagustuhan sa nalipatang bahay, maaaring nagkamali ng akala. Akala kasi ok dun un pala naman mas okey pa dun sa inalisan. Regrets nga naman pero hindi na naman pwede pang bumalik sa inalisan. Isa ring rason ay dahil kandidato for demolition ang tinitirhan mo.

Kung ako tatanungin mo kung nakailang bahay na ako sa Dubai… ahhh ehhh. Wait let me count ha…. One.. two… naku po magpi-pito na pala… Sana 7th heaven na sa ikapitong lilipatan namin. Un bang wala na kaming magiging problema at un tatagal na kami duon hanggang sa kami na ang magsawa sa Dubai. Sana may ganun sa Dubai.

Unang salta pa ako nun sa Dubai, sa Karama1 ako itinira ng aking friendship. Ako lang mag-isa kasi iba ang tinutuluyan niya. Dun kasi siya nakatira sa relative niya, alangan namang isabit niya pa ako dun eh wala na ngang space for others. Actually, dalawa sana kami nun na friend ng friend ko, siya sana ang makakasama ko. Kaya lang napag-iwanan sa airport un friend ng friend ko na friend ko na rin until now. Lam mo naman ang daming buwaya sa immig sa Pinas kaya aun na-rebook siya kasi hindi siya nakapagbigay ng kotong. Ako naman maswerte dahil nakalusot ng walang kotong na ipinamahagi. Dun sa Karama ayos na ayos dun, hindi ako malulungkot. Kasi pag baba ko ng building ang daming grocery/supermarket na pwedeng pagpilian, malapit sa mga bus stop, malapit din sa maraming pamilihan ng kung anu-ano. Unti unti na nga lang tumataas ang kuryente at mejo nabibigatan pa ako nung time na un kasi hindi pa sapat ang sweldo ko.

kung ganyan lang sanang kadali…

Na-encourage2 ako ng opismeyt ko na sumama sa kanya. Dadating daw ang asawa niya at dalawa kami ni M na napapayag na sumama sa kanya. Pumayag akong sumama kahit na hindi ko pa nakita ang room. Mura lang daw kasi at ang kuryente sobrang baba daw. So nagpahikayat naman ako kahit na mejo nag-aalangan dahil hindi ko pa nakita ang bahay. Dala-dala ko ang mga gamit ko papunta sa bagong lilipatan ng madismaya ako pagkakita sa kwarto. Super sikip. Hanggang sa napalipat si M sa kabilang kwarto. Ako kasama ng mag-asawa. In fairness lumuwag pero naging masikip pa rin ang mundo ko. Hindi ko pala kayang kasama ang mag-asawa na madalas mag-away nung mga panahon na iyon. Cguro dahil bago pa si lalaki sa Dubai at wala pang work kaya aburido. At isa pa, pinapak nga ako ng mga bespren ko dun dibah. Kaya ng makita ni M ang iwinawagayway na papel ng aming PRO, nakipagkasundo agad na dun kami lilipat.

Read the rest of this entry »



{Wednesday, January 9, 2008}   New Year na naman

Kahit pa wala akong ganang mag-blog sa ngayon dahil nade-depress ako… mag-iiwan na lang ako ng greetings para sa mga kaibigan kong Muslim sa Dubai, sa Thailand, sa Pinas, at sa kung saan-saang bansa…

Happy Islamic New Year!

new year

at dahil po dyan…. 3 days na naman akong walang pasok. Okei babush! back to depress mode :(



{Wednesday, December 26, 2007}   Buseeet!!!

natupad ang wish ko nabayaran na may internet na ulit sa office. tagal ko ding nawala. ung isang na-prepare ko to post ayun nakatambak pa. my plan is to post it after my long eid holidays but since even before that holiday nawalan na kami ng i-net connection ayun natengga na siya. Siguro i’ll post that entry kapag na-iready ko na din ang ibang photos.

ang saya ko na sana kasi ayos nga may free internet access na na ulit sa cafe office. mega-blog-hopping at iwan ng comments pa ako. tapos nung binalikan ko yung bahay ni dhez abah bakit ganun naka-apat na click na ako ng submit comment abah wala man lang akong makitang anino ng iniwan kong comment. pati na yung kay Ate Kengkz at sa kung saan-saang bahay na dinalaw ko. nakaka-buseeet talaga dibah. sinimulan kasi ang araw ko nung isang caller dito sa office eh. ang aga aga binuseeet ako. halos sigawan ko na siya sa phone kasi bawat tanong ko ang sagot niya… wala! buti nga kung salitang ‘wala’ at least may naisagot. kaso wala as in wala siyang imik sa kabilang linya. tumatawag siya dito para magtanong.. nung naintindihan ko na siya kasi nga mejo barokis siya, parang di makasalita ng english. tanungin ko kung sino hinahanap sagutin ba naman ako ng Hassan. sabi ko walang Hassan sa kumpanya namin. nung usisain ko siya ng usisain tungkol sa purpose ng call niya – dun ko lang nalaman na ang pangalan pala niya ay Hassan. sa haba ng paikot-ikot kong tanong sa kanya para maintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin, nalaman ko na nasa kanila pala ang gift na pinadala namin para sa iba. nagkamali daw kami ng pinagdalhan (ganun ang na-analyze kong ibig niyang sabihin). imbes na sa isang banko ay sa banko nila naipadala. kaya tinanong ko siya kung ano ang office number nila para matawagan muna siya bago namin pick-up-in ang gift na namali ng deliver, umabot ng 15minutes na paulit ulit akong nagHELLO kasi parang nawala na siya sa linya at paulit ulit din ako nagtanong kung ano ba ang number nila o ang mobile number niya na lang pero wala siyang mailabas na sagot sa bibig niya. nakakabuseet kasi pano kung marami ng tumawag eh nag-iisa palang ako kaninang umaga sa opisina. naisip kong baka hindi niya alam ang number ng office nila tsk.. tsk… tsk…. kaya nakaisip ako ng ibang option. tinanong ko kung pwedeng siya na lang ba o may pwede pang ibang hanapin at kung meron ibigay nya ang pangalan ng taong pwede naming hanapin para i-collect ulit ang gift… again.. katahimikan po… Hello na ako ng Hello at Hassan na ako ng Hassan. Eh si Hassan nawawala sa linya, pero naririnig kong may kinakausap siyang iba. Ang lakas na nga ng boses ko sa office namin sa kaka-HELLO! ni hindi makasagot ng oo kung siya na lang ba ang hahanapin o baka iwan niya kung kanino yung gift. hayyy!

matapos ang mahabang paghihintay ko ng bibigkasin niyang salita at ang paulit ulit kong pagtatanong at pag-hello at pagtawag sa pangalan niya natapos ang lahat sa sagot??? sinabi niyang… ‘i will call you back.’

hanggang ngayon, di pa rin siya tumatawag. ng dumating ang taong nagdeliver tinanong ko siya. sagot ba naman sa akin ‘he’s a stupid guy!’ kasi ba naman nasa iisang building lang daw iyong dalawang bank at ang tumawag sa akin ay gwadiya sa building na iyon. sana man lang iabot niya na lang sa kabilang banko dibah.



{Sunday, December 16, 2007}   inshallah

Napaka-konti na lang namin ngayon sa office. Apat na staff ang wala na dito. Merong nag-resign, may tinanggal, at may bigla na lang nawala. Ang masama dun isa mga nawala ay ang pinakamamahal (minsan) naming Finance Manager na si MJ. Di namin alam kung anong nangyari, siya ang pinaka-tatay naming tatlong Pinay dito sa office. Kung dati takot kami sa kanya, dumating na sa puntong close na kami sa kanya. Nabibiro-biro na namin siya. Minsan bigla ko na lang siyang tatawagan sa extension para magtanong.

Rhap: MJ are you giving our salary today?

MJ: Inshallah tomorrow ha.

Rhap: Huh? Why Inshallah?

Nagulat naman siya, dapat daw magtiwala ako. Alam kong alam niyo na ang ibig sabihin ng salitang ito.

Pronunciation: \in-shä-lä\

Etymology: Arabic in shā’ Allāh

Definition : if Allah wills : God willing

 

Nasanay na kaming tatlo na kapag ginagamit niya ang salitang ‘Inshallah’ ang nagiging kahulugan nito ay ‘maybe next week’ or ‘not really sure when’. Kaya nagulat din ako ng natanong ko siya kung bakit inshallah. Pinagsabihan niya ako na talagang kinabukasan daw makukuha na. Kinabukasan, wala naman. Heheh. Ngayong wala na siya mas kinakabahan ako. Kasi baka ma-delay lalo ang bigayan ng salary namin kasi nga wala kaming Accountant. Pa’no na ‘yan busy pa naman ang boss namin sa pag-aayos sa Global Village dahil dito. Wish ko lang ma-perfect naman namin this time, yung walang reklamo yung client. Well, it seems my boss is happy today. Ewan ko dun kung bakit parang ang ganda ng mood niya huh.

Nalilihis na naman ang kwento ko. Basta un nga ang lungkot kasi kumokonti na naman kami. Ilang months na naman yan I’m sure madami na namang staff, tapos konti ulit, tapos mawawala na naman. Remember that Pinoy Design Manager na nakwento ko before na ayaw makisalamuha sa kapwa Pinoy niya? Wala na rin siya. Hindi din nagtagal. Ang sabi niya lang may sakit ang father niya kaya uuwi muna siya sa Pinas but not exactly in Pinas. Ang gulo noh. San kaya yung sinasabi niya? Anyway, hindi naman siya kasama sa apat na nawala kasi baguhan lang din si kabayan dito pero isa o dalawang buwan lang yata ang tinagal niya. Maybe nakakita ng mas magandang offer or talagang may sakit ang father niya.

Si MJ ang mami-miss ko kasi siya yung lagi naming kinukulit sa sweldo, na kapag hindi niya binigay kanya-kanyang kaming tatlo nagda-drama. Pwedeng harap-harapan nagda-drama o nag-eemail kami para makapag-cash advance. Para lang maisip niya na hindi okey para sa amin ang ma-delay ang salary, lalo na’t nalalaman namin na tuwing delayed ang salary namin, siya solve na. As in nai-transfer niya na ang salary niya sa bank account niya. Ano nga naman habol namin, eh accountant siya syempre uunahin niya sarili niya. Kami maghihintay kung kailan niya feel. Minsan nakukunsyenya naman kapag inunahan na namin ng drama eksaktong araw ng bigayan ng sweldo talagang nakukuha namin. Pero ngayon eepekto kaya ang drama namin kay big boss? Hmmmn… bahala siya basta matuto silang makiramdam heheh. Wish ko sana hindi talaga ma-delay this month at sa mga susunod na buwan.. inshallah.

*****

Excited na ako sa mahabang holiday this week. Imagine 2 days lang akong papasok dahil sa Eid Al Adha. Sabi sa wiki:

Eid al-Adha (Arabic: عيد الأضحى ‘Īd al-’Aḍḥā) is a religious festival celebrated by Muslims worldwide as a commemoration of Ibrahim’s (Abraham’s) willingness to sacrifice his son Ismael for Allah.

Simula sa Tuesday isama pa ang Friday & Saturday day-off namin aabot ng limang araw din kaming bakasyon. Sana tinuloy-tuloy na hanggang Pasko. Heheh. Kawawa yung friend ko kasi Thursday lang sila walang pasok. Wag na i-count ang Friday kasi talagang day-off niya yun. Iisang araw lang ang holiday nila, samantalang lahat 3 days. Ang mga companies na may pasok kahit holiday dapat may overtime pay pero sila wala raw. Dapat mabasa niya ito.

Inshallah maging masaya ang holiday ng lahat. At ito ulit para sa mga Muslim friends ko. Nahalukay ko sa website ni Yasser Hassan. Di ko maintindihan yung nakasulat basta ang sabi sa website greeting card yan for Eid Al Adha. At least may effort akong mag-search for all my Muslim friends dibah. ;)

adha_card



{Thursday, December 13, 2007}   christmas tag

Malapit na talaga ang Pasko… 12 days na lang ba? Nalulungkot ako. Pero happy rin naman. Miss ko lang kasi ang family ko. At ang Pasko sa Pinas. Pati na rin ung makikita mo sa mga bahay-bahay na nagpapadamihan ng Christmas lights at pagandahan ng dekorasyon. Well meron din naman sa disyerto nyan ah. Punumpuno ng ilaw ung bahay. Un nga lang pa-isa-isa lang at anytime of the year pwede. Nga lang sign pala un na may wedding na nagaganap o may kakakasal lang sa bahay na iyon. Click niyo po yung picture na yan sa ibaba at ng makita ninyo ang pruweba na parang meron ding Christmas sa iilang bahay dito.

wedding house wedding house2

I took that foto early this year.. I think mga March. First time I saw a house like that, Christmas agad ang unang pumasok sa isip ko. At tuwing madadaan kami sa unang bahay na nakita kong punong puno ng Christmas lights, lagi kong sinasabi na iyon ay Christmas House. Hanggang ngayon tuwing makikita ko ang bahay na iyon kahit wala ng mga ilaw, un pa rin ang tawag ko.

Anyways, speaking of Christmas may tag sa akin si Vera.

Here’s the drill:

  1. Make a paragraph next to the last paragraph in the tag is passed to you of “What is Christmas to you” and put your name at the end of it linking back to your site, or the page that answered this tag.
  2. U can use a title that will suit your Christmas idea.
  3. Then tag as many as you can.

When I was a kid, Christmas for me is about new clothes, gifts, foods at syempre palakihan ng kita. You know what I mean hehehe. Malungkot nga ako lagi nun kasi ako lagi ang pinakamababa ang kinita. Naiinggit ako sa brother & cousins ko, kaya lang wala naman akong magagawa kasi wala nga yung mga ninong at ninang ko. Pero kahit na ganun masaya pa rin naman ako kasi I am spending my Christmas not only with my family, kundi kasama na rin ang mga relatives namin.

Ngayon na ako na ang ninang, syempre ako na ang pagkakakitaan hahaha pero ang sarap din ng feeling. Malayo pa lang ang pasko nakagawa na ako ng listahan ng mga inaanak ko. Weeks before Christmas I see to it na ready na ang gift ko sa kanila. Ngayong lumalaki na sila – moolah na ang kailangan kung hindi sinimangutan ako ng mga iyon hahahahaha. At dahil pareho kaming wala sa Pinas ni Pudra, malulungkot si mudra i’m sure pero magiging busy naman siya dahil ang asaynment niya ay mag-asikaso sa mga pangregalo sa mga inaanak namin ni Pudra.

Christmas for me is spending time with the ones you love… at kapag malayo naman sa isa’t isa a simple card or a greeting would mean a lot. Gusto ko din yang nakikipagsabayan sa mga malls, feeling the Christmas rush ba heheh.

Gusto ko naman malaman kung ano ang Christmas para sa inyo Joyce, Misyel, and (ate?) Kengkay.



{Tuesday, November 13, 2007}   once upon a time in chinatown

Hindi ko alam kung bakit kapag nakakita ako ng Chinese Restaurant, parang hinihila akong pumasok at kumain. Wag ng isali ang ChowKing, common na yan, basta ung mga restong tipong Chinese talaga ang theme kung makikita mo from outside. Sinamahan ko siya the other night sa paghahanap ng wholesaler na pwede nyang makuhanan ng green pens para sa isang client niya. Gutom na talaga ako pagkalabas pa lang ng office. Pero sinabi ko ayokong kumain… “coz I’m on a diet!”… arte! minsan lang. heheh.

 

Hala nung napadaan kami sa Little Lamb or Xiao wei yang Hotpot aXiao Wei Yang Hotpott nakita ko ung mga usok sa loob, parang naiisip ko ang noodles. Gusto kong kumain ng noodles! Kaso naman abah baka mahal daw dun. Kabibili lang din kasi namin ng coat at pants niya sa isang shop sa twin towers shopping mall na puro private naman ang toilet kaya di kami makapasok. Tampu-tampuhan ang drama ko. Walang imik habang pabalik sa parking. Hanggang sa nahalata. At nalaman na dahil lang pala dun sa resto na un. Pagbalik ng sasakyan, nag-drive siya pabalik sa tapat nun kung san pwede syang magpark. Kumuha ng menu at pinatingin sa akin para ite-take out na lang since late na kung dun pa kami kakain. Kailangan niya pa akong ihatid pauwi. Pero ma-pride nga ako… sabi ko nawalan na ko ng gana.

Read the rest of this entry »



{Sunday, October 21, 2007}   bilasa

Kapag may nagtanong sa akin kung saang bansa ako nanggaling, I’ll proudly say that I’m from the Philippines, with matching taas noo at kilay sabay smile.

Pero meron din palang iba na parang ikinahihiya ang pagka-Pilipino nila. Hindi ko alam kung ikinahihiya o itinatanggi o pareho lang naman yata yan eh. May bago kaming kasama sa opisina. Obviously he or she (not sure about the gender coz he is a guy sporting a shoulder length straight hair but acts & sounds a bit like a lady) is a Filipino. Kung magsalita siya ay Pinoy na Pinoy na parang may punto pa. Nakakapagtaka lang hindi niya pinapansin ang kapwa Pinoy nya na kasama niya sa iisang maliit na opisina. Siguro nahihiya dahil bago pa lang siya? Pero hindi eh, no signs of him/her of pagiging mahiyain plus he/she talks so much sa mga kasama naming ibang lahi pero sa kalahi niya hindi. The whole day maririnig mo siyang nakikipag-usap sa mga kasama naming ibang lahi. That person was hired as the manager of the Design department. We don’t want to think that he/she’s just too damn proud that he is a ‘manager’ but I wonder bakit wala siyang sariling office or a table, a chair & own PC to use until now.

Not a Pinoy huh!!!

Read the rest of this entry »



et cetera