infection

First time ko maranasan ang mag-chill ng sobra. Yung kahit anong control mo, hindi mo pa rin mapigil ang panginginig ng buong katawan. Ang nasa isip ko giniginaw lang ako. I’m gasping for air sa tuwing akala ko napipigil ko na ang panginginig ng katawan. Pero mamaya eto na naman. Kapos na kapos na ako sa hininga at hinihingal na rin sa pagod. Nakahiga lang naman ako. Continue reading

Ubo

ubo-ubo-uboAng pinaka-hate na hate ko sa lahat bukod sa constipation ay ang magkaroon ng UBO. Dyahe mare! Lalo na kung sobrang tahimik ng opisina tapos andun ang bossing, panay guys pa ka-opismeyt (landitay! buti na lang puro itutulak at walang kong kakabigin sa kanila), tapos ganito ako nag-iisang… ubo ng ubo. Simula nung bata pa ako kapag inubo ako may katagalan bago mawala aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo. Ilang banig ng tuseran man ang inumin ko wa epek pa rin. Kailangan ko pang tumungga ng cough syrup pagkatapos na walang mangyari sa capsules. Actually kung minsan nakakatatlong bote ako ng cough syrup bago tuluyang gumaling. Pero ndi naman nauubos ang ikatlo noh.

Kung bakit ba naman kasi ako naapektuhan nitong pagbabago ng klima! Akala ko ba strong ako. Ang throat tuwing gabi parang lumulunok lang ako ng bato, buti kung magiging darna ako at makakalipad muna saglit pauwi ng Pinas. Eh my golly pinapahirapan lang ako ng bato sa lalamunan ko (oi ndi goiter un ah!). Imagine mo na lang kung gasgas na ang lalamunan ko, papa’no naman ang boses? Syempre affected ang golden voice ko lolz! Paano na ang singing career ko? Bwahahaha!

Naalala ko tuloy nung nasa 2nd year highschool pa ako. Namalat din ako nun, at magkasabay pa kami ng bespren ko’ng malat ang boses. Kapag magbabayad ako sa jeep ine-extend ko na lang ang braso ko syempre iaabot na nung ibang pasahero un. Kung ayaw eh di magsasalita ako saka nila malalaman na wala palang boses na lumalabas sa akin. O di kaya naman mangangalabit ako ng pasahero para maibaot lang ang bayad. Si bespren naman ganun din, inaasar pa nga siya nung classmate namin at tinatawag siyang Inday Garutay bwahahahahah… Alala mo pa ba un?

Ngayon ang problema ko ay… Paano na toh eh may interview ako dun sa paliparan bukas? May boses namang lumalabas sa akin ngayon. Sa katunayan nga eh hindi masyadong masakit ang throat ko sa umaga hanggang 7:30PM (o dibah night shift kasi ung bato sa lalamunan ko eh!), pero naman may dear mejo semplang pa rin ang boses ko sa tuwing nagsasalita eh. Bedroom voice na sintunado pa, nai-imagine mo ba un? Pagkatapos may oras pa na bigla na lang mangangati ang lalamunan ko at hirap na hirap na ako sa pagkahol hanggang sa mag-init at mamula na face ko, ndi sa hiya kundi sa hirap sa pag-ubo. Hay kapagod! Paano ako mageemote ng boses kung hindi naman makikipagcoordinate ang boses ko? Sana bumalik na sa dati toh!

feeling expert

Isa sa mga walang kwentang post kong pumapangalawa sa dami ng hits ay ito. At sa tuwing napapagawi ang mata ko sa Dashboard hindi nawawala sa Search Engine Terms ang mga kataga at katanungang ito:

  • Paano ba tumaba/magpataba/tataba/maging mataba?
  • Ano’ng vitamins ang pampataba? (na siya ring title nung entry!)
  • Side effects ng *pangalan ng vitamins*
  • Vitamins na pampadagdag ng dugo
  • Gusto kong tumaba
  • At kung anu-ano pang patungkol sa topic na yan

‘Yan na lang ang mga naaala ko pasensya na. Sa abot ng aking makakaya, susubukan kong sagutin ang ibang mga tanong na alam ko namang hindi ko talaga kayang sagutin lolz! Tulong naman. Ang iba kasi sa mga nagtatanong hindi ko na masagot kasi hindi ko naman talaga alam ang isasagot. Ang iba naman ay nasagot ko pero hindi ko alam kung nakatulong ba ako o nakadagdag lang ng frustrations nila lolz! Ang sabi nga ni Salve:

“Parang wrong term ang ginamit nung nagtanong. dapat siguro anong vitamins ang makakapag-improve ng appetite.”

Tama nga naman… kulit kasi nitong mga nagtatanong na ito eh. Pati tuloy ako nagkamali dahil ginamit ko mismo ang tanong niya as title ng entry. Sabagay pwede naman magsorry, sabi nga ni KC sa daddy Philip niya sa For the First time “pasensya na tao lang.”

Noong 2006 hanggang early 2007 sobra talaga akong payat. Walang tyan na bumubukol at walang bilbil kahit katiting. Gusto ng patunay? Pumunta sa friendster ko at halukayin un pinakailalim at mga lumang pictures, un ay kung meron nga akong nai-post na whole body shot. Parang wala yata puro mukha lang un eh. Pwede naman i-base sa mukha, maikukumpara sa lubog na pisngi ko noon na ngayo’y malaman na. Anyways, ito na ang Q & A portion ng mga payatot na katulad ko na sobrang pinilit kong ientertain pero nahirapan ako. Sana may maligaw na blogger/nurse/health guru dito na pwedeng makasagot ng mga katanungan nila.

Mickey says:

“Kahit ano’ng vitamins hindi pa rin ako tataba! Ewan ko kung bakit hindi pa rin ako tataba gusto ko kasing tataba ako kahit kunti lang!… pls give me an advice!”

me says, para tumaba ka magvitamins ka… nabanggit ko na dyan sa entry ko… kung unhealthy way ang gusto mo para mag-gain ka ng weight, junk foods ang sagot hehehe…

Emife says:

“Lahat din ng vitamins na pampataba na-try ko na… propan, mosegor, appevon kaso pag nag-stop na ako sa pag-inom bigla uli ako napayat, ano ba mabisang vitamins na kahit magstop sa pag-inom di naman papayat at babalik sa dating kapayatan ang katawan ko, tnx!!!”

Diana Rose Fantony says:

“Pare-pareho pala tayo ng problema… ako I have to eat 6 meals everyday para ma-maintain ko ung weight ko na underweight… hay cguro pag 3 meals ako kumain, magiging malnourish na ako… magskip lang ako ng meal, pumapayat agad ako. this is my worst problem. I don’t know what to do anymore. Lahat na rin ng vitamins na-take ko. Walang nangyari. May Jurassic kaya sa loob ng tyan ko? LOL…”

Jonathan says:

“Uy thanks ha ngaun alam ko na na kung anu ung vitamins na iinumin ko kasi ang payat ko eh cge thanks”

me says, cge subukan mo yan… pero meron din akong nalamang isang proven vitamins, di siya nakakapagpadagdag masyado ng weight pero effective kasi nakakatulong naman siya sa health… un ay ang Fern-C…

Sam says:

“Marami narin akong na-take na vitamins, gaya ng enervon c, profane, kahit nga sa mga herbal medicines like virgin coconut oil, hindi pa rin ako tumaba? Plsss help me!”

Jamie says: (rhap feels so tamad to edit their comment, so copy-paste na lang!)

“grabeh buti nga kau sasabihan lang ng payatot.. aq s sobrang payat addict ang twag skin dahil pti cheeks q lubog n.. nasabihan nrin aq n kapatid ni pepe smith.. ang sakit non pra s isang babae! ngcentrum nko pti stresstab sabay un.. tpos para daw aq ngtratrabaho s construction s sobrang gana at lakas kong kumain.. lately twag nila skin c olive oil.. kakainbis tlga….. gusto q tumaba. I mean sinasabi nila aq daw ang susunod sa yapak ni pepe smith…bka nmn my mkktulong skin jan kung pano mg pataba ”

me says, nyaaah ganyan din ako dati nung nasa Pinas pa ako. kahit gaano ako kalakas kumain ndi ako tumataba, inihalintulad ako kay olive oyl at saka un nga payatot daw ako.. ang masakit pa, nasabihan ng mga babaeng tambay sa kanto namin dati na, model daw ako ng palito! kainis dibah… anyway, nung nagabroad ako dun ako unti unting nagkaron ng laman. sa tingin ko bata ka pa naman kaya natural lang yan… masyadong malakas ang metabolism mo. magtry ka lang magtake continuously ng vitamins, try mong magconsult sa doctor. mahirap din kasi ang basta basta na lang subok ng kung anu-anong vitamins na pampadagdag ng laman, paano kung may side effect pala un.

Olive says:

“hi! Hehe… are you sure na centrum talaga effective pampataba?? I want kse na madagdagan weight ko!!! Kse parehas na kmi ng bf q na tatot!! 11 nga tawag samin!!hehe!!!!!!!!!saka gus2 ko magkaroon ng laman at lumaki mga braso ko!!!anu b dapat?”

Ghel says:

“Uy lahat sila sinasabi ang payat payat ko??? ang totoo gusto ko naman talagang tumaba… ang lakas ko ngang kumain pero wala pa ring nadadagdag sa timbang ko.. madalas pa kong matulog… ano bang gagawin ko para tumaba???? huhuhu.. pls help me… text if you can help…. salamat po…. 09095629352.” — i-display ba ang number! txtmate anyone??? lolz!

Another one from Ghel: “may specific diet ba para sa mga gustong tumaba?? para maiba naman?? lagi na lang kasing pampapayat eh.. paano para sa mga gustong tumaba naman?? salamat… text me…..09095629352″ — at idinisplay na naman!!! lolz!

And another one: “hello i’m 19 and i’m not satisfied sa timbang at katawan ko… parang di ako 19 year old girl.. minsan pa nga sabi sakin ng lola ng bf ko.. mukha ka lang 15… huhuhu… paano ba tumaba??? kindly help… pls??? text me…09095629352″ —na naman?????!!!

And still another one: (di naman siya demanding noh?) “effective nga ba talaga ung Appeton??? i mean yung weight gain milk yata yun??? 3 months na two glasses ang iinumin?? totoo kaya yun?” — ayun napagod din sa wakas!

me says, Hi ghel! I’m no expert on health. But no worries coz I will conduct an extensive research for your benefit. naks hehehe.. it might take me some months, just bear with me… lolz. Me thinks… kailangan ko yatang mang-interview ng mga health expert nito to give a factual information sa mga curious kung papano madagdagan ang timbang ah!

Sandy says:

“Hi girls!!! Ako rin gusto kung tumaba. Nasubukan ko na ang Centrun complete at saka ang vitamins c wala pa ring nangyari. Sabi nga ng auntie ko mukha na daw akong stick!!,, haha sabi ko atleast sexy. !.. Actually guys my cousin recommend me to take mosegor dahil yan din ang ininum nya at effective naman, sa ngayon namrublema sya pano pumayat.. Haaay sana effective sakin ang mosegor para may laman naman ako ng kunti. As of now parang ang sarap matulog at kumain lng ng kumain… good luck sa ating gustong tumaba!!!”

Continue reading

The week that was…

I had my hair cut the other week. Sumasakit na kasi ulo eh. Tapos parang hate ko na ang sobrang haba na buhok. Feeling ko para na akong bruha at super init pa. Isang taon ring walang gupit un kaya humaba. Mejo mabagal pa nga ang paghaba ng buhok ko. Sa isang taong walang gupit kahit man lang konting trim eh hindi man lang umabot hanggang tuhod buhok ko, o kahit sa pwet. Hays. Noon pa naman gusto ko talaga ng super habang hair. Mahirap lang i-maintain kapag super haba ng hair lalo na’t nagiging pasaway na kung minsan ang buhok. Pero parang lately kasi biglang naisipan kong paigsiin buhok ko. Gusto ko sana ung maikling hindi lalagpas ng balikat. Pero wag na takot ako kasi baka mag-fly away.

Lagpas balikat pa rin naman ang buhok ko. Pero kapansin-pansin pa rin na umigsi. Dalawang boss ko ang nakapuna. Ang among lalaki na nagsisimula ng magkwento ng pangyayari para sa ipagagawa niyang sulat para sa akin, biglang natigilan at napatingin sa akin. Maya maya nagtanong kung binago ko daw ba ang buhok ko. Tumango ako at nag-smile. Maganda daw at nagmukha akong prospesyonal. Toinkzzzzz! Kung pwede lang mambatok ng boss ginawa ko na talaga. Walang wenta kasi eh namuri pero pang-asar. Sana ang sinabi niya, lalong na-enhance ang byuti ko at mas naging super duper professional looking lalo ako, kamukha ng isang Manager ng isang kumpanya.

V’s birthday celebration Thursday night. She’s my bestie’s cousin and a good friend of mine. Naging close lang yata kami dito sa Dubai – kahit tatlong beses pa lang kami nagkikita dito. One – when we took her out on a road trip at magpapicture picture siya. Second – when we scheduled spending time out together, eat out at magchikahan. Third – that night, nung birthday niya. Sabi ko ayokong uminom pero pinainom nila ako, bakit sila ganun? Mabuti na lang patikim tikim lang ako ng pulang kabayo, Nung tinatamaan na ako ng sipa tanggi na talaga ako ng tanggi. Hanggang sa humupa na ang namumula kong mukha at buong katawan.

Palpak na naman ang proyekto nila! Di na ako magkkwento ng mahaba tungkol dito. Isa kasi itong kasiraan para sa kanila na taon taon nilang sinasadya. Wonder why di sila marunong mahiya? Anyways…

dugo

Dahil yata sa pagbabago ng panahon ngayon kaya sinisipon at inuubo ako. Ang kaibahan lang para akong walang sipon at walang ubo. Umuubo ako pero napaka-dry naman. Sinisipon pero walang sipon. Pakiramdam ko kung minsan punumpuno na ang ilong ko sa pagpipigil ng sipon na tumulo, pero wala naman ngang sipon akong sinisinghot o tumutulo. Sobra din ang sakit ng ilong ko na parang namamaga na yung loob. Ang ginagawa ko na lang, nililinis ko ng basa at malambot na tisyu o minsan tela. Manilaw nilaw ang kulay na makikita ko pagkatapos kong ipasok sa ilong ang tisyu o tela. Matagal linisin at parang hindi nauubusan ng dumi ang ilong ko sa ngayon. Pagkatapos makuha ko ang manilaw nilaw na sipon o mantsa, mga buo buong pula na sa tingin ko ay dugo o booger (para di masagwa lol) ang kasunod. Kapag naubos ko na iyan, dugo na ang kasunod na parang naglilinis ako ng sugat. Kapag nawala na ang buo buong pula at napunasan ko ng konti ang dugo saka ko na tinitigilan ang paglilinis. Kaninang umaga masakit ang lalamunan ko. Palagay ko dahil sa pag-ubo ubo ko. Pagdura ko kaninang umaga bago ako maligo may konting dugo akong nakita. Naisip ko baka nagkakamali lang ako kasi ng dumura ulit ako wala namang dugo. Bago kumain ng lunch nagpunta ako ng cr dahil pakiramdam ko may namumuong plema sa lalamunan ko. Idinura ko at kinabahan ako dahil sigurado na ako, may dugo nga ang plema ko. Parang dumami din ang dugo kumpara sa nakita ko nung umaga. Dumura ulit ako pero wala na ulit dugo. Isang linggo ng ganito ang ilong ko. Ngayon naman pati plema ko may dugo na rin. Ano kaya ang nangyayari sa akin? Palagay ko naman nagasgas lang ang lalamunan ko. Ang sabi naman ng katrabaho ko mas madalas pa daw siyang umubo kesa sa akin kaya dapat mas gasgas ang lalamunan niya pero bakit daw parang lumabas na mas malala pa ang nangyari sa akin. Kaya mas maganda daw magpa-checkup na ako. Kaya lang natatakot ako eh. Feeling ko naman sa ubo lang talaga ito dahil sobrang dry kaya nagkasugat kapag umubo ako. Mas sensitive siguro ang lalamunan ko kesa sa kanya.

masubukan kaya

Nakakainip talaga ngayong araw kaya nga heto na naman po at magbablog na naman. Tinatamad naman akong mag-call-a-friend, tamad ding magchat ngayon. Dami kong naiisip wala naman akong mai-blog na makabuluhan. Ganun talaga ako sa sobrang daming pumapasok sa isip, kapag maguumpisang magtype, kamote na.

Isa lang ang masasabi ko ngayong oras na nagta-type ako nitong mga letrang ito. Ang sakit ng tyan ko. Hindi ko alam kung najejebs ba ako o dahil punung-puno na ng tubig yung tyan ko. Tama nga si Azrael, castor oil nga daw ang maigi. Yun din kasi ang sinabi ni MJ, ung finance manager namin. Kinumusta niya kasi ako sa pantry kanina, binibigyan pa nga ako ng parang arabic bread na kulay brown. Pero syempre iniwan ko lang dun sa pantry at kinain ko ang lunch kong croissant smoked turkey with emmental cheese. YuM!

Pero nung nakita niya, pinagpayuhan ako na tigil-tigilan ko na daw ang pagkain ng mga ganung pagkain. Mas makakabuti daw kung kakain ako ng mga veggies and brown bread. At sa huwebes uminom ng konting castor oil para daw mailabas lahat lahat. Hmmmn, parang gusto ko tuloy subukan kasi pinapahirapan pa rin ako ng sakit eh. As in ouch talaga! Kaya nga konti lang ang kinakain ko for 3-days at di ako nagra-rice ay para hindi din ako makaramdam ng pagdumi (pasintabi lang sa mga kumakain) pero habang ayaw mong dumumi dun naman parang tukso na madalas maramdaman ang tawag ng kubetsy. Pahirap, nasusuka na ako sa itsura ng cr!

eat good food?!

Kailangan ko na ba talagang iwasan ang pagkain ng masasarap at magtyaga sa mga gulay at prutas. Naku paano na yan kawawa naman ako. Kailangan din ang exercise pero wala talaga akong oras sa ganyan. Susubukan ko na lang.

Success na ba?

Hindi ko pa rin alam.

Two days akong hindi nakapasok dahil sa pesteng const… nakakahiya man pero un na nga ang dahilan. Although gumigising naman ako ng 6am para pakiramdaman kung kaya ko na bang pumasok. Pero masakit talaga at lumaki yata lalo ang tyan ko. Ung pakiramdaman na parang matigas yung tyan. Sa bahay hindi ko din alam kung ano bang gagawin ko. Masakit kapag humiga ng diretso, nakadapa, o nakatagild. Masakit din kapag umupo, masakit kapag tumalon talon ako para sana mag-exercise ako baka sakaling matunaw siya bigla lols. Pero sa unang araw na di ako nakapasok, walang nangyari kahit pa nilinis ko ang buong bahay hindi din nakatulong. Mabuti na lang dumating si fafa at nagdala ng mga prutas: papaya, grapes, watermelon at pears. Dinalhan din ako ng gamot, tingin ko stool softener yun. At wag ko na daw iinumin yung isa kong gamot kasi para pala yun sa mas malalalang consti ba yun, ung kapag hemorrhoid na.

Super epektib nung gamot. Kasi kinabukasan ng tanghali inilabas niya lahat. Iba pala ang feeling parang gusto kong maiyak at manabunot kasi dun ako kumukuha ng pwersa lolz. Ganun siguro ang feeling ng nanganganak. Sinabayan ko pa rin ng pag-inom palagi ng tubig at ng gamot, kumain ng mga light foods at prutas na madali lang matunaw. Ilang araw na akong hindi kumakain ng rice. Mabuti na lang hindi pa ako hinihimatay. Masakit pa rin sa ngayon pero pumasok na ako, kaya ko na naman at hindi na punung-puno ang tyan ko. Success na nga ba? Hindi pa. Pero malapit na.

tea eat ate eta tae

Kanina pa ako nagre-research kung papa’no ko maso-solve ang problema ko. Ilang araw ko na ring tinitiis ito. Ang masakit dun hindi lang iisang beses itong nangyari sa akin. At sa tuwing mangyayari, sobrang pahirap at pasakit talaga ang binibigay sa akin.  Dinadaan ko lang noon sa regular na pag-inom ng tsaa. Pero nung naubusan ako at uminom ng ibang tsaa (yung Twinings o kaya Lipton Green Tea, minsan mint minsan naman with lemon) parang hindi nakatulong at lalong bumigat ang problema ko.

himalaya

Nakatulong ito nung una. Hanggat maaari ayokong umasa sa mga ganyang gamot gusto ko ng natural healing. Pero wala akong magagawa kaya kagabi inumpisahan ko na namang hingin ang tulong ng dalawang iyan. Pero masakit pa rin. Hay! Malamang kulang daw ako sa fiber, kaya kailangan ko sigurong mag-imbak ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Bukod sa pagkain ng mga high-fiber foods, super helpful din ang pag-inom ng tangke-tangkeng fluids lalung-lalo na ng tubig. Huwag na huwag lang daw ang mga inuming may alcohol at caffeine kasi nakaka-dehydrate pala iyon. Bihira pa naman ako uminom ng tubig, paunti-unti lang ang inom ko kasi naman lagi akong nawi-weewee kapag laging umiinom ng tubig. Pwede rin daw na maupo ka ng 15minutes sa maligamgam na tubig dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw – parang abala pa yata yan at istorbo sa oras ko. At san naman ako uupo, sa timba? Wala kasi kaming batya eh. Pwede rin naman daw uminom ng mga stool softeners o laxatives basta ‘wag lang masobrahan at baka naman diarrhea naman ang sumunod.

Sana maging normal na ulit sobrang pahirap talaga. Iba ang epekto sa akin ng mga normal na chaa. Imbes na makatulong sa digestion parang napalala pa. Anyways, mas maganda siguro kung ititigil ko na ang pag-inom ng Lipton Tea or Twinings.

Yum!

Nami-miss ko na ang

burger

1. Burger sa Hardee’s, McDo at sa Eat & Drink Restaurant. True! kahit mumurahin lang sa E&D masarap naman saka hindi kasing laki ng burger sa Hardee’s.

shawarma

2. Chicken Shawarma sa mga cafeteria lalo na yung sa Eat & Drink (loyal ba dun lolz) kaso habang tumatagal pa-konti yata ng pa-konti ang chicken parang gulay na lang yata ang laman nito habang pa-mahal din ng mahal ang presyo.
baskin chocoshake

3. Chocolate Shake with cherries sa Baskin Robbins lalo na kapag summer.
cajun shrimp and chicken pasta

4. Pasta na mas masarap sa Friday’s kesa Pizza Hut at Steak (ka-tamad mag-search ng image!) na mas masarap sa Tony Roma’s kesa sa Chilli’s.
biryani

5. I swear masarap ang Chicken Biryani lalo na kapag mejo spicy. Kadiri lang tignan at tikman sa una pero kapag nakakain ka na masasarapan ka talaga.

6. Mainit-init pang cheese-flavored Manakish sa Al Reef Lebanese Bakery. Kaya lang wala akong manakaw na image sa web, mejo iba kasi ang nakita kong ‘tsura sa net eh, kaya next time na lang kapag bumili ako.

Pero iniiwasan ko ng kumain ng mga ‘yan lalo na sa gabi, bihirang bihira na lang. Kasi kagaya ni Mine, nagdidiyeta ako minsan. Di nga lang ako makapag-exercise, walking o gym kasi wala naman akong time sa mga ganyang bagay. Ang paraan ko lang para mabawasan ang taba o bilbil sa tyan ay ang uminom ng chai. Natuwa ako kasi pinadalhan ako last month ni mudra ng chai from Pinas. Di ko sure kung nakakatulong nga ito pero epektib siya talaga pampatunaw ng kinain. Kaya lang kokonti lang pala ang pinadala, good for 1 month lang. Lapit na nga maubos kaya matitigil na ang pag-inom ko. Wala naman epekto kapag isang buwan lang dibah. Kelan kaya ipapadala yung kasunod? Kung meron lang mabibili nun dito eh dito na lang ako bibili para malaman kung epektib nga kapag tuloy tuloy ang inom ng chai.

Fruit diet. Kung minsan ‘yan din ang ginagawa ko. Dinner sa gabi ay fruit(s). Nakakabusog din pala. Nung una hindi ko talaga kaya dahil sanay akong kumain ng kanin mula breakfast hanggang dinner. Pero after 3 or 4 days naka-adjust din ako. Kaya lang may nabasa ako sa isang website na hindi din daw maganda ang pagpu-fruit diet unless kailangan mo ito for some theraphy dahil ang fruit daw ay may natural sugar na pwede ring makapagpataba or worst magdevelop ng sakit. While in another website naman ang sabi dun maigi daw ang ganitong diet dahil ang resulta daw nito ay deeper detoxification sa ating katawan. Linis na ang lamang-loob natin, tanggal pa ang mga fats. Parang mas maganda basahin ang mga nakasulat sa ikalawang website na nakita ko kasi maraming sinasabing magagandang effects sa katawan at isip ng tao. Teka basahin ko muna…

Strike a pose and be on the cover!

Type na type ko ang tag na ito ni Malen na dinekwat niya lang kay Pusa. Paminsan-minsan kailangan naman nating tuparin ang pangarap natin agree man o hindi ang ibang tao. Sabi nga nila wala namang pinanganak na pangit, lahat tayo ay mga magaganda at gwapo in our mom’s eyes kaya we have every right to pose in popular magz kahit pa ipagtabuyan tayo ng mga lintek na photographer na ‘yan palayo. Huwag papaapekto, ibida pa rin ang sarili hanggang sa sumuko sila at finally tanggapin tayo sa front cover of these fabulous magazines. See the result of my pictorials below. Basta wala lang pintasan huh. Hindi ito gaya ng mga niretokeng kuha ni Angelica Panganiban kaya kung may makita kayong fats sa picture ko ‘yan ang tinatawag na natural byuti sa katawan hehehe.

Ayan sorry dito ha! Kasi hindi na nagkasya yung isang mata.

Ito yung banner ko eh heheheh

Tight Abs? Uhmmm… kahiya buti na lang hindi kita yung tyan.

Parang masyadong na-shrink ang picture kaya nawala yung mata ko. Pasensya na naka-tsinelas lang pagod na kasi sa matataas na sandals at shoes.

At kung gusto nyo din gawin, click mo ito

palengke queen

Last week we went to a Hypermarket in Al Barsha just to buy tilapia & crème caramel lang sana. Normally kapag nakakaramdam ako ng pagkatamad na maglakad lakad sa supermarket (which is palagi ko namang nararamdaman) siya na lang mag-isa ang bumibili. Pinapa-memorize ko muna sa kanya kung ano mga kailangang bilhin niya at kapag nalimutan niya tinatawagan niya na lang ako, habang ako naman ay nagrerelak at nagbabasa ng 7days sa sasakyan. But last Thursday parang feeling ko naman tamad akong umupo lang, kaya sabi ko sasama ako, gusto kong maglakad-lakad.

Ang supermarket ay nasa 2nd floor. Kaya kailangan mo pang maglakad ng konti papuntang escalator. Bago ako makaakyat ay may narinig akong tumatawag sa akin. “Miss! Miss!” Nakatingin siya sa akin kaya tumingin din ako na parang nagtatanong. Tanong niya, “Miss, filipina ka?” Sumagot ako ng oo. Ayun na… naghahanap daw sila ng isang babaeng makinis ang kutis (naks) para isali sa maliit nilang program. Pumunta lang daw ako sa itaas sa may customer service. Umakyat ako since yun din naman ang way papuntang supermarket. Nakita ko ang customer service, sa tabi nun ang maliit na stage na paggaganapan ng program nila. Nakaramdam ako ng hiya. ILang beses akong nagpalakad-lakad sa may tapat nun habang may kausap sa fone. Nagpunta din muna ko ng CR para i-check kung talagang makinis nga ba ang kutis at mukha ko. Kaya lang lagpak ako sa salamin. Nakikita ko pa ang bakas ng pimples ko na lumabas lang last week. Meron pa ngang maliliit sa noo ko na hindi pa rin nawawala. Sabi ko sa sarili ko nakakahiya naman baka puro foreigner ang kasali, magmukha akong katulong dun. Hindi pa naman ako naka-heels, tapos jeans lang at naka-green & yellow na t-shirt pa. Boyish ang porma ko that night. Litaw na litaw din na kulang ako sa height. Pero pinilit niya ako. Kaya sabi ko cge lapit lang ako dun. Inexplain nung bading na Pinoy sa akin. Sabi ko balik na lang ako, maggo-grocery pa ako eh. Sabi ko kay pakner ayoko na sumali. Siya naman ung pilit ng pilit sa akin. Kukuhanan niya daw ako ng picture, sumali na daw ako. Sabi ko ayoko talaga kasi hiya talaga ako. Maya-maya habang nag-iikot ikot at nagtitingin ng mga bibilhin. May lumapit na naman sa akin na Pilipina. Isa din siya sa naghahanap ng mga babae. Ayun na naman at naghahanap nga daw sila ng babaeng may glowing skin (naks na naman) kaya sali na daw ako at ieexplain niya kaya pinutol ko na sabi ko alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Inilista niya ang name ko agad at magkita na lang daw kami mamaya. Ilang beses ko din siyang nakita at pinagsasabihan pa akong maglipstick daw ako, kaso wala akong lipstick. Kaya sabi ko wag na lang pwede na tong hitsura ko. Naks sasali na daw ako hahaha.

Natapos akong maggrocery at un na din, pinaupo na kami. Hanggang sa mag-umpisa ang program. Nakita kong may mga kasaling bata kaya sabi ko okei lang. pero habang nagsisimula ung program, hindi na nila isinali ang mga bagets. Binigyan kami ng flowers at gift na ang laman ay 2 bottle of Yardley deodorant spray. Hay akala ko pa nman produkto ng Olay ang ibibigay deo lang pala … Sumali pa naman ako para makalibre ng Olay products waaaah! Mabango naman ang aking… hmpfffffff!!! Continue reading

wide awake

This is an interesting article to all suffering from Insomnia. Anyway, maaga ako nagising wahahaha..

Curing Insomnia Without the Pills

Better sleep doesn’t have to come in a pill.

For people with chronic insomnia, studies show that simple behavioral and psychological treatments work just as well, and sometimes better, than popular medications, according to a report in The Journal of Family Practice.

The medical journal Sleep last year reported on five high-quality trials that showed cognitive behavioral therapy helped people suffering from insomnia fall asleep sooner and stay asleep longer. Another American Journal of Psychiatry analysis of 21 studies showed that behavioral treatment helped people fall asleep nearly nine minutes sooner than sleep drugs. In other measures, sleep therapy worked just as well as drugs, but without any side effects.

The behavioral strategies for better sleep are deceptively simple, and that’s one reason why many people don’t believe they can make a difference. One of the most effective methods is stimulus control. This means not watching television, eating or reading in bed. Don’t go to bed until you are sleepy. Get up at the same time every day, and don’t nap during the day. If you are unable to sleep, get out of bed after 15 minutes and do something relaxing, but avoid stimulating activity and thoughts.

So-called sleep hygiene is also part of sleep therapy. This includes regular exercise, adding light-proof blinds to your bedroom to keep it dark and making sure the bed and room temperatures are comfortable. Eat regular meals, don’t go to bed hungry and limit beverages, particularly alcohol and caffeinated drinks, around bedtime.

Continue reading

PMS mode.. don’t disturb

Ano nga ba ang PMS? Related ba ito sa SMS at MMS? Kasi naman minsan nababasa ko sa mga blogs or kung saan-saan ay ganito:

  • I am really nice and jolly except when I have PMS…
  • I know that I have PMS when I cry at cute blah blah…
  • I’m a worker with perpetual PMS…
  • Today, I had the most vicious PMS I have ever experienced…

Kaya naman na-curious ako. Ano ba talaga ang PMS? Dami kasing pwedeng gamitin sa acronym na ‘yan eh. Para sa mga stufffid na kagaya ko (heheh) eto ang ibig sabihin ng PMS:

PMS or PreMenstrual Syndrome (also called PMT or Premenstrual Tension) is a collection of physical, psychological, and emotional symptoms related to a woman’s menstrual cycle. While most women (about 80 to 95 percent) of child-bearing age have some premenstrual symptoms, women with PMS have sympstoms of “sufficient severity to interfere with some aspects of life”.

Further, such symptoms are predictable and occur regularly during the two weeks prior to menses. The symptoms may vanish after the bleeding starts, but may continue even after bleeding has begun. About 14 percent of women between the ages of 20 to 35 become so affected that they must stay home from school or work.

Source: en.wikipedia.org

Ito ang tinatawag na sakit ng mga babae bago pa man dumating ang buwanang daloy o menstruation cycle, period, bisita, or regla.

Ito ang super – as in problema ng mga babae every month. Daig mo pa minsan ang mamamatay na. Parang every month mamamatay ka na talaga. Swerte ang iba na hindi nakaka-experience ng PMS. Pero ang bestfriend ko kawawa, kasi isa siya sa mga every month halos mamatay na. Mabuti na lang ako bibihira na ngayon makaramdam ng sobrang sakit. Ung tipong mga symptoms na kakayanin pa naman.

Here are the most common symptoms:

  • Weight gain from premenstrual water retention

  • Abdominal bloating

  • Breast tenderness/swelling of breasts

  • Stress or anxiety/depression/crying spells

  • Mood swings, irritability or anger

  • Appetite changes and food cravings

  • Trouble falling asleep (insomnia)

  • Joint or muscle pain

  • Headache

  • Fatigue (medical)

  • Acne or pimples

  • Trouble concentrating

  • Social withdraw

  • Body temperature increase

  • Worsening of existing skin disorders and respiratory (e.g. allergies, infrection) or eye (e.g. visual disturbances, conjunctivitis) problems

O di bah ang hirap maging babae. Oo, lahat yan nararanasan ng mga babae. Pinakanormal ang sumakit ang ulo at ung feverish feeling na akala mo may sakit ka talaga. Sasabayan pa ‘yan ng pananakit ng mga muscles. Idagdag mo pa ang mga taghiyawat na magsusulputan sa mukha mo. Ang mahirap pa nito kagaya ng kaibigan ko, hindi sya makagulapay. Parang gusto niya ng humiga kahit pa nasaan siya. At kapag meron ka, pakiramdam mo palagi kang nata-tae? Ganun ba talaga.

Noong first year college nga ako, pagkagising ko ng umaga sobrang sakit ng puson ko. Nag-cr ako para maligo at syempre alam mo na. Pero halos humiga na ‘ko sa loob ng cr sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Akala ko talaga mamamatay na ‘ko. I even have goosebumps at nilalamig ako ng sobra. Halos kalahating oras din ako nun nakakakulong sa cr at halos nakahiga na. Merong gamot na iniinom para mawala ang sakit pero kahit kalian hindi ko talaga sinubukan kasi ayokong maging dependent ako sa gamot. Pagkatapos mong maramdaman lahat ng sakit na ‘yan saka na lalabas ang maruming dugo sa katawan mo. Ang iba nakakaramdam pa rin ng pagsakit habang may bisita sila. Ito daw ang tinatawag na dysmenorrhea. Or pwede din naman maramdaman ng sabay ito (sabi nila).

Dysmenorrhea (or dysmenorrhoea), cramps or painful menstruation, involves menstrual periods that are accompanied by either sharp, intermittent pain or dull, aching pain, usually in the pelvis or lower abdomen.

Painful menstruation affects approximately 50 percent of menstruating women, and 10 percent are incapacitated for up to 3 days. Painful menstruation is the leading cause of lost time from school and work among women of childbearing age. This pain may precede menstruation by several days or may accompany it, and it usually subsides as menstruation tapers off.

Although some pain during menstruation is normal, excessive pain is not. It is a menstrual pain severe enough to limit normal activities or require medication. It may coexist with excessively heavy blood loss.

Source: en.wikipedia.org

At pagkatapos ng mga karamdaman o habang may bisita pa, ang pinaka-kahiyahiya sa lahat ay ang magkaroon ka ng tagos. Mabuti kung nasa bahay ka lang pero pa’no kung nasa school ka or nasa kalye. Dyahe dibah. At oo nabiktima na rin ako ng tagos na ‘yan, kaya ‘wag ng pag-usapan kahit pa di naman major worst kasi di naman masyadong halata. Mahirap talagang maging gurlash noh. Babush!