RhaPsoDy











{Monday, February 16, 2009}   VdaY

dsc040251Date ever kami ni papuch! Feeling Dudong at Inday na nakawala sa mga amo’ng mapang-alipin. lol! May kabaduyan man na mag-date sa mismong balentayms day, kung minsan ndi pa rin maiiwasang icelebrate. Actually kahit naman ndi araw ng mga puso eh nagde-date ang mga magsing-irog davah! So I really don’t know kung bakit kami nag-date at bakit niya ako binigyan ng mmmmmbangong bulaklaks nung mismong araw na iyon. Siguro para lang ma-feel lalo namin ahihihi!

Pero ‘empre naman kikiligin ka na rin kapag may flowers ka sa mismong araw na iyon. Kapag naman tinanong ka ng mga friendship mo, “How’s your vDay?”, “Sino’ng date mo?” at kung ano-ano pa… may masasagot ka sa mga katanungan nila. Kung wala naman wala lang deadma na lang.

Salamat kay papuch sa dinner and flowers! Mwaaah!

Read the rest of this entry »



{Monday, December 1, 2008}   seryosong usapan

Ikaw ngayon ang bida pugak! Dapat mo rin akong pasalamatan dahil itinago ko pa rin ang tunay mong identity. Masaklap nga namang makita pa nila sa friendster ang mga litrato ng isang taong ipinanganak sa isang napakabangong lugar (o bagay o basta ano nga ba un? Lolz)


2nd: woist.. gising
2nd: hahaha
2nd: tara mag negosyo na lng
2nd: haha
2nd: gusto ko na nga lang magnegosyo sa pinas eh
2nd: taz work
2nd: diba
2nd: gusto ko magkaron ng comp shop
ako: oo pero wla naman pampuhunan
ako: un ang masaklap dun
2nd: un nga lang
2nd: gusto ko nga sabhin sa mama
2nd: mag retire na sya sa work eh
2nd: pra un makukuha nya
2nd: pang puhunan
2nd: hehhe
2nd: kaso wawa din naman mama ko
2nd: wla nang libangan
ako: oo nga kaw tlaga hayaan mo na sya noh
2nd: hahaa
ako: at ska pera niya un hayaan mo siya magdecide kung ano gagawin niya dun if bibigay sa yo o sa utol mo at kung para sa utol mo un tanggapin mo ang masaklap na katotohanang ndi ka mahal ng nanay mo dahil ampon ka lang bwahahahaha
2nd: :( (
2nd: =))
2nd: <— H**** C****** II
2nd: H**** C****** II <— the 2nd
2nd: H**** C****** II <— JR
2nd: HAHAHAHAH
ako: explain explain ka pa
2nd: whaaa
2nd: hahahaha
2nd: empre
2nd: hehehe
ako: guilty ka noh takot ka hahaha
2nd: hahaha
2nd: nde 22o na pinulot lang ako sa tae ng kalabaw
2nd: :( (
ako: totoo un.. langaw nga ang pumulot sa iyo eh kaso ang bigat mo kaya nabagsak ka nasalo ka lang ng tumatayong nanay mo ngayon
ako: lolz
2nd: nyaaa….
2nd: gnun ba un kaya marami pa rin langaw na sumusunod sken ngayon
2nd: :-S
2nd: hahaha
ako: ayun at least nasagot na ang misteryong bumabalot sa pagkatao mo
ako: ang mga langaw pilit ka pa ring gustong hatakin sa mundo nila
2nd: o nga noh
ako: pero dahil mas malaki ka na mas lalong di na kaya ng powers nila
2nd: kaya pala may kaligayahan sa aking puso pag nakakakita ng FUFU
2nd: =))
ako: hindi kaya ikaw din ang nangangamoy noon sa school ninyo nung elementary ka
ako: kasi mas malakas pa ang kapit ng amoy noong kabataan mo pa? pero habang tumatagal unti unti daw nababawasan ang tindi ng amoy ng pinanggalingan mo
2nd: ahhh…
2nd: ganun pala un
ako: yes my plend
2nd: kaya pala dati kala ko palagi ako nakakatapak ng fufu
2nd: hahahaha
ako: oo at ndi mo alam ikaw pala ung nangangamoy
2nd: ako pala un :-?
ako: mabuti ndi ka natapakan ng mga tao noon
ako: heheheh
2nd: =))
2nd: haha
2nd: kse naman naisip ko pa magnegosyo
2nd: ayan 2loy nalaman ko ang masaklap at mabahong katotohanan



{Sunday, October 26, 2008}   old friend

Bumilang ng ilang linggo pagkatapos kong makatapos ng college, natanggap ako sa isang Singaporean company na halos Hapon ang superior. Sobra akong natensyon dahil hindi ko inakalang malalagay ako sa posisyon na wala naman akong experience. Ilang beses akong nakiusap na ilipat ako sa ibang department o aalis na lang ako sa kumpanya, pero sabi mo kakayanin ko un. Dahil ayaw din akong pakawalan ng amo nating Hapon napilitan akong makinig na rin sa iyo. Matyaga ka ngang tinuruan ako na alamin kung ano’ng silbi ng mga bagay na ginagamit natin sa trabaho. Bilib ako sa tyaga mong parang professor na ipapakita sa akin kung ano ang hitsura ng processor, lancard, hard disk, DDRAM, SDRAM, cmos battery, power supply at isa-isahin kung ano’ng silbi ng mga iyon. Sa trabahong iyan ko natutunan kung paanong buksan ang mouse para irepair, kung paanong i-recover ang address book sa Outlook ng computer na nag-crash, kung paano’ng magtrouble shoot kahit man lang basic ng kung anu-ano sa ibang departamento kung wala ang ibang technician, kung paano’ng mag-install ng Operating System at mga Software Applications na Japanese version. Hindi ako isang technician, coordinator ako nun pero masaya palang matutunan ang lahat ng yan. Ang dami, sobrang dami kong natutunan sa first job ko. Na ngayon ay hindi ko na yata masyadong matandaan. Too bad…

Hindi lang naman ikaw ang nagturo ng lahat ng iyan pero ikaw ang pinakamatyaga. Kahit pa nga tuksuhin na tayong dalawa hindi naman tayo nagpapa-apekto. Bukod sa matindi kasi ang tama ng ka-opisina natin sa iyo. Gwapo mo daw kasi matalino pa.

Maganda naman ang samahan nating lahat sa departamento hanggang sa unti-unting nagkaroon ng problema. Malaking problema. Pati nga ako naapektuhan dun, hindi ko alam kung ako ba ang gusto’ng i-setup o ako ang gagawing daan para mapunta lahat ng blame dun sa isang babaeng ma-epal. Ang gulo. Magulo ang utak ko nun at panalo ang plano ng kung sino mang gustong man-setup o kung anuman ang gustong gawin ng misteryosong taong iyon. Pinaghinalaan ng halos lahat na ang gumawa sa akin ng bagay na iyon ay ang babaeng masyadong ma-epal. Sobra akong nagalit sa kanya, at ang tsanyang makita ang salarin sa ating surveillance camera ay lumabo ng tuluyan. Matalino ang misteryosong tao tinanggal ang kable kaya walang nai-record. Ilan lang naman silang may access sa control room kaya iilan lang din ang paghihinalaan. Pero hindi na na-trace.

2003 pa nung huli kitang makita. 2003 din ng namaalam na ko ng tuluyan sa kumpanya. Inunahan mo ako. Bigla ka na lang nawala. Nag-AWOL ka na. Nalungkot talaga ako nun kasi ikaw ang naging mentor ko. Na-miss talaga kita. Kasalukuyan pa namang nagkakagulo sa department natin. Katagalan, nagsimula ang hinala kong malamang may kinalaman ka sa kaguluhan. Maaring ikaw ang misteryosong taong gumawa, pwedeng may ibang tumulong sa iyo, pwede rin namang ikaw lang mag-isa. Naisip kong kaya nagawa sa akin ang bagay na iyon ay para hindi kita pag-isipan ng masama, para magalit ako sa babaeng ma-epal, para paghinalaan ng lahat ang babaeng ma-epal. Mahusay kung ikaw nga ang misteryosong taong gumawa ng lahat ng iyon. Dibah isa ka rin sa may hawak ng susi sa control room? Isa ka sa mga nakakaalam ng lahat ng kable, kaya alam mo rin kung saan ia-unplug ang cable ng camera.

Sinubukan kong hanapin ka sa friendster pero mahirap ka talagang hanapin. Sa dami ng number na pinagpapalit palit mo noon ni isa hindi macontact. Magaling ka talagang magtago. Ni anino mo hindi na namin nakita simula ng mawala ka sa kumpanya. Nalaman ko na lang sa iba napadpad ka na daw sa UAE.

Fast forward 2007, nakalimutan ko’ng nasa UAE ka nga pala. Nung naalala ko, di ko rin naman sigurado kung tumagal ka sa UAE o nag-AWOL na naman. O tumalon na ulit sa ibang bansa. 2008, ilang linggo na ring may nag-iiwan ng message sa friendster ko, kapangalan mo. Bibihira kasi ang nagmamay-ari ng ganung pangalan kaya hindi ko ina-add. Naka-private pa at image ng isang lugar ang naka-front hindi mukha ng isang tao.

Friday habang gulo ang utak ko sa gitna ng maraming tao sa Gitex Airport Expo. Lito ako kung ano bang laptop ang bibilhin. Pagkatapos kong makausap ang kuya ko sa phone, si papuch naman ang kausap ko. Habang nagsasalita at patingin tingin sa mga tao at sa laptop sa paligid nakita kita. Napatitig ka ng may katagalan. Napatiningin din ako. Nawala talaga ako sa concentration hindi ko akalaing buhay ka pa pala. Pero ako na ang unang bumawi ng tingin.

Alam kong nagtago ka ng matagal kaya hindi na kita nginitian. Sana iniisip mong kamukha ko lang iyon. Wala na ang pimples ko sa mukha, mas humaba na ang buhok ko, hindi na ako patpatin at nakasuot ako ng eyeglass. Kaya sana hindi mo maisip na ako ang nakita mo. Ayoko na rin kasing magkaro’n pa ng communication sa iyo. Tumaba ka rin pero namukhaan pa rin kita, at sigurado akong ikaw nga un. Hinahanap ng mata ko kung nasaan ka na pero wala na. Nakahinga na ako ng maluwag pero paglingon ko sa kanan andun ka pala at nakatingin na naman. Pakiramdam ko minumukhaan mo talaga kung tama ang hinala mong kakilala mo ako o kamukha lang. Ako na naman ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko talaga gustong ngitian at kamustahin ka. Lumayo na lang ako sa lugar na iyon, ayoko na talaga makita ka.



{Sunday, October 19, 2008}   The week that was…

I had my hair cut the other week. Sumasakit na kasi ulo eh. Tapos parang hate ko na ang sobrang haba na buhok. Feeling ko para na akong bruha at super init pa. Isang taon ring walang gupit un kaya humaba. Mejo mabagal pa nga ang paghaba ng buhok ko. Sa isang taong walang gupit kahit man lang konting trim eh hindi man lang umabot hanggang tuhod buhok ko, o kahit sa pwet. Hays. Noon pa naman gusto ko talaga ng super habang hair. Mahirap lang i-maintain kapag super haba ng hair lalo na’t nagiging pasaway na kung minsan ang buhok. Pero parang lately kasi biglang naisipan kong paigsiin buhok ko. Gusto ko sana ung maikling hindi lalagpas ng balikat. Pero wag na takot ako kasi baka mag-fly away.

Lagpas balikat pa rin naman ang buhok ko. Pero kapansin-pansin pa rin na umigsi. Dalawang boss ko ang nakapuna. Ang among lalaki na nagsisimula ng magkwento ng pangyayari para sa ipagagawa niyang sulat para sa akin, biglang natigilan at napatingin sa akin. Maya maya nagtanong kung binago ko daw ba ang buhok ko. Tumango ako at nag-smile. Maganda daw at nagmukha akong prospesyonal. Toinkzzzzz! Kung pwede lang mambatok ng boss ginawa ko na talaga. Walang wenta kasi eh namuri pero pang-asar. Sana ang sinabi niya, lalong na-enhance ang byuti ko at mas naging super duper professional looking lalo ako, kamukha ng isang Manager ng isang kumpanya.

V’s birthday celebration Thursday night. She’s my bestie’s cousin and a good friend of mine. Naging close lang yata kami dito sa Dubai – kahit tatlong beses pa lang kami nagkikita dito. One – when we took her out on a road trip at magpapicture picture siya. Second – when we scheduled spending time out together, eat out at magchikahan. Third – that night, nung birthday niya. Sabi ko ayokong uminom pero pinainom nila ako, bakit sila ganun? Mabuti na lang patikim tikim lang ako ng pulang kabayo, Nung tinatamaan na ako ng sipa tanggi na talaga ako ng tanggi. Hanggang sa humupa na ang namumula kong mukha at buong katawan.

Palpak na naman ang proyekto nila! Di na ako magkkwento ng mahaba tungkol dito. Isa kasi itong kasiraan para sa kanila na taon taon nilang sinasadya. Wonder why di sila marunong mahiya? Anyways…



{Sunday, October 12, 2008}   two or six???

Bakit kaya inip na ako? Anim na buwan na lang pero parang ang tagal tagal pa. Naalala ko pa ung mga panahon na talagang handang handa na ako’ng magsend ng resignation letter sa company. Masyado akong nagpapadala sa pressure nun. Masyado akong naging weak. Masyado rin akong naging palaban kay babaita. Would you believe nag-uusap na ulit kami at nagbobolahan, complementing each other? sooooo orocan!!! heheh! Yun yata para sa akin ang pinakamabagal na takbo ng panahon. Di ko nga ma-imagine na mabilis palang lilipas ang araw. Nakadagdag pa sa pagdedelay ng pagreresign ko nun ang paghihintay sa komisyon. Sa awa ni bestfriend ko sa taas naibigay naman. Umabot lang ng matagal pero at least naibigay na rin. Lalo nga lang lumabo ang pagdedesisyon kong iwanan ang kumpanya dahil useless na rin. Kung iisipin mo mas maigi pang hintayin matapos ang contract kesa magresign. Dahil may ilang buwang notice pa muna bago ako makaalis ng maayos sa kumpanya.

At dahil tatapusin ko na nga lang ang kontrata, anim na buwan na lang ang hihintayin ko. Makikita ko na naman ang Pinas. Sarap nun. Kailangan ko ng mag-ipon ipon habang maaga dahil baka ilang buwan din akong tumigil muna sa Pinas. Nag-iisip ako kung ano ba ang gagawin ko…

Read the rest of this entry »



{Monday, October 6, 2008}   karibal ko si papuch

Dati iba’t ibang variety ng candy ang binebenta ni Papuch. Ngayon napunta siya dun sa gumagawa ng mga pambalot ng candy. Hay basta un na un! In short nalipat na siya ng departamento. Dalawang araw ng nagsisimula si papuch sa bagong division sa kumpanya nila.

Kinunsulta muna niya ako kung tatanggapin ba niya o hindi ang alok na iyon. Nung una ayoko sana. Bakit kasi siya pa ang napiling ilagay sa kabubukas pa lang na division na iyon ng kumpanya nila. Ayoko talaga sana kasi nga magiging kakumpetensiya ko siya. Although magkaiba pa rin ang level namin dahil kung sa iisang kumpanya kami, parang ako ang secretary at siya ang manager ko. Pero ganun pa rin, iisa lang ang mga taong iaapproach namin swertihan na lang kung sino ang piliin sa aming dalawa. Isa pa ayoko sanang tanggapin niya ang offer na iyon dahil kabisado kong kapag may malaking happening eh talaga namang kailangan niyang pumunta sa kung saan man dapat puntahan. At kapag dumami na ang kliyente nila magiging lalong sobrang busy niya. Eh di hindi niya na ako masyadong mapupuntahan sa oras na gustuhin ko. Pero kailangan niya ring tanggapin, naisip ko din maganda din sa ganitong field kasi additional experience din un. At mas malaki ang chances na in the future magamit niya ang experience na iyan.

Hindi niya kabisado ang mundong ginagawalan ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang napiling ilipat sa division na iyon. Read the rest of this entry »



{Thursday, October 2, 2008}   eid mubarak

Eid kum Mubarak! Eid Mubarak to everyone! Mejo nakakabitin din ang naging holiday. Inimbitahan ko muna sana si ate Glo para ndi na-sandwich ang Huwebes at idineklarang holiday na rin ngayong araw na ito. Eh di sana nakapag-set ng schedule ng larga today. Ngayong Eid lang yata ako ndi nakapag-out of town. Hehehe…

Ahmmm para pala sa mga hindi nakakaalam… Eto pinakiusapan ko si wiki-friend para ipaalam sa inyo kung bakit ba ako naggigreet greet pa ng Eid Mubarak at ano nga ba ang ibig sabihin nyan.

Eid mubarak (Persian/Urdu: عید مبارک) (Arabic: عيد مبارك‎) is a traditional Muslim greeting reserved for use on the festivals of Eid ul-Adha and Eid ul-Fitr. The phrase translates into English as “blessed festival”, and can be paraphrased as “may you enjoy a blessed festival”. Muslims wish each other Eid Mubarak after performing the Eid prayer.

Eid refers to the occasion itself, and Mubarak is ‘may it become good for you’.

Read the rest of this entry »



{Thursday, September 4, 2008}   moving on

“Alam mo naiinis nga ko sa sarili ko ang babaw ko tlga. Aba naluha na naman ako kanina, naisip ko kasi parang kawawa naman tayo. Hay! Pakisampal na nga ako mamaya para maka-move on naman ako.” - Rhapsody

Na-email ko lang sa friend kong si A yan kahapon. At ewan ko ba dahil pagkabasa ko ng reply niya naluha na naman ako. Pwede na talaga akong maging dramatic actress napakababaw kasi ng luha ko eh. Isipin mong sa mga words lang pwede na akong maiyak. Umiyak ako sa mga comments at email na nareceive ko. Naiyak dina ko sa text ni Mudra na wala naman sinabi kundi ang palakasin lang ang loob ko.

“Wag kang mag isip ng ganun. Part of life lang naman talaga ug struggles diba. Isipin nalang natin na may mga taong mas mahirap pa ung situation kesa sa atin. Ung pera, mahahanap yan, mapagtatrabahuan yan. Kesa wala tayong problema like sa bahay or something but may sakit naman diba? Ganun lang un, think positive lang tayo palagi. Cheeer up lang, may tfc na tayo soon, yan at least may libangan tayo diba.” - A

Pero tama naman lahat ng sinabi nila at ninyo. Part na talaga ng life ung mga dumadating na struggles sa buhay natin. Maswerte pa nga kami dahil hindi kagaya ng ibang tao na kalye ang nagsisilbing bahay nila. Ang iba naman dahil sa kawalan talaga ng pera, basura ang hinahalungkat para pagkakitaan. Mas worst pa, ang iba basura ang hinahalungkat para duon kumuha ng pagkaing ibinasura ng iba. Maswerte pa rin kami dahil tinulungan kami ni God na makahanap agad ng malilipatan ora mismo ng gabing iyon. Noong huling beses kasi na naghanap kami ng bahay, isang buwan ang itinagal wala kaming nakitang pwedeng paglipatan. Maswerte pa rin kami dahil si friend na nagsabi ng mga salitang ‘yan sa itaas ay may natatagong pera para ipang-abono muna sa lilipatan naming bahay. Paano kung wala? Move on na Rhapsody, “kalimutan na ang mga pangit na pangyayari at ipagdasal na lang sa Diyos ang lahat” Rhap’s mudra



{Tuesday, September 2, 2008}   toma

Bago magsidatingan ng sabay sabay ang mga problems ko nitong nakaraang mga araw. Nakapagpalamig pa kami. Nagtreat ang isang friend ko dahil nga super tension na lang daw lagi ang nararanasan namin sa haus dahil kay malditang babaeng kapitbahay namin. Go kami sa Irish Village dahil gusto niya daw mag-inom. At ako naman dahil mejo war kami ng konti ni papuch nung gabing un payag naman din ako na punta kami para mag-inom, thinking na kakayanin ko uminom ng marami hahaha!

Wala na kaming pwesto pagdating namin. Nagpaikot ikot muna kami hanggang sa napansin kong tumayo ung couple. Syempre, pwesto na kami. Order ako ng beer, pero kalahati lang ang nakayanan ko wahahaha… sumunod nag-Bacardi na lang ako. Super hina ko na talaga uminom. Sobra na rin kasi ako sa pula at ramdam ko ng mejo nahihilo na ako. Di kagaya ni Sommer na ilang pitchel talaga ang tinotoma hahahaha. And speaking of Sommer, sinasabi ko na nga ba na ikaw ang nakita ko sa Irish Village kasama si jmj. Di ko masyadong natitigan kung ikaw nga un pero dahil nabasa ko nga sa blog mo eh sure na ako na ikaw nga un!

After mag-Irish Village nagtake out kami ng cappuccino at nagpa-hangin sa beach… sarap na sanang matulog nun pero dahil nasa labasan pa kami ayun tag-puyat kami. Kinaumagahan, tindi ng sakit ng ulo at nasuka pa ako. Buong araw masama ang pakiramdam ko. Kaya ayoko na talagang uminom!!!



{Thursday, August 21, 2008}   ka-ibigan

Kababalik lang kahapon ng aking friendship-slash-ex(daw)-suitor galing sa bakasyon sa Pinas. Ako na lang talaga ang hindi pa nakakapagbakasyon pramis! At ang nakakatuwa dun ay may mga pasalubong siya sa akin yeheeeey! Noong may kaibigan siyang nagbakasyon sa Pinas, may pinadalang bag at slippers made of abaca ang mudra niya para sa akin daw. Ngayon naman nagbigay ulit ng mas maliit na size ng abaca bag at slippers (one pair for me, and one for my brother daw) ang mudra niya. At may kasama pang mga kung anik-anik from Bora and some sweets na hindi ko na rin na-picture-an kasi naman magmumukha namang akong baliw sa mga karoom mates ko. Kaya pinicture-an ko lang ang iba while AteM is taking shower; and the other AteL is sleeping. At ang isa kong friend type na type ang abaca bag gusto ng arborin, ang kaso lang ayoko din kasing magtampo si friendship-slash-ex(daw)-suitor ko at pati na rin ang mudra niya. Ang mga ibinibigay kasi sa akin – mura man o mahal, maganda o hindi kagandahan – syempre naman pinahahalagahan ko iyon. Magpapabili na lang ako on his next vacation pero babayaran ko na lang para mabigyan ang friend kong gusto din ng abaca bag.

Mejo hiya naman ako sa mudra ni friendship-slash-ex(daw)-suitor baka kasi ibinibida pa na ako ang future GF (eventually wifey) niya. Eh napag-usapan naman po namin na hindi na pupwede for the simple reason na I’m engaged na po. Hay, kung may kakambal lang ako o may kapatid na babae o kung may mga makakabasa nitong entry na ito na single (lady, ‘empre!) na taga-Dubai o Sharjah na naghahanap ng isang mabait, responsible, matalino, propesyunal at for real na jowawits. I’m sure magiging happy na talaga itong aking friendship-slash-ex(daw)-suitor.

Read the rest of this entry »



{Tuesday, August 19, 2008}   larawang kupas

Habang ako ay pasilip silip sa kung ano bang latest sa friendster ng mga friends ko. Merong dalawang litratong nakapukaw sa aking paningin. Lumang litrato na kasama ko ang mga kaibigan at dating ka-trabaho sa Pinas.

Read the rest of this entry »



{Sunday, July 27, 2008}   welcome to dubai bro!

Tulog mantika talaga ako kung minsan. Hindi ko man lang narinig na tumatawag pala ang kapatid ko ng bandang 3AM (Dubai time). Nakadalawang tawag na naging miscol na lang nung nakita ko na ng umaga ng 6:30AM. Chance ko na sana un na nakausap ko agad ang kapatid ko.

Natanggap kasi siya sa hotel dito sa Dubai thru agency. At halos alas-dos ng madaling araw ng 27th ang dating niya. Dahil may susundo naman daw sa kanila from Hotel, tinext ko nalang siya na kapag walang susundo sa kanya, itext niya ako. Sabay binura ko, ang nilagay ko tawagan na lang niya ako. Naisip ko na mas maiging tawagan ako para for sure magising ako. Sa kasamaang palad hindi ako nagising. Azar!

Anyways, kinabahan ako kasi nung nag-inquire ako kung ano’ng kumpanya ang numerong nagrehistro sa fone ko. Nalaman kong Airport Visa Collection daw iyon. Di na siyempre ako mapalagay kasi ni wala man lang akong tawag o text na natatanggap galing sa kanya samantalang ang dami ko ng messages na naisend sa kanya. Syempre si papuch ko nag-aalala din at kumotak na rin pala dun sa Hotel at nagtanong-tanong. Pagkasabi pa lang daw niya ng pangalan ng future bayaw (tama ba?) niya, sinabi na daw agad na nasa airport pa ang kapatid ko, kawawa naman. Naawa ako kasi malamang hindi nakatulog ng maayos un, at ang nanay ko din iniisip nya kung nakakain kaya un dun. Naiwan kasi siya dahil nagkaproblema sa papeles niya. Hindi yata nagmatch ang birthyear niya sa ibang papers, typo error ng agency malamang. Kaya aun naipit simula madaling araw ng 3Am hanggang nito lang ala-una ng tanghali. Baka groge na un sa antok, kawawa naman ang bunso namin.

Tinatawag tawagan ko ang Pinay sa HR ng Hotel na iyon. Napaka-accomodating naman niya everytime na tumatawag ako. At tinawagan niya pa ako nung nakausap niya ulit ang kapatid ko para sabihing wag na daw kaming masyadong mag-alala kasi inaayos na naman daw ng PRO nila. Sumunod na tawag ko, ayun na okey na daw at makakarating na sa Hotel ng ilang minuto daw. Ang hinihintay ko na lang ay ang tawag ng bro ko. Kasi patatawagin niya daw sa akin once na makarating na sa Hotel. Hay salamat naman po. What a way to welcome my small bro in Dubai!

Sana lang maging pareho kami kahit isang araw na off niya lang ng maigala-gala ko naman siya sa Dubailandia heheheh…



{Sunday, June 22, 2008}   2 Years & 2 Berkdays

Kahapon ang 2nd year Anniversary namin ni papuch. Happy 2nd Year kahit di mo naman toh mababasa grit pa rin kita. Wala naman kaming naging celebration. Pagkatapos lang niyang pumasok sa office ng ilang oras dumiretso na siya sa bahay namin. Tamang tama nakapagluto na ako ng lunch. Nothing special, just a regular lunch at home kasama ng aking isang ka-roommate. Yung dalawang roommate kasi may pasok sila ng Sat. Sa amin nakitulog si papuch for 2 nights. Mabuti na lang at bakante yung isang kwarto kundi san siya matutulog. 3 days din kasing walang kuryente sa Villa nila – at isa na sa idedemolish next month ang Villa’ng tinitirhan niya, kaya by next month dapat wala na sila dun. Kami nag-iisip isip na rin na maghanap ng lilipatan kasi naman 1 block away lang ang distance ng bahay niya sa bahay namin. As in nung nagtampu-tampuhan nga ako kagabi kasi masama loob ko sa kanya. Ni-drop niya ako sa bahay namin, siya pumasok siya sa loob ng haus namin para kunin yung naiwan niyang gamit. Ako naman di umuwi, iikutin ko ung isang block. Ayaw ko kasi umuwi sa bahay ng may bakas pa ng lungkot sa mukha. Tapos nakita niya ako sa kalsada naglalakad pabalik ng bahay. Naks dramaqueen ako paminsan minsan heheh. Pero siyempre nagkaayos din kami. Sobra lang akong nainis at sumama ang loob, kailangan lang ng matagal na paglalambing para mapaamo ako :D At ng BigMac – natuwa ako kasi tagal ko ng di nakakain ng McDo burgers hehehe. Isang BigMac for our 2nd anniversary. Hehehe. Simple lang walang dating. Gusto niya manood sana ng Indiana Jones kaso tinatamad ako manood ng sine eh. Pagod pa ako kasi naglaba na namalantsa pa. Kaya nga nagkaron ng mini-drama/away.

Last Thursday & Friday naman sobrang saya ng celebration. Birthday kasi today ng dating kasama sa haus at bukas ng isa pang karoommate. Pero early ang naging celebration. Ginawa na nga nung Thursday night para sa mga bisita nila at ang continuation nung Friday morning kami-kami lang un. Mahirap na kasi mag-imbita daw ng bisita kapag ngayon o bukas ang party kasi nga may mga pasok kinabukasan at for sure iilan lang ang makakapunta – or worst, walang makapunta kundi kami lang magkakasambahay.

Galing ni papuch sa pagslice ng onion hindi man lang nagluha. Samantalang kapag ako ke maliit o malaki, marami o konti para na akong may iniiyakan. Kaya nga iniwasan ko talaga ang sibuyas, kamatis ang chinop chop ko. Ano nga ba mga handa nun… dinuguan at puto, hipon, squid at bangus stuff with tomatoes, onions, spam, garlic, grated cheese at di ko na maalala kung anu-ano pinaglalagay. Rellenong Bangus ba ang tawag jan? Ewan ko… di kasi pwedeng inihaw ng bangus kasi di naman namin inihaw eh. Syempre merong cake, ice cream, mga pulutang orange, cucumber, carrots at mga alak. Dahil di naman ako inomera, akala ko ang mga pinupulutan lang noon ay ung mga sisig o kung anu-anong pagkain pero pwede din pala ung mga carrots, cabbage at gaya nung mga nasabi ko kanina. Dun kami pumwesto sa isang bakanteng kwarto na tinutulugan pansamtantala ni papuch. Kami-kaming mga hindi na masasabing bisita ng mga celebrant, dun kami nag-iinuman at kumain, nanonood kami ng movie kahit di namin maintindihan kasi ang lakas ng sounds sa kabilang room nga kasi nagvivideoke na ang mga bisita. Di ako masyado makainom kasi may bantay, pasaway na bantay siya naman ang umiinom kahit pinagbawalan. Sabagay di naman nakarami ng inom si papuch, naihatid nya pa ang tatlong babaeng bisita na nakatira sa malapit lapit lang sa lugar namin.

Kahit ganado pa sa pagkanta ang mga bisita pina-pack up na ng isang kasama namin. Mahirap din kasi may isa kaming kasambahay na di naman talaga namin originally kasama nung naglipat. Taga-kabilang bahay siya dati at dahil nasisikipan na siya sa kabila lumipat sa amin. Imbes na walang tulugan, nabitin tuloy ang bisita. Nung nagluluto pa lang kami, sabi ko sa kanya birthday kasi nila Ate. Ang sabi niya agad sa akin – Pa’no daw un may pasok siya ng maaga bukas. Ayun natameme tuloy ako, di ko kasi alam kung anong isasagot sa kanya. Sinabi ko sa dalawang celebrant, ang sabi nila sa akin, hindi ba pwedeng duon muna siya sa kabilang bahay matulog, ngayon lang naman daw ito at saka birthday lang naman daw nila. Tulala na naman ako, di ko kasi alam papano sasabihin eh. Nung nagkalakas loob na ako sabihin pero syempre di ko sinabi talaga kung ano’ng sagot sa akin. Pinaalam ko lang sa kanya na sinabi ko na may pasok pala siya kinabukasan. Bakit ko daw sinabi na parang nahihiya pa siya na parang ang gusto niyang sabihin eh nakakahiya naman sana di ko na lang sinabi. Pero pano naman ang gagawin ko nun dibah parang un sinabi niya sa akin kasi na may pasok siya, understood na ang ibig niyang sabihin ipaalam ko sa kanila na gusto niyang matulog ng maaga. Di ko naman bisita yung mga dumating, hindi ako ang pwedeng magpauwi sa kanila. Nung nakausap niya ang isa sa celebrant na humihingi ng pasensya, ang sabi niya nga walang problema dun siya sa kabila matutulog kasama ng mga kaibigan at dati niyang kasambahay. Pero nung bandang mag-aalas onse na ng gabi lumabas ang isang friend na bisita namin nagtatanong sya kung pwede na daw ba siyang matulog sa room. Ang labo akala pa naman namin todo todong celebration na un. Anyway ok lang at least nakatulog ako ng maaga hehehe. Kasi kung hindi wala akong kamang matutulugan dahil nakaharang ung table sa harap ng bed ko.

Kaya yun kahit humihirit pa ang isang bisita hindi na napagbigyan ng mga celebrant. Sabi ng isang bisita, titigil na daw sila pagkanta magiinuman nalang. Kaso nga di na pwede kasi naghihintay na si kasambahay. So ayun 12:30midnight nagsitulugan na agad kami. Ang aga pa noh. Mahirap pala kapag ang kasambahay mo ay ndi talagang ka-tropa na pwedeng mag-adjust paminsan-minsan kapag may importanteng okasyon lang. Mahirap din kapag ang kasambahay mo ay may pasok ng Friday. Kasi kung wala eh di every Thursday night sana walang problema, kasi un na lang ang araw namin para mag-enjoy at magpakapuyat sana pero ndi naman pwede. Bilib kami talaga sa isang karoommate/tropa kasi wala siyang pakialam kahit maingay at madaming tao natutulog siya sa higaan niya. Antukin kasi siya matutulog siya kahit maingay o bukas pa ang ilaw. Pero gumigising gising pa din siya babalik lang ulit sa tulog. Pero kung iisipin kami ang nagmamanage ng isang room na iyon lumipat lang nga siya dahil nasisikipan na daw siya sa kabilang bahay. At kung iisipin kami ang nagbayad ng mas malaki sa upa kahit na ipinaliwanag ko naman sa kanya ang hatian sa bayad na isang room at hindi bedspace. Pero nagulat lang kami na iba daw ang terms na pagbabayad niya. Wala siyang advance kaya nung tinaasan ang renta hindi pa daw sakop nung buwan na lumipat siya. Anyway, hinayaan na lang namin mayayaman naman kami. Charing!

Bumawi kami kinabukasan since wala naman si kasambahay pwede naming ipagpatuloy ang saya. Alas-sais pa lang daw ng umaga un nung nagising na ang mga friends. Bumangon ako nung 7:30am gusto ko pa sanang matulog pero nanggigising na sila. Pagkakain ng almusal aba sinetup na ang mediacom, gusto ng magkantahan kasi ndi kami nakapagvideoke kagabi syempre para sa bisita muna un. At ang nakakagulat nag-order na rin at binuksan pa ang tinabing alak kagabi. Grabe talaga ang agang inuman un. Si papuch naman ang takaw sa tulog kaya aun pinainom ako ng pinainom ng mga friends habang tulog daw si papuch. Patigil tigil naman ako sa paginom lalo na’t kapag namumula na ako. Ayun tuloy at nawala ang hiya nakikanta na rin. First time! First time talaga na kumanta ako kasama ng iba. Di kasi ako napipilit kumanta kahit saan, sa bahay lang at kapag kami lang pamilya.

Next Thursday beach naman daw! Sasamantalahin na namin ang summer. Post celebration ng birthday heheh. Pero di naman pwedeng mag-inuman dun kasi nga dibah bawal ang alak sa labas, ang corny noh. Pero kung minsan may nakakalusot naman, makikita mo na lang minsan may nakabaong bote ng alak sa buhangin. This coming Thursday di na maiistorbo si kasambahay. Sabi ko dibah nun lang araw na un kami nagkaron ng party’ng pangmagdamagan sana pero naunsiyami. Heheh.



{Sunday, May 11, 2008}   MoM’s DaY

Para sa lahat ng mami, happy mudra’s day!

My lola and mom. Parehong pretty noh! :D

Ayan ang napala ko sa paghahanap ng picure na ito. Na-miss ko na naman ang Pinas, ang bahay namin, ang mga asong pumanaw na, ang tatlong klaseng puno ng mangga sa bakuran, yung posong binobomba ko habang naglalaba si Mudra kaya lumaki ang maskels ko at higit sa lahat sila – syempre family ko. Sana makapagbakasyon na talaga ako.



{Monday, May 5, 2008}   hay tag-init na nga!

Unti-unti ko ng nararamdaman ang init ng summer. Gosh! Wala ng hangin. Kung mahanginan man ako feeling ko init pa rin ang binubuga ng hangin. Sigurado ako ilang linggo o buwan na lang para na namang iniinit lang ako sa microwave o nakasalang na ako sa lutuan at niluluto na ako ng buhay. Malamang ilang beses na namang sasakit ang ulo ko at pagpapawisan ako ng sobra. Mas masrap yung mag-stay lang sa loob ng bahay o sa office. Kahapon lang sobra sa sakit ang ulo ko. Nabigla yata ako sa init paglabas ko ng bahay nung umaga. Kaya hanggang pag-uwi ko ng bahay sobrang sakit ng ulo ko. Mabuti na lang may mga kasama akong naghanda ng hapunan, mabuti na lang din at may papuch na taga-masahe at taga-lagay ng tiger balm sa ulo, batok, at balikat ko. Pagdating ko kasi sa bahay kumain lang ako ng cake at grapes pagkatapos ay nahiga na. Di na ako makabangon sa sobrang bigat ng ulo ko. Ginising lang nila ako nung oras na ng hapunan. Pagkatapos kong kumain diretso higa na naman ako, umuwi na rin si papuch sa bahay niya nung natapos niyang panoorin ang movie na pinapanood niya.

Ako naman diretsong natulog na. Nagising ako ng umaga na sarap na ng feeling kasi sobrang kumpleto talaga ang tulog ko at nakapahinga ng maayos. Nung lumabas na ako kaninang umaga para pumunta sa bus stop kung saan ako dinadaan ng frienship ko, nagulat ako kasi andun na si friendship ang aga niya ha. Tapos pagbukas ko ng kotse niya may pasalubong ako galing Pinas yey! Mga tarts at pili at meron ding cute na bag at slippers na parehong gawa sa abaca. Yey! Bigay daw ng mudra niya. Ang sweet naman ng mudra niya ni hindi nga ako kilala nun eh nababanggit lang nya ako. Paano naman kung makita ni papuch ung bag at slippers ko? Malamang magtatanong kung saan galing yun. At di naman ako sanay magsinungaling lalo na sa mga loved ones ko hehehe… Sana naman di siya magjelly jelly noh. Parang naririnig ko na kasi ang magiging reaksyon niya eh. Kapag sinabi kong galing sa mudra ni ano… ang sagot nun… Bakit? Para saan? Parang minsan kahit alam niyang friendship ever lang talaga kami ni friendship parang nagjelly jelly pa rin siya. Nag-aalala nga ako kasi itong si friendship magbabakasyon na ulit 2nd week of May ibig sabihin magko-commute na naman ako. Tag-init pa naman. Si papuch kasi di pa naaasikaso yung kotse sa kumpanya nila. Okey lang naman na magcommute ako kaya lang kapag ganitong sobra na ang init na may kasama pang humid parang di ko kaya.



et cetera