Sampung araw na lang iiwan ko na ang kumpanyang pinagsilbihan ko ng tatlong taon.
Parang kailan lang nung tinawagan ako ng kumpanyang pinapasukan ko. Akay ko pa ang pren ko dahil sa takot na maligaw sa bansang bago pa lang sa paningin ko. Parang kailan lang nung paikot ikot ako sa Karama. Naliligaw at masuka suka sa mga pagkaing bago lang sa pang-amoy ko. Parang kailan lang nung bumalik ako sa Sheikh Zayed para sa final interview sa kumpanyang ito at takot na takot sa bastos na Ehipto’ng ayaw lumubay sa akin.
Parang kailan lang lumalaki at lumiliit ang pamilya ng kumpanyang ito. May mga nakakasundo at meron ding hindi. May katrabahong pasaway, merong tahimik. May mukhang model, merong parang taga-Zuhoor (cafeteria un!). Parang kailang lang ng natanggap si babaita sa aming kumpanya. Kalaunan naging gelpren ni boss. Kalaunan pa umiiyak na ako ng dahil sa kamalditahan niya. ( Prenship kuno na kami ngayon
)
Parang kailan lang nung nangarap akong layasan na ang kumpanyang ito. Inip na inip na ako at gusto ng umuwi ng Pinas. Maraming nagsasabing magtiis nalang daw muna ako na sinunod ko naman. Parang kailan lang nung nagdesisyon akong huwag na lang magbakasyon dahil alam ko namang hindi ganung kadali kung sa kumpanyang ito ka nagtatrabaho. Parang kailan lang ng marealize kong madali lang naman pala tumakbo ang oras at kinabukasan paggising ko tapos na ang kontrata ko kaya magtiis-tiis lang.
Parang kailan lang din nung palipat lipat kami ng bahay. Umalis sa tinitirhan dahil nagmahal ang bayad, o di kaya naman maraming surot, o kaya may kabayan na iba ang pag-uugali, o kaya naman ay na-baladiya. Ang daming pangyayari. Ibang-iba nung nasa Pinas ako na stress-free at mala-prinsesa kung asikasuhin ng magulang.
Napagod ako sa tatlong taong ni hindi man lang ako nakapagbakasyon. Gusto ko munang magpahinga. Hindi ibig sabihin na gusto ko’ng magbuhay prinsesa. Gusto ko lang muna talagang umuwi ng Pinas at magrelax relax. May plano naman pero ayaw ko munang pag-usapan dahil hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Que sera sera.
Malungkot ako dahil nasanay na ako sa routine ng aking Buhay Dubai. Pero mas lamang ang SAYA dahil malapit ko na ulit makita ang pamilya at prens ko lalong lalo na ang Pinas! WooHoo!!!
UPPER
Sobra kong hindi na-enjoy ang dhow cruise birthday celebration ng baby ng ex-opismeyt ko. (Oooops.. but I’m glad naman dahil invited ako kaya kahit may sakit join ako!) Yun palang kasi ang ikalawa o ikatlong araw na namamaga ang tonsils ko at sobrang ubo ako ng ubo. Pumwesto pa naman kami sa upper deck which is open air at mamahamugan ang baby (ako un!
) dahil dun nila gusto para makapag-sight seeing ng maayos.
Wala naman akong ginawa sa buong cruise kundi ang magpakalango sa alak tubig. Inom daw kasi dapat ng inom ng tubig sabi nila. Dumaan ang waiter, syempre gusto ko ng pineapple juice. Sabi ng mama ko uminom daw ako ng fresh pineapple juice. Kaso nung iinumin ko na sana un juice, as in dikit na un lips ko sa baso. Bigla naman akong pinigilan ng mga kasama ko. Lalo lang daw magiging makati sa lalamunan un…. hay! So aun nagtyaga na lang ako sa tubig kahit masuka suka na ako. Hindi ko na rin halos maibuka ang bibig ko para makipagkwentuhan sa kanila. Pamasid masid lang ako, ang boring! Sa food isang putahe lang ang natikman ko, maglaway man ako sa ibang foods hindi ko naman magawang kumain ng kumain dahil hindi nga ako makalunok, pati cake hindi ako nakakain ang sarap pa namang tignan huhuhu! Feeling ko nga nangayayat talaga ko LoL! Happy 1st Birthday Baby Sayhan!!! Read the rest of this entry »
Beauty rest na naman ako ngayon. Paano kasi wala na namang pasok. Ang dahilan daw ay ’sifting’ o baka ang ibig nyang sabihin ’shifting’. Saan kaya? Totoo na kaya ito? Actually, noon pa ‘yang kaplanuhang ‘yan na hindi naman natutuloy. Whoaw! Would you believe noong 2007 pa pala ako nagblog about paglilipat ng office?
Last month sinabihan kaming ‘wag na muna magsesend ng office location map kahit kanino dahil lilipat na daw kami ng location. Hindi na sa Sharjah na original na plano. This time sa Al Qouz na! Waaaah! Ayoko rin dun bukod sa madadagdagan ang oras ng pagbibyahe papunta dun, palagi pang traffic papunta at pauwi. Isa pang kinakatakot ko halos karamihan dun ay warehouse, madalas may sunog. Imagine nasunugan na nga kami ng warehouse noon sa Al Qouz. Kaya sana joke lang ang sinasabing maglilipat daw ngayon kaya walang pasok.
Actually last week kasi 2 days din kaming walang pasok. Ewan ko ba sa trip ng mga boss namin pagkatapos sabihan ba namang nasasayang daw ang pasweldo nila sa aming lahat dahil dalawang araw na nga kaming walang pasok tapos maaga pa daw kami umuuwi. Since pumasok ang taon na ito, inabisuhan niya kaming hanggang 4:30PM lang ang pasok namin kaya un ang sinusunod namin. Hindi naman namin kasalanan kung umuwi man kami ng maaga or dalawang araw kaming ndi pumasok. Masunurin lang naman kami kaya sinusunod namin kung ano ang gusto niya. Pero syempre masaya kaming umuuwi ng maaga hahahah.
Ang point lang pala nya dun ay para sabihing dapat magstay na kami until 6PM. Ang isang kaopisina ko ang kausap nya tungkol dun dahil mejo nagkaasaran yata si opismeyt at babaita. Naguusap sila pero sarcastic daw ang mga tono ng paguusap nila. Hanggang sa sinabing sayang naman daw ang binabayad nila para sa amin kung ganun kami kaaga umuwi. So sabi niya ok stay kami til 6PM.
Kung makikita nyo lang ang office namin sa ngayon. Kung noon ay maganda at comfortable. Ngayon puro alikabok, walang carpet, kalat kalat na mga gamit, ndi tapos ang pagcocover ng ceiling, walang mga ilaw, gumagana ang AC pero ndi ramdam ang lamig. Irerenovate daw kais dahil gusto ni babaita ay puro glass lahat ang door at walls. Pero simula december sinira na nila ang opiz until now wala pa rin nagagawa kaya parang ang bigat sa pakiramdam tuwing papasok ng opiz bukod sa mainit na pangit at madumi pa. Don’t know kung ano’ng naisipan niya, tapos ngayon lilipat daw.
Since matagal tagal na rin kaming mejo nagkakasundo ni babaita, ako ang pumapel dahil gusto ng magsiuwi ng mga kasama ko. Tinawagan ko siya para iremind siya kunwari sa request ko. Mabait naman siya makipagusap hindi gaya nung umaga cguro nakapagpalamig na. Kaya dinugtungan ko na ng… “Babaita, pwede na ba kaming umuwi?” Syempre inglis un tanong at di pwede gamitin ang term na gurrrrl, CEO siya davah! Ask naman siya kung madilim na ba sa office, syempre sagot ako ng oo. In fairness, madilim na talaga lalo pa’t pinagbababa na namin mga blinds eh di lalong dumilim hahahaha… So aun sabi niya kung madilim na daw ok daw umuwi na kami. Pero kami lang tatlong babae ang pinayagan niya, ang mga lalaki hanggang 6PM pa dahil mga babae lang naman daw ang takot sa dilim. Pa-cute na naman ang madam, pero okies friends kami kasi ndi niya ko kinontra dun hahaha. Wawa naman mga boys, ayaw nga kong paniwalaan eh pero dare ko silang tawagan nila si babaita ayaw naman nila. Mga duwag talaga mga un.
Ok, nonsense na naman wento ko. Bored kasi ko sa bahay ako na naman kasi mag-isa kaya feeling ko kinukwentuhan ko lang friendship ko now kahit wala ako kakwentuhan. Asar naman kasi mga friends ko puro offline at busy huhuhu.
Kakalungkot situation ng iba dito sa disyerto. Dami ng nawalang ng work. Ang frend na kasabay ko ng pag-aayos noon ng papers papunta dito na halos sabayan din kaming nagkaron ng work at visa dito, ika-cancel na daw siya next month. Next month is just like few weeks. Ang bilis pa naman ng takbo ng oras. The next day you wake up you’ll just realized na last day mo na pala sa work. It could happen to everyone pero syempre we all should be positive. And pray na hindi sana mangyari un sa atin. Pero mangyayari din sa akin na mawalan ng work kasi nga noh di na ko papa-renew sa company namin.
December is really one of the toughest month for me. Magulo utak ko nun. Kasi nga dibah bakasyong grande ba naman ako na hindi sigurado kung mababawasan ba ang sweldo namin o hindi. Kasabay pa niyan si papuch magtatalong buwan na nung hindi napapasweldo. At sinabihan pa silang magsasara na daw ang kumpanya. Mygosh! Isang buhos un na parang gusto ko nalang pauwiin si papuch sa kanila. Tapos ako din uuwi na rin tatapusin ko lang contract ko.
Si bespren above gumawa ng paraan. Sobrang lungkot at gulo ng isip ko nung December. Na-overjoy naman ako nung January. Hindi naman oa na saya pero thankful talaga ko kay bespren above kasi ginawan nya ng paraan lahat. Nakuha ko nga dibah ng ayos ang sweldo ko with matching increment. Si papuch naman, tinawagan daw sila ng bossing nila at binigay na kahit ang dalawang buwang sweldo. At least isang buwan nalang ang utang sa kanya hehehehe. Tapos hindi na daw muna isasara ang kumpanya. Pababangunin muna. Wish ko lang maging ayos ang business nila para hindi rin naman maapektuhan si papuch at syempre ang mga katrabaho nya.
Wish ko din na sana matapos na ang global crisis na ito!
grabe na tlga ito! Kaninang umaga ko lang ginawa itong post na ito. Nung tanghali eto na meron na naman bad news. Ang karoommate ko naman ang isa na namang naapektuhan ng krisis na toh! Hanggang isang buwan na lang sila sa company pati daw ang amo niyang super tagal na sa company, wala na rin. Di niya alam kung nagresign o natanggal. Hay naku! Tama na sobra na, nakaka-upset na eh!
Although may konting doubt, panatag ang loob kong tutuparin ng boss ko ang sinabing salary increment. Habang sinasabi niya sa aming dalawang Pinay ang tungkol sa bagay na ‘yan 4 days ago, unang pumasok sa isip ko ang pagte-thank you ng ilang ulit kay bespren above.
Kung sakali mang ibigay ang increment ine-expect na rin naming dalawa ni opismeyt na malamang after ilang buwan pa bago maibigay ang dagdag sahod o di kaya naman ay tapos na ang kontrata baka hindi pa rin naibigay. Dun kami nagkakamali dahil kanina pagka-abot ng sweldo may isang libong dirham ng dagdag sa sweldo naming dalawa. Thanks tlga kay bespren above!
Kaya pala magaan ang loob ko pagkasabi ni big boss nun. Hindi dahil asang-asa ako pero dahil malakas ang feeling ko na tototohanin niya. Ang nakakatuwa dun ibinigay kaagad, expected kasi naming kung may increase nga pasok pa iyon sa salary ng January.
Happy naman ako dahil mejo nabawasan ung mga isipin ko nung nakaraang mga linggo. Nagkaro’n pa nga ng kasagutan.
Isang bagay na lang ang wini-wish kong sana sagutin ni bespren above at bigyan din ng magandang kasagutan.
Mukhang napasobra ang pagkalimot-limot ko lately. Binigay nga pala ito ni sis Ana nung November pa. Pasensiya na sis kung ngayon ko lang idi-display sa aking bahay… ‘ika nga nila “better late than never”

Salamat ng marami… Sa tagal kong pagpost nito malamang lahat na kayo ay nabigyan ng award na ito.
OHMYGOSH!
Importante talaga kung may Pataka ka dito sa Dubai. Para mas ma-gets ninyo ito ay ang labour card. Sa Saudi ang pagkakaalam ko IQAMA (tama ba?) ang tawag nila. Teka mali yata erase-erase lolz! Ung card na dapat dala-dala everywhere for your identification at para may katunayan kang nata-trabaho ka sa UAE dahil kung wala ka nito baka matapon ka na lang pabalik sa pinanggalingan mo.
Magulo pa ang opiz namin til now. Ang opiz laging naka-lock ang pinto. Dapat silipin muna kung sino ang nagdoorbell bago buksan. Lunctime kanina may nagdoorbell. Binuksan ng Pakistani’ng opismeyt namin ang pinto dahil ang nakita niya ay isang Pinay na taga-kabilang kumpanya. Ng binuksan may tinanong lang sabay namang lumitaw mula sa likod niya ang dalawang Local na taga-Labour MInistry. Goodness gracious checking na pala iyon?!?! Read the rest of this entry »
Mabuti sana kung pagbabakasyon din sa Pinas gaya ng ibang blogger ang naging dahilan ng pagkawala ko sa blogosphere ng dalawang linggo. (Kungsabagay madalas naman akong mawala sa sirkulasyon lolz) Kaso hindi eh! Bigla na lang kaming sinabihan na dalawang araw daw munang walang pasok. Sumabay pa dun ang mga araw na wala talagang pasok gaya ng Christmas, New Year ng lahat at Muslim New Year. Kada matatapos na ang ikalawang araw sasabihan na naman kaming dalawang araw daw uli na walang pasok dahil daw sa maintenance na ginagawa sa opisina. Hanggang sa umabot na nga ng dalawang linggo.
Wala akong magawa nun sa bahay mag-isa dahil lahat ng ka-roommate ko may pasok, si papuch may pasok din. Feeling ko mababaliw na ako. Mag-isa nga akong nagvivideoke sa bahay, sumunod na araw naglilinis, maagang nagluluto, nagtry magluto ng pagkaing hindi ko pa nasusubukang iluto at mapraning kakaisip kung magsasara na nga ba ang kumpanya namin. Gusto ko ng matapos ang kontrata ko sa kumpanya at makapagtrabaho naman sa iba, pero hindi ko yata naisip na paano kung biglang magsara ang company at takbuhan kami ng mga boss ko. Nakakawindang dahil nga sa global crisis na iyan kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip namin. Kung nagpa-abiso sana sila hindi kami mag-iisip ng mga posibilidad kung bakit matagal kaming walang pasok. Marami kasing nagsasarang kumpanya na. Madami rin akong nababalitaang nangyayaring recession sa mga malalaking kumpanya dito sa Dubai. Akala ko sinamantala na ng mga amo namin ang nangyayaring crisis everywhere at nagdesisyong isara na ang kumpanya. Mabuti sana kung nai-settle na lahat bago kami mapauwi ng Pinas o mawalan ng trabaho. Dami kong iniisip nun isa na ang pag-iisip na baka mapaaga ang uwi ko sa Pinas. Masaya talaga ako kung mapapauwi ako ng Pinas pero half of me nagrereact ng “Oh no! Paano na ung mga listahan ng mga gusto kong bilhin pampasalubong sa kanila? Waaaahh! Uuwi yata akong gamit ko lang ang dala!“
Tumpak! Naglipat na naman kami ng aking mga ka-berks! Mas konti na ang tropa dahil may isang umalis na para mapalapit siya sa work niya at meron naman umuwi ng Pinas at meron pang uuwi na sa Pinas this month. At ang isa naman ay magbabakasyon sa Pinas. Kakalungkot kasi paunti kami ng paunti.
Sa bagong studio flat okies naman. lipat building lang kami kaya ndi na kami naghanap pa ng truck para sa paglilipat. At Bukod pa sa mas mura ang sharing namin per head, mas malaki ang space ng flat at ang pinakaimportante sa lahat, may internet at may orbit. la naman akong paki kesyo orbit or tfc, basta may mapapanood akong news at shows sa Pinas, ok na sa akin un. Unang araw ko pa lang sa bahay, nakakahiya na ung nangyari hehehe… pa’no ba naman nakulong ako sa cr. May defect na rin kasi ung lock ng pinto sa cr. Hanggang sa ako pa ang natyempuhan nung nagloose na at ndi na makuha kahit sa screw. Haysss! From 8:30pm na nagsimula akong naligo, nakalabas lang ako ng cr ng 9:50PM. Naabala patuloysila sa pag-aassemble ng bagong biling tv rack pati na ung paglalatag ng bago ring carpet na binili pa ng mag-asawa’ng landlord namin. Inasikaso kasi muna nilang baklasin ang door knob at pinalitan na lang nila ng bago. Heheh buti naman! Pagkatapos kong makalabas ng cr at mapalitan nila ng bago ang doorknob saka pa lang nila ulit pinagpatuloy ang naiwang gagawin. Nang dahil dun, 1:30AM na ako nakatulog.
Bago kami naglipat sa bagong bahay, nilubos lubos na namin ang pageenjoy sa inalisang flat. Ang celebration na dapat ay iisa na lang ang christmas at birthday ko, ndi natupad. Although naghanda din ako ng kahit isang putahe nung christmas, si papuch ndi rin natiis na ipaghanda ako. Pizza party lang naman kami para lang maicelebrate daw ang kaarawan ko. Naks! Kinabukasan, New Year naman! Ang saya tlga nun sunud sunod na inuman (nila – patago lang ako nakikihigop ng whisky hehehe) at kantahan at sayawan.
HAPPY NEW YEAR sa lahat!
Huh? May pasok na naman ba? Hay oo nga. Tapos na ang mahabang bakasyon! Tatlong araw kaming walang pasok na nagsimula nung Linggo, pero dahil Friday at Saturday ay off na rin namin nagtuloy-tuloy ang bakasyon na umabot ng limang araw. Ngayon dalawang araw ang bubunuin sa pagpasok sa opis pagkatapos dalawang araw na off na naman yipeee!!!
Limang araw din akong nakapagpahinga. Hindi ko alam kung pahinga nga bang matatawag un, kasi puro puyat naman ang nangyari. But at least, nakapagrelax relax din naman. Tulog-kain-inuman-movies-videoke. YEeeeeeeezzz! As in trying hard singer hahahah! Gusto nyo ba pakinggan ang mga birit namin? Gusto ko sana ilagay kaso di ko alam pano mag-upload dito eh soweee! Lolz!
Unang gabing inuman. Ayoko talaga sanang uminom pero dahil wala silang humpay kakasabing madaya ako, actually ‘yan talaga ang pagkakakilala nila sa akin. Kahit pagdating sa hatian ng pagkain, tumatakas ako kapag busog na ako dahil ayokong dagdagan pa nila ang pagkain ko kaya sila ang umuubos ng food para walang tira-tirang maiiwan sa lamesa. So ayun nga dahil ayokong masabihang madaya, uminom ako. Feeling ko ang dami ko ng nainom, saka ko lang narealize di ko pala naubos ung isang tin ng red horse. Halos maubos ko na actually kasi konti na lang un natira na naubos na lang ng iba. Kasalukuyang sumusuka (eshusme sa mga kumakain!) si papuch nun dahil sa dami yata ng nainom at inaaalalayan ko. Napayuko lang ako ng konti, pag-angat ng ulo ko… eto na naman, nangyari na dati ung ganung eksena eh. Shetness unti-unti akong nabubulag! Di na ako makapagsalita nun para sabihin pa kung ano nangyayari sa akin. Basta hawak ako sa pinto para makalabas ng cr. Napansin ni papuch kaya sa isang iglap naiba ang eksena, ang umaalalay siya ngayon ang inaalalayan. Unti unti ung pandinig ko naman ang nawawala, naririnig ko mga boses ng mga kaibigan ko pero parang galing sa ilalim ng lupa, parang nasa malayong lugar. Pakiramdam ko naman nun lambot na lambot at parang dinuduyan lang. Maya maya narinig ko si papuch sinabihan ang isa kong kasama, “A, nagpass-out si Rhap!”
Naririnig ko si A habang ginigising ako. Mejo lasing na rin si A at natatawa pa nga kasi bakit daw ako sa sahig natutulog. My goodness dun ko lang na-realize nakahiga pala ako sa sahig. Pero nanlalambot pa rin ako kaya di ako makangiti man lang kay A. Si papuch naman pala inaalis pa mga nakatambak na gamit sa bed ko kaya inihiga ako sa sahig. Saka pa lang nila ako binuhat pahiga sa kama nung naalis na mga nagkalat kong gamit. Ilang minuto lang ng nakapagpahinga na ako, nabuhay na ulit ako. Tanungan na sila ng tanungan kung bakit ako humiga sa sahig, ang akala kasi nila sa sobrang antok ko sa sahig ako humiga. Anyways, later naman si papuch na naman inalalayan ko kasi continuous pa rin ang pagsusuka niya – sinabihan ko nga na wag na uli iinom.
Kinabukasan ng gabi, may mediacom na uwi sila Ate. Kaya mega kantahan kami. Hindi nga lang masyado lumabas mga natural naming kagaslawan kasi may bitbit na bisitang lalaki ang isa naming friend. SanMig Light na ang alak para daw hindi na masyadong malakas. Hindi na ako uminom hinayaan ko na lang silang mag-inuman basta ako paminsan minsan kumakanta lang. Ayaw ko na kasing mabulag, mabingi at mapahiga na naman sa sahig. Si papuch absent iwas din sa alak.
Sumunod na gabi, kami kami lang minus ang dalawa naming bisitang friend. Si papuch dumating din may dala dalang mga bacardi breezer (watermelon favorite ko kaya puro ganun dala niya hehehe) at wine. Meron pa rin sanmig light na inubos na ni Papa AJ. Naka-isang bote lang ako ng bacardi, blushing na agad ako. Mahina talaga ako kakainis! Imagine 4% lang ang alcohol content nun pero rosy cheeks na agad ako. Si papuch may sariling mundo habang kami nagkakatuwaan sa pagkanta, siya naman nood ng movie – iwas pa rin kasi sa alak. Pinagbigyan namin nung una, pinatay muna mediacom then nanood kami isang movie. After ng movie, kantahan na naman siya na lang naiwan manood ng movie sa lappy, gumamit na lang ng headset. At ang bagong trip namin, recording. Hehehehe! Mga feeling singer nga kami eh kahit ang papangit ng boses record pa rin.
Hmmm.. ano kaya kakantahin ko sa Friday & Saturday???
Kahit marami ng panggigipit sa mga visit visa sa Dubai, marami pa ring malalakas ang loob na pumapasok ng UAE para magbakasakaling makahanap ng trabaho. Kanina lang nabasa ko sa news na naging successful daw ang paghihigpit nila dahil ang more than 30k illegal visitors noong 2007 ay nabawasan ng more or less 16k ngayong 2008. Kahapon lang narinig ko namang hindi na rin daw nag-iissue ng dummy ticket ang mga travel agencies, kung gustong pumunta ng UAE dapat daw bayaran ang two-way ticket. Kung ako siguro magiisip isip na rin ako kung pupunta pa ba ako ng UAE o ibang bansa na lang. Mas better din cgurong direct employer ang hanapin kung wala rin namang susuporta sa iyo pagdating mo sa disyerto.
Mahirap lang talagang pigilan ang tao kung talagang desididong magpunta sa Dubai para makahanap ng trabaho. Sa ngayon marami pa ring visit visa sa Dubai. Kaya maganda talaga ang naisip ng mga taga-UPAA UAE Chapter. Kung may mga kakilala kayo na walang trabaho, o may trabaho pero gustong maghanap ng ibang trabaho. Papuntahin nyo na lang sa Job Fair sa Zabeel Park bukas, December 5 from 9am to 12noon. Hopefully makahanap na sila ng trabaho.
Dalawang sunod na week na paggala sa dalawang magkaibang attraction/destination sa Dubai. Ganito lang naman kasi buhay sa ibang bansa o kahit pa nga sa sariling bansa. Gala ever at picture taking ang libangan. Lalo na’t kung may bagong bukas na pasyalan. Gaya na lang nitong dalawang ito:
Gala #1: ATLANTIS , the Palm
Sa Official Grand Opening nito this coming Thursday maraming sikat na celebrities daw ang pupunta. Sarap sanang makipagbunuang braso este makipagbungguang siko sa kanila. Di naman ako patay na patay sa mga celebrities pero parang ang sarap makiusyoso at manood kung hindi lang sobrang mahal eh I’m sure present ako jan. May world’s largest fireworks display daw na mangyayari. Tapos may private concern pa ang tita kong si Kylie Minogue. Invited lang lang din naman sina Lindsay Lohan, Oprah Winfrey, Michael Jordan, Gerald Butler, Lily Allen, model na si Petra Nemcova, Janet Jackson and Jermaine Dupri at syempre hindi mawawala si Robert de Niro kasi nga may resto siya dun eh. Marami pang ibang nakalimutan ko na nga lang, itinapon ko na kasi ung newspaper matapos kong tignan ang mga pictures nila. OO sa sobrang sayted ko di ko na binasa tinignan ko lang pictures. Naiinggit tuloy ako dun sa mga nananalo sa radio station ng tickets to Kylie concert, plus Aquaventure pass at kung anu-ano pa. Ang kaso naman di naman ako nagjo-join na kinakabahan kasi ako baka matalo lang ako heheheh.
Hindi naman talaga yan ang topic kasi hindi naman ako makakagala sa mismong araw na iyan, of course kailangang magbayad kasi para maki-join sa kanila. Ang iwewento ko lang eh gumala nga kami jan sa labas lang nyan at pumasok dun lang sa lobby. Tapos nagtingin tingin ng mga fishy fishy sa aquarium. La lang nakikigulo lang sa mga namamasyal lang din at nagkukuhanan ng pictures.
BAGONG PAKULO…
What is the Identity Card?
The ID card is an electronic means of identification that EIDA undertakes to issue for all the population of U.A.E. It is mandatory for each national or expatriate person above 15 years old. Coupled with sophisticated technological features, ID card is a safe and fine means for identification of persons and verification of their identities. It contains an ID number that links every individual to his/her own personal and biological lifetime data. The number in question serves as a reference for the respective individual in his/her identity-proved transactions with government bodies and some private organisations. It is expected that the ID card would, later, replace all currently applicable other identification means such as labor permit, health card, driving license, etc.
Kailangan ba talaga yan? Ang dami namang kung anik anik na naiisipan ng mga Arabo. Meron na akong forwarded application form pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gagawin ko pagkatapos kong ma-fill-up. December 31 ang deadline, ano’ng petsa na hindi pa rin ako nakakapagpa-register. Nalilito kasi ako dahil ilang buwan na lang naman ang ilalagi ko sa Dubai kaya hindi ko sigurado kung uubra kaya kung hindi ko na asikasuhin ito. O totohanin nilang pwede kang ma-deport dahil magiging invalid na ang labour card, credit cards, health cards at kung anu-ano pang cards na galing sa UAE.
What are the penalties for not obtaining the ID Card by 31st December 2008?
Emiratis, who have been able to register since 2006, face Dh1,000 fines if they do not obtain ID cards by Jan 1.
Expatriate professionals, including most residents with university degrees, without cards will not be fined until 2010, but have been told that they will not be able to access most government services, including health care, bank transactions and other government and semi-government services, after Dec 31 this year.
Additionally, employers will be also penalized for employing staff without the ID card.
Baka sa hindi ko pag-apply eh ma-charge ako ng sobrang laki. Minsan naman kasi ang balita kesyo tatapusin pa daw muna magsipag-rehistro mga nationals bago ang expat. Ngayon naman parang biglang may deadline na. OO nga’t 2010 pa deadline ng expats pero pa’no mo nga magagamit ang mga importanteng cards na un. Ayos din sa extension un ah meron namang kondisyones!
Eto pa ang matindi, may charges for enrollment? Di ko masyadong maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito:
What are the charges for enrolment?
- UAE Nationals: AED 100.
National under social security: free of charge- Residents:
- AED 100 for a year’s residence.
- AED 200 for two-year residence.
- AED 300 for three-year residence.
- GCC residents: AED 100 per year depending on the chosen period. However 5 years is the maximum validity time for the ID Card.
- For children below 15 years: the registration in the population register is mandatory, but issuing the card is optional. In case the parents wish to issue a card for a child below 15, the fees shall be: AED 50.
ID card Delivery fees: AED 15
Ang sabi kasi the card is valid for 5 years. So ibig sabihin kahit local ka magbabayad ka para sa card na ito kasi nga it would later replace cards such as driving license, labour permits, credit cards and health cards. Actually ang bali-balita hindi na daw later – kundi right after the given deadline eh un na ang magiging card mo replacing all those cards.
Nalilito na rin ako kung magkano ba talaga. Sabi ng iba 40dhs lang, dyan naman sa information pack na ni-paste ko dito aun nga 100 dhs for a year’s residence and so on and so on. Pataas ng pataas kung gaano ka katagal. My gulay! Since five months nal ang naman ang ilalagi ko sa makasaysayang Dubai – sana singilin lang ako ng kalahating presyo. Anyways, hindi pa naman ako nakakapag-apply. Meron na kayang mga UAE bloggers ang nag-asikaso ng kanilang eID?
O baka naman 40 dhs + the no. of years of residency + 15 dhs delivery fee. Mga mukhang pera! LoLz! Naglagay at nagdagdag ng Salik, iniba ang proseso ng pagvivisa, pamahal ng pamahal renta ng tirahan, pati pagkain at kung anu-ano pang bills, one villa one family campaign ek-ek – pero may bali-balitang tigil daw muna ang project na pagdedemolish dahil naubusan ng budget ang gobyerno… well, kaya siguro biglang nagka-deadline itong eID na toh kasi dito sila kukuha budget hehehe!
Sa Saudi, Oman, Kuwait, Qatar, Bahrain at kung saan-saang parte ng Middle East, ganito rin ba? May Identity Card din kaya?
Sa mga taga-Dubai na mahilig makinig ng radio on ur way going to the office or pauwi. Ano pinakikinggan nyo’ng radio station? Ako kasi virgin radio. Oops… na-libre plugging pa ah… Like ko kasi kahit papano updated din ang music.
Every morning naririnig ko ang contest nilang ‘the phrase that pays’. 2,500 dirhams ang magiging premyo masabi mo lang ang linyang dapat mong sabihin. Game kami since wala namang mawawala, hala ni-register ko ang number ko. Every morning talagang wish namin ng colleague ni papuch ko na sana kami naman ang matawag ng manalo din ng 2500.
Kaninang umaga, pinoy ang tinawagan sumablay siya dahil ‘hello’ ang pinambungad na sagot niya. Sayang! Sobrang kaming nanghinayang. Wish wish na naman kami ni colleague ni papuch na sana kami din tawagan sa ganung oras na umaga para alam namin kung tinatawagan kami.
12:30 kasalukuyang may letter na pinagagawa ang amo ko. May tumatawag sa akin landline. Iniisip ko kung eto na ba un? o baka naman hindi. Baka kliyente at mapahiya naman ako. Bulong pa ako ng “sino kaya ito?“ hanggang sa sinagot ko ang fone at sinabi kong “hello!“
Sumunod na pangyayari, laking panghihinayang ko dahil iyon na un chance eh pinakawalan ko pa. Na-realize ko din na di pala live ang pagtawag nila. Recorded pala kaya kahit sa umaga ako tawagan late ko rin pala maririnig. Sayang talaga! Ayoko na isipin na andun na ung chance nawala pa. Pera na naging bato pa! Hays! 2,500 na un bawi na sa pinambili ko ng lufftuff nung Friday! Iniisip ko pa naman kaninang umaga na sana ako matawagan para mabawi ko ung pinambili ko nun! Sayang! I’m so engot!
Ang mga ka-officemate ko naman upon learning my ka-engotan nagsi-register at practice ng practice ng required phrase para manalo ng 2,500. What a lucky yet unlucky person I am…

















