RhaPsoDy











{Thursday, April 23, 2009}   daily routine

Ikaw na naman ang kaharap ko. Lagi na lang ganito. Nauubos ang oras ko sa maghapon na pyuter ang kaharap at internet na lang ang laging pinagkakaabalahan. Pero nababagot na ako kasi wala na akong ibang magawa bukod pa sa mga nasabi ko. Mag-oonline sa plurk ng ilang minuto, magla-logout. Check ng FS, tingin ng updates, logout. Tingin ng ibang accounts ko sa kung saan saang social networking sites, konting reply sa mga pwends, logout. Check ng lahat ng emails ko… ang dami kong email id eh lol. Pero lagi naman may error ang YM bakit ganun lalogout na nga lang, error pa ang aabutin. Check ng wordpress, magbura ng bwisit na Spam, isipin kung paano ko ba maaayos ang engoticon na masyadong mataas kesa sa text. Ang sagwa kasi tignan eh!

Tapos makikita ko na lang 5:46 PM na? Gabi na naman ng hindi ko namamalayan! Magpupunta na naman ako ng kusina at magiisip kung anong iluluto, naks! Sa mga dati ko ng kakilala, wag nyo akong pagtawanan dahil marunong na akong magluto. Hahaha! Wag nyo lang akong titignan pag nagluto ako kasi mako-conscious ako panigurado palpak ang kalalabasan nun. :mrgreen:

Pagkatapos ng dinner, internet na naman pero di na alam kung ano’ng ise-search. Kahit mga hindi ko sinusubaybayang tele-serye na malapit ng matapos, bigla ko na lang maiisipang panoorin. Wala lang pampalipas oras. Tapos pag tinamad na matutulog na pero hindi naman makatulog. Nung isang beses 8AM patulog pa lang ako. Buti nagimprove naman kagabi kaya siguro 2:30AM ako nakatulog pero kinailangan ko pang uminom ng gatas. Mabuti naman at umeepek na uli ang gatas sa insomnia ko.

Bukas ganito na naman, tapos walang tulugan na naman.



{Saturday, April 18, 2009}   Bakit ganito?

Hay buhay! Bakit naman ganito?

Nung isang beses lang nagrereklamo ako kung bakit ang aga aga kong magising. Ngayon naman magrereklamo na naman ako. Bakit na naman? Eh kasi naman pa-late ng pa-late na ang gising ko. Nung isang araw 10:00AM, pwede… sumunod na araw, 10:30AM pwede pa rin.

Yung mga sumunod pang araw, 12:30NN. Pagkatapos kanina 1:15PM. Grabeh. Ibang klase kahit iwang bukas o patay ang ilaw sa room walang epekto, hindi ako nagigising. EH bakit ako tanghali nagigising? Kasi naman hindi ako makatulog. Kung minsan paikot-ikot lang ako sa higaan. Kung minsan naman papasyal pasyal ako sa room at cr. Hanggang sa tignan ko ang oras 4:30AM na pala. Minsan naririnig ko na ang pag-uumpisa ng Salah, ang ibig sabihin lang nun ay alas-singko na ng umaga at gising pa rin ako… waaaaaaaaaaaaaah!

Ngayon 12:15MN pero buhay na buhay na naman ang mata ko. Walang ka-antukang nararamdaman ang mata ko. Pati ang pagkain ko iba iba tuloy ang oras. Kanina nag-almusal ako ng 1:30PM, tanghalian ng 3:30PM (no choice dahil walang kasabay si A maglunch buti masarap ulam namin yehey!) tapos ang dinner ay 9PM. Kanina pa ako nagba-browse pero parang wala na akong alam na gawin sa internet, wala ng ma-browse kakasawa na, wala nang maka-chat dahil tinatamad din ako kung minsan. Mas madalas nawawalan na rin ako ng inspirasyon mag-blog pero ndi ko rin maiwan-iwanan. Gusto ko lang namang bumalik sa normal ang oras ng pagtulog at paggising ko. O di kaya naman, ito ay isa lang training dahil malapit na daw akong umuwi ng PINAS?



{Tuesday, March 17, 2009}   Ubo

ubo-ubo-uboAng pinaka-hate na hate ko sa lahat bukod sa constipation ay ang magkaroon ng UBO. Dyahe mare! Lalo na kung sobrang tahimik ng opisina tapos andun ang bossing, panay guys pa ka-opismeyt (landitay! buti na lang puro itutulak at walang kong kakabigin sa kanila), tapos ganito ako nag-iisang… ubo ng ubo. Simula nung bata pa ako kapag inubo ako may katagalan bago mawala aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo. Ilang banig ng tuseran man ang inumin ko wa epek pa rin. Kailangan ko pang tumungga ng cough syrup pagkatapos na walang mangyari sa capsules. Actually kung minsan nakakatatlong bote ako ng cough syrup bago tuluyang gumaling. Pero ndi naman nauubos ang ikatlo noh.

Kung bakit ba naman kasi ako naapektuhan nitong pagbabago ng klima! Akala ko ba strong ako. Ang throat tuwing gabi parang lumulunok lang ako ng bato, buti kung magiging darna ako at makakalipad muna saglit pauwi ng Pinas. Eh my golly pinapahirapan lang ako ng bato sa lalamunan ko (oi ndi goiter un ah!). Imagine mo na lang kung gasgas na ang lalamunan ko, papa’no naman ang boses? Syempre affected ang golden voice ko lolz! Paano na ang singing career ko? Bwahahaha!

Naalala ko tuloy nung nasa 2nd year highschool pa ako. Namalat din ako nun, at magkasabay pa kami ng bespren ko’ng malat ang boses. Kapag magbabayad ako sa jeep ine-extend ko na lang ang braso ko syempre iaabot na nung ibang pasahero un. Kung ayaw eh di magsasalita ako saka nila malalaman na wala palang boses na lumalabas sa akin. O di kaya naman mangangalabit ako ng pasahero para maibaot lang ang bayad. Si bespren naman ganun din, inaasar pa nga siya nung classmate namin at tinatawag siyang Inday Garutay bwahahahahah… Alala mo pa ba un?

Ngayon ang problema ko ay… Paano na toh eh may interview ako dun sa paliparan bukas? May boses namang lumalabas sa akin ngayon. Sa katunayan nga eh hindi masyadong masakit ang throat ko sa umaga hanggang 7:30PM (o dibah night shift kasi ung bato sa lalamunan ko eh!), pero naman may dear mejo semplang pa rin ang boses ko sa tuwing nagsasalita eh. Bedroom voice na sintunado pa, nai-imagine mo ba un? Pagkatapos may oras pa na bigla na lang mangangati ang lalamunan ko at hirap na hirap na ako sa pagkahol hanggang sa mag-init at mamula na face ko, ndi sa hiya kundi sa hirap sa pag-ubo. Hay kapagod! Paano ako mageemote ng boses kung hindi naman makikipagcoordinate ang boses ko? Sana bumalik na sa dati toh!



{Tuesday, January 20, 2009}   Kris’

Kakalungkot situation ng iba dito sa disyerto. Dami ng nawalang ng work. Ang frend na kasabay ko ng pag-aayos noon ng papers papunta dito na halos sabayan din kaming nagkaron ng work at visa dito, ika-cancel na daw siya next month. Next month is just like few weeks. Ang bilis pa naman ng takbo ng oras. The next day you wake up you’ll just realized na last day mo na pala sa work. It could happen to everyone pero syempre we all should be positive. And pray na hindi sana mangyari un sa atin. Pero mangyayari din sa akin na mawalan ng work kasi nga noh di na ko papa-renew sa company namin.

December is really one of the toughest month for me. Magulo utak ko nun. Kasi nga dibah bakasyong grande ba naman ako na hindi sigurado kung mababawasan ba ang sweldo namin o hindi. Kasabay pa niyan si papuch magtatalong buwan na nung hindi napapasweldo. At sinabihan pa silang magsasara na daw ang kumpanya. Mygosh! Isang buhos un na parang gusto ko nalang pauwiin si papuch sa kanila. Tapos ako din uuwi na rin tatapusin ko lang contract ko.

Si bespren above gumawa ng paraan. Sobrang lungkot at gulo ng isip ko nung December. Na-overjoy naman ako nung January. Hindi naman oa na saya pero thankful talaga ko kay bespren above kasi ginawan nya ng paraan lahat. Nakuha ko nga dibah ng ayos ang sweldo ko with matching increment. Si papuch naman, tinawagan daw sila ng bossing nila at binigay na kahit ang dalawang buwang sweldo. At least isang buwan nalang ang utang sa kanya hehehehe. Tapos hindi na daw muna isasara ang kumpanya. Pababangunin muna. Wish ko lang maging ayos ang business nila para hindi rin naman maapektuhan si papuch at syempre ang mga katrabaho nya.

Wish ko din na sana matapos na ang global crisis na ito!

grabe na tlga ito! Kaninang umaga ko lang ginawa itong post na ito. Nung tanghali eto na meron na naman bad news. Ang karoommate ko naman ang isa na namang naapektuhan ng krisis na toh! Hanggang isang buwan na lang sila sa company pati daw ang amo niyang super tagal na sa company, wala na rin. Di niya alam kung nagresign o natanggal. Hay naku! Tama na sobra na, nakaka-upset na eh!



{Monday, December 1, 2008}   seryosong usapan

Ikaw ngayon ang bida pugak! Dapat mo rin akong pasalamatan dahil itinago ko pa rin ang tunay mong identity. Masaklap nga namang makita pa nila sa friendster ang mga litrato ng isang taong ipinanganak sa isang napakabangong lugar (o bagay o basta ano nga ba un? Lolz)


2nd: woist.. gising
2nd: hahaha
2nd: tara mag negosyo na lng
2nd: haha
2nd: gusto ko na nga lang magnegosyo sa pinas eh
2nd: taz work
2nd: diba
2nd: gusto ko magkaron ng comp shop
ako: oo pero wla naman pampuhunan
ako: un ang masaklap dun
2nd: un nga lang
2nd: gusto ko nga sabhin sa mama
2nd: mag retire na sya sa work eh
2nd: pra un makukuha nya
2nd: pang puhunan
2nd: hehhe
2nd: kaso wawa din naman mama ko
2nd: wla nang libangan
ako: oo nga kaw tlaga hayaan mo na sya noh
2nd: hahaa
ako: at ska pera niya un hayaan mo siya magdecide kung ano gagawin niya dun if bibigay sa yo o sa utol mo at kung para sa utol mo un tanggapin mo ang masaklap na katotohanang ndi ka mahal ng nanay mo dahil ampon ka lang bwahahahaha
2nd: :( (
2nd: =))
2nd: <— H**** C****** II
2nd: H**** C****** II <— the 2nd
2nd: H**** C****** II <— JR
2nd: HAHAHAHAH
ako: explain explain ka pa
2nd: whaaa
2nd: hahahaha
2nd: empre
2nd: hehehe
ako: guilty ka noh takot ka hahaha
2nd: hahaha
2nd: nde 22o na pinulot lang ako sa tae ng kalabaw
2nd: :( (
ako: totoo un.. langaw nga ang pumulot sa iyo eh kaso ang bigat mo kaya nabagsak ka nasalo ka lang ng tumatayong nanay mo ngayon
ako: lolz
2nd: nyaaa….
2nd: gnun ba un kaya marami pa rin langaw na sumusunod sken ngayon
2nd: :-S
2nd: hahaha
ako: ayun at least nasagot na ang misteryong bumabalot sa pagkatao mo
ako: ang mga langaw pilit ka pa ring gustong hatakin sa mundo nila
2nd: o nga noh
ako: pero dahil mas malaki ka na mas lalong di na kaya ng powers nila
2nd: kaya pala may kaligayahan sa aking puso pag nakakakita ng FUFU
2nd: =))
ako: hindi kaya ikaw din ang nangangamoy noon sa school ninyo nung elementary ka
ako: kasi mas malakas pa ang kapit ng amoy noong kabataan mo pa? pero habang tumatagal unti unti daw nababawasan ang tindi ng amoy ng pinanggalingan mo
2nd: ahhh…
2nd: ganun pala un
ako: yes my plend
2nd: kaya pala dati kala ko palagi ako nakakatapak ng fufu
2nd: hahahaha
ako: oo at ndi mo alam ikaw pala ung nangangamoy
2nd: ako pala un :-?
ako: mabuti ndi ka natapakan ng mga tao noon
ako: heheheh
2nd: =))
2nd: haha
2nd: kse naman naisip ko pa magnegosyo
2nd: ayan 2loy nalaman ko ang masaklap at mabahong katotohanan



{Sunday, October 19, 2008}   The week that was…

I had my hair cut the other week. Sumasakit na kasi ulo eh. Tapos parang hate ko na ang sobrang haba na buhok. Feeling ko para na akong bruha at super init pa. Isang taon ring walang gupit un kaya humaba. Mejo mabagal pa nga ang paghaba ng buhok ko. Sa isang taong walang gupit kahit man lang konting trim eh hindi man lang umabot hanggang tuhod buhok ko, o kahit sa pwet. Hays. Noon pa naman gusto ko talaga ng super habang hair. Mahirap lang i-maintain kapag super haba ng hair lalo na’t nagiging pasaway na kung minsan ang buhok. Pero parang lately kasi biglang naisipan kong paigsiin buhok ko. Gusto ko sana ung maikling hindi lalagpas ng balikat. Pero wag na takot ako kasi baka mag-fly away.

Lagpas balikat pa rin naman ang buhok ko. Pero kapansin-pansin pa rin na umigsi. Dalawang boss ko ang nakapuna. Ang among lalaki na nagsisimula ng magkwento ng pangyayari para sa ipagagawa niyang sulat para sa akin, biglang natigilan at napatingin sa akin. Maya maya nagtanong kung binago ko daw ba ang buhok ko. Tumango ako at nag-smile. Maganda daw at nagmukha akong prospesyonal. Toinkzzzzz! Kung pwede lang mambatok ng boss ginawa ko na talaga. Walang wenta kasi eh namuri pero pang-asar. Sana ang sinabi niya, lalong na-enhance ang byuti ko at mas naging super duper professional looking lalo ako, kamukha ng isang Manager ng isang kumpanya.

V’s birthday celebration Thursday night. She’s my bestie’s cousin and a good friend of mine. Naging close lang yata kami dito sa Dubai – kahit tatlong beses pa lang kami nagkikita dito. One – when we took her out on a road trip at magpapicture picture siya. Second – when we scheduled spending time out together, eat out at magchikahan. Third – that night, nung birthday niya. Sabi ko ayokong uminom pero pinainom nila ako, bakit sila ganun? Mabuti na lang patikim tikim lang ako ng pulang kabayo, Nung tinatamaan na ako ng sipa tanggi na talaga ako ng tanggi. Hanggang sa humupa na ang namumula kong mukha at buong katawan.

Palpak na naman ang proyekto nila! Di na ako magkkwento ng mahaba tungkol dito. Isa kasi itong kasiraan para sa kanila na taon taon nilang sinasadya. Wonder why di sila marunong mahiya? Anyways…



{Thursday, October 16, 2008}   plurkie plurk

Naisipan ko lang namang gawin ito. Gaya ng napapansin ng iba, madami talagang mga blogista ang parang mga kabute. Oo nga may mga bago na kasing pinagkakaabalahan ang mga magaganda at gwapong ka-blog natin. Hmmmn… minsan gusto ko nga malaman ano ba mage-gain natin sa Plurk? Karma *taas kamay ko!*. Yes gusto ko ng karma! Nakakaaliw kasi ang mga engoticons daw! At friends nga naman siyempre.

Hindi ako ganun ka-active sa Plurk. Naimbitahan lang ni Diva kaya napasilip na din at nakikigulo paminsan minsan. Kaya nga ako laging kulelat pati na sa karma dahil nga pasulyap sulyap lang ako sa mundo ng Plurk isa kasi akong huwarang empleyado, hihih. Dahil sa pagiging laging huli sa pagpasok nasabihan pa’ng pagong ni machong azrael. Kung hindi pa sa tulong ng mga friendly plurk-addict na gaya nila joy (na laging nangunguna sa pagko-contribute sa ikaka-ahon ng karma ko), artistahing si mumu at ang loveteam nyang si kirksydney, sistah timi, sommer sault, ana, burinj, lhay (na dyosa daw ng plurk) at potpot.

Curious lang ako…



{Tuesday, October 14, 2008}   Avez-vous jamais eu un cauchemar?

Paglingon ko sa bandang kanan ng bahay na iyon, nakita ko na ang unti-unting paglaki ng baga kasunod ang pag-aapoy ng isang parte ng bahay malapit sa kinatatayuan ko. Senyales na magkakaroon na ng sunog kung hindi agad maapula ang apoy. May nakita akong hose. Kinuha ko agad iyon, binuksan ang gripo at itunutok sa apoy hanggang sa maubos ang apoy. Buti na lang maagap ako. Hindi na tuluyang lumaki ang sunog.

Dumami ng dumami ang tao sa paligid ko. Lahat nagkalat sa isang malaking bulwagan na may mga escalator. Ang iba pababa, ang iba naman paakyat sa mas mataas na palapag. Maya’t maya may naririnig akong boses ng lalaki. Parang nasa Airport o Mall na nagpe-page ng mga pangalan ng mga taong nandun. Paisa-isang nagbabanggit ng mga pangalan. Napansin ko na lang na nagmamadaling tumakbo ang babaeng tinawag. Kilala ko siya pero hindi ko na matandaan kung sino siya. May tinawag na namang pangalan ang mahiwagang boses ng lalaking iyon. Read the rest of this entry »



{Sunday, October 12, 2008}   two or six???

Bakit kaya inip na ako? Anim na buwan na lang pero parang ang tagal tagal pa. Naalala ko pa ung mga panahon na talagang handang handa na ako’ng magsend ng resignation letter sa company. Masyado akong nagpapadala sa pressure nun. Masyado akong naging weak. Masyado rin akong naging palaban kay babaita. Would you believe nag-uusap na ulit kami at nagbobolahan, complementing each other? sooooo orocan!!! heheh! Yun yata para sa akin ang pinakamabagal na takbo ng panahon. Di ko nga ma-imagine na mabilis palang lilipas ang araw. Nakadagdag pa sa pagdedelay ng pagreresign ko nun ang paghihintay sa komisyon. Sa awa ni bestfriend ko sa taas naibigay naman. Umabot lang ng matagal pero at least naibigay na rin. Lalo nga lang lumabo ang pagdedesisyon kong iwanan ang kumpanya dahil useless na rin. Kung iisipin mo mas maigi pang hintayin matapos ang contract kesa magresign. Dahil may ilang buwang notice pa muna bago ako makaalis ng maayos sa kumpanya.

At dahil tatapusin ko na nga lang ang kontrata, anim na buwan na lang ang hihintayin ko. Makikita ko na naman ang Pinas. Sarap nun. Kailangan ko ng mag-ipon ipon habang maaga dahil baka ilang buwan din akong tumigil muna sa Pinas. Nag-iisip ako kung ano ba ang gagawin ko…

Read the rest of this entry »



{Tuesday, September 23, 2008}   chopseuy

Dibah ang sarap sa feeling kapag pinuri ang niluto mo? Lalo na sa katulad kong hindi naman talaga marunong magluto, at nagdudunung-dunungan lang. Maraming beses akong sumablay at sumasablay pa rin sa pagluluto. Kasalanan ng mudra ko hindi ako tinuruan magbukas ng gasul at magluto! Tinuruan lang ako kung pa’panong masanay na tuwing umaga na handa na ang baon ko at ilalagay ko na lang sa bag. At syempre kumain. Ganun kasi mag-asikaso ang mudra namin, kaya lumaki kaming (o ako lang ba?) sobrang dependent sa kanya. Kaya naman matanda na nung matutong magbukas ng kalan, maggayat ng gulay, at magluto.

Okay, okay humaba na masyado ang kwento. Ang gusto ko lang naman sabihin – naiinspire ako kapag pinupuri ang luto ko! Heheheh. Nung bago palang kasi ako sa disyerto parang naiinis yung iba sa akin. Di naman lahat, un lang mga di ma-gets kung bakit sa edad kong un eh di pa rin ako marunong sa gawaing-bahay. Itapon ko na lang daw ung niluto kong champorado este sinangag. Kasi daw sobrang alat saka mukhang champorado sa sobrang daming toyong naibuhoslagay ko. Eh first attempt ko nga un ng pagluluto ng champorado este sinangag! Reklamo pa sila buti nga binibigyan ko sila! Anyways, nagtiis na lang akong magluto ng itlog, noodles at hotdog. Pati yang hotdog na ‘yan ndi ko pa maperfect. Sunog na kasi sa labas pero sa loob hilado pa daw? Eh kaya naman pala ung apoy kasi pasaway masyadong malakas. Hmmpppfff!

Read the rest of this entry »



{Tuesday, September 9, 2008}   bagong bahay

Ang pangpitong bahay na natirhan ko sa Dubai ay isang studio flat. Malamang dalawang taon na rin ang building na iyon dahil pansin ko sa mga bagong studio flat na itinatayo ay open lang ang kitchen. Walang pinto, bahala ka na dumiskarte kung pano mo ihihiwalay ang kusina sa kwarto. Pero dahil nga parang hindi luma at hindi rin bago ang building, may pinto naman ang kitchen at gumagana naman ang mga exhaust fan. Ang sarap na sanang magtagal dito pero kung sakaling dumating ang isang araw at naglipat na naman kami iyon ay dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Read the rest of this entry »



{Sunday, September 7, 2008}   Patsy, Patso at Pera ni Maldita

GOD is really good! Hindi na namin inaasahan na magbabalik pa si Patsy sa Dubai. Hindi na rin namin inaasahan na kokontak pa sa amin un lalaking jowa daw ni Patsy na pangalanan ko na lang na Patso (lolz). Last Thursday tumawag si Patso at ibinalitang dumating na sa Dubai si Patsy. Pinagsabihan niya din daw si Patsy na sana ay hindi siya gumawa ng ganung problema sa amin. Sinabi niyang kapag hindi pumayag si Patsy na ibigay sa amin ang pera, tawagan lang daw siya para masamahan kami kung saan man si Patsy (cguro kung san nakatira ganun).

Dalawang beses nung umaga ko siya sinubukang tawagan pero hindi niya sinasagot. Nung hapon na wala na akong ginagawa, naalala kong tawagan ulit siya. At nakausap ko na nga si Patsy. Pormal lang ang boses ko. Ang sinabi ko lang sa kanya ay “Ano’ng nangyari?“ tanong niya kung nasaan ako. Siguro ang akala niya nasa labas ako ng kumpanya nila hahaha baka naibalita ng carlift at kasamahan niya sa trabaho ang tungkol sa pagtawag ko asking infos about her or where she’s working. Ang sagot niya “Nasa ospital kasi ako eh.“ Tinanong ko na ang tungkol sa deposit namin. Ibabalik niya naman daw iyon. Kataka-taka dahil wala na sa boses niya ang tonong kulit na kulit sa akin, ganun kasi siya noong sinasabihan namin na babawiin na ang deposit eh. Napakababa na ng boses niya na parang aminadong may kasalanan siya. Sinabihan kong sana nakinig siya sa amin nung kalagitaan pa lang ng buwan para hindi na umabot ng ganun kalaki ang problema.

Read the rest of this entry »



{Thursday, September 4, 2008}   moving on

“Alam mo naiinis nga ko sa sarili ko ang babaw ko tlga. Aba naluha na naman ako kanina, naisip ko kasi parang kawawa naman tayo. Hay! Pakisampal na nga ako mamaya para maka-move on naman ako.” - Rhapsody

Na-email ko lang sa friend kong si A yan kahapon. At ewan ko ba dahil pagkabasa ko ng reply niya naluha na naman ako. Pwede na talaga akong maging dramatic actress napakababaw kasi ng luha ko eh. Isipin mong sa mga words lang pwede na akong maiyak. Umiyak ako sa mga comments at email na nareceive ko. Naiyak dina ko sa text ni Mudra na wala naman sinabi kundi ang palakasin lang ang loob ko.

“Wag kang mag isip ng ganun. Part of life lang naman talaga ug struggles diba. Isipin nalang natin na may mga taong mas mahirap pa ung situation kesa sa atin. Ung pera, mahahanap yan, mapagtatrabahuan yan. Kesa wala tayong problema like sa bahay or something but may sakit naman diba? Ganun lang un, think positive lang tayo palagi. Cheeer up lang, may tfc na tayo soon, yan at least may libangan tayo diba.” - A

Pero tama naman lahat ng sinabi nila at ninyo. Part na talaga ng life ung mga dumadating na struggles sa buhay natin. Maswerte pa nga kami dahil hindi kagaya ng ibang tao na kalye ang nagsisilbing bahay nila. Ang iba naman dahil sa kawalan talaga ng pera, basura ang hinahalungkat para pagkakitaan. Mas worst pa, ang iba basura ang hinahalungkat para duon kumuha ng pagkaing ibinasura ng iba. Maswerte pa rin kami dahil tinulungan kami ni God na makahanap agad ng malilipatan ora mismo ng gabing iyon. Noong huling beses kasi na naghanap kami ng bahay, isang buwan ang itinagal wala kaming nakitang pwedeng paglipatan. Maswerte pa rin kami dahil si friend na nagsabi ng mga salitang ‘yan sa itaas ay may natatagong pera para ipang-abono muna sa lilipatan naming bahay. Paano kung wala? Move on na Rhapsody, “kalimutan na ang mga pangit na pangyayari at ipagdasal na lang sa Diyos ang lahat” Rhap’s mudra



{Thursday, August 28, 2008}   palamig

We might go out tonight. Kung saan? Still not decided where. It’s just that lately masyado kaming nate-tension sa bahay. There is (or maybe… are?) a BAD ENTITY surrounding the area and if we stay home, I might lose patience and kick her ass! If only I don’t have respect for people older than me. Considering that her already-married-and-not-Filipino (illegal?) partner here is nice to us, it’s just so sad that compared to that guy our own KABAYAN can be so selfish and rude towards her own race which is by the way from my own city back home. That I’ve learned from one guy who’s working in the same company as the Egyptian guy.

For a week or two, I kept calm and just tried to adjust on her ways of showing her irritation towards us. We don’t even have a single clue why she’s acting like that and keep on saying nasty words indirectly. Coward that she is, she is just talking cheap. She should have slapped our face with those words. She’s also banging all things that touched her hands. She’s nagging like a crazy dog! I can’t understand what we did for her to act so rude to us. Ang babait at tahimik lang naman namin.

So God forgive me if I can’t contain the hatred anymore and did to her the troubles she’s giving us. I did not confront her kasi she’s just indirectly telling us what she don’t want us to do. I did the same thing as what she is doing. If she reacts, then it means she’s guilty.

Pero minsan tinatawanan na lang namin ang ka-malditahang ginagawa nya hahahaha! Pero kainis talaga!!!! Grrrrrrrrrrrr! I don’t know if I need to be specific sa pagkukwento kasi ang daming details… waaaaaaaahh! I want to shift!



{Wednesday, August 27, 2008}   Photo-inspire Me

I’ve been tagged by brainteaser to compose a Picture-inspired poem! Nung nasa hayskul pa lang ako ang hilig kong magsulat sa likod ng notebook at sa mga scrap notebooks ko ng kung anu-anong linya. Kapag feeling ko brokenhearted ako over something (or someone!), I’ll just scribble lines and somehow I felt it eases out my worries.

I am really not good in poetry, be it in English or Tagalog. I just don’t have the talent heheheh! But anyway, I think I should not use that as an excuse not to do this tag. This meme is actually challenging! Lucky me! Coz I already made something like this before…. And I’m just gonna re-post it hehehe.

Read the rest of this entry »



et cetera