feeling expert

Isa sa mga walang kwentang post kong pumapangalawa sa dami ng hits ay ito. At sa tuwing napapagawi ang mata ko sa Dashboard hindi nawawala sa Search Engine Terms ang mga kataga at katanungang ito:

  • Paano ba tumaba/magpataba/tataba/maging mataba?
  • Ano’ng vitamins ang pampataba? (na siya ring title nung entry!)
  • Side effects ng *pangalan ng vitamins*
  • Vitamins na pampadagdag ng dugo
  • Gusto kong tumaba
  • At kung anu-ano pang patungkol sa topic na yan

‘Yan na lang ang mga naaala ko pasensya na. Sa abot ng aking makakaya, susubukan kong sagutin ang ibang mga tanong na alam ko namang hindi ko talaga kayang sagutin lolz! Tulong naman. Ang iba kasi sa mga nagtatanong hindi ko na masagot kasi hindi ko naman talaga alam ang isasagot. Ang iba naman ay nasagot ko pero hindi ko alam kung nakatulong ba ako o nakadagdag lang ng frustrations nila lolz! Ang sabi nga ni Salve:

“Parang wrong term ang ginamit nung nagtanong. dapat siguro anong vitamins ang makakapag-improve ng appetite.”

Tama nga naman… kulit kasi nitong mga nagtatanong na ito eh. Pati tuloy ako nagkamali dahil ginamit ko mismo ang tanong niya as title ng entry. Sabagay pwede naman magsorry, sabi nga ni KC sa daddy Philip niya sa For the First time “pasensya na tao lang.”

Noong 2006 hanggang early 2007 sobra talaga akong payat. Walang tyan na bumubukol at walang bilbil kahit katiting. Gusto ng patunay? Pumunta sa friendster ko at halukayin un pinakailalim at mga lumang pictures, un ay kung meron nga akong nai-post na whole body shot. Parang wala yata puro mukha lang un eh. Pwede naman i-base sa mukha, maikukumpara sa lubog na pisngi ko noon na ngayo’y malaman na. Anyways, ito na ang Q & A portion ng mga payatot na katulad ko na sobrang pinilit kong ientertain pero nahirapan ako. Sana may maligaw na blogger/nurse/health guru dito na pwedeng makasagot ng mga katanungan nila.

Mickey says:

“Kahit ano’ng vitamins hindi pa rin ako tataba! Ewan ko kung bakit hindi pa rin ako tataba gusto ko kasing tataba ako kahit kunti lang!… pls give me an advice!”

me says, para tumaba ka magvitamins ka… nabanggit ko na dyan sa entry ko… kung unhealthy way ang gusto mo para mag-gain ka ng weight, junk foods ang sagot hehehe…

Emife says:

“Lahat din ng vitamins na pampataba na-try ko na… propan, mosegor, appevon kaso pag nag-stop na ako sa pag-inom bigla uli ako napayat, ano ba mabisang vitamins na kahit magstop sa pag-inom di naman papayat at babalik sa dating kapayatan ang katawan ko, tnx!!!”

Diana Rose Fantony says:

“Pare-pareho pala tayo ng problema… ako I have to eat 6 meals everyday para ma-maintain ko ung weight ko na underweight… hay cguro pag 3 meals ako kumain, magiging malnourish na ako… magskip lang ako ng meal, pumapayat agad ako. this is my worst problem. I don’t know what to do anymore. Lahat na rin ng vitamins na-take ko. Walang nangyari. May Jurassic kaya sa loob ng tyan ko? LOL…”

Jonathan says:

“Uy thanks ha ngaun alam ko na na kung anu ung vitamins na iinumin ko kasi ang payat ko eh cge thanks”

me says, cge subukan mo yan… pero meron din akong nalamang isang proven vitamins, di siya nakakapagpadagdag masyado ng weight pero effective kasi nakakatulong naman siya sa health… un ay ang Fern-C…

Sam says:

“Marami narin akong na-take na vitamins, gaya ng enervon c, profane, kahit nga sa mga herbal medicines like virgin coconut oil, hindi pa rin ako tumaba? Plsss help me!”

Jamie says: (rhap feels so tamad to edit their comment, so copy-paste na lang!)

“grabeh buti nga kau sasabihan lang ng payatot.. aq s sobrang payat addict ang twag skin dahil pti cheeks q lubog n.. nasabihan nrin aq n kapatid ni pepe smith.. ang sakit non pra s isang babae! ngcentrum nko pti stresstab sabay un.. tpos para daw aq ngtratrabaho s construction s sobrang gana at lakas kong kumain.. lately twag nila skin c olive oil.. kakainbis tlga….. gusto q tumaba. I mean sinasabi nila aq daw ang susunod sa yapak ni pepe smith…bka nmn my mkktulong skin jan kung pano mg pataba ”

me says, nyaaah ganyan din ako dati nung nasa Pinas pa ako. kahit gaano ako kalakas kumain ndi ako tumataba, inihalintulad ako kay olive oyl at saka un nga payatot daw ako.. ang masakit pa, nasabihan ng mga babaeng tambay sa kanto namin dati na, model daw ako ng palito! kainis dibah… anyway, nung nagabroad ako dun ako unti unting nagkaron ng laman. sa tingin ko bata ka pa naman kaya natural lang yan… masyadong malakas ang metabolism mo. magtry ka lang magtake continuously ng vitamins, try mong magconsult sa doctor. mahirap din kasi ang basta basta na lang subok ng kung anu-anong vitamins na pampadagdag ng laman, paano kung may side effect pala un.

Olive says:

“hi! Hehe… are you sure na centrum talaga effective pampataba?? I want kse na madagdagan weight ko!!! Kse parehas na kmi ng bf q na tatot!! 11 nga tawag samin!!hehe!!!!!!!!!saka gus2 ko magkaroon ng laman at lumaki mga braso ko!!!anu b dapat?”

Ghel says:

“Uy lahat sila sinasabi ang payat payat ko??? ang totoo gusto ko naman talagang tumaba… ang lakas ko ngang kumain pero wala pa ring nadadagdag sa timbang ko.. madalas pa kong matulog… ano bang gagawin ko para tumaba???? huhuhu.. pls help me… text if you can help…. salamat po…. 09095629352.” — i-display ba ang number! txtmate anyone??? lolz!

Another one from Ghel: “may specific diet ba para sa mga gustong tumaba?? para maiba naman?? lagi na lang kasing pampapayat eh.. paano para sa mga gustong tumaba naman?? salamat… text me…..09095629352″ — at idinisplay na naman!!! lolz!

And another one: “hello i’m 19 and i’m not satisfied sa timbang at katawan ko… parang di ako 19 year old girl.. minsan pa nga sabi sakin ng lola ng bf ko.. mukha ka lang 15… huhuhu… paano ba tumaba??? kindly help… pls??? text me…09095629352″ —na naman?????!!!

And still another one: (di naman siya demanding noh?) “effective nga ba talaga ung Appeton??? i mean yung weight gain milk yata yun??? 3 months na two glasses ang iinumin?? totoo kaya yun?” — ayun napagod din sa wakas!

me says, Hi ghel! I’m no expert on health. But no worries coz I will conduct an extensive research for your benefit. naks hehehe.. it might take me some months, just bear with me… lolz. Me thinks… kailangan ko yatang mang-interview ng mga health expert nito to give a factual information sa mga curious kung papano madagdagan ang timbang ah!

Sandy says:

“Hi girls!!! Ako rin gusto kung tumaba. Nasubukan ko na ang Centrun complete at saka ang vitamins c wala pa ring nangyari. Sabi nga ng auntie ko mukha na daw akong stick!!,, haha sabi ko atleast sexy. !.. Actually guys my cousin recommend me to take mosegor dahil yan din ang ininum nya at effective naman, sa ngayon namrublema sya pano pumayat.. Haaay sana effective sakin ang mosegor para may laman naman ako ng kunti. As of now parang ang sarap matulog at kumain lng ng kumain… good luck sa ating gustong tumaba!!!”

Continue reading