Avez-vous jamais eu un cauchemar?


Paglingon ko sa bandang kanan ng bahay na iyon, nakita ko na ang unti-unting paglaki ng baga kasunod ang pag-aapoy ng isang parte ng bahay malapit sa kinatatayuan ko. Senyales na magkakaroon na ng sunog kung hindi agad maapula ang apoy. May nakita akong hose. Kinuha ko agad iyon, binuksan ang gripo at itunutok sa apoy hanggang sa maubos ang apoy. Buti na lang maagap ako. Hindi na tuluyang lumaki ang sunog.

Dumami ng dumami ang tao sa paligid ko. Lahat nagkalat sa isang malaking bulwagan na may mga escalator. Ang iba pababa, ang iba naman paakyat sa mas mataas na palapag. Maya’t maya may naririnig akong boses ng lalaki. Parang nasa Airport o Mall na nagpe-page ng mga pangalan ng mga taong nandun. Paisa-isang nagbabanggit ng mga pangalan. Napansin ko na lang na nagmamadaling tumakbo ang babaeng tinawag. Kilala ko siya pero hindi ko na matandaan kung sino siya. May tinawag na namang pangalan ang mahiwagang boses ng lalaking iyon. This time, sa ibang direksyon pinapunta ang babae. Napalingon ako kasi lumabas siya ulit ng pinto. Kilala ko siya kaklase ko siya nung elementary. Pero dahil nagmamadali siya at ako ay nasa mas mataas na palapag bukod pa dito ang focus ng mukha niya ay dun sa mga empleyadong nasa loob ng counter, hindi niya na ako nakuhang mapansin. Basta ang alam ko lang nakangiti siyang nagtatanong kung talaga bang dun siya dapat sa pintong iyon pumasok. Hindi ko nakikita ang mga tao sa loob ng counter pero sa palagay ko ang isinagot nila ay ‘OO’. Ganun daw talaga kapag mabait kang tao, dire-diretso lang ang proseso. Approved daw kaagad at hindi ka na dadaan pa sa screening.

Hindi nga ako makapaniwala nun na mababait palang tao ang ibang kakilala o kaklase ko gaya na lang nung dalawang babaeng naunang nakapasa. Kung saan sila pumasa hindi ko pa rin sigurado. Sumunod narinig kong tinawag ang pangalan ng dalawang tao. Isa sa binanggit ang apelyido ko. Tuwang tuwa naman akong lumakad papunta sa kung saan ako hatakin ng paa ko para hanapin kung nasaan ang pintuang papasukan ko. Pero bigla akong nadismaya nung binanggit ang buong pangalan nung taong ka-apelyido ko, sabay sabing hindi ikaw ‘Rhapsody’. Laking pagka-dismaya ko.

“Dapat matutunan nating kalimutan ang mga galit na naipon sa puso natin.” Sabi ng dalawang taong nag-uusap sa tabi ko. Nalilito ako hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko judgment day na iyon. Iniisip ko ng mga oras na iyon kung naging masama ba akong tao kaya hindi pa rin tinatawag ang pangalan ko?

Maya-maya bigla akong nakaramdan ng hapdi sa dalawang binti ko. Natakot ako nung nakita kong may dalawang nakatusok na matatalas na bakal sa binti ko sa may bandang paanan. As in tumusok talaga sa balat at laman ko. Dugo ng dugo ang magkabila kong binti. Sobrang sakit talaga. Natataranta na rin ang ibang tao. Hindi ko na rin alam kung mamamatay na ba ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hinihintay ko na lang kung ano pa ba ang susunod na mangyayari. At kung ano pa ang pagpapahirap na mararanasan ko. Hinihintay ko na rin na panawan na lang ako ng ulirat dahil hindi ko na talaga kaya ung kirot sa tindi ng pagkakatusok sa laman ko ng bakal na iyon. Napansin ko pang may nakakabit na tali sa dalawang bakal. Anytime pwede akong hatakin ng kung sino mang gumawa nun sa akin. Kung magkakataon tanggal ang balat ko sa binti o kung hindi naman patihaya akong makakaladkad.

Sa puntong iyon ko na nalaman na judgment day na nga! At isa ako sa mga taong makasalanan na dapat parusahan at hindi kailanman makakapasok sa langit. Huli na para magbago pa ako at tanggapin sa Heaven.

“How am I supposed to breathe with no air…“ poohtek! Alarm ko ‘yan eh. Pero pasalamat na rin ako. Buti na lang nagising pa ako sa kakaibang panaginip ko na yan kaninang umaga bago mag-alas sais ng umaga. Dahil kung hindi na paano pa ako magpapakabuti nyan baka tuluyan na akong napunta ng Hell.

Ikaw, binangungot ka na ba? Actually, ganyan talaga ang ibig sabihin nung title, feel ko lang magmarunong. Kunwari fluent ako in French.

Noh kaya ibig sabihin ng panaginip na ‘yan — me wonders…

About these ads

5 responses to “Avez-vous jamais eu un cauchemar?

  1. jojitah

    eeekkkk!!! kala ko totoo! hindi ko ma-decipher ang inyong dreamlalu. hm.. sumangguni nalang tayo kay madamme rosa {gasgas na si madamme auring}

    ako takot bangungutin hindi nga lang halata kasi ang lakas ko kumain sa gabi. har har har. ;)

    OT: ay lab you’re font dear, kambal tayo. hihihi… adik ako ngayon sa century gothic. ;)

    Rhapsody: kapatid! hotline si madam rosa eh di ko ma-contact lolz! lola napuno ka na talaga ng blue curlers hehehe ang kyut!

    actually, trebuchet ang ginamit kong font. ewan ko kung bakit kung minsan nagiging century gothic, pero oks na rin kasi nagustuhan naman pala ng diva…! :D

  2. ifoundme

    hahahaha! tumpak! parang bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi na andun si papa piolo…. sobrang na appreciate nya ako at binigyan ng hug at ginawa kong big deal yun pagkagising ko…. hahahaa!

    Rhapsody: ang sabi ng iba, kapag nanaginip ka daw ng artistang lalaki (kung ikaw ay babae), ang ibig daw sabihin nun mahal ka ng iyong boyfriend o asawa :D

    gawin bang big deal hahaha. na-feel mo cguro ang hug ng isang hunk na papa piolo noh?

  3. ELIment ⋅

    ay panaginip lang pala! alamin natin ang number na katapat ng panaginip mo at taya tayo sa lotto. hehe

    Avez-vous jamais eu un cauchemar? ngayon ay alam ko na ang ibig sabihin nito. dapat pala may arabian-tagalog dictionary ka. hehe

    —– galeng ng mata mo..nakita mo ang sekreto ng painting.hehe tnx

    Rhapsody: weeeeeeeh! tama ako? hehehe… mahilig ako sa mga ganyan, hahanapin ang mga nakatagong image :D

    french po un ah… ung arabic-tagalog minsan mangunguha ako sa jaryo at ilalagay ko dito hehehe…

    bilib ako sa mga taong magagaling mag-interpret ng panaginip, sana ako din may knowledge na ganun at malaman ang katapat na numero, sagot un sa pagyaman natin hahaha.

  4. gmac ⋅

    hala. baka naman may ibig sabihin ng dream u rhap? anyways good thing maliaw pa lahat sa iyo at naalala mo ung panaginip mo. ako pagkagising ko meron akong naalala pero hindi full details.

    Rhapsody: paminsan-minsan nangyayari talaga un na sobrang naaalala ko lahat sa panaginip ko, kagaya nyang panaginip na yan.

  5. Quel reve! J’ai pense qu’il est pour vrai.

    :lol:

    Rhapsody: Non! ce n’est pas mon ami! C’est juste un rêve!

    bwahahaha! ansosyal natin ah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s