Photo-inspire Me


I’ve been tagged by brainteaser to compose a Picture-inspired poem! Nung nasa hayskul pa lang ako ang hilig kong magsulat sa likod ng notebook at sa mga scrap notebooks ko ng kung anu-anong linya. Kapag feeling ko brokenhearted ako over something (or someone!), I’ll just scribble lines and somehow I felt it eases out my worries.

I am really not good in poetry, be it in English or Tagalog. I just don’t have the talent heheheh! But anyway, I think I should not use that as an excuse not to do this tag. This meme is actually challenging! Lucky me! Coz I already made something like this before…. And I’m just gonna re-post it hehehe.

Here’s the rule:

Write a poem or an inspiring line based on a photo of your choice. This photo can be your own, or someone else’s. (If the picture is not yours, please ask permission from the owner when you post it, or better yet, provide only the link to the picture that inspired you, without posting it.)

  1. Your poem or inspiring line may be of any length, and any genre. It can be humorous, sentimental, heart-warming, whatever. You may write in Ilokano, English or Filipino.
  2. Post your inspiring line in your blog and in the comment section of this page (or just a link to your post so we could go and check it there). For poetry submissions, please indicate if you wish your piece to be posted in Bilingual Pen as an article submission.

The goal of this game is to get us to write, and express our thoughts and emotions.

Okies so here’s mine…

Pero sandali mage-explain muna ako kasi lumabag na naman ako sa rule. Kasi sabi sa taas… Write a poem or an inspiring line based on a photo of your choice. A PHOTO ibig sabihin isang image lang. Pero tatlo un nilagay ko. Eto pa na mejo parang iniisip ko din kung pwede nga kaya itong gagawin ko kasi sabi sa rule: This photo can be your own, or someone else’s. Does it mean TAO lang ba at ndi pwede ang ANIMALS? Pasensya na po ulit hehehe pero sa tingin ko ipapasa nyo naman as valid ito dibah. :D. Cge na ok na yan sis ha! Eto ung orig link but I’m still gonna re-post it.

Masarap magpalipas ng oras sa tabing-dagat.
Masarap pakinggan ang tawa ng mga magkakaibigan.
Ang mga batang masayang naglalaro.
Ang pag-alon ng dagat.
Ang simoy ng hangin.

Ang pagdampi ng dagat sa aking katawan.
Maglakad kasama ang matalik na kaibigan.
Maupo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Nagbabakasaling makita ka.

Kailan nga ba tayo huling nagkita?
Matagal-tagal na rin ngunit ikaw pa rin sa aking gunita.
Matagal ding nag-usap ang mga mata natin.
Alam ko ng mga sandaling iyon iisa lang ang ating naramdaman.
Ah! Hindi ako maaring magkamali.
Ikaw nga ang nasa aking harapan!
Salamat at hindi binigo ang aking panalangin.
Nagpapasalamat ako dahil muli kitang natagpuan.

Kailan kaya sila magsasawang hadlangan ang ating pagmamahalan.
Kailan kaya tayo magiging malaya.
Kailan kaya tayo magkakasama ng mas matagal.
Sana sa muling pagbisita ko makita kitang muli.
Dito sa TABING-DAGAT.

Now I’m tagging ana banana, vera again hehehe (coz I know ur good at this) and camille!

About these ads

10 responses to “Photo-inspire Me

  1. Timi

    Nice poem…me pagka-makata ka pala…

    Rhapsody: nyahahaha… kakahiya noh…

  2. gmacomics ⋅

    huhuhuhu. buti ka pa meron na. ako ngayon wala pa ni isang line. hehehe.

    Rhapsody: im sure pag natapos mo na yan, bow na naman ako nyan! galing galing mo kaya! cge na umpisahan mo na ha.

  3. ifoundme

    ang galing!!!! ang ganda! anong walang talent? meron naman ah!

    Rhapsody: ahhh talent na ba yan? hahahaha.. natatawa lang ako kasi sa gawa ko talaga hahahaha! pero salamat talaga buti ka pa nagandahan hahahaha.

  4. Timi

    btw babe me reply ako sa mga tanong at comments mo :P

    Rhapsody: exciting! cge papunta na ko jan sa bahay mo :D

  5. Timi

    LoL! Yung isa…sensya na sobra haba…pano kasi nakakabanas kasi yang mga bad chismis at comments na yan…Heneweiz….happy visiting.. :P

    Rhapsody: hahah okies lang,, baka malula ka din sa haba ng sagot ko.. well sana makapag-email email naman tayo sa isa’t isa pag ndi tayo busy sa works. mejo ipinagbawal na nga pala officially nung Monday lang ang pagwa-YM sa opis namin, with matching our signatures in the Memo… pag sumuway kaltas 100dhs or termination! tindi hahahaha!

  6. wow… talent… galing!
    ang hirap naman nitong tag mo pero susubukan ko na rin… baka may itinatago din akong talent…(itago ko na lang kaya)

    Rhapsody: wag mong itago, ilabas mo na hahahah

  7. VF ⋅

    nakita ko ang iyong anino
    mga bakas na iniwan mo
    mga yapak mo
    sa dalampasigan
    ng mga kaibigan mo….
    (brainteaser, salve, tonette etc.)

    napunta na ba ako dito? kumosta po?

    Rhapsody: nyay hahaha… gayahin ba ang pagiging makata hahahaha!

    tagal ko hinanap at pinag-isipan kung sa iyo nga ang blogsite na iyon.. at di nga ako nagkamali… :D

  8. Hello Rhapsody!

    Thank you for playing along sa tag game.

    Hahahaha! One of the aims of the tags, besides getting us to try to write, is to discover our talents na hindi natin alam na meron pala tayo.

    You do have the talent! I hope you’ll continue to hone it. :-)

    Go, Makata!

    Rhapsody: nyays! hahaha salamat salamat hahaha…

  9. Salve

    ganda, sis. naalala ko tuloy na matagal-tagal na akong hindi nakakapag-beach. yung magtampisaw sa dagat kasama ng mga friendship.

    oi, VF, andito ka rin? anino ba talaga yung nakita mo o mumu? ano yung “dalampasigan ng mga kaibigan mo”? :D

  10. camilleeee ⋅

    ganda ng poem. para bang merong “kwento” sa likod ng poem? ;)

    sis mylene, salamat… mag iipon muna ako ng powers para gumawa ng poem ha. (nosebleeding ‘to hehe) pero gagawin ko ang tag na to, pramis! ;)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s