dugo


Dahil yata sa pagbabago ng panahon ngayon kaya sinisipon at inuubo ako. Ang kaibahan lang para akong walang sipon at walang ubo. Umuubo ako pero napaka-dry naman. Sinisipon pero walang sipon. Pakiramdam ko kung minsan punumpuno na ang ilong ko sa pagpipigil ng sipon na tumulo, pero wala naman ngang sipon akong sinisinghot o tumutulo. Sobra din ang sakit ng ilong ko na parang namamaga na yung loob. Ang ginagawa ko na lang, nililinis ko ng basa at malambot na tisyu o minsan tela. Manilaw nilaw ang kulay na makikita ko pagkatapos kong ipasok sa ilong ang tisyu o tela. Matagal linisin at parang hindi nauubusan ng dumi ang ilong ko sa ngayon. Pagkatapos makuha ko ang manilaw nilaw na sipon o mantsa, mga buo buong pula na sa tingin ko ay dugo o booger (para di masagwa lol) ang kasunod. Kapag naubos ko na iyan, dugo na ang kasunod na parang naglilinis ako ng sugat. Kapag nawala na ang buo buong pula at napunasan ko ng konti ang dugo saka ko na tinitigilan ang paglilinis. Kaninang umaga masakit ang lalamunan ko. Palagay ko dahil sa pag-ubo ubo ko. Pagdura ko kaninang umaga bago ako maligo may konting dugo akong nakita. Naisip ko baka nagkakamali lang ako kasi ng dumura ulit ako wala namang dugo. Bago kumain ng lunch nagpunta ako ng cr dahil pakiramdam ko may namumuong plema sa lalamunan ko. Idinura ko at kinabahan ako dahil sigurado na ako, may dugo nga ang plema ko. Parang dumami din ang dugo kumpara sa nakita ko nung umaga. Dumura ulit ako pero wala na ulit dugo. Isang linggo ng ganito ang ilong ko. Ngayon naman pati plema ko may dugo na rin. Ano kaya ang nangyayari sa akin? Palagay ko naman nagasgas lang ang lalamunan ko. Ang sabi naman ng katrabaho ko mas madalas pa daw siyang umubo kesa sa akin kaya dapat mas gasgas ang lalamunan niya pero bakit daw parang lumabas na mas malala pa ang nangyari sa akin. Kaya mas maganda daw magpa-checkup na ako. Kaya lang natatakot ako eh. Feeling ko naman sa ubo lang talaga ito dahil sobrang dry kaya nagkasugat kapag umubo ako. Mas sensitive siguro ang lalamunan ko kesa sa kanya.

28 responses to “dugo

  1. kulot

    best dyan is magpacheck up ka po, naranasan ko na
    rin ang ganyan minsan pag umuubo nga ako tapos yung
    amoy ng hangin galing sa esophagus ko is amoy dugo na
    di ko pa nga lang natry ang magspit ng dugo, pero pag umaga
    yung may mga namuong sipon sa ilong, tapos pagtanggal ko
    sa dulo nun may dry din na dugo

    magpacheck up ka na lang

    Rhapsody: hala di pa rin ako nagpapacheckup hehe…

    • baba

      help…last 2008 ay may pneumonia ako,at nakunan ako ng tubig sa baga,sabi ng doctor ko,mild lang daw.. tapos ngayon natatakot baka bumalik kasi may dry cough ako,kaninang umaga,inubo ako,at pinilit kung palabasin ang plemas ko,kaya yun lumabas ang plemas na may kasamang dugo,pero sa pangalawang ubo ko,wala naman dugo plemas ko,mahigit na isang buwan ang dry cough ko.minsan may singaw na init ang katawan ko.?ano ba ito?bumabalik ba ang pneuminia ko?sana hindi….tulungan niyo ako?sana may makuha akung advise sa inyo.salamat.

  2. beero

    akala joke lang yun. totoo pala. hehe. magcheck up ka kung ganun. wag lang sa quack doctors. ahehe. ako man eh madalas magkasipon ngayon. mahina na ang immune system ko dahil matagal na kong di nakakainom ng beer. LOL. get well soon!!!

    Rhapsody: seryoso ako noh! lolz! ngayon ko lang nalaman na beer na pala ang nagpapalakas ng immune system ;)

  3. koreanmine ⋅

    pero p chek mo na din sissy para sure, bk may internal bleeding chuva eklavuch di ba, bawal magkasakit ang maganda! :D

    Rhapsody: nosebleed lang cguro ito kababasa ng mga sossy blogs lolz….

  4. menggay ⋅

    sis pa check Up ka na…

    mahiraP magkasakit lalo na malayo ka sa mga mahal mo sa buhay…

    alagaan ang sarili….

    Rhapsody: inoobserbahan ko pa sis kapag talagang ilang weeks na eh ganito pa rin, magpapacheckup na ako.

  5. sommer ⋅

    …naku bakla, agree sa all of the above, magpacheck up ka na ora mismo…mahirap na at baka lumala pa yan pag pinalagpas mo ang kahit isang araw…mahirap magkasakit pag malayo sa pamilya…magastos pa…better safe than sorry ika nga nila.

    Rhapsody: oo nga pero bibigyan ko pa ng 1 week ang pasaway kong ilong. ;)

  6. beero

    now you know. kaya inom ka na rin ng maraming beer para lumakas immune system mo. hehe :lol:

    Rhapsody: b.i. ka lolz!

  7. beero

    haha :lol: concerned lang naman ako sayo. LOL. if you wanna stay healthy, drink vitamin beer! one bottle of beer a day takes the doctor away. ngeekss!

    Rhapsody: lolz… healthy nga kasi lalaki ang tyan! lolz!

  8. beero

    di totoo yan. di lahat ng umiinom ng beer eh lumulobo ang tiyan. kasi di naman lumalaki tiyan ko. lalo ngang gumanda abs ko eh. LOL. add nga pala kita :lol:

    Rhapsody: ganun bka naman tinutunaw na esophagus mo nyan lolz…. cge add din kita ha.

  9. beero

    haha :lol: di naman siguro! LOL. tenks nga pala sa pag-add :cool:

    Rhapsody: lolz natakot ka noh! joke lang un.

  10. pingot

    hala ka.. bihira ang nakakaligtas dyan.. jokish lang…

    meron din ako nyan… kaninang umaga lang…

  11. naje ⋅

    ano nangyari sayo? parang ganyan kasi nangyayari sa akin ngayon eh?

  12. kc ⋅

    Pag sure oi… pa checkup sa doctor okay…para no more questions sa sarili mo….

  13. jay ar

    parang mas mala2 ata ung akin jan ah nung una madalas ubo q hirap aq huminga pagumuubo tps mas
    matindi kung ubo pagmadaling araw na mga bandang 2:am or 3:am tlgang grabi hirap pag ubo q
    may dugo pang ksma sa huli tps pag ubo q bigla aqng masu2ka pero hnd plima lumalabas 2big lang
    plaging ganun inubsirbhan q ung pag ubo q nbawasan na mga 2 weeks ang tnagal pro ung 2 weks
    naun my tym dun na umaga bigla aqng umubo hnd aq mkahinga tagal din mga 30 seconds pataas
    skt ng sikmura q nun dhl daw sa pag ubo un nababanat na tps e2 ngaun madaling araw na2man ginising
    aq umubo aq ng umubo puro dugo na lumabas nta2kot aq bka qng anu na e2 cguro dpt nqng magpachek up
    mahirap na bwl magkasakit malau pa nmn aq sa family q…………

  14. apple ⋅

    ako nga almost 1 month ng hindi nawawala ubo ko then last yesterday then now yung plema ko may kasamang dugo pa help naman or need na ng check up…..:((

  15. Maryann ⋅

    yung akin NMan dti.. puro plema lng.. mdme.. ilang weeks na nGang ganun.. ngpacheck-up na q kea lng d pa ntanggal.. Ngeon.. uminom aq ng amoxicilin.. kasi para lalong matunaw ung plema.. ayun.. kgbi.. saka ngeong araw.. merong dugo ung plema q.. help nMan,, nu gnawa niu,,? lague nMan aq umiinom ng tubig

  16. jem ⋅

    ako rin ung plema ko may dugo anu po ba gamot noon!!!!!?????
    apat na araw na ako d gumagaling eh…… plZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ
    anu b kailngan ko gawin……..?????????

  17. wasao ⋅

    tol rhapsody
    ganyan din sakin ngayon.. takot din ako mag pa check.. nalunasan naba sau??
    penge naman info…

  18. Crissy_mejia@yahoo.com ⋅

    Magpa chek up kana… Base sa kwento mo ka pareho sa nangyari sa anak ko… Nagka pneumonia xha when she was 2 months old LNG… They were rushed her in the hospital ksi sumuka rin xha ng dugo at buo pang plema kaya at her young age grabeng mga antibiotics nilagay sa kanya.. At Alam mo ba? Nagka komplikasyon na rin sakit nya.. Kasi pati dugo nya na infection na rin…she’s stay in the hospital for 2weeks grabeng gamutan gnawa sa kanya nun..at ngayun sa awa ng Diyos she totally healed na.. Magaling na xha..kaya ngayun bantay sarado na ko sa mga anak ko…kaya payo ko sayo… Pa chek up kna para malaman yang sakit mo at para di mahuli ang lahat..

  19. aikie lopez ⋅

    hmmmm .. ganyan din sken matgal na .. bata pa q dumudura na ako ng dugo !! ilang beses na w bumalik ng ospital .. mga pacheck up !! then . wla nmn .. ngtataka lng ako laging result wla .. pero alm q my problema ang baga q !! ktawan q to ramdam w .. pero everytym na mgpapacheck.up ako .. laging wla .. khit my dugo na !! ANO UN ?? WEIRD .. hanggang sa sumuko na ko mgpacheck up .. ayoko na bumalik sa doktor .. last patingin q 2007 pa .. pero ung pag spit q ng blood ganun pdn .. haha !! my times natatakot ako my times dedma lng sa brgy !! naku .. ang weird !! kelan lng ng spit nnmn ako ng blood .. last month cgro !! prang nsanai na ako .. well share ko lng !! weird kz simula pagkabata ganun na mga cgro 8yrs old ako .. until now im 26 na .. ganun pdn kataka db ??

  20. Joey ⋅

    …wew ako nga rn eh! may kasamang dugo ang plema ko, akala quh nga dati eh sa bisyo lng, kya tnigil ko lhat pninigarilyo pati alak, now, umulit nnmn, nung nag pa chck-up ako, x-ray taz spiutum clear lungs nmn, sab ni doc gas2 lng dw sa throat yn, drink a lot of water lng, ska ung mligamgam na tubig lng inumin, wag mlamig kaz lalung dumadami at nmumuo ung plema dhil sa malamig na tubig taz mlamig na pnahon,.

  21. ako rin nakaranas ngayon natakot nga ako…ganyan din tulad niyo …joey yan ba talaga ang dapat gawin uminom lng ng maraming tubig…itz me mary ann balansag

  22. AKO NARANASAN KO TO NGAYON! – Pano bato magagamot –
    yung SIP ON ko may DUGO – halos dugo na nga lahat :(
    NATATAKOT – ako – Malapit na ang Birthdae ni PApa Jesus – sana Pagalingin nya ako :(

  23. smiley ⋅

    same tayo ng nangyayari pro my sinusitis dn ako :( feeling ko my tb na ko pro wag nman sana kasi mhirap :( bgla nlang sumasama pakiramdam ko pag gabi pro prang paranoid lng kc pag iniisip ko iba ung sakit pro pag hndi ko iniisip wala naman. lage dn kc my kumikirot sa likod ko kaya natatakot ako :( ung plema ko dn mnsan may dugo ng onti mnsan wala ! kadalasan ung wala bhira ang meron :( pls pray for me na wla akong tb :(

  24. sakin naman,wla akong sipOn o ubo man lang pro may plema ako,ano kay to? mdjo matagal ko na po e2ng napapansin,halos bumabaliktad na sikmura ko kapag nararamdaman kong may bumabara sa lalamunan ko.Ang hirap!

  25. cairrah ⋅

    Di kaya sa init ng araw din kaya may dugo minsan kasama sa plema natin?kasi ako kanina lang ang init init di na ako makahinga.la naman akong ubo,pero ng umobo ako may dugo,natakot talaga ako kasi 1stime ko pa ito.Fresh talaga na dugo kasama sa plema.Baka may TB kaya ako? help naman dyan..

  26. lovely ⋅

    Hello yung sister ko din pag dura nya kahapon may kasamang dugo ,hndi ko alam kung anong gagawin q sknya ,sabi nila bka over fatigue lng daw kaya ganun.!kasabay pa ito ng pagkakasakit nya,close to dengue yung nraramdaman nya pero nung tinest nmn dugo nya wala nmn dw!Siguro sbi nung cous ko na may bf na doctor chikugunya daw,kasi katulad na katulad ito sa dengue..pero ang hndi q maintindihan bakit dumra sya ng dugo..help nmn!ano sa tingin niu

  27. james ⋅

    ung misis ko din nag dudugo ung ilong pag suminga sya ….ung sipon may ksamang dugo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s