RhaPsoDy











{Thursday, March 27, 2008}   stupids

Para sa iyo,

Tama bang ilagay mo ang empleyado mo sa dalawa mong kumpanya na ang ibig sabihin ay magiging dalawa din ang responsibilidad niya na wala man lang pagbabago sa dokumento niya at sweldo? Matapos mong sabihin na mamili siya sa dalawang kumpanya? Nung nakapagdesisyon at hindi napili ang gusto mong piliin niya. Pinagpilitan mo pa rin dahil sabi mo naka-plano na lahat? Ano pang silbi ng paghingi mo ng opinyon niya at ng desisyon ng empleyado mo kung hindi mo naman siya papakinggan. At nung nakipagmatigasan si empleyado, iniba mo ang diskarte mo. Ang cute cute mo talaga.

Read the rest of this entry »



{Wednesday, March 26, 2008}   terema kasi

Wala pong maisip na title kaya minarapat ko na lamang na gamitin ang salitang iyan na ang ibig sabihin ay ‘thank you’ sa salitang Malay. Ingles muna ng maintidihan naman ako ni friendship.

First off, allow me to give my heartiest gratitude to Dazeree for sharing with me this friendship blog award. Terema Kasi! Big MWAAAHsss for u! Please understand if you didn’t even see any comments from me in that post, I’m having troubles leaving messages to any blogger users these days. Tsk.tsk.tsk.

true friends shares visa cards… lolz!

I’ll split this award to repah, dhez, diva, vera, missy…. Ahmmmm.. at para sa lahat na lang ng nasa blogroll ko. Heheheh. Love u prends!

Ngayon na ang tamang panahon para pag-ukulan naman ng oras ang tag na iginawad sa akin ni randomdemeanor.

Rules: Use the first letter of your name to answer each of the following. Your answers have to be real places, names, and things. Nothing made up! Use different answers if the person who answered the survey before you had the same initial letter. You can’t use your name for the boy/girl name question.— (di ko ata getz tong part na itech – anyhow sagutan na lang lahat ano?)

Your name
Starts with an “M” and ends with an “E”. Although hindi naman hinihingi kung anong huling letra ng pangalan ko. Pwede na ‘yan alang masabi eh. Tignan nyo na lang sa URL tapos bali-baligatarin mo, I’m sure getz mo agad. Dibah.

Four words (that describes me – dinugtong ko lang toh lolz)
Mysterious (jowk lang noon ung nung school days pa lolz); mahiyain (pramis!); maganda (hahaha) ang ugali (hmmmn…???); maarte (kung minsan, lolz)

State/country
Mavite, Milipins – nyori ahhh may nipirenia asi ao sa pag-aalitha.

Boy name
Mumu

Girl name
Mama

Occupation
Marketing the company’s services – naks swak sa letra!

Word that describes you the best
Mabait hahaha – un ay sabi lang naman nila… pero pag nakakilala na ng lubusan – sobrang bait na daw ako. lol.

Something you can wear
Medyas every night kasi ang lamig! Brrrr!!!

Something found in a kitchen
mixed vegetables served hot and yummy.. un lang walang main course.

Name one object that is so valuable to you
My possessions.

Something you shout
My goolay!

Something you do at school
Make fun with classmates

Name of a friend/schoolmate
Maria Kristine

Name of an animal
Mammoth

Name of a drink
Milo — yummy! That’s what I sip every morning instead of coffee…

Name of a holiday
Maundy Thursday

Name of a subject in school
Mathematics; MAPE (Music, Arts & Physical Education) lolz…

Name of a cousin
Mila (R.I.P.)

Name of a fast food chain
McDonald’s

Name of a person you’re crushing or had a crush on
Marami eh puro artista. Sooo highschool lolz.

Name of a food you like
Manakish. Mangga ung green tapos may bagoong!!! Salivating now!

Name of a food you do not like
Mapakla ang lasa

Name of a kid’s toy
Mah-jong (pwede na cguro pang kids yan)

Name of a flowering plant
Mangroves (pwede???)

Name of a shopping mall
Mall of the Emirates sa disyerto; Mall of Asia sa Pinas!

Name of a person you like
Mumu

Name of a person you dislike
Mikretong malupit! Masama daw magtanim ng galit…

Name of place in your school
Museum (in grade school)

Name of an object in front of you
Monitor

Pinis na pala? Gwosh di ko naramdaman mejo ndi ako nahirapan except dun sa nginongo ko. Pasa ko ito sa ka-kosa ko sa Dubai na si sommer, kapitbahay sa kabilang Emirate na si kagandahang Banana, kay Daleberog at ang inlab na si Menggay.

UPDATE:

Sisterette Misyel, paano na yan we broke the rules… I made it ready last night sa draft at nag-set ng time para kinabukasan automatic na ma-post na… nagulat ako ni-tag mo pala ako dito… paano na yan! hahahaha….



{Tuesday, March 25, 2008}   Kamusta naman ang buhay?

Isang linggo din pala akong natigil sa pagba-blog. Wala ng mai-blog o parang ayaw lang i-blog. Siguro dahil pakiramdam ko isa na namang teleserye ang buhay. Madaming problema. Madaming iniisip. Madaming bagay na parang ang hirap bigyan ng solusyon. Minsan sa tingin natin ang problema ay nabibigyan ng solusyon kung hindi ka na mag-iisip at gagawin mo na lang ang gusto mong gawin. Pero dapat din naman nating isipin kung ano ang kahihinatnan ng ating gagawin. Pwedeng may maapektuhan sa magiging desisyon. Pwedeng sa huli magsisi ka na lang. Pwedeng idaan sa inuman pero pwede din naman iiyak mo na lang hanggang sa makaipon ka ng isang baldeng luha at wala ka ng iiyak. Pero ang sabi nga ng karamihan dapat maging matatag sa lahat ng problema. Maaring sobrang komplikado kung palaging iisipin. Mas maganda sigurong huwag na lang masyadong isipin at magpakasaya na lang hanggang sa makawala ka na sa masamang panaginip.

Haysss. Tama ng drama! Emo sucks pero emote ng emote. Bakit ang mga babae konting problema lang iniiyakan na? Maliit na problema para sa iba pero parang napakalaki na. Mahina ba talaga ang babae? Hindi noh! Nasa personality lang talaga ng mga babae (pero hindi naman lahat ng babae) ang maging sensitive. At sa kasamaang palad, isa ako sa mga babaeng maramdamin. Kung galit ako sa isang tao at kinompronta ko siya, hindi ibig sabihin na natatakot o natalo ako kaya ako umiyak. Kung pwede lang ipahigop ko muna ang luha ko bago ako makipagkomprontahan gagawin ko. Kung below 20 pa lang ako baka ginawa ko ng negosyo at nag-apply bilang Crying Lady o nag-drama princess kapalit ni Juday. Dyowk! Masarap iiyak ang problema kung minsan habang sinasabi sa pinakamalapit sa puso ang lahat ng detalye dahil pakiramdam ko naihinga ko na lahat ng sama ng loob ko. Kaya lang, mas masarap din na maging kalmante lang sa lahat ng bagay at harapin ng maayos ang problema kesa iyakan. Kapag umiyak ka masakit sa ulo di bah. Masarap din sa pakiramdam na natapos ang lahat ng hindi mo iniyakan ang isang bagay dahil maayos mong hinarap ang lahat.

handsome liamHold up… hold on…
Don’t be scared you’ll never change what’s been and gone
May your smile shine on
Don’t be scared your destiny may keep you warm…

‘Cause all of the stars are fading away
Just try not to worry you’ll see them some day
Take what you need and be on your way
And stop crying your heart out…

Get up come on, why you scared?
You’ll never change what’s been and gone…

Ang theme song ko sa ngayon ay ang kantang iyan. HahaH. May theme song pang nalalaman. Ganyan talaga para positive ang tingin sa bawat bukas. Paulit ulit lang ang mga linya sa kanta pero hindi din nakakasawa siguro dahil minsan naging crush ko ng sobra si Liam Gallagher.



{Sunday, March 16, 2008}   Burj Dubai

Umaga’t hapon natatanaw ko ang Burj Dubai. Excited din akong mabuo na ang sinasabi nilang world’s tallest tower na iyan. Although may ilan na ding bansa ang bumubuo ng mas mataas pa sa Burj Dubai. Tuwing papasok ako at uuwi yang tower na ‘yan ang nakikita ko. Kaya ang naging trip ko sundan ang development nito sa abot ng aking matatanaw.

Dahil nalalapit na din ang pamamaalam ko (sana) sa kumpanyang ito mukhang hindi ko na siya masusubaybayan araw-araw. At hindi ko na mapi-picture-an anytime of the day. Bago ko pa burahin lahat ng files ko sa pc ko dito sa opisina mas maganda sigurong i-upload ko na ang mga pictures ng Burj Dubai. Wish ko lang na sana andito pa rin ako kapag nakabitan na ng salamin pati pinakatuktok ng tower.

jan30 feb 7 feb 17feb 26

feb 18 Nung isang araw bigla na lang naglaho sa paningin ko ang Burj Dubai. Sobra palang foggy. Ilang araw din siyang parang kabute na bigla na lang nawawala at lumilitaw. Sayang ngayong march na-delete ko pala ang mga kuha ko sa Burj Dubai. Di bale next time dadagdagan ko na lang ang pictures dito hanggang sa maging ganito na siya….

Burj Dubai

may UPDATE agad:

mar16


Di ko kasi ma-take na walang picture ng Burj Dubai for March. Kaya after kong mag-lunch bumaba ako at kinuhanan ng picture ang tower. Mejo maalikabok nga lang ang paligid kaya hindi rin masyadong clear. Pagkatapos bumili na lang ako ng chocolate sa Spinneys-Mazaya para naman di boring ang paglabas ko ng office. Maganda ring maglakad lakad after maglunch para naman mabilis akong matunawan. :D



{Wednesday, March 12, 2008}   masubukan kaya

Nakakainip talaga ngayong araw kaya nga heto na naman po at magbablog na naman. Tinatamad naman akong mag-call-a-friend, tamad ding magchat ngayon. Dami kong naiisip wala naman akong mai-blog na makabuluhan. Ganun talaga ako sa sobrang daming pumapasok sa isip, kapag maguumpisang magtype, kamote na.

Isa lang ang masasabi ko ngayong oras na nagta-type ako nitong mga letrang ito. Ang sakit ng tyan ko. Hindi ko alam kung najejebs ba ako o dahil punung-puno na ng tubig yung tyan ko. Tama nga si Azrael, castor oil nga daw ang maigi. Yun din kasi ang sinabi ni MJ, ung finance manager namin. Kinumusta niya kasi ako sa pantry kanina, binibigyan pa nga ako ng parang arabic bread na kulay brown. Pero syempre iniwan ko lang dun sa pantry at kinain ko ang lunch kong croissant smoked turkey with emmental cheese. YuM!

Pero nung nakita niya, pinagpayuhan ako na tigil-tigilan ko na daw ang pagkain ng mga ganung pagkain. Mas makakabuti daw kung kakain ako ng mga veggies and brown bread. At sa huwebes uminom ng konting castor oil para daw mailabas lahat lahat. Hmmmn, parang gusto ko tuloy subukan kasi pinapahirapan pa rin ako ng sakit eh. As in ouch talaga! Kaya nga konti lang ang kinakain ko for 3-days at di ako nagra-rice ay para hindi din ako makaramdam ng pagdumi (pasintabi lang sa mga kumakain) pero habang ayaw mong dumumi dun naman parang tukso na madalas maramdaman ang tawag ng kubetsy. Pahirap, nasusuka na ako sa itsura ng cr!

eat good food?!

Kailangan ko na ba talagang iwasan ang pagkain ng masasarap at magtyaga sa mga gulay at prutas. Naku paano na yan kawawa naman ako. Kailangan din ang exercise pero wala talaga akong oras sa ganyan. Susubukan ko na lang.



{Wednesday, March 12, 2008}   Success na ba?

Hindi ko pa rin alam.

Two days akong hindi nakapasok dahil sa pesteng const… nakakahiya man pero un na nga ang dahilan. Although gumigising naman ako ng 6am para pakiramdaman kung kaya ko na bang pumasok. Pero masakit talaga at lumaki yata lalo ang tyan ko. Ung pakiramdaman na parang matigas yung tyan. Sa bahay hindi ko din alam kung ano bang gagawin ko. Masakit kapag humiga ng diretso, nakadapa, o nakatagild. Masakit din kapag umupo, masakit kapag tumalon talon ako para sana mag-exercise ako baka sakaling matunaw siya bigla lols. Pero sa unang araw na di ako nakapasok, walang nangyari kahit pa nilinis ko ang buong bahay hindi din nakatulong. Mabuti na lang dumating si fafa at nagdala ng mga prutas: papaya, grapes, watermelon at pears. Dinalhan din ako ng gamot, tingin ko stool softener yun. At wag ko na daw iinumin yung isa kong gamot kasi para pala yun sa mas malalalang consti ba yun, ung kapag hemorrhoid na.

Super epektib nung gamot. Kasi kinabukasan ng tanghali inilabas niya lahat. Iba pala ang feeling parang gusto kong maiyak at manabunot kasi dun ako kumukuha ng pwersa lolz. Ganun siguro ang feeling ng nanganganak. Sinabayan ko pa rin ng pag-inom palagi ng tubig at ng gamot, kumain ng mga light foods at prutas na madali lang matunaw. Ilang araw na akong hindi kumakain ng rice. Mabuti na lang hindi pa ako hinihimatay. Masakit pa rin sa ngayon pero pumasok na ako, kaya ko na naman at hindi na punung-puno ang tyan ko. Success na nga ba? Hindi pa. Pero malapit na.



{Sunday, March 9, 2008}   tea eat ate eta tae

Kanina pa ako nagre-research kung papa’no ko maso-solve ang problema ko. Ilang araw ko na ring tinitiis ito. Ang masakit dun hindi lang iisang beses itong nangyari sa akin. At sa tuwing mangyayari, sobrang pahirap at pasakit talaga ang binibigay sa akin.  Dinadaan ko lang noon sa regular na pag-inom ng tsaa. Pero nung naubusan ako at uminom ng ibang tsaa (yung Twinings o kaya Lipton Green Tea, minsan mint minsan naman with lemon) parang hindi nakatulong at lalong bumigat ang problema ko.

himalaya

Nakatulong ito nung una. Hanggat maaari ayokong umasa sa mga ganyang gamot gusto ko ng natural healing. Pero wala akong magagawa kaya kagabi inumpisahan ko na namang hingin ang tulong ng dalawang iyan. Pero masakit pa rin. Hay! Malamang kulang daw ako sa fiber, kaya kailangan ko sigurong mag-imbak ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Bukod sa pagkain ng mga high-fiber foods, super helpful din ang pag-inom ng tangke-tangkeng fluids lalung-lalo na ng tubig. Huwag na huwag lang daw ang mga inuming may alcohol at caffeine kasi nakaka-dehydrate pala iyon. Bihira pa naman ako uminom ng tubig, paunti-unti lang ang inom ko kasi naman lagi akong nawi-weewee kapag laging umiinom ng tubig. Pwede rin daw na maupo ka ng 15minutes sa maligamgam na tubig dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw – parang abala pa yata yan at istorbo sa oras ko. At san naman ako uupo, sa timba? Wala kasi kaming batya eh. Pwede rin naman daw uminom ng mga stool softeners o laxatives basta ‘wag lang masobrahan at baka naman diarrhea naman ang sumunod.

Sana maging normal na ulit sobrang pahirap talaga. Iba ang epekto sa akin ng mga normal na chaa. Imbes na makatulong sa digestion parang napalala pa. Anyways, mas maganda siguro kung ititigil ko na ang pag-inom ng Lipton Tea or Twinings.



{Tuesday, March 4, 2008}   Pinay si T.V.

Napanood n’yo na ba ang pelikulang Across the Universe na ipinalabas noong mga huling buwan ng 2007?

Ako hindi pa eh pero malamang kapatv carpiog nakakita ako ng dibidi o makapag-download ako sa internet nun papanoorin ko rin. Gusto ko kasi mapanood si T.V. Carpio. Alam nyo na ba ang background niya sa mundo ng hollywood? I’m sure alam nyo na ako na lang yata ang nahuhuli sa balita. Pero sa mga hindi pa nakakaalam, si T.V. o Teresa Victoria Carpio ay isang Chinese/Filipina na ipinanganak sa Oklahoma City. Isa siyang singer, songwriter at actress.

Sa pelikulang Across the Universe na pinagbibidahan ni Evan Rachel Wood ay gumanap siya bilang Prudence, isang former high school cheer leader na naging bisexual. Sa pelikulang ito kinanta niya ang Beatles song na I Wanna Hold Your Hand.

Anak siya ng isang Asian performer na si Teresa Carpio na lumabas sa ilang mga pelikula sa Hong Kong at isa na dito ay ang Rob-B-Hood kasama ni Jackie Chan. (Uy pinanood ko sa sine yang movie ni Jackie, hangkyut talaga niyan kakatuwa!)

Lumabas din si T.V.  sa ilang kilalang US TV Shows na gaya ng Law & Order at The Jury at napasama din as main cast ng isang broadway musical show na Rent.

Oh dibah ang galing talaga kapag may dugong Pinoy!



{Monday, March 3, 2008}   I’m so alone

Nakakalungkot naman ako lang mag-isa sa office. Ang daya nung dalawang kasama ko sa office absent sila. Yung isa may sakit daw at yung isa naman ewan ko. Di siya sumasagot ng tawag from office maya-maya naman naka-off na yung mobile. Kaya ngayon nag-iisa lang ako ditong sumasagot ng fone at nagtatawag paminsan-minsan ng kliyente. Although may mga kasama pa rin naman ako pero dito sa department namin ako lang mag-isa. Kakalungkot naman.

Kahapon nag-half day lang ako kasi feeling ko lumulutang ako sa sobrang antok. Di kasi ako nakatulog masyado ng dalawang gabi. Nakatulog naman pero paminsan-minsan nagigising. Mukhang may dyurot doon sa nalipatan namin. Di ko alam kung maliit na ipis parang nalimutan ko na yung difference nila eh. At nakakita ako ng malaking ipis sa cr. Di naman kalakihan, yung normal size lang, for 2 years masaya ako kasi wala akong nakikitang ganyang ipis puro super liit lang pero nung isang gabi nga nakakita ako. Nakakatakot kaya sinabihan ko silang huwag na huwag ng papatayin ang ilaw sa cr para hindi magkaroon ng ipis. Mukhang kailangan ko na namang maghanap ng ibang bahay. Nakakapagod na maglipat pero no choice naman kesa naman hayaan kong ubusin nila ang dugo ko. I hate Dubai ngayon dahil pinapahirapan niya kami sa bahay. Tapos ang daming expenses pa sa ngayon. Pero ang saya din kasi nung naglipat kami sobrang gulo ng mga gamit namin. Natutulala ako kasi hindi ko alam kung saan at papaano ko uumpisahang ayusin ang mga gamit ko. Pero nung ikatlong araw ang ayos na ng gamit ko heheh. At napagkasya ko sa single cupboard ang mga damit ko. Actually nilagay ko na sa isang bag ang mga hindi na magkasyang damit kaya ngayon kahit papano hindi na siksikan yung mga damit ko.



et cetera