desperate scammers


doggie6am na ang oras ng gising ko every morning kapag may pasok. Tinignan ko ang fone ko, may missed call kasi. +496939018532 ang number. International yan ah. Pero di ko sure kung saang bansa ba iyan. Tinanong ko si roommate An, di naman daw niya alam. Iniisip ko kasi baka isa sa mga client na in-email ko ng company profile namin. At dahil interesado siya tinawagan ang mobile number ko at for sure hindi niya alam na sobrang aga pa dito nung tumatawag siya.

Anyway, naalala ko lang nung hapon na na i-check sa Net kung ano ngang bansa iyon. Una kong nakita dito na ang numerong iyon ay sa Frankfurt am Main. Hindi pa rin ako nakuntento kaya nag-search pa rin ako. At ito naman ang nakita ko. Shock ako kasi parehong pareho ang number na tumawag sa akin sa number na nakikita ko sa website na iyon. At may mga comments tungkol duon. Kung tinatamad kayong i-click ang link na iyon. Eto na lang ang sa ibaba ang i-click niyo kasi di clear ang text eh.

comments

Scammer yata iyan eh. Kaya beware of that number. May isang huling nag-comment kahapon at sinabi niyang huwag daw sasagutin ang tawag dahil kahit tawagan or sagutin mo ang call niya eh mababawasan ang load mo. Hmmmn… I’m not sure kung totoo nga ang sinasabi niya. Eto yung sinabi niya.

comment2

Well, ayun I tried to call that number just before making this post to try kung may mawawala ngang load. Di pa nga nagri-ring may nagsalita ng babae, “Sorry you do not have enough credit in your account. Please add credit to make outgoing calls” Hay! Mabuti na lang kung hindi baka kinain na pati yung negative balance ko. Pero sa Pinas pwede pa akong magpa-ring ha. Baka nga lang isipin ng mudra ko eh may emergency at bakit nag-miscol ako sa kanya.

Speaking of scammers pa rin. Ang isa ko pang ka-roommate ay naisahan sa YM nung Sunday. Yes, sa Yahoo Messenger. She thought she was chatting to her friend. Yun pala iba na pala ang kausap niya. That person who’s pretending to be her friend chats with her the very same way they are chatting. Tinatawag kasi nila ang isa’t isa ng girl. At yung scammer na yun ay girl din ang tawag sa kanya. Until that scammer, na all along akala niya ay yung friend niya, ay nagsabi sa kanya na kung gusto niya makita ang latest photo niya, i-click niya ang link na ibibigay niya. Nang ma-click ang link, walang lumabas na picture at iba ang nagbukas, na hindi niya na naipaliwanag ng maayos sa akin. Nag-logout siya dahil nagka-problema ang PC niya. At nung mag-try na ulit siyang mag-online, hindi na siya maka-access pati na ang friendster niya ay hindi niya na mabuksan. At naalala ko bigla na dapat ko na siyang burahin sa friends list ko bago pa niya mapag-aralan ang mga comments ng friends ko at mamemorize ang profile ko. Dahil isa ako sa sinubukan ng manlolokong iyon na i-chat. Nag-iwan ng message na ‘kamusta.’ Eh kaso nga offline ako, kaya ng tanungin ko si roommate kung siya ba ang nagsend sa akin ng message na iyon. Sabi niya hindi dahil hindi niya na daw ma-access talaga ang YM niya. Good thing bihira na lang ako mag-online sa YM. Kung hindi nakipag-chikahan na din ako sa taong akala ko ay kakilala ko. Nagsimula lahat ng mabiktima ang friend ni roommate. Yun ngang si girl. Hindi na maka-access si girl sa mga accounts niya. And without her knowledge, pinagsesend-an na ng chat ang friends niya sa YM list niya. Isa nga si roommate sa naisahan. At ang isa pang muntik maisahan ay ang ate ni girl. Dahil walang kaalam alam ang impostor na ang sister na ni girl ang ka-chat at niloloko niya. Parehong nandito sa Dubai si girl at ang ate niya kaya madali lang nilang matatawagan at matatanong ang isa’t isa. Nagtaka kasi ang ate ni girl kung bakit si girl ay humihingi ng tumataginting na 10,000 pesoses sa kanya dahil kailangang kailangan lang daw at may problema si girl. Kaya kung pwede ay ipadala na lang sa kanya. So si ate tinawagan si girl at tinanong kung anong problema at saan gagamitin ang kadatungan na pesos pa dibah, sana dirhams kung dito gagamitin. Kaya dun lang nalaman ni girl at huli na ng masabihan ni girl si roommate ko dahil nabiktima na si roommate ng makuha din ang mga info at password niya na tuluyan ng pinalitan ng impostor. Kaya ang advice ko warning-an niya na ang mga kakilala niya. Panay mga nasa abroad pa naman daw ang mga kaibigan niyang ka-chat niya sa YM. Baka daw isang araw pagsisingilin na lang siya ng mga iyon sa perang hindi niya naman hiniram.

Mga walang kunsensiya talaga ang mga taong gumagawa nito. Easy money nga ‘yan pero hindi ba nila naiisip na pinaghirapan din ng mga taong niloko nila ang perang maaring ipadala sa kanila? May kababagsakan din ‘yang mga ‘yan.

About these ads

10 responses to “desperate scammers

  1. sommer

    …syet!! badtrip naman yung caller na yun! at katakot naman nangyari sa roomate mo…ano yun parang “the net”? lahat na talaga ng klase ng pagkakakitaan naiimbento!tsk!!=(

    Rhapsody: oo nga basta pera nga naman…

  2. joanjoyce

    ay na scam na din ako sis, may nagtext sa akin na nanalo ako ng 100K plus L300 hehe at pinapapunta ako to claim the prize kaso i verified the address na sinabi muna nya at ang cel no, pero sempre pag pre paid ang hirap ma-trace pero ang address sa olongapo turned out to be a night club hehehe di kaya kidnapper yun o holdaper? kaya ang moral lesson jan kung walang contest na sinalihan magulat ka na bakit ka nanalo :D

    Rhapsody: oo nga nakakatawa lang kasi talagang ang tyaga nila mag-isip ng panloloko…

  3. jojie

    uy extra ingat ha. buti na lang ako laging lobat ang fone. hihihihi..

    Rhapsody: ganun ba? kaya magsasayang lang sila ng oras kakatry magpa-miscol sayoh hehehehe..

  4. manilenya

    uhmmn siguro kilala rin ni girl yun kasi bakit alam nung scammer kung paano makipag usap si girl doon sa friend nya diba?

    Rhapsody: di ko lang alam pero pinag-aralan daw muna ang friendster bago biktimahin… :(

  5. i get this all the time pero di ko pinapatulan. ang naka-scam saken dati kong kebigan na nadali ako nung bwizit na pyramid sa ortigas, pinagbigyan ko baga! ayun ang katangahan ko! hmpt!

    pero, me bago akong scam!!! dali!!!!

    Rhapsody: ahh yang mga pyramid na yan na wala nmang kikitain heheheh….

  6. lilmiz

    andami ng nanghahack nyang ym.. last wk din, yung ofismeyt ko nahack acct nya.. kinausap ako nung hacker, akala ko ofismeyt ko nung una, pero nagduda ako kasi yung pagsasalita nya ay weird.. so inask ko ng, “bakit ganyan ka magsalita?” (talaga inask ko pa lolz).. tapos biglang sabi na, paklik nga daw nung link na yun, may papatignan lang sya na pic.. buti na lang inde ko niclik!nitext ko muna si ofismeyt kung sya nga ba ang kaYM ko at dun naconfirm na inde daw at pang-anim na akong nagtext sa kanya heheh.. pero nabawi naman acct nya after ilang araw, di ko lang lam pano :D basta pag may magpapaclik o magsesend ng file ng di mo sure, wag mo clik o tanggapin na lang :)

    Rhapsody: naku parehong pareho nga ng nangyari sa friend ko, pero siya naman kasi talagang nakuha ng hacker na yun ang style ng pag-uusap nila kaya paniwalang-paniwala siya…

  7. joy

    Yes, it’s such a nuisance when we need to be extra vigilant about these things. They’re everywhere and getting cleverer each day.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    Rhapsody: oo nga kaya dapat ay marunong po tayong magkilatis kung manloloko ba o hindi….

  8. Dazeree

    first, let’s acknowledge that i don’t understand a word of this. but i do understand the word scam. a friend of mine was actually fooled with an email she received about having won a certain amount of money. but in order to get the money, she had to bank in some money to this faceless person. though, she did consult her friends including me, she still when for it and lost a huge amount of money. it’s just too bad she didn’t listen.

    Rhapsody: I hate to say this but some people are just sooo stupid when it comes to getting an easy money… first of all she should remind herself if she ever join a contest like that to win something… if not then she should’ve forget about it!

    same thing happened to my colleagues friend… someone from a different country told her she won a car & for her to get it she should send a money for them to send some legal papers first.

  9. kengkay ⋅

    nung nakita ko yung number alam ko agad na galing dito yan sa alemanya. naku, basta hindi nyo kilala ang number or email, wala kayong gagawin kundi i delete lang yan, dami na nilang nalokong mga oldies dito sa ganyang scam e… minsan nga basta nag ring lang yang phone nyo e kayo na agad ang magbabayad ano… so beware.

    Rhapsody: may makukuha po ba sila kapag ganun na ring lang tapos bawas ang load mo? grabe na all over the world na ang scam scam na yan…

  10. eh…kakatakot to !!! buti nalng di na masyadong activated ang YM ko….hayyy..kakatakot to!!

    Rhapsody: at nakakaawa ang mga manloloko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s