desperate scammers

doggie6am na ang oras ng gising ko every morning kapag may pasok. Tinignan ko ang fone ko, may missed call kasi. +496939018532 ang number. International yan ah. Pero di ko sure kung saang bansa ba iyan. Tinanong ko si roommate An, di naman daw niya alam. Iniisip ko kasi baka isa sa mga client na in-email ko ng company profile namin. At dahil interesado siya tinawagan ang mobile number ko at for sure hindi niya alam na sobrang aga pa dito nung tumatawag siya.

Anyway, naalala ko lang nung hapon na na i-check sa Net kung ano ngang bansa iyon. Una kong nakita dito na ang numerong iyon ay sa Frankfurt am Main. Hindi pa rin ako nakuntento kaya nag-search pa rin ako. At ito naman ang nakita ko. Shock ako kasi parehong pareho ang number na tumawag sa akin sa number na nakikita ko sa website na iyon. At may mga comments tungkol duon. Kung tinatamad kayong i-click ang link na iyon. Eto na lang ang sa ibaba ang i-click niyo kasi di clear ang text eh.

comments

Scammer yata iyan eh. Kaya beware of that number. May isang huling nag-comment kahapon at sinabi niyang huwag daw sasagutin ang tawag dahil kahit tawagan or sagutin mo ang call niya eh mababawasan ang load mo. Hmmmn… I’m not sure kung totoo nga ang sinasabi niya. Eto yung sinabi niya.

comment2

Well, ayun I tried to call that number just before making this post to try kung may mawawala ngang load. Di pa nga nagri-ring may nagsalita ng babae, “Sorry you do not have enough credit in your account. Please add credit to make outgoing calls” Hay! Mabuti na lang kung hindi baka kinain na pati yung negative balance ko. Pero sa Pinas pwede pa akong magpa-ring ha. Baka nga lang isipin ng mudra ko eh may emergency at bakit nag-miscol ako sa kanya.

Speaking of scammers pa rin. Ang isa ko pang ka-roommate ay naisahan sa YM nung Sunday. Yes, sa Yahoo Messenger. She thought she was chatting to her friend. Yun pala iba na pala ang kausap niya. That person who’s pretending to be her friend chats with her the very same way they are chatting. Tinatawag kasi nila ang isa’t isa ng girl. At yung scammer na yun ay girl din ang tawag sa kanya. Until that scammer, na all along akala niya ay yung friend niya, ay nagsabi sa kanya na kung gusto niya makita ang latest photo niya, i-click niya ang link na ibibigay niya. Nang ma-click ang link, walang lumabas na picture at iba ang nagbukas, na hindi niya na naipaliwanag ng maayos sa akin. Nag-logout siya dahil nagka-problema ang PC niya. At nung mag-try na ulit siyang mag-online, hindi na siya maka-access pati na ang friendster niya ay hindi niya na mabuksan. At naalala ko bigla na dapat ko na siyang burahin sa friends list ko bago pa niya mapag-aralan ang mga comments ng friends ko at mamemorize ang profile ko. Dahil isa ako sa sinubukan ng manlolokong iyon na i-chat. Nag-iwan ng message na ‘kamusta.’ Eh kaso nga offline ako, kaya ng tanungin ko si roommate kung siya ba ang nagsend sa akin ng message na iyon. Sabi niya hindi dahil hindi niya na daw ma-access talaga ang YM niya. Good thing bihira na lang ako mag-online sa YM. Kung hindi nakipag-chikahan na din ako sa taong akala ko ay kakilala ko. Nagsimula lahat ng mabiktima ang friend ni roommate. Yun ngang si girl. Hindi na maka-access si girl sa mga accounts niya. And without her knowledge, pinagsesend-an na ng chat ang friends niya sa YM list niya. Isa nga si roommate sa naisahan. At ang isa pang muntik maisahan ay ang ate ni girl. Dahil walang kaalam alam ang impostor na ang sister na ni girl ang ka-chat at niloloko niya. Parehong nandito sa Dubai si girl at ang ate niya kaya madali lang nilang matatawagan at matatanong ang isa’t isa. Nagtaka kasi ang ate ni girl kung bakit si girl ay humihingi ng tumataginting na 10,000 pesoses sa kanya dahil kailangang kailangan lang daw at may problema si girl. Kaya kung pwede ay ipadala na lang sa kanya. So si ate tinawagan si girl at tinanong kung anong problema at saan gagamitin ang kadatungan na pesos pa dibah, sana dirhams kung dito gagamitin. Kaya dun lang nalaman ni girl at huli na ng masabihan ni girl si roommate ko dahil nabiktima na si roommate ng makuha din ang mga info at password niya na tuluyan ng pinalitan ng impostor. Kaya ang advice ko warning-an niya na ang mga kakilala niya. Panay mga nasa abroad pa naman daw ang mga kaibigan niyang ka-chat niya sa YM. Baka daw isang araw pagsisingilin na lang siya ng mga iyon sa perang hindi niya naman hiniram.

Mga walang kunsensiya talaga ang mga taong gumagawa nito. Easy money nga ‘yan pero hindi ba nila naiisip na pinaghirapan din ng mga taong niloko nila ang perang maaring ipadala sa kanila? May kababagsakan din ‘yang mga ‘yan.