bago mag-uwian…

sisilip muna ako sa blog ko. :D

kze parang di yata ko nakakagawa ng entry. kze naman inaantok ako palagi. tapos feeling ko sobrang stress na ko. pagod na ang sexy back ko sa pag-upo.. kahit sumandal o hindi sa upuan, pagod pa rin. dapat nga magpasalamat pa ako at nakaupo ako habang nagtatrabaho, samantalang ung iba ang trabaho ay tumayo maghapon. pero iba din pala, kapagod din talaga ang buong araw na nakaupo, pahinga na lang ang pumasyal sa pantry o magkunwaring jumijingle sa cr pero ang totoo nagsstretching pala o natutulog.

hay lapit na mag-uwian at gaya ng mga nasa Pinas, tatlong araw din kaming walang pasok. Hahah kala nyo kayo lang ha… national day naman dito sa Dec02 kaya 3days wala rin kaming pasok hehehe..

malapit na mag-uwian.. dumaan lang talaga ko dito para makapag-iwan ng bakas ko. maligayang tatlong araw na bakasyon sa inyo. enjoy!!!

Adik din ako

A tag from my kapitbahay Dhez. The instruction is to write down <as in HANDWRITTEN daw> the three things I’m addicted to. K, here it goes:

writing it!

 

aaaayy!!! nalimutan ko isulat sa board ang TV!!!

 

Tv & Music

TV. Kapag naumpisahan ko ng panoorin ang isang drama series or soap opera, nahuhumaling na ako parang ayaw ko ng ma-miss kahit isang epino. 1sode… although napakaimposible na wala akong ma-miss. Jologs man pakinggan pero dahil Channel 7 kami dahil sa orbit kami nagsubscribe, more or less alam niyo na ang mga sinusubaybayan ko. Iilan lang naman at hindi lahat ng un. Mga dalawa lang naman kasi natapos na pala yung isa ng hindi ko namamalayan isama pa ang Eat Bulaga. Music. Can’t live without it. Hindi matatapos ang isang araw ng hindi ako kumakanta o nagha-hum. I think eto na ang best way para mawala ang stress, sakit ng ulo at ka-badtripan ko.

 

BlogHopping

Obyusly, kung saan saan na ako nangapitbahay at nakisilip kung ano meron sa bahay nila. Nakakapagpawala ng pagka-bored sa maghapong pag-upo.

 

Picture-Picture!

Mula bata hanggang sa ngayon wala akong sawa sa kaka-picture. Puro na lang picture. Ang dno. 3ami ng album na naluma na at nabasa pa dahil pinasok ng baha ang dating bahay namin. Mabuti na lang dahil sa dami ng album, marami pa ring na-save. Sa ngayon na hindi na kailangan ang film para lang makapag-smile at ma-capture ang mga moments di ko naman mapa-print o mailagay sa album o mai-burn ang mga ka-piktyuran ko ngayon. Di ko na pinag-aaksayahan pa pero siguro gagawin ko din minsan. Sayang nga lang kung hindi kasi mabubura at maitatapon ko na lang ang mga yun. Kahit na natambakan na ako nito, picture picture pa rin tayo.

I’m tagging Salve, Ice, Idotmatrix and Vera.

palengke queen

Last week we went to a Hypermarket in Al Barsha just to buy tilapia & crème caramel lang sana. Normally kapag nakakaramdam ako ng pagkatamad na maglakad lakad sa supermarket (which is palagi ko namang nararamdaman) siya na lang mag-isa ang bumibili. Pinapa-memorize ko muna sa kanya kung ano mga kailangang bilhin niya at kapag nalimutan niya tinatawagan niya na lang ako, habang ako naman ay nagrerelak at nagbabasa ng 7days sa sasakyan. But last Thursday parang feeling ko naman tamad akong umupo lang, kaya sabi ko sasama ako, gusto kong maglakad-lakad.

Ang supermarket ay nasa 2nd floor. Kaya kailangan mo pang maglakad ng konti papuntang escalator. Bago ako makaakyat ay may narinig akong tumatawag sa akin. “Miss! Miss!” Nakatingin siya sa akin kaya tumingin din ako na parang nagtatanong. Tanong niya, “Miss, filipina ka?” Sumagot ako ng oo. Ayun na… naghahanap daw sila ng isang babaeng makinis ang kutis (naks) para isali sa maliit nilang program. Pumunta lang daw ako sa itaas sa may customer service. Umakyat ako since yun din naman ang way papuntang supermarket. Nakita ko ang customer service, sa tabi nun ang maliit na stage na paggaganapan ng program nila. Nakaramdam ako ng hiya. ILang beses akong nagpalakad-lakad sa may tapat nun habang may kausap sa fone. Nagpunta din muna ko ng CR para i-check kung talagang makinis nga ba ang kutis at mukha ko. Kaya lang lagpak ako sa salamin. Nakikita ko pa ang bakas ng pimples ko na lumabas lang last week. Meron pa ngang maliliit sa noo ko na hindi pa rin nawawala. Sabi ko sa sarili ko nakakahiya naman baka puro foreigner ang kasali, magmukha akong katulong dun. Hindi pa naman ako naka-heels, tapos jeans lang at naka-green & yellow na t-shirt pa. Boyish ang porma ko that night. Litaw na litaw din na kulang ako sa height. Pero pinilit niya ako. Kaya sabi ko cge lapit lang ako dun. Inexplain nung bading na Pinoy sa akin. Sabi ko balik na lang ako, maggo-grocery pa ako eh. Sabi ko kay pakner ayoko na sumali. Siya naman ung pilit ng pilit sa akin. Kukuhanan niya daw ako ng picture, sumali na daw ako. Sabi ko ayoko talaga kasi hiya talaga ako. Maya-maya habang nag-iikot ikot at nagtitingin ng mga bibilhin. May lumapit na naman sa akin na Pilipina. Isa din siya sa naghahanap ng mga babae. Ayun na naman at naghahanap nga daw sila ng babaeng may glowing skin (naks na naman) kaya sali na daw ako at ieexplain niya kaya pinutol ko na sabi ko alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Inilista niya ang name ko agad at magkita na lang daw kami mamaya. Ilang beses ko din siyang nakita at pinagsasabihan pa akong maglipstick daw ako, kaso wala akong lipstick. Kaya sabi ko wag na lang pwede na tong hitsura ko. Naks sasali na daw ako hahaha.

Natapos akong maggrocery at un na din, pinaupo na kami. Hanggang sa mag-umpisa ang program. Nakita kong may mga kasaling bata kaya sabi ko okei lang. pero habang nagsisimula ung program, hindi na nila isinali ang mga bagets. Binigyan kami ng flowers at gift na ang laman ay 2 bottle of Yardley deodorant spray. Hay akala ko pa nman produkto ng Olay ang ibibigay deo lang pala … Sumali pa naman ako para makalibre ng Olay products waaaah! Mabango naman ang aking… hmpfffffff!!! Continue reading

Laptop for sale

I got a mail from one of my work colleague last week. I’ve been thinking if I would grab it or not. This is really a reasonable price which is so hard to resist. I hope I’ll get it first. Here is the mail:

****

A friend of mine is going to US and he’s selling his Laptop at a final price of just Aed400 ($110 USD or Php 4,800). Seeeee??? it’s so cheap!!!

Brand: HP

System Specs & Configuration:

Pentium IV 1.6 G H z (Intel Pentium 2 duo core)
1 GB DDR Ram
15.4 inch widescreen opengl x2AGP

Windows Vista
Video Card (32 MB )
Nvidia AGP graphics card
120 GB SCSI HDD
DVD writer
SBlive SoundBlaster
2x Fire Wire
3xUSB ports
Complete with accessories & Easy comfort carry-case

 

 

 

****
I need a laptop. I have hefty photos and mp3’s stored in my office PC. I still have more pics in my fone and cam. Both are getting overloaded with files. I think I really need a laptop before my boss realizes that my PC’s full of junk. But the problem is, I’m broke… anyway, share ko na lang sa inyo maybe you’d like to purchase one.

 

Please let me know if anyone is interested so I can help you with her contact details. :D

The picture of the Laptop is attached here.

tags galore

These are the memes na naipon na sa aking baul last week. Ginawa ko na kasi baka makalimutan ko pa. Pero thanks sa pag-alala niyo sa akin. Pero ung kay Azrael pasensiya na muna mejo hindi ko pa kayang gawin eh. Gusto kong gawin kapag may asawa na ako… although alam ko na kahit naman pang mag-jowa pwede naman gawin un. Mag-inarte bah? Pending un for 1 year ha or who knows when… heheheh. Basta gagawin ko na lang bigla un. wehehehe.. nuff explaining!!!

I got this tag from Salve. Yan na sis sabay pa ha. :D Gusto ko i-tag sina sommer, dhez at joanjoyce.

Why I Blog?

1. How long have you been blogging?

Two years ago I have registered myself to blogger pero ako ung tipong madaling makalimutan ang password or username. I think May this year ako nag-start ulit ng bago sa blogger, pero dahil feeling ko masyadong personal ang mga entries ko na iilan lang naman in-abadona ko na. Nagsimula ulit ako ng bago at dito nga sa WordPress last August. Kaya baguhan lang talaga ako sa mundo ng blogging.

2. What inspired you to start a blog and who are your mentors?

Dahil ako rin ay isang inggitera (joke!) kaya kung anong bagong pakulo, join lang ako ng join sabay ide-delete din naman ang account. Ang brother ko ay matagal ng may (dalawang) blog na parang hindi niya na naa-update ngayon dahil sobrang busy sa work. Madalas niya akong kinukulit na silipin ko daw ang link na lagi niyang inilalagay sa ibaba ng emails nila sa akin na dinedeadma ko naman pero nasilip ko na rin. At ang kanyang mabait at matalinong girlfriend (na di ko pwedeng tawaging Ate kasi mas bata siya sa akin) din ay may blog na nakaka-inspire naman kasi masipag magblog at interesting ang mga entries. Pero hanggang ngayon hindi nila alam na may blog na rin ako… wag kayo maingay ha. Di kaso ako nagpaparamdam sa blog nila. Isa pang naka-inspire sa akin ay si Ate. Na-intriga ako sa buhay niya kaya pinagtyagaan kong basahin. Hanggang sa nahilig akong mag-bloghop. Sa totoo lang na-inspire ako sa lahat ng bloggers, simple man o bonggacious ang content at design, english o tagalog, pinoy man o hindi. At siyempre para meron akong outlet sa pagka-bored at homesickness na nararamdaman ko.

3. Are you trying to make money online, or just doing it for fun?

Nope. This is all just for fun. In the future, maybe I will try that.

4. Tell me 3 things you LOVE about being online.

Searching online helps me get informed in anything I want to know. I enjoy reading the funny and exciting life of other bloggers. Lastly, like everyone else, I can express myself freely here.

5. Tell me 3 things you STRUGGLE within the online world.

Sometimes I can’t load a widget which maybe is not supported by WP. I can’t focus at work. Stress after a whole day of sitting and reading blogs.

Continue reading

Scammer Alert

Wala talagang kadala-dala ang mga manloloko. Six months na yata ang nakakalipas nung makatanggap ng email si M. Sa friendster nagsimula pero binigay nung babae, na ang pangalan ay Nancy Vivian Fred, ang email address niya sa yahoo. Gusto niyang makipag-kaibigan. Wala naman sama sa ganun dibah, ang problema ‘not existing’ na ang friendster account ni Nancy. Dahil ako ang tumatayong secretary ni M pagdating sa pagche-check ng emails at friendster niya, ako ang nagreply kay Nancy. Siyempre friendship lang ang dating ng reply ko na kunwari nga ako si M.

Ang mga sumunod na email niya aba nanghihingi na ng tulong na makaalis siya sa bansa nila at magagawa lang daw ni M un kung magpapadala ng pera sa kanya. At bilib ako, may pa-love love, at sweet pa siyang nalalaman eh pangalawang email pa lang niya yun. Obviously scammer toh.. un ang sabi ko kay M. Nagresearch ako tungkol sa ganyang klase ng email. At iyon pala ang tinatawag na penpal scam or sweetheart scam. Sinasabi niyang siya ay isang refugee girl sa Senegal. Madami pang ibang klase ng dahilan kung bakit gusto nilang magpadala ng pera ang lalaking gusto nilang biktimahin. Hanggang sa naipa-block ko na ang email address na ginagamit ng scammer na iyon. Kaya hindi na siya nakapag-reply pa sa akin o kay M.

Madami pa akong ibang mga fraud emails na natatanggap pati ang paghahatian namin ng kayamanan ng kung sinomang hindi ko kakilala. I’m sure ang dami niyo ring natatanggap na mga ganyan. May isa nga akong kakilala, ung kaibigan niya nagpapaloko. Nanalo daw ng kotse at ishi-ship na ang kotse sa kanya. Nagpadala naman ng pera ang kaibigan niya at tinatawagan pa ang mga manloloko. Hanggang ngayon wala siyang kotse.

Kanina nakatanggap ako ng email, ayan paki-click na lang po:

email1
Matagal ko na ring nababasa ito. Kadalasan nga pare-pareho pa ng Serial No. or winning no. Nagkakamali sila ng niloloko, kasi makikipaglokohan at asaran ako sa kanila.

Nakatuwaan ko lang na magreply ng sobrang igsi: “thanks but no thanks scammers!!!

Di bah sobrang igsi lang naman pwede na nga nilang deadmahin at humanap sila ng ibang subject na walang ka-ide-ideya sa mga scam na iyan. Pero nag-reply agad, wala pa ngang 30 minutes. Ito ung reply:

email2
Sino ba naman ang maniniwala jan dibah.

Kung gusto nyong pag-aksayahang alamin ang tungkol sa 419 scam at siguraduhin kung fraud nga o hindi try nyong i-check dito:

Jing-goy

Mabibilang ko lang hanggang sampu o baka nga hindi pa umabot jan ang bilang ng mga closest and trusted friends ko simula nung bata pa ako hanggang ngayong bata pa rin ako. ;)

Ang ilan kasi sa kanila ay biglang dumadating at bigla ring nawawala. Minsan pangit pa ang ending ng friendship. O hindi nga nagkaroon ng ending ang friendship basta na lang nasira. Minsan nasisira naman kapag hinahaluan ng malisya. Lam nyo un.. kapag babae – minsan may naninira; at kapag naman lalaki – minsan ang isa ay nagkakagusto, ang isa naman hindi. At dahil ayaw nung isa, ung isa ay naglalaho o nagkakaron ng gap sa isa’t isa.

Anyway, mabuti na lang at maswerte pa rin ako kahit papa’no. Dahil may mga bagong dumadating pa rin naman na masasabi kong totoong kaibigan. Yung nandiyan pa rin sila kung masaya ka man o hindi, may problema o wala. Isa diyan ang pinakamatagal ko na ring kaibigan… ang ever dearest bestfriend ko na si Jing. Siyempre wala ng papalit sa pwesto niyan sa puso ko. Labs ko yang bruhang yan. Kahit pa madalas mang-asar at mamilosopo, lab ko pa rin yan. Imagine ha 13 years na kaming nagpa-plastikan ni Jing heheh.. joke lang!

Jing

Kung lalaki nga lang iyan baka siya na ang naging boyfriend ko. Yuck! Nung school days pa namin, palagi nga nilang tinatanong kung sino ba talaga sa aming dalawa ang tibo. Siyempre sino pa ba ang mapagkakamalan eh di siya. Boyish masyado eh. Mabuti nga nung naka-graduate ng college natuto ng mag-ayos ayos kaya kahit na short hair na lagi ang look niya ngayon hindi na napagkakamalang tibo. Pretty na ang loka kaya lalong mas dumami ang admirers.

We’re classmates since our first year in high school. Pero naging close lang kami nung 2nd year namin. Madami kaming kalokohan at ka-jologan. Madalas nga kaming mag-reminisce ng mga kalokohan namin.

Continue reading

good news at work

Yey!

I heard a real good news today from my boss. I wish na totoo na ito. Ilang beses na kasing pinangako. Everytime na i-follow up ibibigay na daw pero umabot ng mahigit isang taon.. 1 year and 7 months to be exact since the first time na naka-confirm ako ng lead. At ang pangakong commission ay hindi naman naibibigay. One of the reason kaya nawawalan na ko ng gana dito. Humahaba na ang listahan niya. Halos nawawalan na nga ko ng pag-asa at nakalimutan ko na ang salitang commission. Sana ibigay niya na bago pa mas lalong dumami ang kliyenteng naipapasok namin sa company niya.

Pero kanina… pumunta siya sa maliit naming department at sinabing kinausap niya na daw si MJ at pinapaayos niya na kay MJ. Ibigay lang daw ang listahan ng utang niya para maiayos na.

Good news talaga. Sana naman kung ibibigay wag ng paunti-unti, biglaan para wala ng utang. Kung matutuloy nga ang pagbabayad nila ng utang, ito ang first time na matitikman ko ang pinaghirapan kong pakikipag-usap, pag-eemail, at pangungumbinsi sa mga minsang matataray na kliyente.

I really hope that they’re not giving us another false hope na hindi na namin maging favorite tag line ang:

“ComMission Impossible”

i’m glad you’re my friend!

the badgeThanks to Joan and Vera for this friendship badge. I never thought that in blogging you will be introduced with different people around the world. People you don’t know personally.

And… Eventually, these strangers will be your good friends. By just reading their thoughts and their life, you feel that you’ve known each other for quite a long time. We may not be the closest but I am really grateful that I got to know people like you.

And you BOTH considering me as a friend is really great! :D

Thanks again to you mga sis. Now I got to share this badge to Ate Kiwi (idol kita eh – ang bahay mo ang nag-inspire sa akin para gumawa ng blog), Idotmatrix, A, and Jojie.

crush

Bakit ngayon ka lang… Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y… mayron nang laman…

 

Senti mode? hindi noh!

Almost two years ago meron akong nakilala. He’s simple, tall and neat. Mabait din siya. Mga gusto ko sa isang lalaki. Naging crush ko siya. Nakakahiya mang i-post kasi para naman akong highschool nito pero ito na-post ko na.

Hindi naman ako ung tipong kapag may crush ay obvious at talagang iniisip ko pa. Hindi. Simple lang ako. Hindi mo mahahalata. Kasi hindi kita titignan. Iisipin mo bang gusto kita kung hindi kita titignan? Hindi din ako ang magsisimulang magtext o tumawag para mangumusta. As in deadma lang. At kinakalimutan ko lang din.

Continue reading

once upon a time in chinatown

Hindi ko alam kung bakit kapag nakakita ako ng Chinese Restaurant, parang hinihila akong pumasok at kumain. Wag ng isali ang ChowKing, common na yan, basta ung mga restong tipong Chinese talaga ang theme kung makikita mo from outside. Sinamahan ko siya the other night sa paghahanap ng wholesaler na pwede nyang makuhanan ng green pens para sa isang client niya. Gutom na talaga ako pagkalabas pa lang ng office. Pero sinabi ko ayokong kumain… “coz I’m on a diet!”… arte! minsan lang. heheh.

 

Hala nung napadaan kami sa Little Lamb or Xiao wei yang Hotpot aXiao Wei Yang Hotpott nakita ko ung mga usok sa loob, parang naiisip ko ang noodles. Gusto kong kumain ng noodles! Kaso naman abah baka mahal daw dun. Kabibili lang din kasi namin ng coat at pants niya sa isang shop sa twin towers shopping mall na puro private naman ang toilet kaya di kami makapasok. Tampu-tampuhan ang drama ko. Walang imik habang pabalik sa parking. Hanggang sa nahalata. At nalaman na dahil lang pala dun sa resto na un. Pagbalik ng sasakyan, nag-drive siya pabalik sa tapat nun kung san pwede syang magpark. Kumuha ng menu at pinatingin sa akin para ite-take out na lang since late na kung dun pa kami kakain. Kailangan niya pa akong ihatid pauwi. Pero ma-pride nga ako… sabi ko nawalan na ko ng gana.

Continue reading

yet another tag

If we have things or person we can’t let go.. syempre meron ding mga bagay na gusto nating i-let go. At yan na nga ang tag ni Vera sis sa akin for today. Mukhang hobby natin ngayon ang pag-sagot sa mga memes huh. ;)

Hmmmn… 3 things I want to let go (?) kasi minsan kahit na gusto natin we can’t easily get rid off some things. Pero kung meron man eto ang mga un.

i want to let go of these…

pagiging paranoid at negative — minsan mas nauuna pa kong mag-isip ng kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa akin.

Nung college ako madalas kong nadadaanan ang mga babaeng nakatambay sa kanto, tumitigil sila sa pagkukuwentuhan at parang nagbubulungan kapag dumadaan ako, pagkalampas ko sabay may tatawa. Nakakainis pero dahil mahaba ang pasensya ko sa mga taong hindi ko kakilala dine-deadma ko na lang. Pero iniisip ko pa rin kung ako kaya ang pinagtatawanan nila? Kasi ako lang naman ung dumaan. Tuwing mapapadaan ako dun hindi ko sila tinitignan dahil nakayuko ako lagi pag may tao akong madadaanan pero hindi talaga ako kumportable, wala namang ibang madadaanan. Praning talaga ako. Pero napatunayan ko din na hindi ako nagkakamali na pinag-uusapan nila ako. Kasi nakipagkilala pala sila sa aking lola dear at sinumbong na suplada daw ako. Sinabi naman sa akin ng lola ko un. Pero hindi ko naman sila kilala at hindi naman sila tumitingin noon na tinitignan ko kung may kahit isang titingin, mag-smile sana ako. Kaya naisip ko wala naman silang pakialam, eh di yuko na lang. Ang haba ng explanation ko.

maikli ang pasensya at madaling ma-depress – sabi ko nga kapag hindi ko naman kakilala or hindi masyadong ka-close, i can hold my temper. Pero kapag close friend, bestfriend, or kapatid ko… maikli lang talaga ang pasensiya ko. Madali akong magalit o mainis kapag hindi ko nagustuhan ung ginawa.

Kapag naman may problema, ewan ko ba bakit nade-depress kaagad ako. Ung feeling ko hindi ko/namin maso-solve kaagad. Kailangan pang paliwanagan ako para lang huwag ko ng isipin. Mabuti naman madalas naso-solve din naman.

pagiging masyadong ma-pride — kapag may pinagtalunan kami, ako dapat ang laging tama. kapag sinabi nyang ako ang mali, deadma ka na sa akin. nature na yata ng ibang babae toh…

Un lang! Pero sana mabago at totally mawala na sa sistema ko yang mga ganyang ugali.

nga pala, wala muna kong iistorbohin ;) kaya i’m not tagging anyone.

I Won’t Ever Ever Ever Let You Go!

Got tagged by sis Vera. Instruction was to list down 3 things I won’t let go of. Not that tough! ;)

I won’t ever let go of my Faith in God. Though at times trials come my way and question why do I need to face such difficulties, i still pray and keep my faith in Him that He would guide & help me at all times.

My FamilyHaNg on! & Bestfriends. They are truly hard to let go. Without them I won’t be happy in life. I may have all the material things I can afford to buy, but at the end of the day… family & bestfriend ko pa rin ang hahanapin ko. To share them everything. They are the only people I can trust and will love me kahit na away-awayin ko pa bestfren ko sila. i Luv my family. i Luv my bestfriend. Thanks for being with me kahit na I’m here, (dibale ilang buwan na lang hihi..) and for not getting tired listening to me especially sa mga kakulitan ko. ;)

Finally, I can’t let go of someone who’s been there for me. Saw me cry and laugh. I was so shy then, though i’m not saying a word just staring at you & listening.. matiyaga ka.. that was almost 2 years ago. You even thought i was a little mute! Now i believe that I can fall in love to some one I thought I won’t ever like… Hahah! I can’t let go of… The One. TeeHee. ^_^ Matrix ang dating. Basta sayang! Sayang nga, siya na un. diba Dr. Joy? That’s why I’m tagging you! And also Trish, I wanna see the 3 things you both can’t ever let go.

should i stay or should i go

Ang saya ang bilis talaga ng araw. Thursday na naman – kaya ang ibig sabihin 2 days na pahinga na naman. 2 days na hindi mag-aalarm. 2 days na late ako magigising. pero 2 days din akong hindi makakasilip sa mga blogs. Ano na naman kaya ang gagawin ko sa 2 days na yan. May DVD nga palang pinahiram si Ate last Monday kaya siguro manonood na lang ako ng movie.

Ah naiinip na ako! Parang gusto ko ng mag-April or May 2008. Kasi ang ibig sabihin nun vacation ko na. Uuwi na ko ng Pinas. I’m planning na hindi muna bumalik ng Dubai. Gusto ko kasi ng mahabang vacation. Mga 8months or 1 year. Matagal na ba un? Tapos babalik din naman ako. Kaya lang ang ibig din sabihin niyan dapat mag-resign ako. Hindi naman pwedeng ganun katagal ang bakasyon eh. Ano ko sinuswerte? Kailangan ding ganyang katagal kasi i’m sure dahil kilalang kilala na namin ang boss namin, bibigyan ako ng ban nyan kapag nagresign ako. Kasi ganun siya sa lahat ng umaalis. Kaya dapat lang na hintayin kong ma-lift ang ban, although pwede rin naman bumalik ako agad at magwork while on visit visa. Basta marami pang issues na hindi ko na lang iisa-isahin pa dito at dahil sa mga issues na yan kaya naisipan kong imbes na tapusin ko ang contract ko, i’ve decided na rest nalang kaya muna ko sa Pinas saka ako babalik with a vengeance! hehehe joke lang. But i really hope na matuloy itong plano kong ito at hindi maunsiyami heheheh..

Isa pang dahilan kung bakit tatagal ako ng Pinas ay dahil kailangan ko ding hintayin si Pudra. I think September or October ang uwi niya ng Pinas. Dapat hintayin para kumpleto ang pamilya, di na kasi kami nagkita nung umalis ako noon. I’m sure miss na miss na nila ang pinakamaganda nilang anak. Syempre ako lang kaya ang babae kaya ako lang ang pinakamaganda dapat. :D

‘Yan talaga ang mga bagay na gumugulo sa utak ko lately kaya yata bumalik ang insomnia ko at inaabot ng 3:30am bago makatulog. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang maging desisyon ko

– ang magresign na para sa pagbabalik ko ng Dubai mas magandang company; or

- ang magbakasyon na lang ng one month at tapusin ang contract sa company’ng ito saka maghanap ng mas magandang company…

teka makapag-isip muna ng malalim-lalim…… ;)