RhaPsoDy











{Saturday, July 2, 2011}   Roxy

Love ko talaga ang mga puppies and doggies. Di naman siguro obvious at nakapagsulat na ako noon about my pets na mababasa DITO. I don’t care whether Aspin ba yan or may lahi, basta kapag nag-alaga kaming family ng aso tinuturing namin silang ka-pamilya, parang tao rin. Hindi naman namin pagsisisihan dahil napaka-konswelo nila. Kung minsan nga napagkakamalan ng mga kapitbahay na mayroon kaming baby sa pamilya kaya lagi kaming magulo, maingay at masaya. Kung papaanong pagbe-baby talk ang gawin ng kapitbahay sa mga bata sa kanila ay parang ganoon din kasi kami magbaby talk sa aming mga alagang aso. Kaya naman siguro akala nila may bata nga kaming inaalagaan. Noon nga daw bagong lipat pa lang kami sa bahay na ito ay narinig ng aking pudra na nagtatalo ang mag-asawang kapitbahay. Ang sabi ng lalaki may bata sa bahay namin. Ang sabi naman ng asawang babae aso lang daw ang nilalaro sa aming bahay. Akalain mo pagtalunan pa yun hahahah.

Sa aking pag-uwi noong nakaraang taon, super happy ko dahil bukod sa nakita at makakasama ko na ang aking pamilya, kasabay noon ay na-meet ko na rin ang two doggies na pahapyaw kong nabanggit doon sa aking naunang post mahigit tatlong taon na ang nakakalipas.

Si DJ super close na kami ngayon. Love niya ako pero enemy niya rin ako tuwing meal time niya kahit nakatayo lang ako or may kausap naiinis siya sa akin. Sinusugod at tinatahulan. Nung minsan nga na out of balance ako, ayos gasgas at mga pasa lang naman ang inabot ko. Di niya naman ako kinakagat dahil kahit gigil na siya sa akin, unan at mga sofa lang ang kinakagat niya.

Si Bugs, ang aming terrier doggy. Hindi ko alam kung ano ba talagang breed niya basta ang sabi ni mudra terrier daw si Bugsy boy. Masyado siyang galawgaw at mabigat. Kapag nilandi niya na ako hindi na ako gumagalaw dahil for sure matutumba lang ako sa sobrang lakas niya. Recently nagkasakit siya, don’t know kung ano’ng nangyari sa kanya. Basta na lang naging weak siya. Willing na nga kami to let go of him kasi nakakaawa na siyang tignan. Pero iba talaga si Bugs, palaban siya at hindi basta basta sumusuko. Kaya sa ngayon ay unti unting lumalakas na siya.

Balik uli kay DJ ng kaunti… Sobrang playboy at in demand siya sa mga babaeng aso ng aming mga kapitbahay. Nagkalat ng lahi at swerteng napapunta sa amin ang isang anak niya. We named her Roxy. Super cute na puppy siya kaya naman madali ko siyang minahal. Hindi lang sa pagiging cute niya kaya sobra ko siyang minahal. Napakakulitpa niya, malambing at malandi. Noong ibinigay siya sa amin ng kapitbahay, hindi man lang siya namahay. Napagkamalan niya kasing nanay niya si DJ na tatay niya, magkakulay kasi ang parents niya. Tuwing gabi kinakagat niya ang paa ko. Hinahabol ko siya at pinapahabol niya ako tuwing gabi, love niya ang larong habulan. Si Bugs na siga at DJ na suplado napaamo niya. Super adorable at malambing kasi siya.

After 2 months, dumating ang isa pang puppy galing sa ibang lugar. Si Alex. Pinangalanan naming Alex dahil kahit girl siya ay mukhang boy. Pinaampon siya ng kapitbahay dahil hindi sila makapag-alaga ng aso. Tahimik siya at madalas tulala. Sobrang baby pa niya kaya lalampa lampa siya. Dahil ampon siya tinutusok tusok siya ng nguso ni DJ. Katagalan naman ay naging welcome na rin siya sa familia ng aming doggies at lagi silang magulo at naglalaro with Roxy na ayaw pasapaw. At take note galawgaw na rin siya.

Lahat ng aso namin kinuwento ko na naman… Ang totoo nyan si Roxy lang naman talaga ang gusto kong ikwento. Gusto ko lang kasing isulat para kahit tumanda na ako mabalikan ko pa rin ang alaala niya. One hour ago kasi, pagpatak ng ika-3 ng July, 2011 iniwan na kami ng mahal naming si Roxy. Dalawang araw na siyang may sakit at nanghihina. Inom lang siya ng inom ng tubig kanina pero sinusuka niya rin ng sinuka. Ginawa naman namin ang dapat gawin pero hindi na niya nakayanan ang hirap.

Naaalala ko tuwing gabi kusang umaakyat ng kama si Roxy para matulog sa tabi ko. Araw-araw nasa mood siyang maglaro. Paa ko lang ang lagi niyang kinakagat kagat at hinahabol habol bilang paglalambing niya sa akin. Kahit itaboy ko pa siya at ituro ang paa ng iba hindi niya ako titigilan. Sa tuwing lalaruin namin si DJ or Alex, isisingit niya agad ang sarili niya dahil super selosa siya. Ang gusto niya sa kanya palagi ang atensyon at siya ang laging baby. Kahit himbing siya sa pagtulog nakagawian niya ng tuwing gabi ay gumising para makijoin sa midnight snack ng aking kapatid.

Sa kaunting panahon na nakasama ko siya (malapit na siyang mag 8 months, magpipitong buwan ko siyang nakasama) sobra yung bigat ng loob na naidulot ng pagkawala niya. Nanghihinayang ako ng sobra dahil nag-expect na ako na gaya ni DJ at Bugs ay aabutin siya ng ganoong katagal. Magkaka-anak at bibigayan din kami ng maraming mga puppies. Pero hindi pala mangyayari yun :(

Haay life talaga! Akala ko sanay na ako sa ganitong mga eksena, yung tipong hindi na ako kayang paiyakin ng mga alagang aso. Pero hindi ko talaga napigilan ang emotions ko. Nakakalungkot dahil mami-miss ko yung ginagawa niyang paglalambing sa akin at pagtabi sa pagtulog na akala mo’y tao rin siya. Nakakalungkot kasi kahit sinabihan ko siyang kung nahihirapan siya ay tatangapin ko ng mawala na siya, pero sa loob ko ay pinagdadasal ko na sana gumaling na siya. Nakakalungkot din dahil narinig ko yung dalawang huling iyak niya bago siya mabawian ng buhay. Nakita ko yung hirap niya sa dalawang araw lang na iyon ay bumigay na ang katawan niya na hindi ko inasahan. Huling haplos ko sa kanya gumagalaw pa siya hanggang tuluyang tumigil na. Haaay!!!! Ano ba yan ayoko na kasing maging sobrang close sa puppies and doggies! Nakakasama ng loob kapag iniiwan na nila ako :(

Mami-miss ko ang mahal kong si Roxy :(



{Wednesday, June 22, 2011}   I can’t say goodbye to blogging…

Totoo nga yata talagang…” Once you blog, you can’t stop!” :D Kahit wala naman ding saysay ang ibablog. Kasi eto na naman ako at gusto’ng magblog. One year ko ding sinara at pinilit kalimutan ito. Parang naririnig ko pa si Helen Reddy at Gary V habang kinakanta ang linyang…

♫♪♪♫ I can’t say goodbye to you…. No matter how I tried, you’re such a part of me… ♪♫♪♫  Kay tagal mo mang nawala, babalik ka rin, babalik ka riiiiin…♪♫♪♫♪

Haist, wala na yata akong masyado magawa sa Facebook kaya eto at nagbabalik na naman sa paminsan minsang pagbablog. Nabubusit lang ako dahil hindi ko mailagay ang google adsense sa dahilang hindi ko mapalitan ang address ko waaaah! Napaka-useless ng adsense ko!

Heinaku… wala pa ring tigil ang mga comments sa lumang entry ko about pagpapataba kaya naman lagi akong nareremind na may blog pala ako. I dunno know if may iba pang naliligaw dito sa aking bahay bukod sa mga gustong magpataba ^-^ Basta ako magbablog kahit wala ng audience heehee!!! I sooo missed this ;)



{Sunday, May 16, 2010}   buh-bye

Nagsimula akong magblog out of boredom sa disyerto. Nakitingin, nakitawa, nakiiyak at nakibasa ng buhay ng iba. Sobrang nawili at kulang ang araw kung ndi makagawa ng entry. Kung anu-ano’ng makabuluhan at walang kabuluhan ang laman ng aking munting blog :D Hanggang sa naging madalang na ang paga-updated dahil sa isang problemang naging dahilan kung bakit nawalan ako pansamantala ng ganang magsulat. Kung pinagpilitan ko, malamang puro hinanakit at galit ang laman.

Napakarami kong natutunan last year. Though I was not able to blog about it here, let me just say that everything is fine now. I am very happy, satisfied and proud of myself rin :D All thanks and praise to GOD. :D

Sa ngayon, I’ve decided na iwan na ng tuluyan ang blog na ito. Ngunit hindi ko magawang ma-delete dahil naging part na ito ng buhay ko, naks! Malamang gumawa na lang ako ng panibagong blog. :D Kitakits sa kabila :D



{Saturday, March 27, 2010}   Ice skating sa Disyerto

Kinalimutan ko muna sandali ang mga alalahanin kaya’t kasama ang ka-roommate nagpunta kami sa Dubai Mall para mag Ice skate. We don’t actually know how to skate, we never tried skating before as well. For us, it looks so easy to skate. Ang galing naman kasi ng mga nakikita ko noon sa araw araw dun sa Hyatt Regency Hotel. Gusto ko talagang i-try noon pero wala namang time at kasama. Kaya kanina sinamantala ang pag ice skate sa Dubai Ice Rink. Xempre pa’t excited kami. Pag-apak na pag-apak sa loob ng rink, aun na sabi ko labas na kaya kami. Heheh.

Hindi pala ganung kadali lalo na kung first time mong gagawin. As expected kapit lang kami sa gilid, ilang ulit ng muntikang matumba hanggang sa natumba na nga… kakatawa naman pareho pa naman kaming hindi marunong. Hmmm kung may gwapong trainor lang sana eh di inubos namin ang buong dalawang oras na un. Kaso wla eh kaya 15-minutes is enough. Sayang ang 50 dhs mabuti na lang at binigay lang ang pass na iyon ng friendship ko :D



{Saturday, March 20, 2010}   I’m happy despite…

Yes, I dunno why I feel happy the past 2 days. Oh well, of course there is one reason pero di ko pa masabi sa ngayon. I know I shouldn’t celebrate just yet, ayokong maudlot. But still, I’m happy despite all the problems I’m still having. Yes, my life now is a bit complicated and down to its worst but it sure is gonna end very very soon. It doesn’t mean na lahat ng problema ko ay matatapos na, but I’m happy na nakakakita na ako ng liwanag for this one big problem I have been dealing with for almost a year now.

Still keeping my fingers crossed and praying that the next step I need to do wouldn’t be too hard to accomplish. May God help and guide me. I know this too shall pass.



{Saturday, February 27, 2010}   nonsense

Bakit nakalimutan ko bigla ang mga bagay na nasa isip ko kanina?

Okei.. sandali po iisipin ko lang… sandali muna… wait lang! lol! ampft! I swear ang dami talagang tanong sa isip ko kanina! Ganito ba talaga ‘pag confused, talaga naman lahat na lang nalilimutan ko! Tungkol sa “Pag-ibig” un eh..!

Kainis! Ganito yata talaga pag problemado sa buhay at pag-ibig naks! Me ganun? Noon ang saya saya tapos ngayon… parang ang labo labo na. Tama na munang emo toh! Next time na lang uli ‘pag maalala ko ung mga tanong sa isip ko :D



{Wednesday, January 13, 2010}   Disappointed

Pwede bang umiyak… :(

Sad sad sad… disappointed about something. Kelan kaya ulit ako magiging happy and satisfied. Everything seems so slow and difficult. I wish God would give me more courage, patience, guidance and wisdom to understand all things.



{Wednesday, December 9, 2009}   4:01 PM

bakit palaging may hadlang. o kaya naman problemang dumadating.
dapat nandito ka na pero ganun ba talaga. ayan tuloy wala ka pa rin.
kung minsan gusto mo ng sumuko sa isang bagay na parang imposible naman.
pero kung iisipin mo naman parang ang hirap kayanin.

naiisip kong hindi yata talaga tayo para sa isa’t isa.
di ko naman kayang kalimutan ka na lang.
lagi ka kasing nariyan, ayaw ding bumitiw.
ayoko ding bitawan ka pero kung un ang makakabuti bakit hindi.



{Monday, November 30, 2009}   2:40 AM

I just wanna say HELLO! and thought of checking out this blog.
I’m still alive yet feels like I’m six feet under.

I missed this blog.
I missed him.
I’ve missed and still missing a lot in life.

Gotta go and sleep!



{Tuesday, June 30, 2009}   kamusta ang blog ko

gosh! tagal kong nawala. kamusta naman ang blog na ito? mabuti naman at hindi tuluyang nadelete. actually gusto ko na talagang maglahong parang bula. Ayoko kasi ng drama’ng pamamaalam. pero alam ko naman kahit iwan ko ito ng isang taon babalik pa rin ako for sure. hindi ko na nga lang kayang magkwento yata. just now bigla ko nalang naisipang buksan ito. so since i feeeeeel so bored today dahil

1. wala na ang mga ka-chat kong sina:
a. bespwen – kasi uwian na daw.
b. pugak – kasi laging laglag ang koneksyon.
c. madam a – kasi absent today, may date ang lola ko.
d. papuch – nangakong mag-oonline wla pala, kainis.
e. grasya – na wlang ibang sinasabi kundi “kamusta na? ano ng balita. Ay wait lang.” Sabay logout. Lukaret talaga.
f. x-opismate – dahil may bago na siya trabaho at ndi na pwedeng babad ang mukha sa YM.

2. Dami kong iniisip na kung anu-ano hindi ko alam kung anong uunahin kong isipin.

3. Inip na ako sa paghihintay kay papuch kung kelan siya babalik.

4. Inip na rin ako sa paghihintay sa wala namang patutunguhan.

5. Hindi pa tumatawag si papuch. Gusto kong malaman ang updates eh.

6. Gusto ko ng mag-6PM ng makauwi na.

Ito ang dahilan kung bakit biglang nagkaron ng update ang blog na ito na wlang kwenta ang update. pasensya na tao lang.

see you after one year :D



{Thursday, April 23, 2009}   daily routine

Ikaw na naman ang kaharap ko. Lagi na lang ganito. Nauubos ang oras ko sa maghapon na pyuter ang kaharap at internet na lang ang laging pinagkakaabalahan. Pero nababagot na ako kasi wala na akong ibang magawa bukod pa sa mga nasabi ko. Mag-oonline sa plurk ng ilang minuto, magla-logout. Check ng FS, tingin ng updates, logout. Tingin ng ibang accounts ko sa kung saan saang social networking sites, konting reply sa mga pwends, logout. Check ng lahat ng emails ko… ang dami kong email id eh lol. Pero lagi naman may error ang YM bakit ganun lalogout na nga lang, error pa ang aabutin. Check ng wordpress, magbura ng bwisit na Spam, isipin kung paano ko ba maaayos ang engoticon na masyadong mataas kesa sa text. Ang sagwa kasi tignan eh!

Tapos makikita ko na lang 5:46 PM na? Gabi na naman ng hindi ko namamalayan! Magpupunta na naman ako ng kusina at magiisip kung anong iluluto, naks! Sa mga dati ko ng kakilala, wag nyo akong pagtawanan dahil marunong na akong magluto. Hahaha! Wag nyo lang akong titignan pag nagluto ako kasi mako-conscious ako panigurado palpak ang kalalabasan nun. :mrgreen:

Pagkatapos ng dinner, internet na naman pero di na alam kung ano’ng ise-search. Kahit mga hindi ko sinusubaybayang tele-serye na malapit ng matapos, bigla ko na lang maiisipang panoorin. Wala lang pampalipas oras. Tapos pag tinamad na matutulog na pero hindi naman makatulog. Nung isang beses 8AM patulog pa lang ako. Buti nagimprove naman kagabi kaya siguro 2:30AM ako nakatulog pero kinailangan ko pang uminom ng gatas. Mabuti naman at umeepek na uli ang gatas sa insomnia ko.

Bukas ganito na naman, tapos walang tulugan na naman.



{Wednesday, April 22, 2009}   spam

Finally, napalitan ko din ang theme ko. Yun na nga lang GREEN pa rin hahaha! Hindi ko naman paboritong kulay ito. Fenk kaya ang gusto ko kaya lang wala namang matinong pink theme sa wordpress. Ang tagal ko ng gusto ang theme na ito, kaso lang may nagmamay-ari na dati kaya napilitan akong piliin ang neon green kahit sumakit sakit na ang mata ko sa sobrang bright ng kulay. Pero ngayon wala na yata siyang blog eh kaya ako naman use ng theme na ito ha. :smile:

Lately sobrang nagtataka na ako sa mga SPAM na iyan. Ang silbi lang ba ng AKISMET talaga ay i-separate ang mga feeling niya ay Spam comments? Kaso ang nakakainis nun pati ang mga totoong comments nailalagay niya rin sa SPAM. Ang masaklap pa dun dahil sa dami ng spam na pumapasok sa isang araw, like 20+ every 15 minutes, kung minsan 50 to 100+ per day, kung minsan mabibigla na lang ako 300 na. Kadalasan hindi ko na tinitignan kung may naligaw na totoong comments dahil sa sobrang dami binubura ko na lang lahat ng spam, ang hindi ko alam meron din palang totoong comment ang nahahalo. Nung isang araw ko lang napansin, tsk tsk tsk.

Paano kaya maiiwasan yang mga lintek na spam na yan?



{Tuesday, April 21, 2009}   Ang Blogging at ang Award

Aaminin ko na. Ilang beses ko na talagang kinatamaran ang magpatuloy ng pagba-blog. Parang ayaw ko na kasing magkwento ng mga pang-araw araw na karanasan ko. Parang gusto ko na ng privacy sa buhay ko. Kahit na alam ko namang bibihira lang ang naliligaw at nakakabasa nito, ayaw ko pa ring isang araw ay matuklasan ng iba na meron pala akong talaan sa mundo ng internet. At paano kung magkataong extra pa sila, at baka sila pa ang bidang kontrabida lolz. Sila ang bida dahil tungkol sa kanila pero kontrabida pa rin sila dahil mas bida ako, syempre akin ang blog na ito hahaha.

Pero gusto ko lang linawin na kahit naging kontrabida sila minsan sa kwento ko, hindi naman ibig sabihin nun ay sila na ang pinakamasamang nakilala ko sa buong buhay ko. Dala lang iyon siguro ng tampo ko nung mga panahon na iyon. Pero syempre sino ba naman ako para hindi kalimutan ang mga pangyayaring iyon. Malay ko ba kung may buwanang daloy (lolz) lang pala siya nung mga panahong iyon kaya naging kontrabida siya sa buhay ko.

Kahit madalas kong binalak na isara na ang talaang ito, hindi ko talaga magawa. Dahil minsan sa buhay ng kalungkutan (drama ‘toh! haha!) sa abroad at pagkabagot sa opisina dahil walang ginagawa sa buong araw, ito ang naging instrumento para gumaan ang loob ko at mapasaya sa pamamagitan ng pagbisita sa mga blogs ng iba. Nandirito pa rin ako para patuloy na ishare gaano man kaganda o kapangit, kasaya o kalungkot ang mga pangyayari sa paligid ko. i Lurve blogging! :D

Pasok na ba ito kenjie para sa Neno’s blog Award? HeHeh!

The aims of Neno’s Blog Award:

  • As a dedication for those who love blogging activity and love to encourage friendships through blogging.
  • To seek the reasons why we all love blogging!neno-award
  • Put the award in one post as soon as you receive it
  • Don’t forget to mention the person who gives you the award.
  • Answer the award’s question by writing the reason why you love blogging.
  • Tag and distribute the award to as many people as you like.
  • Don’t forget to notify the award receivers and put their links in your post.

nagbabaga-award

Napakatagal ko ng hindi masyadong nakakapag-bloghop, patawad talaga hehehe. Sobrang naging busy-busyhan lang talaga ako. Meron akong favorite na i-tag ang kaso lang eh mukhang busy-busyah din ang byuti haha. Pero ipapasa ko pa rin ang award na ito para sa kanila: Vera at Jojie!

Huh! Meron pang isa ginoong kenjie? :D Ang dami ko pang nakikita ha pero ito na lang ang isa ko pang tatangayin tamang tama sa painit ng klima sa disyerto, ang Nagbabagang Blog Award :D

Pahabol pa pala. Gusto ko nga palang i-congratulate si Mr. & Mrs. Thoughtkoto sa pagiging successful ng PEBA. Fresh na fresh pa rin sa isip ko at hindi pa rin makapaniwalang ako ay 10th honor sa nakaraang Search. At super eksayted na ako sa PEBA 2009, namimili na ako ng mga OFW Blogs na pwede kong i-nominate. Goodluck!



{Sunday, April 19, 2009}   Protected: and the winner is ME

This post is password protected. To view it please enter your password below:




{Saturday, April 18, 2009}   Bakit ganito?

Hay buhay! Bakit naman ganito?

Nung isang beses lang nagrereklamo ako kung bakit ang aga aga kong magising. Ngayon naman magrereklamo na naman ako. Bakit na naman? Eh kasi naman pa-late ng pa-late na ang gising ko. Nung isang araw 10:00AM, pwede… sumunod na araw, 10:30AM pwede pa rin.

Yung mga sumunod pang araw, 12:30NN. Pagkatapos kanina 1:15PM. Grabeh. Ibang klase kahit iwang bukas o patay ang ilaw sa room walang epekto, hindi ako nagigising. EH bakit ako tanghali nagigising? Kasi naman hindi ako makatulog. Kung minsan paikot-ikot lang ako sa higaan. Kung minsan naman papasyal pasyal ako sa room at cr. Hanggang sa tignan ko ang oras 4:30AM na pala. Minsan naririnig ko na ang pag-uumpisa ng Salah, ang ibig sabihin lang nun ay alas-singko na ng umaga at gising pa rin ako… waaaaaaaaaaaaaah!

Ngayon 12:15MN pero buhay na buhay na naman ang mata ko. Walang ka-antukang nararamdaman ang mata ko. Pati ang pagkain ko iba iba tuloy ang oras. Kanina nag-almusal ako ng 1:30PM, tanghalian ng 3:30PM (no choice dahil walang kasabay si A maglunch buti masarap ulam namin yehey!) tapos ang dinner ay 9PM. Kanina pa ako nagba-browse pero parang wala na akong alam na gawin sa internet, wala ng ma-browse kakasawa na, wala nang maka-chat dahil tinatamad din ako kung minsan. Mas madalas nawawalan na rin ako ng inspirasyon mag-blog pero ndi ko rin maiwan-iwanan. Gusto ko lang namang bumalik sa normal ang oras ng pagtulog at paggising ko. O di kaya naman, ito ay isa lang training dahil malapit na daw akong umuwi ng PINAS?



et cetera
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.